Make your own free website on Tripod.com

KABANATA 3 TALATUNTUNAN 

KABANATA IV

HAMON AT TUGON

 

Ang Tunggalian ng Pangulong Arroyo, ng K4, at ng Oposisyon

sa Kampanya Para sa Pampanguluhang Halalan Ng 2004

 

Michael Charleston B. Chua

 

Ang baho baho, ang baho baho, ang baho baho ni GMA!”[1]

-inawit ni Ernesto Maceda, kandidato sa pagka-senador

ng KNP, sa himig ng “Bulaklak” ng VIVA Hot Babes

 

             I.      PANIMULA

 Ayon kay Tony Lopez, isang mamamahayag, “Ang eleksyon natin parang entertainment show, may daya, may fraud, may patayan, may agawan ng balota, [at] may takutan.  ‘Pag nawala ‘yan sa eleksyon natin, hindi na exciting!”[2] Kung gayon, ang eleksyon ay isang nakatutuwang palabas. Hindi ito magiging kapana-panabik kung walang magaganap na pagbabatuhan ng putik sa pagitan ng magkakalabang kandidato at kanilang mga partido.

Hindi naiiba ang kampanya para sa pampanguluhang halalan ng 2004 kung ito ang pag-uusapan. Ang kaibahan lamang ay ang pagtakbo ng isang nakaupong pangulo para sa parehong posisyon.  Dahil dito, naging isang malaking usapin nang nakaraang halalan kung mananatili si Pang. Gloria Macapagal-Arroyo sa puwesto o hindi. 

Tatalakayin ng kabanatang ito ang mga hamong inilatag ng oposisyon, mula sa mga paratang, black propaganda at sa pagsasabing sila ang magandang alternatibo sa kasalukuyang pangulo, at ang mga naging tugon ng koalisyong K-4.  Kikilalanin ang mga kandidato at ang mga partidong naging katunggali ng Pang. Arroyo sa halalan: ang kanilang mga paninindigan at paniniwala, at kung paano nila sinikap na hamunin ang nasa kapangyarihan sa kanilang pagtatangkang makuha ang pwestong pinanghahawakan ng mga ito.

Tatalakayin din ng kabanatang ang mga nilalaman at mga pinagbatayan ng mga petisyong isinampa upang mapawalang bisa ang kandidatura ni Pang. Arroyo.  Titingnan ang mga paratang na ipinukol ng mga kalaban ng pangulo at paano ito sinagot ng iba’t ibang mga personalidad sa loob ng kampanya ng pangulo.

  Tatalakayin din ang paratang laban sa  kredibilidad ng COMELEC, na magsagawa ng isang malinis at tapat na halalan.

Gayundin, bibigyan din ng puwang sa kabanatang ito ang mga hamon na ibinato sa mga bahagi ng oposisyon.

 Magbibigay rin ng pagtalakay ukol sa opinyon ng ilang personalidad sa isinagawang paraan ng kampanya ng partido ng Pangulo. Aalamin kung nakatulong ang sinasabing pagkakawatak-watak ng oposisyon upang magwagi ang Pangulo at karamihan ng kanyang mga kapanalig noong halalang 2004. 

Sa huli, titimbangin ang iba’t ibang mga pananaw at opinyon ukol sa kung naging matagumpay nga ba ang pagtugon ng administrasyon sa mga naging hamon ng oposisyon.

 

SINO ANG OPOSISYON?[3]

Ang oposisyon na tinutukoy natin sa kabanatang ito ay ang mga nakalaban ni Pang. Arroyo sa halalang 2004, ang mga partido at pulitikong sumuporta sa mga ito, at yaong mga taong pormal na nagsampa ng kaso laban sa pangulo sa COMELEC.

Ang nangunang oposisyon ay pinamunuan ni Fernando Poe, Jr.,[4] na kilala rin sa tawag ng FPJ o Rannie, sa mga kasama sa industriya ng pelikula.  Si Ronald Allan Kelley Poe sa tunay na buhay ay isang matagumpay na artista at prodyuser ng mga pelikulang aksyon.  Dahil sa kanyang karerang umabot na nang kalahating siglo, siya ang itinuring na “Hari ng Pelikulang Pilipino.” Sa maraming pagkakataon, iniwasan niya ang pumasok sa mundo ng pulitika.  Nangako rin siyang hindi tatakbo sa pagkapangulo; subalit nakumbinsi rin siya ng kanyang mga kapanalig.  Sa ilang pagkakataon, mula nang ideklara niya ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo, ilang beses na siyang tinanong kung bakit, sa tingin niya, siya ay magiging mabuting pangulo kahit na wala siyang sapat na karanasan. Minsan ay tumugon siya ng, “Mahal ko ang bayan natin.  Ano pa ang maibibigay ko sa bayan natin kundi [ang] buhay ko?” at sa ibang pagkakataon, “Because I’m honest! [5]  Kanyang ipinapangako na ibabalik ang tiwala ng taumbayan sa pamahalaan. Ito ay kanyang isasagawa sa kanyang pamamahala na may  “…total transparency and I vow to them that my government, and the head, I’ll show a leadership by example will never be corrupt.”[6]

 Pinamunuan ni FPJ ang nangungunang oposisyon noong halalan 2004, ang Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP), na binubuo ng mga partidong Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), partikular ang paksyon ng pinuno nitong sina Sen. Edgardo “Edong” Angara at Vicente “Tito” Sotto, III; Partido ng Masang Pilipino (PMP), na ang pangulo ay si Horacio “Boy” Morales; ang Partido Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-LABAN) ni Sen. Aquilino “Nene” Pimentel Jr.; at ang isang paksyon ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ni Danding Cojuangco  Ang alyansang ito ay binuo para lamang suportahan ang kandidatura ni FPJ.  Katuwang ni FPJ sa pagtakbo si Sen. Loren Legarda sa pagkapangalawang pangulo, na dating bahagi ng administrasyon.  Ang kinatawan ng Sorsogon sa Mababang kapulungan, Kinatawan Francis Escudero ng NPC, ang naging tagapagsalita ng KNP.

Isa pang bahagi ng oposisyon  ay si Sen. Panfilo Morena Lacson,[7] mas kilala sa taguring Ping .  Sa kanyang huling TV ad[8], kanyang sinuma ang kanyang plataporma sa tinawag niyang kanyang mga kalaban:  ang K4—kahirapan, katiwalian, krimen at korupsyon. Ang kanyang kandidatura ay sinuportahan ng paksyon ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) na pinamunuan ng pangkalahatang kalihim ng partido na si Kinatawan Agapito “Butz” Aquino III.

Isa rin sa oposisyon ay si Raul Sagarbarria Roco.[9]  Sa pangalawang pagkakataon, muling sumabak sa pampanguluhang kampanya si Roco, at sa kalagitnaan ng kampanya ay kinailangan niyang pumunta sa Estados Unidos upang magpagamot dahil sa kanser; subalit nagbalik din upang ituloy ang laban.  Kung susumahin ang kanyang plataporma, ito ay ang Agenda of H.O.P.E.—“Honest Government, Opportunity for all, special privileges for none, Peace productivity and prosperity, Education and environment for sustainable development.”  Naniniwala rin siyang, “People are our wealth.  They are more important than institutions.”

Pinamunuan ni Roco ang Alyansa ng Pag-asa na binuo ng Partidong Aksyon Demokratiko ni Sen. Roco, PROMDI ni Lito Osmeña, at Reporma ni Renato de Villa.  Katuwang ni Sen. Roco sa pagtakbo ay ang kanyang kandidato sa pagkapangalawang pangulo, ang bihasang pulitikong si Herminio “Hermie” Aquino ng Tarlac, at ang kanilang mga kandidato sa pagkasenador.

                                                                                   

 Isa rin sa oposisyon nang halalan ay si Bro. Eduardo Cruz Villanueva, na kilala sa marami bilang Bro. Eddie.[10]  Ayon sa kanya, tinawag siya ng Panginoon upang kumilos laban sa laganap na katiwalian sa ating bayan kung kaya siya ay tumakbo.  Para sa kanyang kandidatura, binuo ang Bangon Pilipinas National Renewal Movement na binuo ng mga volunteer hindi lamang mula sa JIL kundi mula rin sa iba’t ibang mga simbahanng Kristiyano, Muslim at iba’t iba pang sektor.[11]  Ang kanyang pangunahing mithiin—moral rebirth , “Bangon, Pilipinas!  Panahon na!  Mahalaga ka—May magagawa ka!”[12]

 

 

 

PARAAN NG PAGSAGOT NG K-4 SA MGA PARATANG NG OPOSISYON

            Sa aming panayam sa loob ng kanyang sasakyan, ibinahagi mismo ng anak ng Pang. Arroyo, Kong. Mikey Macapagal-Arroyo, ang katotohanan sa bawat kampanya sa isang demokratikong bansa:

In a democracy, during the elections, it is expected that there are attacks against you, issue against your platform of government, your structure of governance, or your personal traits will come out.  When you present yourself to the public, to the electorate for support, that is the time also that the oppositionists regarding your candidacy will out your supposed misdemeanors, or supposed bad characteristics, so you just have to do is to answer those accusations point by point and to disprove them?[13]

 

            Sa pangkalahatan, paano nga ba sinagot at pinabulaanan ng Pang. Arroyo at ng kanyang mga ka-partido ang bawat isyu na ipinukol sa kanya ng kanyang mga kalaban?  Ayon kay Kong. Mikey, “Sinagot niya point by point.”[14]

            Ayon naman kay Sen. Pilar Juliana “Compañera Pia” Cayetano, nang siya ay aming kapanayamin, kung noong kampanya ay dapat bang ipagtanggol ng mga kandidato sa pagka-senador si Pang. Arroyo kung ito’y binabatikos,

Do they have to?  No one will point a gun to your head and tell you you have to, but generally you kinda try to, especially kung line of expertise mo yun, if you have something to say about it, like kunwari ako… if there was something that I knew she felt strongly about and yun din naman ang advocacy ko, then I would also like, something in the papers, kanina nabasa niyo ganyan-ganyan, so kaya nga ho excited ako na susuportahan niyo ako I can support the president on that issue yung parang ganun.  Ako, I would support, pagka yung ide-defend mo matitinding politika, personally, I didn’t really get involve because, like I said, wala akong masyadong alam dun, the reality is.[15]

 

            Maging ang mga kandidato ng administrasyon sa lokal na kampanya ay kailangang sumagot ng ilang mga isyu laban sa Pangulo ayon kay Kinatawan. Mauricio Domogan ng Lungsod ng Baguio sa kanyang tugon na, “Of course, we have to answer issues.”[16]

            Makikita rito na nagsisikap ang buong makinarya ng kampanya ng pangulo, mula pambayan hanggang pambansa, na ipagtanggol ang pangulo mula sa kanyang mga kalaban.  Sa buong papel na ito, makikita na sa bawat lebel ng kampanya ay may tumutugong personalidad o grupo sa bawat isyu laban sa pangulo.

 

ILANG MGA PETISYON PARA SA DISKWALIPIKASYON NG PANG. ARROYO

Marami ang mga naging pagtatangka mula sa iba’t ibang sektor, partido at abogado na hamunin ang legalidad ng pagtakbo ng pangulo sa pampanguluhang halalan base sa mga sinasabing paglabag nito sa mga patakarang panghalalan.  Ito ay kanilang isinakatuparan sa pamamagitan ng pagsasampa ng petisyon sa Komisyon sa Halalan (COMELEC) upang mapawalang-bisa ang pagtakbo ng pangulo (diskwalipikasyon) sa halalan ng 2004. 

            Sa aming panayam sa tagapangulo ng COMELEC, Benjamin Abalos, Sr.,  sinabi niya na, “So far, wala kaming nadesisyunang paglabag kahit na sino [sa] kanilang dalawa [Pang. Arroyo at FPJ].”[17]

Gayunpaman, magandang suriin pa rin natin ang ilan sa mga ito.

Isa sa unang hamon sa kandidatura ng Pangulo ay yaong isinampa noong Ika-30 ng Enero, 2004 ni Melchor “Mel” Chavez, pangulo ng Asusasyon ng mga Komentarista at Anaunser ng Pilipinas (AKAP), Inc.  Ayon sa kanyang petisyon, ang katibayan ng kandidatura ni Pang. Arroyo na ibinigay sa COMELEC noong Ika-5 ng Enero, 2004 ay isa lamang “mere scrap of paper.”[18]  Ito ay sa dahilang ang katibayan ay walang kapangyarihan sapagkat sinumpaan ito ng Pangulo sa harapan ng Assistant City Prosecutor ng Lungsod ng Maynila[19] na walang karapatang mangasiwa ng pagpapatotoo na hindi itinatadhana ng Republic Act No. 6733[20] na nag-aamyenda sa Ika-41 Seksyon ng Revised Administrative Code ng 1987.

Ayon kay Chavez, hindi kabilang ang Assistant City Prosecutor ng Maynila sa mga opisyal na sibilyan, na nasa paglilingkod ng pamahalaan, na nakasalalay ang pagkakatalaga sa pangulo at sa Commission on Appointments, kaya naman masasabing huwad at walang halaga ang katibayang sinumpaan ni Pang. Arroyo.

            Nagsampa rin ng petisyon para sa diskwalipikasyon ng pangulo ang kandidato sa pagkasenador na si Atty. Oliver O. Lozano noong Ika-30 ng Marso, 2004.  Ayon sa kanya, pumasok daw ang pangulo sa isang “stinking deal” sa mga Lopezes, na may-ari ng Maynilad, na nagbabahagi ng tubig sa kanlurang Metro Manila.[21]  Naging batayan niya ang mga pahayag ni Sen. Loren Legarda sa pahayagan na nagsasabing hindi pinagbayad ng pamahalaan ang Maynilad sa kanilang Php 8 Bilyong utang at ang pamahalaan pa ang aako sa Php 10 Bilyong utang ng Maynilad sa ibang institusyon,[22] kapalit ng suporta ng mga Lopez at pagkakapili sa dating mamamahayag ng ABS-CBN (na pagmamay-ari ng mga Lopez) at noo’y Sen. Noli de Castro upang tumakbo bilang kaagapay na kandidato ng pangulo sa pagka-pangalawang pangulo.[23]

Nagsampa rin ng petisyon para sa diskwalipikasyon ng pangulo ang mga kandidato sa pagka-senador ng Alyansa ng Pag-asa, ng dating Sen. Roco, noong Ika-31 ng Marso, 2004.  Ayon kina Atty. Nicanor B. Gatmaytan, Jr. at Olivia “Bong” B. Coo, ginamit ng Pang. Arroyo ang Commission On Higher Education (CHED) at ang pansamantalang tagapangulo nito na si Manuel Punzal upang mamulitika.[24]  Sa pamamagitan ng isang CHED Memorandum mula sa tagapangulo, iniutos sa mga pangulo at pinuno ng mga kolehiyo at unibersidad at sa direktor panrehiyon ng CHED na basahin ang isang mensahe para sa mga magtatapos sa kolehiyo sa taong 2004.  Ilan sa mga talata na nasasaad sa mensahe ng pangulo ay ang mga sumusunod:

In the short three years of my presidency, I have made a strong start.  I have turned the economy around and stabilized the mess we inherited from the recent past. 

 

I have been fighting for a change for the average Filipino.  We must continue to fight for unprecedented change that shall make our nation more secure, strengthen our families and assure us of a better future. 

 

This is the challenge that awaits all of us, especially the parents of our young graduates.  We must help each other build our future.  Let us not imperil that future the Nation is best served by strong and tried leadership that is committed to realize our people’s authentic aspirations.[25]

 

Ayon kina Atty. Gatmaytan at Bb. Coo, kahit minsan sa unang tatlong taon ng pangulo, hindi pa ito nagbigay kailanman ng isang mensahe para sa mga magtatapos.  Kanila ring kinuwestiyon kung bakit sa mga magtatapos lamang sa kolehiyo inihatid ang mensahe at hindi ibinigay rin sa mga magtatapos sa elementarya o sa hayskul.  Ayon sa kanila, napakadaling makita (obvious) na ang layon ng mensahe ay upang mangampanya sa mga magtatapos sa kolehiyo na pawang nasa edad na ng pagboto.  Dahil dito, sinasabing direktang lumabag sa Saligang Batas ang tagapangulo ng CHED, partikular sa isinasaad sa ikasiyam na artikulo (B), Ikalawang Seksyon, Ikaapat na talata.[26]

            Sa hiwalay na bahagi, susuriin ng papel na ito ang pinakamatitinding reklamo laban sa Pang. Arroyo:  Ang mga paratang ng di-wastong paggamit ng pondo ng bayan at mga paglabag sa Fair Elections Act ng 2001.

 

MGA PARATANG NG DI-WASTONG PAGGAMIT NG PONDO NG BAYAN SA PANGANGAMPANYA

            Isa sa mga pinakakontrobersyal na isyu na ibinato sa Pang. Arroyo ay ang pagpapamudmod umano ng kanyang kampo ng PhilHealth cards nang panahon ng kampanya.  Noong Ika-24 ng Marso 2004, isang petisyon para sa diskwalipikasyon ng pangulo ang isinampa ni G. Agripino C. Baybay, III.  Ayon sa kanya, apat ang paglabag na ginawa ng Pang. Arroyo ukol sa pagpapamudmod ng mga PhilHealth cards — pagbili ng boto, pakikialam ng isang pampublikong opisyal, paggamit ng pondo ng bayan sa pangangampanya at pamamahagi ng ipinagbabawal na propagandang panghalalan.[27]

            Ayon kay G. Baybay, bumili ng boto ang mga matataas na pinuno ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sina Dr. Francisco T. Duque at Gng. Livia “Honeygirl” Singson-de Leon, sa pamamagitan ng pag-aanib sa mga taong nakaboboto na at ang kanilang mga pamilya sa PhilHealth sa loob ng isang taon, na may mga benepisyong nagkakahalagang Php 1,200.00 bawat kasaping pamilya, at kukunin ito mula sa mga pondo ng PCSO.  Ayon pa sa kanya, halatang para ito sa pangangampanya sapagkat ang pag-anyaya sa mga tao upang maging miyembro ay tinawag na GMA Program (Greater Medicare Access program); makikita ang larawan ng Pang. Arroyo sa dalawang mukha ng kard, ipinamamahagi ito ng mga pulitikong may kaugnayan sa Pang. Arroyo, at nakadikit ang pangalan at larawan ng Pang. Arroyo sa bawat distribution center ng nasabing kard.

            Pagpapatuloy ni G. Baybay, nanghimasok si Dr. Duque sa pamumulitika ng pangulo sa pamamagitan ng pagbibigay, sa pamamagitan ng fax, sa mga tagapangasiwang panrehiyon ng PCSO ng listahan ng mga pulitikong sumusuporta sa pangulo, kung saan makikipagtulungan sila sa pamamahagi ng mga kard.  Bawat tagapangasiwang panrehiyon ay inatasan ni Dr. Duque na mamahagi ayon sa naaayon na quota, sa pangkalahatang target na 4,932,792, o kulang-kulang 5 milyong pamilya.  Ayon sa dokumentong isinampa ni Baybay sa COMELEC, ito ang mga target na quota ng PhilHealth sa bawat rehiyon:

Rehiyong Philhealth                                                            Target na Bilang

I                                                                                                         256,341

II                                                                                                        129,579

III                                                                                                       296,116

IV-A                                                                                                  211,121

IV-B                                                                                                  283,157

V                                                                                                        492,845

VI                                                                                                      577,368

VII                                                                                                     425,610

VIII                                                                                                    309,751

IX                                                                                                      395,569

X                                                                                                        429,547

XI                                                                                                      223,401

XII                                                                                                     438,019

NCR                                                                                                  188,769

CAR                                                                                                    80,327

CARAGA                                                                                       195,272[28]

 

Ang pangatlong punto ng petisyon ni G. Baybay ay ang diumano’y paggamit ng pondo ng bayan sa pangangampanya.  Ayon sa kanya, ang perang Php 1,2000.00 sa bawat kasaping pamilya, o Php 6 Bilyon sa limang milyong kasaping pamilya na target na matamo bago ang kaarawan ng pangulo noong Ika-6 ng Abril, 2004, ay magmumula sa mga pondo ng PCSO.  Hindi lamang iyon, paglustay rin daw ng pondo ng bayan maging ang pag-iimprenta ng milyong-milyong mga kard at ang paglalakbay ng mga kawani ng PhilHealth upang ipamahagi ang mga kard para sa pangangampanya.

Ang pang-apat na punto ng petisyon ay ang sinasabing pagpapamudmod ng ipanagbabawal na propagandang panghalalan.  Sapagkat may larawan ng pangulo at ipinapamudmod sa mga botante ang PhilHealth card, at sa ilalim ng Fair Elections Act, kailangang magtaglay ang kard na ito ng “Political Advertisement Paid For” kasama ang pangalan at address ng kandidato.

Ang pagpapamudmod ng kard na ito ay tinuligsa mismo ni Undersecretary Alexander B. Padilla ng Kagawaran ng Kalusugan.  Nang atasan siya na mamahagi ng mga kard noong Ika-2 ng Pebrero, 2004, narinig siyang nagpahayag ng mga masasakit na salita at sinabi pang, “Nakakasuka ito!”

Maging ang mismong tagapangasiwa ng corporate communications office ng PhilHealth na si Linda B. Laureta ay tumangging makipagtulungan sa pagpapatupad ng programa.  Ayon sa kanya, “Out and out politicking”ang ginawang ito nina Pang. Arroyo, Dr. Duque at Gng. de Leon.  Sa isang bukas na sulat, kanyang ipinahayag:

The National Health Insurance Program, just like our taxes, should work for the people.  It should never be used to preserve the power of the abusers.  Those who have become comfortable where they are have forgotten that they are only on temporary assignement to help the poor.

 

PhilHealth as kingmaker?  Or Queenmaker?  I pray (it) not be so.  For the queen raised to power in that way will believe in that formula to work again the next time.  As such, the poor will continue to be poor for the formula to work.  The temporary assignment will seem permanent, and (then) greed gets the best of us.[29]

 

Isa rin sa pinakakontrobersyal na isyu na ibinato sa Pang. Arroyo ay ang paggamit niya umano ng perang nagmula sa Road Users Tax sa kanyang pangangampanya bilang pangulo.  Noong Ika-25 ng Marso, 2004, isang petisyon para sa diskwalipikasyon ng pangulo ay isinampa ni Atty. Mariano R. Santiago.  Ayon sa kanya, nilabag ng pangulo ang mga probisyon sa Batas Republika Blg. 9006, o ang Fair Election Law, partikular na isinasaad sa ikatlo at ikasiyam na seksyon, na tumutukoy sa paggamit ng ilegal na propagandang pangkampanya, paglabag sa common poster area at paglabis sa dapat lamang gastusin ng isang kandidato o ng isang partido ayon sa nasasaad sa B.P. 881, o ang Omnibus Election Code.[30]  Ang kanyang inireklamo ay ang pagkalat ng mga tarpaulin at plywood na mga billboard na kulay asul, na may nakasulat na mga slogan na “Kalsada Natin, Alagaan Natin,” at “Programang Pangtrabaho ni PGMA (daglat para sa Pang. Gloria Macapagal-Arroyo)” sa dilaw o puting pintura, katuwang ang isang larawan ng pangulo na nakangiti at nakataas ang kamay (na kuha sa kanyang deklarasyon ng pagtakbo sa Expo Filipino Amphitheater sa Clarkfield, Pampanga).  Ayon sa kanya, hindi lamang ito simpleng programa ng pamahalaan, isa itong pangangampanya gamit ang pondo ng pamahalaan.  Kanyang ipinakita ang pagkakahalintulad ng larawan ng pangulo sa mga billboard at sa mga larawan nito sa kanyang mga poster at iba pang mga materyal sa pangangampanya.  Kaagapay rin ng mga nakasabit na billboard ay ang mga tinawag na walking billboards, ang mga taong nagwawalis at nagbubunot ng damo na nakasuot ng mga asul na t-shirt na may mga nakasulat na mga slogan na nabanggit.  Ayon kay Atty. Santiago, hindi ito kaiba sa mga pinatanggal ng COMELEC na mga poster at streamer ng pagbati at iba’t ibang mga mensahe laban sa droga ng mga pulitiko.

            Binanggit ni Atty. Santiago ang pag-amin ng Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Florante M. Soriquez na kanyang sinang-ayunan ang proyektong ito, na nagkakahalaga ng Php 1.4 Bilyon na nagmula sa Road Users’ Tax.  Ayon sa Batas Republika Blg. 8792, gagamitin lamang ang mga road users charge (vehicle registration fees) sa tanging layunin ng pagpapanatili ng mga kalsada at mga daluyan ng tubig, pagkakabit ng mga traffic lights, road safety devices at air pollution control.  Bilang isang taong nagsilbi ng matagal sa public works, mula pa dekada ‘70,  hindi kabilang ang pagkakabit ng billboard at mga t-shirt na ito sa pagpapanatili ng kalsada at ang Php 1.4 Bilyong ginastos ay lumalabis sa pinapayagang Php 1.50 kada botante na gastusin ng bawat kandidato, na ginamit na lamang sana sa pagpapatayo ng mga bahay, paaralan o mga bagong mga kalsada.

            Nang tanungin namin ang opinyon ni Kinatawan Loreta Ann “Etta” Rosales ng AKBAYAN, isang partylist na sumuporta diumano sa Pang. Arroyo noong eleksyon, ngunit kaniya namang pinabulaanan, kung lumabis nga ang pangulo sa kanyang pangangampanya, tila napikon siya nang alalahaning, “AY GRABE!  HMMM!  From north to south, from east to west panay na lang yung mga posters niya, of course, of course my gosh!  Dami nilang lumabis sa kampanya, ano ba naman ang chance ng iba diyan?”[31]

Sa aming panayam kay Sen. Angara, ito ang kanyang sinabi ukol sa mga programang tulad nito:

Ang gobyerno naman, dinadagdagan nila, dinodoble nila yan dahil ginamit nila ang, ang public money.  Halos naubos nila ang, ang kaban ng bayan eh.  Yun... halimbawa.  Noong election nahalata ba ninyo na halos sa highway, may mga lima , apat na naka-tsaleko, at wala namang ginagawa kundi parang nagwawalis lang sa side.  Ang ginamit nilang pera doon, di ba?  Natatandaan mo?  Yan, lahat, of all the highways throughout the country, nilagyan nila yaan.  Every kilometer, lima .  Limang tao.  Just plain politicking.  Parang, parang vote buying na iyon eh.  Oh.  Di ba?  Siyempre, kapag kinuha mo yung anak ng isang pamilya, boboto ka na sa nagbigay sa iyo ng trabaho.  Pero, magkano naman ang ginastos nila doon?  Ang ginastos nila doon ay kulang-kulang na pitong milyon.  At iyang pitong bilyon na iyan ay Road Users Tax.  So sa  bawat, bawat, ah... bawat kotse, trak na ire-register mo, may, may, may binabayad kang fee eh.  A part of that fee goes to the Road Users Tax.  Ang purpose noon , para ma-maintain ng mabuti ang mga roads and bridges.  Pang maintenance.  Sa tingin mo, ginamit nila doon.  Maintenance ba yung nagga-garden ka lang sa tabi ng kalsada?  Gagastusin mo lang yung pera for road maintenance, ibibili mo ng tsaleko.  Ibibili mo iyan eh.  Ang isang, isang kwan lang eh, isang example lang ng public money na ginamit ng administrasyon.[32]

 

            Maging si Atty. Ferdinand Rafanan ng COMELEC ay makailang beses ding narinig sa radyo at telebisyon na nagsabing ang mga PhilHealth card, mga billboard at mga t-shirt na ito ay tahasang paglabag sa mga batas panghalalan.[33]  Sinasabing ito ang dahilan ng kanyang pagkakalipat mula sa pagiging COMELEC Information Chief patungong Silangang Visayas.

Nang aming kapanayamin si Sen. José “Jinggoy” Estrada, anak ni dating Pang. Estrada at tumakbo para senador sa ilalim ng KNP, at tinanong ukol sa mga paratang ng paggamit ng pera ng bayan sa kampanya, kanyang isinagot, “Well, that’s illegal.  If found guilty, discovered just a proof that ahmm she used government funds to finance her campaigning and then that is illegal.[34]

Ayon sa isa sa mga Commissioner ng COMELEC, si Kom. Resurreccion Borra, ito ang maaaring kahinatnan ng isang taong napatunayan na lumabis at lumabag sa mga batas panghalalan:

Disqualification to all public office, overspending is an election offense. So the penalty is imprisonment of more than 1 year to not more than 6 years; not subject to probation. Meaning you have to be incarcerated. You have to be placed inside the jail and disqualification to hold public office, meaning you have to be dismissed….  Under law, when the election offense has been penalized, you’ll be deprived of the right of suffrage and the right to public office. But this will be cured after serving sentence, after 5 years service. Meaning, after you have served your sentence for 5 years, you return to your former political and civil rights. This is different from probation. So, in fact, election law provides that the penalty is not subject to probation kasi probation you have to report to probationary officer in the locality. You’ll not be placed inside the prison. You’ll be given an opportunity to reform and turn over your life. But in election you have really to be in prison kasi not subject to probation and the only remedy is to grant parole pardon; but only from the recommendation of the Commission. So the President could not grant parole pardon unless recommended by the Commission.[35]

 

            Dahil isang nakaupong pinuno ng bansa ang Pang. Arroyo habang nangangampanya, tila may kalituhan kung saan nagtatapos ang pagsisilbi at kung kailan nagsisimula ang pangangampanya.  Maging ang COMELEC, na marapat lamang na gumabay sa mga botante ay nalilito sa kung papano kikilalanin ang Pang. Arroyo bilang pangulo at si Gng. Arroyo na tumatakbo sa pagka-pangulo.  Ayon mismo kay Tagapangulong Abalos, “Kamukha halimbawa ng posters na nagsasabi na… kasi yan ang mahirap eh. There is a line difference between the president and that of a private person with the use of those posters.   Kasi masasabi mo, its part of their duty.[36]

Ayon pa sa isa sa mga Commisioner ng COMELEC, si Kom. Virgilio Garcillano ukol sa isyu ng “Kalsada Natin, Alagaan Natin:”

Alam mo yun pinakamahirap eh. Yung nagtatrabaho na naka blue. Matagal ng nandiyan yan before the start of the campaign. Ang problema lang ganito, there are so many activities on the President Arroyo. Well, any incumbent to the position, hindi lang siya kahit yung mga municipal Mayors. Its hard to disassociate or to separate what is official function and not official function even using the facilities in the office, yun ang napakahirap, na that is a borderline question which probably even if you will charge. Marami talaga ang gumagamit ng ganon. Ang municipal Mayors, provincial Governors that is when we should have a law, this is a good subject for legislation na once you are a candidate you should not anymore perform the function of the office so that you cannot make use of any of the facilities of the office of which you are holding. This are…sasabihin na lang natin sana na three months before election or 4 months before election. Somebody should be the care-taker of the office. Hindi ba? Maganda-ganda yun. Suggest ninyo yan kapag nagkaroon ng constitutional convention.[37]

 

Ang mga nabanggit na isyung ito ang madalas sagutin ng iba’t ibang mga kapanalig ng Pang. Arroyo nang nakaraang halalan.

Sa isang press conference noong Ika-18 ng Marso, 2004, nagbigay ng opinyon ang Pangulo ng Senado at kasapi sa Partido Liberal na si Sen. Franklin Drilon ukol sa mga panawagan upang magbitiw sa pwesto ang pangulo dahil sa paggamit ng pondo ng bayan sa pangangampanya:

It’s easy to say that there is abuse of government funds, but we must consider that these projects that they are pointing to are part of the regular programs of government even before the campaign period starts. You must bear in mind that this is the first time in our recent history that you have an incumbent President running for election, and therefore all her actions will be branded as politicking and using government resources for her campaign, which is absolutely untrue because you must make a distinction between governance and campaigning. For example, the PhilHealth program has been in existence for quite a time. PhilHealth is designed to have universal health coverage, and this universal health coverage requires allocation of public funds to PhilHealth to cover your constituency. It has been offered to me six months ago, but since I have no defi nite constituency, I did not allocate any funds for that program. But the congressmen have been doing this because they have a specific constituency in their own congressional districts, so that a barangay tanod in their district would be enrolled in the PhilHealth program. And this has been done by many congressmen allocating their so-called pork barrel for insurance coverage of their constituents. So if it could be done by congressmen without being charged of electioneering, why can it not be done by the President as part of the universal health care insurance of our people?[38]

 

Sa nasabi ring press conference, tinanong siya, “Paano po magagawan ng distinction yung campaigning and governance? Especially yung Pagcor and PCSO sa kanilang TV commercials, kinakabit nila si PGMA?”

Malinaw ang pagkakaiba, ayon sa sagot ni Sen. Drilon,

But you forget that she is the incumbent president. Does the ad say, ‘vote for the President’? It does not….  That’s not campaigning, that’s part of governance. Does the ad say, ‘vote for PGMA’? No. Yes, she is pictured there, but she’s the President, you cannot avoid that.[39]

 

Sa tanong sa kanya na, “Basta kapag walang ‘vote for GMA’ sa ads, OK lang?”  Ito ang kanyang tugon ni Sen. Drilon, “Not only that, but also because these are programs which are part of governance. These are government projects which are being implemented by the government which is headed by President Arroyo.”

Muli siyang tinanong, “Pero ang sinasabi po kasi ng opposition is bakit daw kailangan ilagay yung pangalan ng Presidente? The projects can proceed even without her name on it…

Sagot ng Pangulo ng Senado:

E President siya eh. Bakit nilalagay din ng mga senador at congressmen yung mga pangalan nila sa kanilang mga proyekto? (It’s because they are the ones who initiated the project.) So it is proper to put their names there. Now, if the President initiated the project, is it improper to put her name there? As they say, what is sauce for the goose should also be sauce for the gander.[40]

 

Nang tanungin naman namin si Sen. Cayetano, na kandidato pa lamang noong panahon ng kampanya, kung paano niya sinagot ang isyu ng paggamit ng pondo ng bayan sa kampanya, ito ang kanyang mga pahayag:

Yeah, natanong ako dun, and I said na parang ginagamit for the campaign, and I specifically said, well, I can honestly say na wala kaming natatanggap (tatawa) dahil wala talaga.  Ako kasi, I like to talk to the extent na I can vouch for that information di ba?  Kung wala ka namang info dun, kahit kakampi mo yun, di mo naman itatapon sa wolves, pero you speak of what you are aware of.[41]

 

            Nang tanungin naman namin si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., na  kandidato pa lamang noong panahon ng kampanya, ito ang kanyang mga sinabi:

Alam mo ang isang advantage lang ng isang nangangampanyang encumbent na President na actually it was an advantage na tinaggal nung 1987 Constitution by not allowing re-election, di ba’t siyempre pag presidente ka puwede kang mangampanya habang nagtatrabaho, at nagtatrabaho habang nangangampanya, being an encumbent president you can actually deliver the promises made na, ah, pag sinabi mo sa entablado itong may sakit na ‘to pagagalingin ko, mamayang hapon nasa ospital yan, presidente ka eh, you hold the government resources in your hands, ah but one disadvantage of this is that yung converse ng sitawasyon na yun na por que presidente ka inaabuso mo yung posisyon mo, which is not necessarily the case, I’m not defending Pres. Arroyo, all I’m saying is when you are the President, what you want to do, you should be blamed for doing your work, yun yung two sides non….  Kapag nagsalita si Pres. Arroyo yun yung advantage niya sa ibang kandidato, kasi, siya presidente, so sinabi niya kahapon ginawa ko ‘to, ngayon gagawin ko ‘to at bukas gagawin ko pa ‘to at lahat ng sinabi niya yan, nangyayari di ba? Hindi katulad ng ibang kandidato na mangangako lang ng mangangako, eto gagawin ko.  Again at the recently held election of the United States, between Bush and Kerry, mas, I mean maraming na incline na si Kerry ang iboto, it was a very close fight, but then again, the advantage of the incumbent came in.  Encumbent si Bush, I am not promising to fight terrorism, because I am fighting terrorism now, di ba yun yung sabi niya, I am not promising to institute security measures because I am instituting and I have instituted security measures, I am not promising to reduce taxes, I have reduced taxes, so ganon yun eh, yun yung malaking advantage ng isang encumbent.[42]

 

Maging sa lokal na lebel sumagot din ang mga pulitiko para sa pangulo.  Sa kanya namang nasasakupan sa ikalawang distrito ng Tarlac, ipinaliwanag ni Kinatawan Benigno “Noynoy” Aquino, III ang isyu:

Pag ginamit ang pondo ng bayan, siguro, ang proseso kasi ng gobyerno natin, ng batas natin, you’re presumed innocent until proven guilty, and there are so many courts that you can go to, and so many for a, like yung congressional inquiry, sa senate hearing, sa ombudsman, etc. to file the necessary charges, you need to have basis for all the claims.  Yung, para bang paggamit ng pondo ng bayan, as president, she’s the chief executive, she executes the policies of government e.  Ang ibig sabihin ba nun, when she filed her certificate of candidacy, dapat all government services should stop, she should not authorize expenditures, whatsoever, and that obviously is an impossibility.  During the election period, meron ka pa ring government bureaucracy na sinuswelduhan, dapat ba hindi na sila suswelduhan habang kampanya dahil tumatakbo yung incumbent, mali yata ang logic dun.  You have to divorce the candidate from her persona as president.  There are things that are required of her to do even though she is running.  Kung meron talagang maling ginagawa, napakaliwanag naman ng mga batas, ihabla!  Kung hindi mo naman kayang ihabla, baka naman walang pruweba.  At babalik lang tayo dun sa, andali-dali kasing manira, manood ka lang ng TV program sa weekend, lahat ng mga intriga, para bang, ang kawawa dito pag meron ng intriga, kailangang sabihing tama na agad yun?  E kung ganun ang mangyayari, wala na sigurong matitira sa atin dito.  So again, just to be fair about it, you are accusing somebody of a crime, your obligation is to prove it.  It is not the party who is being accused responsibility to prove his innocence.  It is the other party who accused who has the duty to prove his accusation.[43]

 

Sa ibang pagkakataon, halos ganoon din ang kanyang paliwanag:

Well, siguro ano, parang ganito yan e, nung nag-file ba siya ng certificate of candidacy hindi na niya dapat gampanan ang tungkulin niya bilang presidente?  Kasi kung ginawa naman niya yun para hindi tayo ma-question, hinto ito, hinto ito, over and above those mandated by law, kasi may election ban e.  Pag ginawa niya yun, sasabihin naman ng kritiko niya negligence yan.  So parang sala sa init sala sa lamig e.  Ngayon kung lumampas siya sa ano ang legal, bukas ang mga korte, bakit hindi nila ihabla.  Kasi ang dali-daling, sa pananaw ko, sa haba ng buhay ko na rin, ang dami-daming beses pwede kang bumanat ng bumanat, yan ang napakadaling gawin e.  Manuod ka na lang ng TV kada Linggo puro intriga ang lalabas e.  Pero iba yung lagyan mo ng substance, laman, parang patunayan mo.  Yun lang naman ang punto nito e.  Ngayon yung, kunwari, naglabas ng mga PhilHealth cards, talagang socialized medicine ang program ng gobyerno.  Dapat bang, ang mungkahi dun, pag nakahanap ng pondo, huwag gastusin at pabayaan lalong malaki ang bayaran ng mga kababayan natin.   Yun ba ang mungkahi ng iba?  Pero parang kung may crime, obligasyon ng nag-aakusa na patunayan yung crime.[44]

 

            Dahil mahina ang kalabang kandidato, nakapag-ikot pa sa mga lalawigan ng Benguet, La Union, Mt. Province , at sa Lungsod ng Baguio si Kong. Mauricio Domogan, isa sa mga pinakamasigasig na kapanalig ni Pang. Arroyo sa Cordillera.  Noong kampanya, ganito niya raw ipinaliwanag ang isyu:

Well, you know, kung tingnan mo, yung sinasabi nila na ginagamit ni GMA yung pondo, kaban ng bayan sa pangangampanya, that’s plain and simple politics e, kasi nakaano naman na kagaya ng KALSADA NATIN, ALAGAAN NATIN sinabi nila pulitika but you know, that is also part of our programs of government na kahit ngayon ay dapat i-sustain natin.  It so happened that GMA has a unique situation, yun nga because under our constitution, no re-election for president.  But we know for a fact na she came in when Pres. Estrada was moved out of Malacañang.  She is in effect a re-electionist president so you cannot really distinguish yung programa ng gobyernong pinapatakbo niya na sinasabi ng kabilang, kaaway sa pulitika na ginagamit yung kaban ng bayan sa pangangampanya.  But these are plain and simple regular programs of government in the first place.[45]

 

Ayon naman sa anak ng Pangulo, Kinatawan Mikey Arroyo, tiningnan niya ang isyu bilang , “it’s a part of job of presidents to reach out to everyone, it’s a matter interpreting if she’s campaigning, politicking, or serving our people.[46] Gayundin, ang akusasyon na gumamit ang pangulo ng pera ng bayan sa kampanya, ay tiningnan na lamang niya na , “really harsh accusation.  It is a democracy so they can do that.  They have been saying that during the elections, yet they can’t prove it.  It’s all lip service for me.[47]

May pahabol naman kamakailan lang si Kinatawan Rosales ng AKBAYAN.  Baka hindi raw lamang pondo ng PCSO at Road Users Tax ang ginamit.  Pinapaimbestigahan rin niya kung ginamit din ba ang salapi mula sa mga Marcos na laan sana para sa repormang pang-agraryo.  Ayon sa kanya:

E, isa nga ako sa nag-raise ng question na yung Marcos funds nagamit ba yan?  So I have a resolution, ang AKBAYAN has a resolution 342, so I want it heard next week already na totoo bang ginamit ang Marcos funds, especially for agrarian reform, para sa pangangampanya.  Kasi kung nagamit yan nung Abril, kailangan ipakita natin kung saan pumunta ito.  They claimed na ginamit ito to plant seeds ng hybrid rice, o sige, kinakailangan ma-identify lahat yan, sino yung mga beneficiaries, nasaan yung mga lupa na kung saan nagtanim sila, di ba?  Ganun yun.  Kanina, nagsalita ako sa ANC, I’m bringing it out sa isang resolution, so in a sense, I’m really very critical sa totoo lang and the president answers, sumasagot sila e, but it has to be ganun.  Dapat may substance, dapat may issues ka, dapat may laman ang sinasabi mo.   Tapos kinorek ko rin yung $ 682 Million na natanggap, ginastos talaga ito sa pagbayad ng mga lawyers, administrative fees, and these are all valid.  So you have to be very fair also to Malacañang.  Hindi yung batikos ka lang ng batikos.[48]

 

            Bagama’t sinasabing hindi mapatunayan ng oposisyon ang kanilang mga alegasyon laban sa Pang. Arroyo, ang taumbayan ay hindi masasabing naging pipi, bulag, at bingi.  Mulat ang lahat na ang mga programang ito ng pamahalaan ay ang paraan ng panunuyo ng huli upang makuha ang kanilang boto.  Ang paglingkuran ang sambayanan ay ang tungkulin sa bayan ng bawat pulitiko, hindi ang ipangalandakan ang kanilang mga larawan at hitsura sa madla.

 

ANG PARATANG NG PAGLABAG SA FAIR ELECTIONS ACT NG 2001 HINGGIL SA MGA CAMPAIGN ADS SA TELEBISYON

Dahil may kalituhan kung ang patalastas ng Pang. Arroyo ay nangangampanya o nagpapahayag lamang ng mga programa ng pamahalaan, mayroong persepsyon mula sa mga mamamayan na lumalabis na ito sa takdang bilang na kailangang sundin ng bawat kandidato sa pambansang halalan.

Mula nang isabatas ang Batas Pambansa Blg. 881, o ang Omnibus Election Code noong 1978, ipinagbawal nito ang pagpapabas ng kahit anong propagandang panghalalan sa sine man o kahit anong audio-biswal na mga material.  Subalit, sa paglipas ng panahon, kailangang sumunod sa agos ang batas panghalalan dahil sa tumitinding lakas ng media tulad ng radio at telebisyon.  Kaya noong 2001, isinabatas ang Batas Republika Blg. 9006, o ang Fair Election Act, na pangunahing itinatadhana ang pantay na paggamit ng bawat kandidato o ng partido ng tinatawag na “air-time” o espasyo sa radio, at telebisyon.

Sa ikatlong seksyon ng nasabing batas, sinasaad kung ano ang mga pinapahintulutang propagandang panghalalan:

Sec. 3. Lawful Election Propaganda. - Election propaganda whether on television, cable television, radio, newspapers or any other medium is hereby allowed for all registered political parties, national, regional, sectoral parties or organizations participating under the party-list elections and for all bona fide candidates seeking national and local elective positions subject to the limitation on authorized expenses of candidates and political parties, observance of truth in advertising and to the supervision and regulation by the Commission on Elections (COMELEC)[49]

 

At, upang mabigyan ng pantay na pagkakaton ang bawat kandidato at partido, ito ang isinasaad sa ika-anim na seksyon:

Sec. 6. Equal Access to Media Time and Space. - All registered parties and bona fide candidates shall have equal access to media time and space. The following guidelines may be amplified on by the COMELEC:

 

6.2 

a.                  Each bona fide candidate or registered political party for a nationally elective office shall be entitled to not more than one hundred twenty (120) minutes of television advertisement and one hundred eighty (180) minutes of radio advertisement whether by purchase or donation.

b.                  Each bona fide candidate or registered political party for a locally elective office shall be entitled to not more than sixty (60) minutes of television advertisement and ninety (90) minutes of radio advertisement whether by purchase or donation.[50]

 

Sa implementing rules na inilabas ng COMELEC para sa Halalan ng Ika-10 ng Mayo, 2004, ito ang sinasaad sa ika-13 seksyon:

1.      Broadcast Election Propaganda

The aggregate duration of air time that a candidate, or registered political party, party-list group, organization, and/or coalition thereof may use for their broadcast advertisements or election propaganda shall be, as follows:

 

a)      For candidates/ Registered Political parties for a National Elective Position:  One hundred twenty (120) minutes in television, and one hundred eighty (180) minutes in radio, for all televisions or cable televisions, or all radio stations whether by purchase or donation, wherever located.

 

b)      For candidates/ Registered Political Parties for a Local Elective Position:  Sixty (60) minutes in television, and ninety (90) minutes in radio, for all televisions or cable televisions, or all radio stations whether by purchase or donation, wherever located.[51]

 

Noong Ika-15 ng Marso, 2004, nagsampa ng petisyon para sa diskwalipikasyon si Atty. José Vicente B. Salazar laban sa Pang. Arroyo na nagsasaad na lumabis daw ang huli sa pinapahintulutang 120 minuto ng propagandang panghalalan sa telebisyon.  Ayon sa mga opisyal na mga tala na kanyang nakalap mula sa iba’t ibang mga istasyong pantelebisyon, at sa kanyang sariling monitoring, lumalabas na mula Ika-10 ng Pebrero, 2004 (ang pagsisimula ng panahon ng kampanya) hanggang Ika-11 ng Marso lamang, ang mga ads ng Pang. Arroyo ay umaabot na sa 189 minuto sa iilang istasyon lamang![52]  Ipinakita niya, mula sa mga nakalap na batis, kung ilang minuto sa bawat araw, sa bawat istasyon ang lumabas ang propaganda ng Pang. Arroyo.

            Sa opinyon ni Sen. Jinggoy Estrada nang tanungin namin siya ukol sa diumano ay paglabis ng pangulo sa mga ads, sinabi niya lang na maaari ito, “because of the vast resources of the government then ahhh they can and they could overspend.”[53]

            Ngunit sa press conference ng Ika-18 ng Marso, nagkomento ukol sa partikular na reklamo ni Atty. Salazar si Sen. Drilon:

There is nothing in the law which prohibits a political party from having its airtime used by its candidate. Remember that President Arroyo is a coalition candidate of the Lakas, the Liberal Party, the People’s Reform Party. Each of these political parties, under section 6.2 of RA 9006, would be entitled to 120 minutes of television and 180 minutes of radio advertisements. So the three parties would have 360 minutes, and the candidate would have 120 minutes, a total of 480 minutes. Where will the Liberal Party use its 120 minutes? For the President, because she is our candidate. Because that’s the purpose of the law, you have a candidate who has his/her own time, and you have a political party which has its own time…[54]

           

Ayon pa kay Sen. Drilon, kahit wala ang interpretasyon ng COMELEC sa kanilang resolusyon na ang 180 minuto sa bawat kandidato at partido sa bawat istasyon, marami pa rin silang legal na oras:

The law is clear: 120 minutes of advertisement for each bona fide candidate or registered political party. Just looking at the 3 political parties, K-4 would have for the President, 120 x 3 = 360, plus 120, that’s 480 minutes. The allegation in the complaint is only 189 minutes. These guys simply are ignorant of the law….  A political party has its own allotted time. There is nothing in the law which prohibits a political party from assigning its time, because that’s the most logical thing to do. When we advertise our candidate in the Liberal Party, that’s President Gloria Macapagal-Arroyo….  And a plain and simple interpretation is that the President and each registered political party would be entitled to 120 minutes of telev ision time. Just on that principle alone, this complaint has absolutely no leg to stand on.[55]

 

            Ayon sa kay Kong. Mikey Arroyo:

You know, may batas yan e.  You are given a maximum time, you’re allotted a certain amount of time, may maximum yan, regulated.  As well as FPJ, also used the ads of the maximum time.  So, it’s regulated.  You can’t go over it.  Masama pag it kinda goes over the privileged time, that’s against the policy of the elections.  But the mere fact that there are no accusation to the effect that she went above the time limit, means that she followed the regulation.[56]

 

            Makikita na para sa mga nasa alyansa ng administrasyon, walang basehan ang naunang isinampang petisyon, at ang mga sumunod pang mga akusasyon ng oposisyon sa sinasabing paglabis ng pangulo.

            Ayon kay Sen. Drilon, nagpapapansin lamang ang mga nagsasabi nito upang bigyan ng isyu na makasisira sa pangangampanya ng Pang. Arroyo:

So I don’t know what the fuss is all about. It’s obviously a media play, just so it can be headlined that there is a disqualification suit on the alleged violation of the Fair Elections Act. (So kami na namang media ang may kasalanan?) No, you are reporting what they are doing. Obviously, they know that this will catch media attention because it is a disqualification suit, but this disqualification suit has absolutely no basis and could be malicious, designed to catch media attention.[57]

 

Ayon kay Kom. Garcillano sa lahat ng mga paratang na ito laban sa Pang. Arroyo kanyang inamin na, “Hindi natin masasabi na perfect na walang violation, but its difficult to charge. You know its easy to charge, but it is difficult to convict.”[58]

Nais kong sumang-ayon na lamang sa sinabi ni Jing Magsaysay, beteranong mamamahayag at kasalukuyang Assistant Vice President for News Operations ng ABS-CBN 2, sa isang panayam:

My personally opinion is:  Technically, it’s not wrong, but morally it’s wrong.  Di ba?  Kasi ngayon, wala ka namang makita (na mga infomercials) e.  Bakit nung campaign?  Sana tuloy-tuloy na, sana palaging ganun, sana gamitin nila yung media para maparating sa taumbayan kung ano ang dapat nilang malaman and I personally, again personally…It doesn’t serve any purpose, yung “Yung kami po ang taga-Department of …kami po ang maglilingkod sa inyo!”  Di maglingkod ka na lang![59]

 

 

SA ANINO NI JOSÉ PIDAL:  ANG PANGULO SA MATA NG KANYANG MGA KARIBAL

            Sa Pilipinas, bahagi na marahil ng pulitika ang pagsasabi ng lahat ng maling nagawa ng isang opisyal ng pamahalaan o kilalang paghahanap ng butas upang masabing nararapat na siyang palitan ng napipisil na tao.  Susuriin ng bahaging ito kung paano tinangkang bahiran ang imahe ng Pang. Arroyo ng kanyang mga karibal sa pulitika; partikular na bibigyang pansin ang dalawa sa mga pinakamasugid na grupong kritiko ng pangulo:  KNP na pinamunuan noong halalan ni Fernando Poe, Jr. noong halalan, at ang LDP – Butz Aquino Wing, na pinamunuan ni Sen. Ping Lacson.

Ayon sa dating Sen. Loren Legarda, nang siya’y imbitahan ni FPJ na kanyang maging katuwang bilang kandidato sa pagkapangalawang pangulo, sinabi raw sa kanya ni FPJ, “Tayo, kapag tumakbo, hindi tayo maninira ng ibang tao, basta we would just present ourselves to the people…[60]

            Noong simula, walang narinig na direktang paninira laban sa Pang. Arroyo mula kay FPJ ngunit sa bandang huli nagsalita na rin ito, minsan pang hinamon ang pangulo na, “Huwag itago ang katotohanan sa taumbayan!”[61]

Kung matagal na nanahimik si FPJ laban sa Pang. Arroyo, mayroon ding palagiang bumabanat sa pangulo.  Nang tanungin naman namin si Sen. Jinggoy Estrada kung nagsalita siya laban sa Pang. Arroyo noong tumatakbo siya para sa pagkasenador sa ilalim ng tiket ng KNP, ito ang kanyang sagot, “Oh yes…the kind of leadership that she’s showing and the rampant graft and corruption in her government.”[62]  (Matatandaang ang ama ng senador na si dating Pang. Joseph Ejercito Estrada ay napatalsik sa pwesto noong Ika-20 ng Enero, 2001, dahil sa diumano’y pagkakasangkot ng dating pangulo sa jueteng, na humantong sa pagdeklara ng Korte Suprema ang dating noo’y pangalawang pangulo Gloria Macapagal Arroyo bilang bagong pangulo)

Ang diumano’y katiwalian ng pangulo, ng kanyang mga kapamilya, kapanalig at kanyang administrasyon ang paboritong isyu ng kanyang mga kalaban.  Ang tawag na nga ni Niño Muhlach, Pambansang Tagapangulo ng Batang Panday, mga kabataang tagasuporta ni FPJ, sa Pang. Arroyo ay Gloria Maka-Pidal Ayoko.[63]

Ang isyung José Pidal ay unang ibinunyag ni Sen. Lacson sa kanyang unang talumpating Incredible Hulk sa senado noong Ika-18 ng Agosto, 2003.  Ayon kay Sen. Lacson, mayroong mga lihim na account sa bangko, na nagkakahalaga ng Php 270.8 Milyon , ang nakapangalan kay José Pidal, at sa ilang mga taong sinasabing may-kaugnayan sa Unang Ginoo José Miguel “Mike” T. Arroyo, ang kabiyak ng pangulo.  Sa senado ay may ipinakita ang senador na isang tseke na may pirma ni José Pidal na kanyang ikinumpara sa pirma ng Unang Ginoo.[64] 

Maging noong nagtalumpati siya sa kanyang nominasyon noong Ika-4 ng Disyembre, 2003 sa Club Filipino, agad nagpahaging si Sen. Lacson sa Pang. Arroyo:

Ipagpatuloy natin ang laban upang mapalitan na ang mahinang gobyernong ito, upang maalis na ang talamak na katiwalian na siyang kumikitil sa buong sambayanan, upang manaig ang maayos at mahusay na pamamalakad na ipinagkakait sa atin ng pamahalaang Gloria Macapagal Arroyo. Kayo, ako – lahat ng nasa hanay ng oposisyon. Magsama-sama tayong lahat tungo sa tugatog ng tagumpay.[65]

 

Sa aming panayam kay Kong. Butz Aquino, kanyang sinabi na ang laban ni Lacson sa katiwalian ng pangulo ay laban din umano nito sa katiwalian sa pangkalahatan:

Not only against the president, but corruption in general.  Against everybody who is corrupt, so he is against corruption in general.  And so he was trying to run on a campaign of a no corruption for that matter, a matter of doing our job as called upon, whatever job that is, and so I think based on his performance, when he was PNP chief, he decided to expand this farther to cover the entire bureaucracy.[66]

 

At, kahit na umamin na ang kapatid ng Unang Ginoo na si Ignacio “Iggy” Arroyo na siya si José Pidal,[67] patuloy pa ring isinulong ni Sen. Lacson ang isyung ito laban sa Pangulo at sa Unang Ginoo.  Nang tanungin namin si Kong. Butz Aquino kung hanggang ngayon ay pinanghahawakan ni Sen. Lacson ang paniniwalang ito, kanyang sinagot, “Oo, oo, hanggang ngayon naniniwala siya na si First Gentleman yun.”[68]

Mayroong ngang mga sticker na lumabas noong panahon ng kampanya na pinaniniwalaang nanggaling sa kampo ni Sen. Lacson.  Ang nakasulat sa mga sticker na ito ay, “Mas malaki ang binabayad kong buwis kaysa kay José Pidal.”  Nang tanungin namin si Rep. Butz Aquino kung may nalalaman siya tungkol sa mga ito:

Hindi, hindi ko alam yun.  Ang alam ko, maraming nag-donate na mga t-shirt, nagpalagay “Huwag Matakot, Stop Kurakot.”  Kay Lacson yun e, yung “Huwag Matakot, Stop Kurakot.”  You know, you are trying to zero in on his attacks on the president.  We were more concerned about the attacks on corruption.  So yun, kagaya nun, “Huwag Matakot, Stop Kurakot,” yun ang kanyang tema.  At mukhang yun ang nagkarga sa kanya.  Maraming naniniwala kasi na yun mga kagaya lang ni Lacson ang pwedeng pumigil sa corruption dahil either maraming natatakot.  He means business.  He’s a no-nonsense public official.  Lalo na nung pulis siya.[69]

 

Matatandaang “Huwag Matakot, Stop Kurakot” ang pamagat ng ikatlong talumpati ng senador sa seryeng Incredible Hulk ukol sa kanyang mga pagbubunyag kay José Pidal.[70]

Maging ang partidong KNP ay ginamit ang isyung ito laban sa Pangulo.  Ayon kay Sen. Angara, “Alam na natin na itong incumbent, ay may José Pidal, di ba?  José Pidal is the symbol of corruption sa government.”[71]

Maging ang kandidato sa pagka-pangulo ng Alyansa ng Pag-Asa, ang dating Sen. Roco, ay pinagkabit ang isyung José Pidal ni Pang. Arroyo, at ang isyung José Velarde ng matalik na kaibigan ni FPJ na si Pang. Estrada sa kanyang paglaban sa katiwalian.[72]

            Ano naman ang sagot sa isyung ito ng mga kaalyado ng pangulo? 

Nang tanungin namin si Kong. Mikey Arroyo kung ano ang kanilang paninindigan ukol dito, “José Pidal is my uncle.  He claims he is José Pidal.  And the opposition has not been able to prove the allegation that Jose Pidal is my father.  It’s an accusation, again, unfounded and unproven.”[73]

            Bagama’t sinasabing walang basehan at walang katibayan ang isyung ito, sineryoso ng kampo ng administrasyon ang mga paratang na ito.  Lubos na nabahiran ang kredibilidad ng Unang Ginoo sa mga tao.  Ayon kay Tony Velesquez, reporter ng ABS-CBN na sumusunod saanman ang kampanya ng Pangulo noong 2004, “The president really didn’t feel that the first gentleman, with all the controversies associated sa kanya, would lend any positive image to the president during the campaign, lalo na fresh na fresh pa sa isipan ng tao yung José Pidal issue.  He never really joined the sorties that much.”[74]

            Nabaon na sa limot ang isyu, hanggang ngayon hindi pa rin tunay na napapatunayan sa korte kung sino nga ba si José Pidal—isang pangalan na gumimbal sa alyansa ng administrasyon sa nakaraang kampanya.

 

MGA ISYU LABAN SA OPOSISYON

Maraming isyu rin ang lumbas at pinag-usapan ukol sa mga karibal ng pangulo sa nakaraang kampanya.  At tulad ng dapat asahan, nagmula raw ang mga tinatawag na black propaganda na ito sa kampo ng K4.

 

FPJ:  HINDI PILIPINO?

            Nang magdesisyon si FPJ na lumahok sa tunggaliang pampanguluhan para sa Halalang 2004, kanyang sinabi sa kanyang kabiyak na si Suan Roces, “Once I declare, tuloy-tuloy na ito….  Siguradong babatikusin tayo!  Sisiraan tayo, lahat iyan.”  Kwento niya kay Jessica Soho, “Nakahanda naman kami dun.”[75]

At hindi naman siya nagkamali.

Lumitaw ang mga itinatagong lihim ni FPJ, pati ang diumano’y pagkakaroon niya ng anak sa artistang si Ana Marin, na kanya naming inamin kay Jessica Soho, ““Meron!  Hindi (ko ikinakaila), totoo yun!  That’s part of my life and I answer for that, yes![76]

Ngunit hindi ito ang pinakamatinding iskandalong kanyang kinasangkutan – hindi lamang ukol sa kanya kundi rin sa kanyang mga ninuno.

Bago pa man nagsimula ang kampanya, may bulung-bulungan na ukol sa isyu ng hindi pagiging Pilipino diumano ng matagal na itinuring na “Hari ng Pelikulang Pilipino.”  Noong Ika-9 ng Enero, 2004, nagsampa ng reklamo sa COMELEC si Atty. Victorino Fornier ukol sa pagka-Pilipino ni FPJ.  Hindi lamang ito basta-basta pulitikal na isyu, sapagkat ang petisyon ay may kaakibat na iskandalo.  Ang kanyang petisyon ay may tatlong puntos:  (1) ang pagka-Pilipino ng ama ni FPJ, si Fernando Poe, Sr., (2) ang kasal ng mga magulang ni FPJ at, (3) kung si FPJ nga ay anak sa labas.  Ayon kay Atty. Fornier, (1) ang nakatatandang Poe ay hindi Pilipino kundi isang Kastila, tulad ng nasasaad sa kanyang diumano’y katibayan ng kapanganakan, kaya naman si FPJ ay hindi maaaring maging Pilipino dahil ang ama niya ay hindi isang Pilipino; (2) at, dahil ang nakatatandang Poe ay kasal na sa isang nagngangalang Paulita Gomez, hindi legal ang kanyang kasal kay Bessie Kelley; (3) sa madaling salita, si FPJ ay isang anak sa labas; at (4) ang mga anak sa labas ay kinukuha ang pagkamamamayan ng kanilang ina. Kung gayon si FPJ ay isang Amerikano dahil ang kanyang ina, si Bessie Kelley, ay isang Amerikana.[77] 

Ang kanyang mga iniharap na ebidensya upang patotohanan ang kanyang alegasyon ay (1) ang katibayan ng pagpapakasal ng ama ni FPJ, si Allan Fernando Poe, at ni Paulita Gomez; (2) ang katibayan ng pagpapakasal ng nakatatandang Poe at ng Amerikanong si Bessie Kelley, ang ina ni FPJ; (3) at ang reklamo ng bigamya ni Gomez laban sa nakatatandang Poe at kay Kelley; at (4) ang sinasabing katibayan ng kapanganakan ni FPJ.  Umamin naman ang Tagapangasiwa ng Pambansang Sinupan (National Archives), si Ricardo Manapat, na siya mismo ang humanap sa mga dokumento mula sa 500 mga rolyo ng microfilm nang siya ay lapitan ni Atty. Fornier.[78]

Ayon sa ilan, kasangkot ang administrasyon sa paninirang ito laban kay FPJ.  Malapit daw ang unang ginoo kay Fornier, habang maaari rin daw si Sen. Lacson ang may pakana nito.[79]  At dahil sa kaugnayan nila kay Manapat, maging si dating Pang. Fidel Ramos, at dating tagapayo sa pambansang seguridad Jose Almonte, ay nasangkot din.[80]  Pawang itinaggi nilang lahat ang kanilang kaugnayan sa usaping ito.  Ayon kay Sen. Lacson sa isang panayam ng ibang mga mag-aaral ng kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas:

Unang-una wala akong clout eh.  Ang meron lang karapatang gumawa nun ay yung may resources, may connection, may clout ay ang administration.  Di ba nga po si Manapat could be easily traceable to the group of Mike Arroyo.  Di ba?  Sino ba ang naglagay sa kanya diyan?[81]

 

Tinutukoy ni Sen. Lacson ang pagiging magkaklase diumano ng Unang Ginoo at ni Atty. Andresito Fornier, na kapatid at tumatayong abogado ni Atty. Victorino Fornier.[82]

Agad namang naglabas ng pahayag ang Pang. Arroyo.  Noong Ika-11 ng Enero, ipinahayag ng pangulo: 

I believe that Fernando Poe Jr. is a Filipino.  He has lived and worked in our country for his entire career and no one has ever questioned his citizenship until now. I have no reason to doubt his being a Filipino in heart and spirit.  If he needs any official document or evidence to fight his case, the government is prepared to help him.[83]

 

Maging si Kalihim Mike Defensor ay nagpahatid na handang tumulong ang pamahalaan sa kampo ng oposisyon, “"If the lawyers of FPJ would ask NSO (National Statistics Office) and maybe, the National Historical Institute, for certain documents, then we will gladly help as we are duty-bound to assist the lawyers of FPJ."[84]  Ngunit kahit na nagpahayag ng suporta ang kampo ng administrasyon, di pa rin nawala ang mga agam-agam na may kinalaman ang administrasyong Arroyo sa isyung ito.

Makalipas ang ilang araw, isang buong-pahinang ad ang lumabas sa ilang pahayagan at tabloid na may pamagat na “Truthful observations on the fake birth certificate of FPJ so as not to fool the Filipinos” na ipinapakita ang sinasabing katibayan ng kapanganakan ni FPJ at ang katibayan ng pagpapakasal ng kanyang ama.  Kinuwestiyon din nito ang mga dokumentong isinumite sa korte at sinabing huwad ang mga ito.  Ayon sa ad, hindi lamang isyung pulitikal ang nasabing usapin, “This is a Constitutional issue because, according to the law, only natural-born citizens can run for the Presidency.  Whoever wants to be the country's highest leader should have a lawful start.”[85]  Napag-alaman mula sa tabloid na Pilipino Star Ngayon na isang Edgar Cordivilla ang nagbayad ng halagang Php 35,000.00 para sa mga ad.  Itinanggi ng Malacañang at ni Atty. Fornier ang kanilang kaugnayan sa nasabing ad.  Ayon kay Kalihim Defensor,“We have nothing to do with that and if there is anything coming out about any issues in the coming elections, I think the people have the right to know and to be informed about but definitely we have nothing to do with that.”  Ayon naman kay Fornier, wala siyang pera para gastusan ang mga ad na nagkakahalaga ng Php 130,000.00 bawat isang-pahinang ad sa mga pahayagan, “I wish I had the money to do it."  Ipinasiyasat ni Tagapangulong Abalos ng COMELEC ang mga ad sa pagsasabing ito ay pangangampanya sa labas ng tamang panahon na isang paglabag sa Resolusyon ng COMELEC 6530.[86]

            Noong Ika-19 ng Enero, 2004, sa isang privilege speech sa senado, ibinunyag ni Sen. Tito Sotto na huwad ang mga dokumentong iniharap ni Fornier sa COMELEC.  Pabiro pa niyang sinabi na walang nakitang Paulita Gomez na nabuhay kailanman sa Pilipinas, at ang tanging Paulita Gomez na nalalaman ay yaong karakter sa nobela ni José Rizal na El Filibusterismo.  Ayon sa KNP, may kaugnayan si Manapat sa “paboritong mga abogado ng Malacañang,” mula sa Cruz, Villarasa Law Offices, na pinabulaanan naman ng tagapagsalita ng Pangulo, Kalihim Ignacio Bunye.[87] 

Sa pagdinig sa COMELEC, nagpakita ng isang sertipikasyon ang abogado ni FPJ na si Atty. Estelito Mendoza mula sa dating nangangasiwa sa dibisyong sinupan na wala sa mga rekord nila ang katibayan ng kapanganakan ng nakatatandang Poe, at ang katibayan ng pagpapakasal ng nakatatandang Poe at ng isang Paulita Gomez ay pawang mga bagong dokumento na may petsang Enero 2004. Isang Gloria Pagdilao din ang lumitaw at ipinakita ang isang aklat na naglalaman ng katibayan ng kapanganakan ni FPJ at nasasaad dito na ang kanyang mga magulang ay Pilipino.[88]  Lumitaw rin ang tatlong empleyado ng Pambansang Sinupan na nagpatotoo na pineke ni Manapat ang mga dokumentong ibinigay niya kay Atty. Fornier, sina Vicelyn Tarin, Emman Llamera and Remmel Talabis.  Dahil dito agad pinatalsik ni Pang. Arroyo si Manapat sa Pambansang Sinupan.[89]

            Nang ibasura ng COMELEC ang petisyon ni Atty. Fornier, inapela ito sa Korte Suprema.  Ngunit noong Ika-3 ng Marso, 2004, nagdesisyon ang mayorya ng Korte Suprema sa botong 8-5 na tama lang ang ginawa ng COMELEC na ibasura ang petisyon.  Pinakinggan nila ang ang mga argumento ng amici curiae, o yung tinatawag na “Mga Kaibigan ng Hukuman,” mga lupon ng eksperto na nagsabing si FPJ ay isang Pilipinong natural-born sa ilalim ng Saligang Batas ng 1935 at malinaw na ipinakita ng mga isinumiteng ebidensya na si Allan Fernando Poe, ang ama ni FPJ, ay isang Pilipino.  Ayon sa ulat, sinulat ni Punong mahistrado Hilario G. Davide, Jr. sa kanyang hiwalay ngunit umaayon na opinyon na:

"Fornier never alleged that Allan Poe was not (Poe's) father. By revolving his case around the illegitimacy of (Poe), Fornier effectively conceded paternity or filiation as a non-issue," Davide said.  He noted that under Paragraph 3, Section I, Article IV of the 1935 Constitution, those who had a Filipino father were also natural-born Filipino citizens.  "I agree with the amici curiae that this provision makes no distinction between legitimate and illegitimate children of Filipino fathers. It is enough that filiation is established or that the child is acknowledged or recognized by the father," Davide said.  He said that the following "facts have been established by a weighty preponderance of evidence" during the oral arguments: Poe was born on Aug. 20, 1939 in Manila; he was born to Allan Poe and Bessie Kelley; and his parents were married on Sept. 16, 1940.More importantly, he said Allan Poe was a Filipino because his father, Lorenzo Poe, "albeit a Spanish subject," was not shown to have declared his allegiance to Spain by virtue of the Treaty of Paris and the Philippine Bill of 1902.  "Since paternity or filiation is in fact admitted by petitioner Fornier, the Comelec committed no grave abuse of discretion in holding that (Poe) is a Filipino citizen pursuant to (the 1935 Constitution)," Davide said.  "For purposes of the citizenship of an illegitimate child whose father is a Filipino and whose mother is an alien, proof of paternity or filiation is enough for the child to follow the citizenship of his putative father (as amicus curiae (Joaquin) Bernas argued)," he added.[90]

 

            Ayon sa Malacañang, ikinatuwa ng pangulo ang desisyon ng korte; makapagtutuos na raw ang pangulo at ang kanyang katunggali, “fair and square.”  Ayon kay Kalihim Defensor, “We're glad it's over. Now we can focus on the campaign.”  Ayon sa tagapagsalita ni FPJ na Kong. Francis “Cheese” Escudero, “Buong-buo ang paniniwala ng aming mga kasamahan, at ganun din si FPJ, na siya ay kakatigan ng Korte Suprema.”

            Sinuportahan naman si FPJ sa usapin maging ng mga hindi niya kapanalig.  Sa kanyang kolum na There’s The Rub, ipinagtanggol ni Conrado de Quiros ang pagiging Pilipino ni FPJ:

The heroes Poe has played in his movies -- or hero, the characters being pretty much interchangeable, or variations on a theme -- have defined the Filipino concept of the ideal man for several decades….  I have no particularly love for Poe as a presidential candidate, though I did look up to him as a cultural icon when I was a kid. But if he isn't Filipino, who is? [91]

 

            Sa ibang pagkakaton, isinulat din ni de Quiros na ang Pang Arroyo ay ang siyang tunay na Amerikano sa puso at diwa dahil sa pagkiling nito sa maraming pagkakataon sa pagsalakay ng Estados Unidos sa Afghanistan at Iraq, bahagi ng tinatawag na Digmaan Laban Sa Terorismo:

But more than all that, there is the letter and spirit of the law. The constitutional provision saying only natural-born Filipinos may run for public office was put there obviously to make sure the candidate would have undivided loyalty to this country. Natural-born rather than naturalized for the added precaution that the person will have no qualms whatsoever in serving, or leading, this country in the event of war with his country of origin. Can you imagine Asedillo, Ang Panday and Daniel Barrion [Poe's popular movie characters] all rolled into one owing loyalty to America or Spain in the event this country goes to war with either of them? Macapagal-Arroyo may be a Filipino citizen by law, but she is completely obviously an American citizen "in heart and spirit," to use her own words. I do not want Poe to be the president of this country. I do not want Poe to want to become president of this country. But to screw him this way -- that is unfairness of monumental proportions. Well, the Muslims for one have been known to shoot at the movie screen when the villains come out to torment their favorite action hero, who is Poe.[92]

 

            Sa kanyang ikatlong kolum ukol sa usaping pagka-Pilipino ni FPJ, kanyang ipinagtanggol si FPJ na bagama’t may pagkakataong mangibang bayan na lamang ay piniling manatili sa Pilipinas. Dagdag pa niya taliwas ito sa gawain ng ibang kapanalig ng Pang. Arroyo, tulad ni Sen. Franklin Drilon, na nagsusulong ng batas para sa dual citizenship, at nagnanais naman ang iba sa ating mga kababayan na tuluyan nang iwanan ang pagka-Pilipino.

It should prove particularly disastrous for this country, most of whose school kids do not want to be a Filipino at all. That comes from a survey Malou Doronila did of public school pupils in the early 1990s. The respondents cited as their preferred citizenship American, Japanese and Saudi Arabian. Filipino came only fourth. You have dual citizenship, Filipinos will be Americans first and Filipinos second. That is the intention of the law to begin with, the Filipino citizenship tacked in for convenience and not for obligation. You get to have the benefits of being a Filipino while having none of its blights.  On top of everything else, you have a country where 19 percent of the population wants to leave it.  And you think Fernando Poe Jr. is not a Filipino citizen?[93]

 

            Nang tanungin sa isang chance-interview noong panahon ng kampanya ni Jessica Soho si FPJ kung ano ang kanyang masasabi nang pagdudahan ang kanyang pagka-Pilipino, kanyang winika, “Alam kong Pilipino ako kaya hindi ako nagdududa!”[94]

Sa panayam ni Mel Tiangco kay Susan Roces, sa burol ng kanyang kabiyak na si FPJ noong Ika-16 ng Disyembre, 2004, kanyang inilabas ang sama ng loob ukol sa isyung ito sa kabila ng mga balak ng pamahalaan na parangalan si FPJ:

Hanggang po sa ngayon ay hindi pa po nila kinaklaro, ano na pong punishment ang ibinigay sa mga nameke ng birth certificate ng isang iniisip nilang bibigyan nila ng isang karangalang napakataas dahil siya’y isang Pilipino.  Kinwestiyon nila yan nung eleksyon.  Anong parusa ang ibinigay nila sa taong nameke nung mga dokumentong iyon.  Na pati mga ninuno ni FPJ na nananahimik na sa kanilang libing(an).  Kahapon, nagkaroon kami ng panauhin dito, nakiramay dito mga taga-US Embassy.  At isa sa mga napag-usapan namin, ang isang mga nabanggit nila, hanging-hanga sila at gulat na gulat sila sa outpouring ng love and affection ng mga kababayan natin.  Dahil na-witness nila, kung papaano ang reaksyon nila (ng mga tao) tuwing dadaan sila at nakikita nila ang bangkay ni Ronnie.  Tapos, napag-usapan nga tungkol sa mga ninuno ni Ronnie na mayroong Amerikano, ang kapatid ni Ronnie, ang iba, by choice naging Pilipino, ang iba, American citizens.  Ang sabi nila, “He’s so proud to be a Filipino!”  Ang sabi ko naman, “Yes!  But isn’t it funny, or isn’t it ironic, that he is being tagged as an American citizen, and why does he have to line up to get a visa to go to the United States in your embassy.[95]

 

            Sa kanyang parangal para sa kanyang matalik na kaibigang si FPJ bago ito ilibing, sinabi ni Pang. Estrada na:

Pinakamasakit pa na nangyari sa kanya at alam kong masamang-masama ang loob niya.  When they tried to stop him by falsifying his citizenship.  Tulad ko, mga kasinungalingan, mga bintang, at intriga ang kanyang inalmusal, tanghalian at hapunan.  Ngunit wala kayong nadinig sa kanya.[96]

 

Mahirap patunayan, subalit madaling paniwalaan, na may kinalaman ang kampo ng administrasyon sa anumang bagay ukol sa usapin ng pagiging Pilipino ni FPJ.  Sino ba ang makikinabang ng malaki sa diskwalipikasyon ni FPJ?  Hindi ba’t nasa institusyon din ng pamahalaan ang sinasabing nameke sa mga dokumento ukol kay FPJ?  Ayon nga kay Sen. Lacson ukol sa bintang na siya ang nagpasampa ng diskwalipikasyon para kay FPJ: “Eh makikita mo naman kung sino ang nag-petition, nag-act as petitioner and nagpupursue.  What would I gain?”[97]

 

FPJ:  BOBO?

            Noong kampanya, naging malaking usapin laban kay Fernando Poe, Jr. ang kanyang pagiging artista at ang kawalan ng karanasan nito sa pamamahala.  Ginamit ba ito ng K-4 laban sa kanilang pinakamalakas na katunggali sa halalang 2004?

Pabirong isinalarawan ng mamamahayag na si Antonio “Tony” S. Lopez, nang siya ay maging panauhin sa Dong Puno Live matapos ang halalan, ang pagtingin kay FPJ ng mga nakatataas sa lipunan:

Ang lamang ni GMA kay FPJ nationwide is 8%.  Dun sa kanilang exit poll (ng Pulse Asia), ang hindi kumibo, ayaw sabihin kung sino ang binoto nila 8% din.  Ang suspetsa ko yung 8% na iyon nahihiyang sabihin ang kanilang boto.  Bakit?  Una, si FPJ malakas sa pinakamahihirap.  Pangalawa, si FPJ sinasabi nila bobo.  Pag sinabi mong kay FPJ ka, lalabs hindi ka lang mahirap, bobo ka pa!  Kaya hindi kumibo ang iba.[98]

 

Kuwento ni Pang. Estrada sa kanyang pag-alaala kay kay FPJ, “At bilang kandidato, tulad ko po noon, dumanas din si Rannie ng lahat ng uri ng pang-iinsulto at panglalait sa kanyang kakayahan. [99]

Ayon sa Partido Liberal, na kabilang sa alyansang K-4, noong Ika-5 ng Mayo, 2004 sa bahagi ng kanilang pahayag na pinamagatang “Fight for competence, experience, and continuity! Reject the politics of entertainment!:”

All of these responsibilities require the candidate with the necessary qualification, temperament, and work ethic not found in ordinary mortals. Unfortunately, several candidates have managed to reduce this election to a plethora of sound-bites and entertainment numbers that betray the hollowness of their vision and platform of government. With nothing but popularity as a qualification, these candidates and their followers have managed to enchant some of our countrymen to misguidedly place their hopes for deliverance on ill-equipped celebrities and folk heroes.

We in the Liberal Party rejects the politics of entertainment and pure popularity that offer no concrete program of government. As a party, we are rallying behind one of our own, Gloria Macapagal Arroyo, our honorary chairman, and daughter of President Diosdado Macapagal, himself a former LP president.

We are confident that among the presidential aspirants, only GMA has the vision, direction, experience, education, and the will to address the most complex problems of the country that has accumulated over the past 30 years. Only she can inspire and unite our people to make the necessary sacrifices we must take together in the coming years to make our country great again.

In the last stretch of the campaign, the Liberal Party of the Philippines stands solidly behind GMA and the K-4 coalition in the forthcoming elections. We will work with them to return the politics of entertainment to the theatre and restore Philippine politics to one of experience, competence, and continuity.[100]

 

            Kitang-kitang si FPJ ang tanging pinatutungkulan sa pahayag na ito.  Tinutukoy ng pangungusap na “several candidates have managed to reduce this election to a plethora of sound-bites and entertainment numbers that betray the hollowness of their vision and platform of government” ang mga talumpati ni FPJ na ang ilang linya ay kinukuha mula sa kanyang mga sikat na pelikula, tulad nito: “Ang lawin ay lilipad, mula dito Mariveles, hanggang Malacañang!”[101]

Nagkaroon ang mga kasapi ng Partido Liberal ng pagpupulong sa bawat isang nagpakita ng interes na tumakbo sa pagkapangulo noong mga huling bahagi ng 2003, kasama rito ay si FPJ.  Sa isang maikling artikulo mula sa magasing Newsbreak, idinetalye ang naging takbo ng pulong na ito.  Nagbigay raw si FPJ ng mga pangkalahatang pahayag tulad ng kailangan ng bansa na bigyang-pansin ang agrikultura at ang pagtulong sa mga “light industries” tulad ng industriyang cut-flower.  Napansin na ito ay nagmula sa isang programa ng kanyang kapanalig na si Sen. Angara noong siya ay Kalihim ng Agrikultura – ang pagpapaunlad ng mga high-value crop tulad ng cut-flower.  Nang tanungin siya kung ano ang kanyang opinyon ukol sa lumalalang ekonomiya at mababang Gross Develeopment Product(GDP) at Gross National Product(GNP), ang kanyang tugon ay “I agree with you!”  Nang lumisan na si FPJ sa silid na iyon, nagtawanan raw ang mga kasapi ng Partido Liberal.[102]

Upang linawin ang insidenteng ito, aking itinanong si Kong. Noynoy Aquino, ukol dito.  Ayon sa kanya:

In fairness, I wasn’t there during that particular meeting, but my partymates who were there were looking for more meat to some of the aspirations of Mr. Fernando Poe and they felt medyo lacking yung meat.  Kasi madaling magsabi yung aayusin nating yung ekonomiya, aayusin natin agrikultura, ano ba ang problema.  Divide mo, saan ba yung mga problema dito, pag nadi-devide mo yung tamang problema, susunod na ang solusyon.  E Ito para bang sana mas marami pang nasabi, siguro yun ang nice way of putting it.[103]

 

            Sa ibang pagkakataon, tinanong ko si Kong. Noynoy Aquino kung ano ang kanyang opinyon ukol kay FPJ.  Kanyang tugon:

As I said, FPJ was always a reluctant candidate, yung next aspect dun is yung, as far as his sincerity din, all of the other aspects are concerned, binuild-up ko rin iyon, sabi ko, as a positive role model, I think he has portrayed it in his acting career, But in the end of the day, what are the plans, actually.  As the chief executive of the country, what does he intend to do.  And the Liberal Party met with FPJ, Sen. Raul Roco, and Ping Lacson to hear their platforms, and at the end of the whole process, just concluded that GMA was the best candidate amongst the four of them.  And I explained ano ba ang prosesong dinaanan namin.[104]

 

            Bagama’t itinatanggi ng AKBAYAN na sila ay sumuporta sa Pang. Arroyo, tila umaayon sila sa mga pamantayan ng mga kasapi ng K-4.  Ayon kay Kong. Rosales, nang pinayuhan nila ang kanilang mga kapanalig na magkaroon ng conscience vote, ito ang kanilang mga dapat isaalang-alang:

Siyempre kinakailangan ang iboboto ko tao naman na matapat, may integridad, tapos may competence!  Kaya niyang mamahala.  Hindi ka boboto ng taong walang karanasan sa pamamahala at walang kaalaman sa pamamahala kahit ano pang sabihin mong… So mukhang iyon naging malinaw na malinaw sa amin.[105]

 

            Samantala, ginamit naman ng dating kapanalig ng oposisyon na lumipat sa K-4 at tumakbo bilang senador, si Miriam Defensor-Santiago, ang mga masasakit na salitang ito bilang paglalarawan kay FPJ, “So new, so raw and so lost![106]

            Kung ang ibang kandidato ng K-4 sa pagkasenador ay tahasan ang pagkwestiyon sa kakayahan ni FPJ, iba naman ang istilo ng kandidatong si Richard “Wow Dick” Gordon.  Sa tugon ng ngayo’y Sen. Gordon sa aming tanong kung siniraan niya kahit minsan si FPJ, “No!  Sinasabi ko lang na GMA is the best person for the job.”[107]

            Sa lokal na lebel, hindi naman paaawat ang mga kasapi ng Lakas-CMD sa Lungsod ng Baguio .  Ikinuwento sa amin ni Kong. Domogan na sa kanyang pag-iikot sa buong Cordillera, ganito niya inilalarawan ang katunggali ng Pang. Arroyo:

Talagang diretsahan, in fairness to FPJ, talagang magaling na artista.  Mali yung ginawa nila na komo nakikita nila na walang malakas na ilaban kay PGMA, siya ang kinuha, that is not fair to him as far as I am concerned, sana he should sustain and continue his job as an actor.  Wag namang ipasok siya sa trabaho na wala siyang eksperyensya, anong mangyari sa ating bayan?  We have already seen the experience with the Erap administration ang hirap maulit na naman yan.  Yun ang issue na ine-explain namin sa taumbayan in the City of Baguio .  It’s not that we do not like Fernando Poe but think carefully yung sitwasyon natin, wala siyang experience.  Talagang yung sanay na trabaho niya artista, tapos biglain mong ipunta diyan, so maliwanag na maliwanag na yung picture na mangyayari kung sakaling siya ang nanalo, he will be a president in front but there will be hidden president dictating on him at his back.[108]

 

            Iba naman ang paraan ni Kong. Mikey Arroyo sa pagtingin kay FPJ.  Sa aming panayam sa kanya, ang pinagtuunan niya ng pansin ay ang platapormang inilatag ni FPJ:

Well, unfortunately, I haven’t had the chance to meet him personally so I can’t really say, but from what I heard, the account, that he’s really a very good person, he had a good heart, that’s all I hear.  I don’t know, pero he’s lacking in good platform.  But that is a fact, no?  However, regarding his personal characteristics, I haven’t met him personally, and from the accounts about him, he’s a good person, that’s all I can say.[109]

 

            At siyempre, hindi pahuhuli ang business sector sa pagdududa sa kakayahan ni FPJ.  Nasasalamin ang kanilang sentimiyento sa panayam sa isang mangangalakal na lumabas sa BBC World, “You don’t have any feel for how he’s going to make some of these decisions.  It’s a question of understanding his decision making-capabilities.”[110]

Paano bang hinarap ang lahat ng agam-agam na ito ng KNP?

Ayon kay Pang. Estrada na matalik na kaibigan ni FPJ, pareho sila ng pananaw ukol sa usapin ng kanyang pagiging walang karanasan sa pulitika:

Magkatulad po kami ng paniniwala, na hindi matutugunan ng college degree, masters at Ph.D. sa Economics ang mga batayang problema ng bayan kung wala kang puso at damdamin para sa mga nakakaraming Pilipino.”[111]

 

Ito ay direktang patama sa Pang. Arroyo na nagsasabing siya ay may doktorado sa Economics mula sa Unibersidad ng Pilipinas.

Sagot naman ni Sen. Jinggoy Estrada, anak ng dating pangulo, nang aming kapanayamin, sa mga nagsasabing walang karanasan si FPJ:

They do not know FPJ personally.  These people who are ahhh…ahhh are addressing him as undereducated, no education whatsoever, no formal training in government.  Well, mas mabuti na siguro yung honest ka na wala ka pang eksperyensya sa gobyerno kaysa yung marami kang malawak na eksperyensya sa gobyerno pero magnanakaw ka.[112]

 

Bagama’t sinasabi ng mga kritiko ni FPJ na ang kanyang hindi pagsasalita ng madalas ay nagpapakita lamang ng kanyang “intellectual insecurity,” iba ang pananaw ng ginagalang na artistang si Caridad Sanchez, “He had a very IQ (Intelligence Quotient) and a very high EQ (Emotional Quotient), he just didn’t flaunt it.”[113]

Ayon sa kanyang kaibigang matalik na si Berting Labra, kaya tahimik si FPJ noong panahon ng kampanya dahil ayaw niyang mangako ng mga bagay na hindi siguradong matutupad, “Madaling magsalita at mangako.  Nasa gawa ang pagpapatunay.  Kahit di nangangako, gumagalaw si Rannie.”[114]  Tinutukoy rito ni Berting ang mga kawanggawa at pagtulong sa kapwa ni FPJ na kanyang itinago sa media at sa madla na lumabas lamang noong mamatay si FPJ.

Ayon naman sa aming panayam kay Kong. Escudero kasama ang ibang mga mag-aaral ng kasaysayan mula sa Unibersidad ng Pilipinas:

How would you define walang alam.  It’s usually an issue being raised in a campaign against the candidate that is less educated than another candidate.  When you say walang alam, ano bang kailangan mong malaman para maging mabuting pinuno?  Do you need to have a Doctorate in Economics?  GMA has one but where did it get us?  Well GMA has 223 advisers and she has a Doctorate in Economics.  FPJ came up with a list of 20 advisers and did not even finish college.  …Hindi mo siguro kailangan ng doctorate o college degree para malaman na pag ikaw opisyal ng gobyerno, hindi ka dapat magnanakaw.  Hindi mo dapat uunahin ang interes ng kaibigan o kakilala mo, uunahin mo ang interes ng mas nakararami.  Uhm, walang nag-e-expect na alam mo lahat ng kaalaman tungkol sa gobyerno o sa ekonomiya.  Kaya may kabinete ka.  …So, pag sinabi mong walang alam, walang alam siguro sa mga permutations permutations on the economy, on the formulas on the economy, but he knows the difference between the demand and supply.  Hindi yan batas, yung typical joke ni Magsaysay.  He was not as stupid.  Remember he was able to run a business, uhm, his studio, his production for 40 years.  He was able to manage his own career. Remember, wala siyang manager.  Sa dinami-dami ng mga magaling na artista, nakapagtapos, may mga manager.  They were not able to manage the respective careers of their talents to last 40 years.  He was able to do that.  And don’t tell me its just because he has a pretty face.  Because there are so many actors, actresses who has pretty faces.  And you have to give him credit for that.[115]

 

Ayon nga kay Armida Siguion Reyna, minaliit nilang masyado ang kakayahan ni FPJ, “He was on top of the heap as an actor, scriptwriter, a director, and a producer.  You don’t stay on top for more than 40 years by being dumb.”[116]

Ang pangkalahatang damdamin ng mga taga-suporta ni FPJ ay nasalamin sa “Tula Ng Pamamaalam Para Kay FPJ” na binasa ni Joel Lamangan noong huling gabi ng libing ni FPJ.  Ang tagpo nito ay ang pagsalubong ng mga anghel kay FPJ sa langit:

…Sabay sabay na sumagot ang mga banal

ang sabi nila, “Dito, ang pamantayan

ay hindi ang dami ng diploma,

o gaano kataas ang kaalaman. 

Dito, ang pamantayan

ay dalisay na puso at katapatan….[117]

 

            At para sa kanyang mga taga-suporta si FPJ ay:

Ang haring ang kaharian ay trono

Na nasa puso at damdamin ng pangkaraniwang tao,

Ang haring simbolo ng pagpapakumbaba, 

Ang haring simbolo ng tunay na kawanggawa,

Ang haring simbolo ng tahimik

Ngunit malalim na pag-arok sa tunay na takbo ng buhay,

Ang haring simbolo ng katapatan,

Ng tunay na pagmamahal sa kapus-palad,

Ng tunay na kaibigan,

Ng tunay na pagmamahal sa bayan,

Ang haring ninakawan ng dakilang adhikain

At layuning makapaglingkod sa sambayanan.

Ang haring minaliit at dinusta

Dahil siya’y isang aktor lamang,

Dahil sa ang puso niya’y

Malakas ang pagkiling sa mga pangkaraniwan.[118]

 

            Ang pagtingin na ito ay malayo sa persepsyon ng marami na siya ay bobo, oo walang karanasan.

 

Kahit hindi aminin ng K-4, masasabi nating naapektuhan pa rin sila sa pagtakbo ng sikat na sikat na si FPJ.  Sa isang panayam, sinabi ni Ronald Llamas ng AKBAYAN Partylist, “This election does not talk about issues, this lections does not talk about problems or visions, or principles.  Ang pinag-uusapan lang dito sino ba ang mananalo, at paano?”[119]

            Isang araw matapos ang halalan, nagpahayag ang pangulo kung paano niya pinatakbo ang kanyang kampanya:

Well, to me the important thing now is we must leave behind the rancour that, unfortunately, characterized the campaign.  I tried my best, and I think I succeeded to keep my own campaign on the level of issues and platform but sad to say it wasn’t like that all around.  Now the important thing is to leave that behind and work for peace and unity among the Filipino people and continue to be vigilant so that we will have peaceful and credible elections.[120]

 

Taliwas ito sa aking nakikita.  Nakita kong noong panahon ng kampanya, kinailangang tapatan ng Pang. Arroyo ang karisma at “magic” ni FPJ — nakita siyang umawit sa entablado kasama si Nora Aunor, na kahawig ng pangulo, at nagsasayaw ng aerobics kasama si Tita Glow, na gumagaya sa pangulo sa saliw ng jingle niyang “Kay Gloria na!”  Tila hindi ito sumasang-ayon sa sinasabing pagtuligsa ng Partido Liberal sa “Politics of Entertainment.”

Ayon kay Peter Wallace, isang dayuhang business analyst:

They felt they have to match him… How absurd that the president has to sing and dance on stage.  That’s juvenile!  The other candidates, Mr. Lacson, Mr. Villanueva, Mr. Roco, all have some very good credentials, all had some very positive things about them, but they didn’t have enough all of the other things, the machinery, the money, perhaps the popularity, all things that go together to make a winner.[121]

 

Lumilitaw na si FPJ pa lamang, hindi man magsalita, ay isang hamon na sa Pang. Arroyo, liban pa sa mga akusasyon ng oposisyon sa pangulo.

At noong mamatay si FPJ, kagyat na naglabas ng pahayag ang Pang. Arroyo at nasalamin dito kung paano nga bang tinignan ng pangulo ang kanyang katunggali, “Fernando Poe, Jr. was a great man, a worthy adversary and a great Filipino.  I mourn with the million of Filipinos who loved him dearly and held him up as a symbol of their deep aspirations.”[122]

Bagama’t maaring sabihing isang malaking pang-iinsulto sa pagkatao ni FPJ na palitawin siyang bobo, nakikita ko na naging epektibo ito.  Makikita na bagama’t maraming Pilipino ang hindi kontento at ayaw nang maging pangulo ang Pang. Arroyo, marami pa rin ang bumoto rito.  Tinimbang nila na mas mabuti na itong may karanasan, edukasyon at nasubukan na ng bayan kaysa itong hindi pa natin alam kung paano mag-isip.

At bagama’t masasabing tunay na mabuting tao si FPJ at may angkin ding talino, at hindi naman kailangan na alam ng pangulo ang lahat ng aspeto sa pamumuno, dahil imposible naman ito at depende sa kakayahan ng isang pinuno, iba pa rin ang mundo ng pulitika.  Sa mundo ng pulitika, hindi lamang puso at diskarte ang kailangan, kailangan din ng karanasan, lalo na at ang inaasam na pwesto ay ang pinakamataas.  Sang-ayon ako sa sinabi ni Atty. Perfecto Yasay ng Alyansa ng Pag-Asa sa isang panayam,

I for one did not believe that Fernando Poe had the qualifications to become president albeit that he was a good person and I admire him for that, you know.  He was a good leader in many respects but not good enough to become president of our country.[123]

 

           

LACSON:  KRIMINAL?

Marami nang kinasangkutan na kontrobersya si Sen. Ping Lacson, lalo na ukol sa kanyang diumano’y paglabag sa karapatang pantao bilang isang pulis at hepe ng Pambansang Pulisya (PNP), kung kaya’t kinakailangan ng isa pang hiwalay na pagsasaliksik upang talakayin ang lahat ng ito. Bagama’t wala pang napapatunayan sa mga alegasyong ito sa hukuman, malakas ang paniniwala ng marami na may katotohanan ang mga ito.  Naging usap-usapan na kung siya ang magiging pangulo, maaaring sundan niya ang diktador na si dating Pang. Ferdinand Marcos.  Ngunit may katotohanan man ito o wala, tila ginamit din ang persepsyong ito ng partido ni Lacson upang palakasin ang kanyang imahe sa mga wala nang pag-asa sa kasalukuyang pamahalaan — “Buo ang loob, walang takot” ang naging slogan ni Ping sa kampanya.  Ang kanilang ginamit na simbolo ng nakaraang halalan ay ang nakataas at nakakuyom na kamao — kamay na bakal.

Ang isyu ay ginamit din naman ng mga hindi pabor kay Sen. Lacson.  Isa sa mga biru-biruan na kumalat sa text messaging noong kampanya, “Kung si FPJ ay hindi nagsasalita, si GMA ay walang isang salita, si Roco ay puro salita, at si Bro. Eddie kapag nagsalita may himala, kay Ping Lacson naman patay sa isang salita.”[124]

Ngunit sa isang panayam kay Max Soliven at Pinky Webb, nilinaw ni Sen. Lacson na hindi kamay na bakal ng diktadura ang kanyang taglay, “Sasabihin nila, sila nang mga tao, kailangan natin ngayon, kamay na bakal to go after the abusive and the oppressive government officials.[125]

Muling hinukay, bago pa man ang kampanya, ang mga kontrobersyang kinasangkutan ni Sen. Lacson.  Nang tanungin namin si Kong. Butz Aquino kung ano ang mga black propaganda na ibinato sa kanila ng administrasyon, isa ito sa kanyang binaggit.   Ibig lamang sabihin, naniniwala silang pakana ng administrasyon ang mga paratang na ito.  Ayon sa kanya, “Kay Lacson, sinasabing involve daw siya sa drugs, o e, wala namang nangyari.  Ang Amerika nga at saka ang ibang bansa nagbigay pa sa kanya ng award dahil sa kanyang drug campaign when he was already there.”[126]

Noong Oktubre ng 2003, kasabay ng mga pagbubunyag ni Sen. Lacson ukol kay José Pidal, lumabas ang balitang maaaring maaresto at hindi makapangampanya si Sen. Lacson dahil muling didinggin sa mababang hukuman ang pinakakontrobersyal na kasong kanyang kinasangkutan:  ang kasong “Kuratong Baleleng.”

Noong koronel pa lamang siya at pinuno ng isang task force laban sa krimen, nasangkot siya at 33 iba pa sa misteryosong pagkakapaslang sa 11 miyembro ng kilabot na sindikato sa pagdukot at panloloob sa bangko, ang Kuratong Baleleng.  Napawalang-saysay ang kaso, subalit muling binuhay sa panahon ng pamahalaang Arroyo.  Sa ikapitong pagkakataon, pinabuksan ng Korte Suprema ang kaso noong Ika-7 ng Oktubre, 2003.[127]

Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Lacosn na may kamalian (flawed) ang desisyong buksan ang kaso; nagpapatunay lamang daw na bahagi ito ng isang, “grand design to prevent me from pursuing my crusade against massive corruption for our people, and ultimately to prevent me from opposing Pres. Arroyo’s election.”[128]

Ayon kay Kong. Butz Aquino:

Oo, e wala namang mapatunayan dun kaya wala na naman yun, tapos nun, ewan ko kung saan siya sinasangkot.  Yung Kuratong Baleleng, na-dismiss na yun, limang beses nang na-dismiss yun, pero dahil mainit sa kanya, laging binubuksan yung kasong iyon.  Kalokohan yun![129]

 

            Paano naman hinarap ni Sen. Lacson ang mga kontrobersiyang ito?  Ang kanyang sagot sa isang panayam:

Well, just speak the truth na talagang ako, I’ve never been involve.  Kasi kung na-involve ako sa drugs, paano mo maililihim yon, you were the chief PNP.  Puwede bang mag-isa kang nag-ooperate ng durgs.  Gusto ko nga nilalabas yung mga isyu na yan during the campaign so I could address it.  I could correct the impression of the people, the wrong impression.  Kasi ang sinasabi ko, you’re holding a very high profile position in government and if I directly or indirectly got involved in drugs in any way, as a protector, user, pusher o kung ano man, eh bakit walang nag-accuse sa akin while I was still in the service.  Bakit lumalabas lang noong senador na ako?  Di ba dapat, at saka di ba even sa mga coffee shop, barbershops may maririnig kang tsismis.  Maski hindi lumalabs sa diyaryo, at least may maririnig ka.  Kaya ako during the campaign, I was challenging yon, anyone in the crowd, even on television and talk shows, on uncomparable challenge na if there’s anyone of them that’s willing to stand-up and say that during my time, when I was still chief PNP, may narinig kayong, even tsismis, na ako, I got involved with drugs, I got involve with so many anomalies, then you stand up.  I’ll give you a firearm, you shoot me.  I went to that extent challenging these people kasi talagang wala eh.  Sabi ko kahit tsismis lang.  And then they started to realize, oo, wala nga kaming narinig noon eh.  Kasi kung hindi mo gaganunin hindi mapapasok sa consciousness nila, kasi talagang massive yung ginawang ano sa akin black propaganda.[130]

 

ROCO AT ANG KANYANG ALYANSA:  PAANO SISIRAAN?

            Kung tutuusin, para sa akin, ang mga bumubuo ng Alyansa ng Pag-asa ang masasabing pinaka-may integridad, at may kakayahan sa pangkalahatan.  Paano sila sisiraan?  Mga pananaw mula sa isang panayam sa isa sa mga tumakbo sa ilalim ng Alyansa, Atty Perfecto “June” Yasay, Jr.:

Wala, wala akong ano eh…wala akong… Palagay ko yung black propaganda hindi kami naapektado masyado dyan eh, dahil wala naman sila masasabi sa amin, eh.  At saka, yung mga political parties na mga matatag, na maraming pera ay ang black propaganda ay pino-focus nila sa kabila, sa mga kalaban nilang ganun.  Kami, we were not so much affected by the black propaganda.[131]

 

            Ngunit, ano nga ba ang mga pinakamasahol na naging usapin ukol sa kanila noong kampanya?  Ayon kay Atty. Yasay:

The impression na hindi kami mananalo dahil wala kaming pera at ang impresyon na yung aming kandidato, si Raul Roco ay may sakit at hindi na mananalo yan.  Yun ang mga…kung matatawag mong black propaganda yan, ay yun na nga nakakasira sa amin pero in terms of some asking si June Yasay ay ano yan, babaero yan o si ganyan ay…wala, walang ganun, wala silang masasabi sa akin.[132]

 

            Kay Sen.Roco?  Ano ang mga naging pinakakontrobersyal na usapin ukol sa kanya?

Ah, marami nga palang black propaganda kay Roco.  Sinasabi nila di ba, wife-beater daw si Raul Roco, sinasabi daw na babaero si Raul Roco.  Alam mo kilala ko si Raul, kilala ko si Sonya…ah… ako will be the first one to tell you that as a family man, as a religious god-fearing individual, as an honest dedicated government official and as a qualified candidate, Roco possessed all of the qualities that should have made him president of this country….  I chose Raul Roco…kilala ko![133]

 

            Paano naman sinagot ni Sen. Roco ang mga paratang na ito sa kanyang mga kasamahan?  Pagpapatuloy ni Atty. Yasay:

Ang relationship namin kay Raul was open, uninhibited.  Pag mayroon kaming hindi gusto, aba’y sasabihin namin sa kanya, mayroon mga ibang haka-haka na nagsasabing, ‘Ey Raul, mukha daw na binayaran ka ni Lacson.  Pwede mo bang ano…eh alam mong itong mga haka-haka binayaran ka raw ni Gloria Macapagal-Arroyo.’  Aba’y, you know, Raul Roco sat down with us on that and told us, ‘Ok, tell me all of your questions and I will answer all of you,’ you know.  But it was this kind of a process kaya hanggang ngayon hindi nabubuwag yung pagrerespeto namin kay Sen. Roco.[134]

 

            Sa madaling salita, hindi na pinagtuunan ng pansin ang Alyansa ng Pag-asa sapagkat hindi naman sila kapansin-pansin.  Ganoon din ang masasabi ko sa Bangon Pilipinas ni Bro. Eddie.  Hindi naman sila threat, wika nga. Kaya naman sa mga black propaganda noong halalan, tunay na napagtuunan ng pansin ang K-4, KNP at ang pangkat ni Sen. Lacson.

 

ANG PAGKAKAHATI NG OPOSISYON:  NAKABUTI SA ADMINISTRASYON?

Marami na ang naisulat at napalabas ukol sa pag-uusap upang magsanib ang dalawang kandidato ng oposisyon, si Fernando Poe, Jr. at si Sen. Ping Lacson.  Ngunit bibigyang pansin ng bahaging ito ng kabanata ang aming mga panayam mula mismo sa mga malalapit na kapanalig ng dalawang kandidato — si Kong. Butz Aquino sa panig ni Sen. Lacson, at si Sen. Edong Angara sa panig ni FPJ.  Bibigyan din ng pansin ang opinyon ng iba’t ibang mga personalidad mula sa kampanya ng K-4 ukol sa kung labis na nakabuti ang pagkakawatak-watak na ito ng oposisyon upang sila ay manalo.

Matagal nang kinukumbinsi si FPJ na pamunuan ang oposisyon sa Halalang 2004.  Pormal itong isinagawa sa pamamagitan ng pangongolekta ng milyong lagda ng dalawang Fernando Poe, Jr. for President Movement (FPJPM).  Ngunit sa isang panayam ni Jessica Soho kay FPJ sa set ng “Alamat ng Lawin,” sinabi ni FPJ, “I’m not running![135]

Gayundin, noong Ika-30 ng Disyembre, 2002, sa paggunita sa Pambansang Bayani si Dr. José Rizal sa Lungsod ng Baguio , nagtalumpati ang Pang. Arroyo at dahil daw ang bansa ay watak-watak at tila siya ang dahilan, kanyang winika, “I have decided not to run for President during the election of 2004.”[136]

Kaya naman sa pagpasok ng 2003, mayroong dalawa na lamang na personalidad na tahasang nagpakita ng interes sa pagtakbo bilang pangulo, ang dating Sen. Roco at si Sen. Lacson.  Malinaw na si Sen. Lacson ang mamumuno sa oposisyon sa Halalan ng 2004 — isa rin siya sa mga pinagkakatiwalaang tao ng dating Pang. Estrada.  Ito ay hanggang noong Ika-4 ng Oktubre, 2004 nang magbago ang isip ng Pang. Arroyo, at sinabi sa Clarkfield, Pampanga:  “Tatakbo ako sa pagka-pangulo sa eleksyon ng Mayo 2004.”[137]

            Matapos ang matagal na paghihintay, noong Ika-26 ng Nobyembre 2003, sa Manila Hotel, katabi ang kanyang asawang si Susan Roces, at kasama ang mga tagasuportang humimok sa kanya, idineklara niya ang kanyang pagnanais na lumahok sa halalang pampanguluhan ng 2004.  Sa pagkakataong iyon, hindi pa siya ginagawang standard bearer ng noon ay United Opposition.[138]

Sa araw na iyon, ipinaalala ni Jessica Soho sa dinudumog na FPJ ang kanyang mga pahayag isang taon lamang ang nakararaan.  Sabi ni FPJ:  “Nasabi ko nga yun (na hindi ako tatakbo), pero mahirap tanggihan ang mga tao.”[139]

Itinaguyod ng pinuno ni LDP na si Sen. Angara ang kandidatura ni FPJ.  Nakipag-alyansa pa ito sa iba pang mga partido ng oposisyon — ang PMP at ang PDP-LABAN, at binuo ang KNP upang suportahan si FPJ noong Ika-2 ng Disyembre, 2003.[140]  Ayon sa isang panayam kay Sen. Angara, ito ang mga konsiderasyon sa pag-ampon nila kay FPJ:

But ang ginawa ko... dahil nga right for the first time, nakita namin, reigning from the top ang kalaban.  Di ba sa constitution, no reelection?   So ang assumption, in any presidential election, patas ang laban.  Walang incubbmbent.  Wala.  Now, we have to confront a... Ang experience noong nakaraan, pag sitting president, mahirap talunin yan.  Dahil gagamitin nyang lahat ang resources ng pamahalaan eh.  Pati yung bureaucracy.  Yuon na nga yung ginawa ni, sa amin, di ba?  Ganoon ang ginamit niya sa akin.  Kaya nga nag-isip kami, nag, nag-concensus kami, ang kailangan ng panglaban naming ay popular, dayain man kami ng dalawa, tatlong milyong boto, mananalo pa rin.  Sapagkat, unang-una, opposition kami, kulang ang pera.  On the other hand, nasa kanila lahat ang pera.  Nasa kanila ang cheating machine, nasa kanila ang COMELEC, nasa kanila ang mediaSo we have to present a very popular candidate.  Bago, bago kami nag-concensus on a popular candidate, binuo ko na nga yung KNP.  KNP is an alliance of three three political parties, LDP, PMP, partido ni Estrada at PDP-Laban.  Ni-unite yan into a coalition. At.. at ah, yung, yung tatlong leaders ng tatlong partidong yan, pumili nga kami ng popular candidate.   Hindi naman from the beginning, and sabi namin si Noli na, ah, ano ngang tawag don, si FPJ na eh.  Ha.  The was the result of consultation among us.  Ang main consideration namin noon, yung kandidatong popular but honest.  …Ang kailangan nating leader, sabi namin, ay yung honest lang.  Yung plain honestHonest na leader.[141]

 

Ayon naman sa isang panayam kay Kong. Francis “Cheese” Escudero, tagapagsalita ng KNP, pinili si FPJ dahil:

…he was the only president probably, or presidential candidate, or would be president who did not have the typical or usual luggage or baggage of a traditional politician who is indebted more often than not to big businesses, indebted to certain interests before, actually being more able to reach the post of president.  Hence, he would have had the best shot at doing what he thought would be best for our country without being intimidated to anyone or anybody or any interest.[142]

 

Ngunit noong Ika-4 ng Disyembre, 2003, sa isang pagtitipon ng ilang kasapi ng LDP na nanatiling tapat sa kasama sa partido, tinanggap ni Sen. Lacson, na kasapi ng partido, ang nominasyon upang tumakbo sa pagkapangulo.  Ang kanyang kandidatura ay itinaguyod ni Kong. Butz Aquino na pangkalahatang kalihim ng LDP.  Ayon sa kanya:

Basta ako, yung natatandaan ko, umunlad ang Singapore, dahil meron silang lider na kagaya ni Lee Kuan Yew, umunlad ang Malaysia dahil meron silang Mahathir, ngayon pati Bangkok umuunlad dahil kay Thaksin Shinawatra, kung anong pangalan, ang hirap ng pangalan nun.  Naniniwala ako na kung meron tayong lider, magkaroon tayo ng no-nonsense leader, maraming susunod.  Marami’t marami.  Yung mga luko-luko na lang talaga ang hindi susunod.  Pero kung gusto nating umunlad ang Pilipinas, yun ang kailangan.  Noong araw, ganyan ang gusto ko kaya lang hindi ko napapatupad.  Kaya, kailangan may abilidad na maipatupad ang plano .  E diyan mukhang si Lacson, mayroong abilidad ipatupad, kaya hanga ako sa kanya.  Kaya siya ang ginagawa naming lider.[143]

 

            Noong Ika-10 ng Disyembre, sa isang pagtitipong hindi niya dinaluhan, ipiniroklama si FPJ bilang kandidato ng KNP.  Subalit hindi tinanggap ng mga kapanalig ni Lacson sa LDP ang pangyayaring ito.  Ayon kay Kong. Ronaldo Zamora ng San Juan , "When you declare, people start to ask you questions and quite clearly, FPJ is not prepared to answer anything," Minaliit din ni Angelito Banayo, tagapagsalita ni Sen. Lacson, si FPJ dahil sa kanyang paghati sa oposisyon: "If he cannot unite the opposition, how can he unite the country?"[144]

            Nagkaroon ng mga pag-uusap sa puntong ito upang si Sen. Lacson ay tumakbo na lamang bilang pangalawang pangulo ni FPJ.  Ayon sa isang panayam kay Sen. Lacson, nabanggit niya na mayroon silang naunang kasunduan ni FPJ nang mapagkaisahan ng oposisyon na hindi ang dating Pang. Estrada ang lalahok sa 2004:

Ang pag-uusap namin, before we decided to even consider running.  Kaya nga ang sabi niya sa akin noon, nung unang-unang pag-uusap, na desidido na siyang makisama but through a selection process.  Sabi ko, that’s good because that’s also what I want in the first place.  Yun, dun kami nagkasundo… nagkasundo kami na kung sinong hindi niyo pipiliin would give in or give way to the other. [145]

 

Subalit ayon kay Lacson, hindi nagkaroon ng tamang selection process sa kaso ni FPJ kaya hindi siya bumaba.[146]  Sa isang panayam kay Sen. Angara, ipinahayag niya ang pagtingin niya kay Sen. Lacson at sa kanyang grupo:  “So, sobra naman ang naging ambisyon nya.  Yun ang, yun ang sigalot don.  But ah, never mind dahil maliit nga lang grupo sila.”[147]

            Hindi umurong si Sen. Lacson at sinuportahan ng maraming mga kapanalig sa LDP ang kanyang kandidatura.  Ayon kay Kong. Butz Aquino:

A, e, sabihin na nating kami yung mga lumalabas na kakampi niya, una kapartido kami e, ano?  Pangalawa, e secretary-general ako ng partido, siya ang kinikilala naming kandidato sapagkat siya ang miyembro ng partido.  E yung pinili ng lider namin sa partido, si FPJ.  E sinabi ko hindi naman miyembro ng partido yang si FPJ, at ayaw naman niyang maging miyembro ng partido, hindi naman siya nagpilit maging miyembro ng partido.  Sa tingin ko, obligasyon naming, bilang isang political party to support our own candidates, our own members who are interested for higher office.  For me, that is elementary, we just have to do that.  E ayaw suportahan si Lacson, naniniwala si Angara at that time na hindi mananalo si Lacson.  E sabi ko, e papaano magkakaroon ng pag-asang manalo, ikaw mismo ang nagsasabi, hindi mananalo, di ba?  Basta ako, nilalagay natin si Lacson diyan, because he is the best qualified.  Alam mo, ipagpalagay, matalino na silang lahat, e pero yung may abilidad magpatupad ng plano .  Marami tayong matatalino, pero yung kayang ipatupad yung programa, aba, ibang klaseng abilidad yan.  At iyon sa tingin ko ang mayroon si Lacson.  Kayang ipatupad, may implementability.[148]

 

            Ayon sa kampo nina Lacson, walang karanasan si FPJ.  Sa aming panayam kay Kong. Butz Aquino:

I suppose the concept here is what is more important?  Capability or winnability?  You know the best is to have both.  You have the capability to be president, and you have the winnability.  But if one has winnability.  Mukhang merong winnability but you are questioning the capability, baka mamaya ang problema mo mag-uumpisa after you win.  At least yung capable, pag nanalo, e hindi naman mananalo yung capable lang, it remains to be seen.  Pero yung capable, pag nanalo, then you are satisfied that you’ve chosen the best.  See?  And then winnability is not everything.  Ewan ko kung naniniwala kayong victory is everything?  For others.  I don’t think so because, as a matter of fact, this is just the beginning of battle.  Mahaba pa yung byahe.  Nanalo ka lang dito sa step one.[149]

 

Sa isang panayam kay Sen. Lacson:

Kami rin nagtataka kung bakit nila in-adopt si Fernando Poe, Jr.  Why?  Nagtataka rin kami, of course, ano, with…kasi patay na yung tao.  Wala yung experience sa governance.  Sinong magpapatakbo?  Eh di the old politicians.  Papipirmahin niya ng kung anu-ano, hanggang sa ma-impeach.  Kung hindi ma-impeach, they will enjoy everything that they would make him sign.  Alukin mo ng contract, o, eto ok na to.  Kayang-kaya nilang mapaikot yung tao.[150]

 

Iba naman ang pananaw ni Sen. Angara .  Kanyang sinabi, “At saka, hindi kami naniniwala, yung overwhelming majority, na si Lacson ay qualified.  Ano ban’ng nagawa niya sa sa professional life nya kundi… kundi… kundi ano? (Kuratong Baleleng) Oh,  yun nga eh.”[151]

At upang paikliin ang isang mahabang kwento, nang pumasok ang Enero ng 2005, si Sen. Lacson at si FPJ ay parehong tumakbo sa pagkapangulo at nagbigay ng Certificate of Candidacy sa COMELEC.  Naging katuwang ni FPJ si Sen. Loren Legarda bilang pangalawang pangulo.  Kaya naman, “Si Crush ng Bayan (Sen. Lacson), nagmatigas, ayaw maging co-star o bise presidente ng action king.  Nahati ang oposisyon.  Ang sinasabing unbeatable na tambalan, nauwi sa hatian.”[152]

            Ayon kay Sen. Angara, “good riddance” ang pag-aklas ng paksyon ni Sen. Lacson sa kanyang partido:

Honestly.  Hindi kami nalungkot nga eh.  Well, unang una nga, di naman, sa, sa judgment namin, hindi naman siya qualified.  Eh nanggugulo lang naman siya.  Oh.  Eh di... talagang ganyan ang kwan eh.  Ang kwan sa organisasyon eh, noh.  If you cannot ah, if you cannot accept the verdict of the majority... normally you accept the judgment of the majority.  Talagang, through a democratic ano.  But since they are, they cannot accept it, they just had to go.  And we’re happy that they went.[153]

 

Hanggang sa huli, sa kabila ng maraming pang pagtatangka na mag-usap at magsanib ang oposisyon, tuluyan na ngang naghiwalay ang landas nina FPJ at Sen. Lacson.  Ayon sa isang pnayam kay Kong. Escudero, “Several meetings were held, the last one was about a week before.  But it was apparent that Lacson was not willing to give in from day one.  And even that he knew he had no man’s chance of winning, he still wanted to pursue his candidacy.”[154]

At tila, nayabangan si Lacson sa mga nasa kampo ni FPJ.  Ayon sa kanya, “Sabi ni (Jejomar) Binay (campaign manager ni FPJ) sigurado kaming panalo that’s how high-handed they were during the campaign.  Sabi niya, never mind if Lacson runs, we are still winners.”[155]

Nagkaroon pa nang mga suspetsa na ang administrasyon ang may kagagawan nito.  Isang suspetsang pinatunayan ng panayam kay Sen. Angara:

LDP—Pagka-split?  Totoo yan.  Totoo yan.  Oo.  Ginawa nila (ng administrasyon) iyan, oo.  Para nga ma-split na ang opposition.  Hindi.  Para nga ma-split na ang LDP dahil kami nga ang dominant opposition party eh…Kasi mayroon ngang mga insider naman kami.  Hindi mo maitatago yan eh.[156]

 

            Sinagot ni Sen. Angara ang mga suspetsa ni Kong. Gilbert Remulla, tagasuporta ni Sen. Lacson, na si Angara ay pinakawalan ng Malacañang upang hatiin ang oposiyon:

Malaking kalokohan un.  Hindi naman ako tumatakbo.  Kung ako ang binigyan... eh di ipapahinto ko na si Fernando Poe.  Eh bakit si Lacson, eh wala naman siya ka pag-a-pag-asa, alam niya na pag nag-withdraw siya, yung boto niya pupunta kay Fernando Poe.  At kahit nga dadayain nga kami.  Yung nga ang kalkulasyon namin eh.  Kahit nga dayain kami ng 2, 3 milyon, talo pa rin ang administrasyon.  Ilan ba ang nakuha niya?  Mga 3 million din eh.[157]

 

            Sa aking panayam kay Kong. Butz Aquino, pinabulaanan niyang sila ni Lacson ay pinakawalan ng Malacañang, “Alam mo sa tingin ko, yan ang walang, sala sa lamig, sala sa init.  Kung tumakbo:  Kasi binayaran para tumakbo.  Pag umatras naman:  Kasi binayaran kaya umatras.  Wala yun, balewala yun.  In short:  Tsismis.  Para sirain.[158]

            Hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang suspetsahang ito.  Ayon kay Sen. Angara,

Baka nakipag-deal siya (Sen. Lacson), kay Gloria.   Dahil yung kaso niya sa Kuratong Baleleng.  Tingnan mo.  May naririnig ka ba ngayon?  Wala na di ba?  So iyan…  Tingnan mo, nakikita mo ngayon na parang free as a bird siya, tapos kakandidato pa raw na Mayor ng Maynila.  Pero gagawing kandidato ng administrasyon.  Isipin nyo yon... of  Manila .[159]

 

            Isang paratang na pinapabulaanan naman ngayon ni Sen. Lacson, “Kung makikipaglaro ako sa administrasyon, ba’t kaaway ko pa rin ako ng administrasyon hanggang ngayon?  Sana masarap na ang buhay ko.  Sana nasa majority party na ako.”[160]

            Tinanong namin ang ilang personalidad sa kampanya ng K-4 at iba pang mga eksperto kung tunay nga bang nakatulong sa pagkapanalo ng Pang. Arroyo ang pagkakahati ng oposisyon.

            Ayon kay Kong. Noynoy Aquino, “Oo, pero magpapalit ka ng perspective—kaysa naman united naman yun.”[161]

            Maikling sagot ni Sen. Gordon, “Sa panalo ni President Arroyo nakatulong yon.”[162]

            Bagama’t hindi naman itinatanggi ni Kong. Domogan na ito ay nakatulong, kinilala pa rin niya ang pakikibaka ng nakalaban ng pangulo:

Definitely, definitely!  Yung disorganized at pagkawatak-watak nga nung opposition, if I may borrow your word, contributed to the advantage of yung pagkapanalo ni GMA at nung administration party kasi kung siguro united sila, it will be a different fight, it will really be a different fight.  Tingnan mo, despite na ganun yung sitwasyon nila, Fernando Poe was able to put up a very good fight against the president.[163]

 

            May ibang paliwanag naman si Kong. Rosales ng AKBAYAN ukol sa pagkatalo ni FPJ, hindi lamang daw ito dahil watak-watak ang oposisyon:

I supposed so, I think so.  Kasi poor FPJ, he led a very bad campaign in the first place.  His campaign was so bad.  Like I don’t think, I’m sure he has so many votes, but he did not consolidate his votes, he did not count his votes, he didn’t have a good machinery, and I think that towards the end of the game nawalan sila ng pera.  The campaign as observed by externals ha, they’re not even Filipinos, ang observation nila, it’s a bad campaign that he led.  So in that sense talagang natalo si FPJ.  Now, I’m not saying na could he have won if he had a better… We don’t know, we don’t really know.  Now, the question of the opposition not being united, yah, watak-watak, it’s really very factious kasi ang lakas ng mga groups na very self-serving e, they really forget the people.  If you’re an oppositionist, but your agenda is only to topple the administration so you can take over, the people are not going to support you.  And it seems like a lot of groups in the opposition are like that, mulat na ang tao diyan.[164]

 

            Ayon kay Kong. Mikey Arroyo, ang pagkakawatak-watak ng oposisyon ay isa lamang dahilan ng pagkatalo ni FPJ.  Mayroong mas malalalim na dahilan ayon sa kanya, “Well, isa sa mga factor yan, according to analystBut I feel that the main factor was that they didn’t present a clear platform of government.  That made a difference.”[165]

            Makikita natin na tunay na nakinabang ang K-4 sa pagkakawatak-watak ng oposisyon.  Naging iba sana ang laban kung ang dalawang pangkat ay nagsama.  Kung sinasabi ni Kong. Rosales na nagkulang sa huli ang pera ng KNP, nasolusyunan sana ito ng pagsasanib pwersa ng dalawa.  Subalit, walang nagpatalo sa mga pwersang nakapaligid sa dalawang kandidato.

 

ANG PANANAW SA COMELEC BILANG INSTRUMENTO NG ADMINISTRASYON

            Sa pagsisimula ng 2004, nagtalaga ng dalawang bagong komisyonado ang Pang. Arroyo—sina Kom. Manuel Barcelona at Virgilio Garcillano.  Sinasabi ng oposisyon na nagpapatunay ito na gagamitin ang COMELEC sa pandaraya sa Halalang 2004.  Sinasabing may kaugnayan si Kom. Barcelona sa paboritong mga abogado ng Pang. Arroyo mula sa law firm ng mga Villaraza-Angcangco.  Habang may kaugnayan naman si Kom. Garcillano sa diumano’y pagkakadagdag-bawas ni Sen. Nene Pimentel sa lokal na halalan na dekada na ang nakalilipas.[166]

            Nang aming kapanayamin si Kom. Barcelona at itinanong ukol sa isyu ng kanyang pagkakatalaga sa COMELEC, ibinalik niya ang tanong sa amin, “Ikaw ba?  Kung ikaw ang presidente, kukuha ka ba ng taong hindi mo kilala, o hindi mo pinagkakatiwalaan?”  Ikinuwento niya sa amin ang kanyang kaugnayan kay Pang. Arroyo:

I don’t know if you can call it a personal relationship. I’m much older than her. She’s only…53. I’m 69 going 70. layo ng diperensya namin. The only relation that we probably had, for the beginning of that relation was in 1996. I was called by a personal friend of mine, asking me what my plans were for 1998. Whether I would like to run again as congressman or not because ’95 I ran. I said, “Well considering that person who defeated me is the incumbent and he is no longer…3rd term na siya so I probably would like to run again.” Cause then mahirap kalaban ang incumbent pero kung bago yung kakalabanin ko baka manalo na ako. Kasi kilala na ako e. sabi ko, “But why?” “Kasi the senator (GMA) wants to solicit your help.” “In what way” “Sa kampanya niya.” Sabi ko, “Well, yun nga plano ko pero not unless you can tell me any…anything else.” Then she calls me. Now, background wise, when my mother was alive she was, shall we say, one of the best friends of Eva Macapagal. But my mother is already dead. And so probably it was the mother who told her. Kasi malaki naman ang agwat namin, di naman kami magkakilala personal e. we met by accident only when she was a candidate for senator and I was a candidate for Congressman. At, magkaiba kami ng partido. Then she calls me and asked me for help. Sabi ko, “Ma’am I can…I can help you. Yes, but if I run I’ll not be a complete help to you. Because, I’ll be very frank with you, if I run my first priority will be myself. Secondly, you will be just a second priority to me. And, thirdly, I’ll b confined in my district. So I doubt very much if I can help you the way you want me to help you, if I run. But if you want my…my help really, then I won’t run anymore.” Dun nag-umpisa lang. And… and because of that I went around the country, talking to barangays, telling them who Gloria Macapagal-Arroyo is. That’s how we became close. I was never close to Mike, as they say….[167]

 

            Ayon naman kay Kom. Garcillano, walang kinalaman ang relasyon niya sa pangulo sa kanyang pagkakatalaga:

Wala akong relasyon sa presidente, ah in fact it was, I could not even believe that it could get this, why? Since the time of Marcos I was already a aspirant for the position, and before there were so many politicians until ah, Ramos, Erap, in fact even Pimentel recommended me during the time.

 

Sa isyu nila ni Sen. Pimentel, ibinigay niya ang kwentong ito:

Kasi noong araw he (Sen. Pimentel) run for Mayor in Cagayan de Oro. I do not know when the information came about the conduct of that elections. Although, during that election, medyo hindi na maganda ang aming samahan. And since that time up to 1986, I was removed in 1986. that’s why I have to leave the country that time because I don’t like to be in…the top and rumbled politics at that time. Medyo masakit ang loob ko baka mamaya mapunta pa ako sa ibang lugar. So I came back in 1994, I was already employed. Given back my position. In the same place, sa Cagayan de Oro. Well, convinced ako even Former Chairman (Christian) Monsod, also that my track record is under questioned that you can see, that when I was reinvited by Chairman Monsod to that en banc..and for three successive…successive waiting periods. He gave me outstanding performance. Hindi naman sa pagmamalaki ako ang pinakamataas ang suweldo noon including Commissioner Borra. Because we are both Directors at that time. At that time, when we get an outstanding performance, there is commensurate increment of your salary, 10% increment. Kaya medyo pa noon, pero  You know it is very saddening to know that the time when Pimentel keeps on attacking me. Pati siya nakapagsasabi minsan. Ngayon na na-appoint ako rito, nobody recommended me. Pero during the time of Erap, practically, halos lahat ng pulitiko sa Mindanao at tsaka dito sa Luzon, because I’m from Luzon I’m not from Mindanao. That’s why people are surprised by..I had always been in Mindanao. Fourty three years ako sa Mindanao.

 

If he’s only honest with himself, he could have said this even now papano ako magbabawas-dagdag when I do not handle any canvass. I had always been a chief of staff of so many Commissioner in Mindanao, like Lanao, Magindanao, Sulu, Basilan, Tawi-Tawi, I never handled any canvassing and you cannot dictate upon the board of canvassers, alam na ninyo yun no?  The people who canvass are the Provincial Supervisor, the Provincial Fiscal and the schools, can you do that? Can you dictate upon this three? Who are independent because we don’t, we cannot tell them one way or another, and I was not also a member of any board of canvassers, who could have the hand of tallying the result of the elections, pero papano niya ako sasabihing bawas-dagdag?[168]

 

            Nang pagdesisyunan ng COMELEC ang kaso ng pagka-Pilipino ni FPJ, si Kom. Garcillano ay isa sa nagbigay ng hindi pagsang-ayon na payagan ng tumakbo si FPJ.  Pagtingin ng iba, pagbabayad daw ito ng utang na loob sa Pang. Arroyo.  Ayon kay Kom. Garcillano:

Because we were grateful for the appointment? No!  Kami no!  What did commissioner Barcelona tell you?  Kami kasi sa old school as far as citizenship is concerned honestly we believe that he was disqualified, until now I still had that belief, of course the decision had already been handed down, but it it was not on the merit yet, because the Supreme Court dismissed that petition, considering that its not the proper time, for them to question the citizenship, president or the candidate for president….  This is legal issue which any lawyer can make and give his comment, even now dito sa amin ngayon, as collegial body, they may have a majority opinion but there are so many cases when we dissent, when we dissent we make our own opinion, separate from the majority, the only thing there is, ang kini-question nila na hindi kami nag-participate, we don’t have to participate just to get an opinion or give an opinion on a certain issue which is purely legal, eto naman eh, hindi ko na kailangang mag-participate sa ano sa dito sa proceedings dito.[169]

 

            Sa aming panayam kay Kong. Mikey Arroyo, nagkomento siya ukol sa isyu ng dalawang komisyonado:

Again, that is an accusation and is unfounded.  It is ridiculous, and it is not supported by any facts.  Alam mo,  I would like to make an appeal to the critics of this government, if they cannot prove a fact, huwag na silang magsalita.  Kasi para sila ang namumulitika niyan, yan ang traditional way, yan ang trapo style ng pulitika, traditional way.  Just throw accusations, without even proving them, that is wrong.  That’s very wrong, the good, ang dapat gawin nila, is that the majority has spoken, they have voted for the president, and just follow the voice of the majority, and help the government get over this fiscal crisis.[170]

 

Nabanggit na natin sa ibang bahagi ng kabanatang ito ang pagkakalipat ni Atty. Ferdinand Rafanan mula sa pagiging Direktor ng Education and Information Division (EID) ng COMELEC patungong Rehiyon VIII.  Ayon sa oposisyon, ito raw ay dahil sa kanyang mga opinyon ukol sa mga pagsuway ng Pang. Arroyo sa mga batas ng pangangampanya.

            Ngunit ayon kay Tagapangulong Abalos, may tamang dahilan ang pagkakatalaga kay Rafanan sa Visayas:

As a matter of fact, sinasabi lamang nila, look, wala kasing tao sa Region XIII, because…ah…Director Mendoza resigned. Whom I will send there considering the expertise of Rafanan, and considering further that his assistant here have could very well take care of Metro Manila. Walang masyadong problema sa Metro Manila eh. Yun ang sinasabi ko eh. Ako, for instance, is assigned in Metro Manila, why? Ako, I would rather choose yung mga Regions which is more problematic. Kaya ako ang kinuha ko Mindanao, unfortunately, because of fiscal business as I was just operating as I was under  hindi ako makapunta sa Mindanao. There is more problem there than in Metro Manila. It was, sikat lang naman dito sa Metro Manila eh…ilagay mo yung the best man in the field, where he could be better use of. The best of experience where there is more problem. Bakit ilalagay mo sa Metro Manila? Sabihin mo nga kung ano ang magiging problema sa Metro Manila? If will be…you will be more vigilant, newspaper, everything, peace and order, ilagay mo diyan sa mas problematic areas.[171]

 

            Sang-ayon naman dito si Kom. Barcelona, at isinagdag na ginawa iyon upang mapatahimik si Atty. Rafanan na paminsan-minsan raw ang pinangungunahan ang komisyon:

In the first place, Region VII needed a regional director. Oh, Rafanan was formerly NCR director. Until he became EID director, dun sa Education and Information. Kaya lang, sometimes, sometimes, I will not…I will not mean any words, sometimes he goes way beyond his, said to say, if not most of the times, pre-empts the Commission. Because we are the ones to decide whether it is a disqualification or not. He immediately concludes it is. It’s not a …a politically motivate. It…it’s just to quiet him down, not to pre-empt us. And at the same time, Region VIII really needed a good director. And now his back as regional director of NCR. So, I mean if there’s any political motivation, he should have been kicked out? Di ba?[172]

 

Ayon naman sa aming panayam kay Kom. Borra, si Atty. Rafanan ay sumisira sa komisyon.[173]

Ayon kay Komisyonado Garcillano, si Atty. Rafanan ay tila isang darling of the media.[174]

Nagkaroon pa ng aberya sa naudlot na kompyuterisasyon ng halalan at pagpapadala ng mga resulta sa COMELEC via satellite.  Nagdesisyon ang Korte Suprema dalawang buwan bago ang halalan na kailangan itong ipatigil dahil hindi naging tama ang naging proseso ng pagpili ng kumpanyang bibilhan ng mga materyales.

Galit na sinabi ni Kom. Barcelona sa aming panayam:

Ba’t kami ang sisisihin? Ba’t hindi ang Supreme Court ang sisihin? I mean, we had very little time left to prepare for manual. Very little time. When did that Supremem Court ruling came out? Marso na , di ba? O, Marso na…Marso na nga ba iyon? Tama, March. How many months did we have to go back into and prepare to manual? And, that’s suppose to be done in 8 months before election. How many months were left to us? Dapat pa nga silang magpasalamat we were able to do. We could have asked for Congress to postpone the elections because of our lack of time. We did everything we did to make sure that we are able to still hold the election on time. Dapat silang magpasalamat pa sa amin. With very little time left for us to do for manual. Anak ng tupa!  Para silang puto!  I mean, sisisihin mo kami e it needs 8 months to prepare. And, we were able to do all of it in just a few months. [175]

 

            Sa pananaw ng die-hard na tagasuporta ng pangulo na si Kong. Domogan, hindi instrumento ng administrasyon ang COMELEC.  Sa kanyang pagmamasid:

Well, hindi naman, as we said, siguro, I think what should be done as far as Baguio is concerned, malinis yung elections sa Baguio.  Actually yung mga abogado nina Fernando Poe were present during the canvassing, they cannot see any irregularities that have been committed.  Kung may influence siya, kasi yung sinasabi nilang bagong commissioners ng COMELEC na nilagay, in the Cordilleras wala naming ganoon.  Talagang panalo talaga si PGMA sa Cordilleras.[176]

 

            Madaling sabihin at paniwalaan na instrumento ng administrasyon ang COMELEC ayon sa oposisyon, subalit mahirap itong patunayan sa husgado.  Subalit hindi nawawala ang persepsyon na ito sa maraming mga tao, lalo na at nang lumabas ang maraming mga resulta ng halalan sa iba’t ibang lalawigan, lalo na sa Mindanao, ay maraming lugar na walang boto ang lahat ng kandidato at nakuha ng Pang. Arroyo ang lahat ng boto.  Biru-biruan nga na sa mga lugar na ito, pati mga watcher ng oposisyon ay hindi bumoto!

 

ANG PANANAW SA MEDIA BILANG TAGASUPORTA NG PANG. ARROYO

            Ayon sa oposisyon, hindi naging patas ang mga malalaking network sa kanila.  Nasasalamin ito sa pahayag ng Pang. Estrada sa lamay para kay FPJ, “The power of the press, controlled by the elite and vested interest were used against me and Rannie….  In Rannie’s case to discredit his candidacy.  The power of the press was used to subsequently justify the subversion of the people’s sovereign mandate and the rule of law.”[177]

            Ayon sa kanilang tagapagsalitang si Kong. Escudero sa isang panayam, ito ang paraan ng pag-cover ng media sa kanilang kampanya:

Ang problema mo sa media basically pera.  Nabili na lahat ng administrasyon ang lahat halos.  …Media, pagbabaliktarin man natin ang mundo, was not fair in the last elections.  Even in so far as the uhm, angle being given to a story was uhm, presented.  Example.  Here comes a rally.  Di ba may motorcade.  Videotaping ng motorcade sa close up ng kumakaway si FPJ.  Hindi ipapakita yung dami ng taong nakapalibot at halos magkandarapa pa para lang makita o makawayan siya.  Yung kay GMA ang mag-aattend 200.  Ang putol ng camera nasa dulo ng may tao para tipong punung-puno yung lugar.  One.  Two, uhm... hindi babanggitin yung sinabi ni FPJ tungkol sa kanyang plataporma…  Babanggitin yung nasigawan na reporter o iyong nasikong photographer.[178]

 

Binaggit ni Kong. Escudero ang persepsyon ng KNP sa iba’t ibang mga kumpanya ng media:

Malaya was all out for Ping.  (Dalily) Tribune was all out for FPJ.  All the rest was with GMA.  Uhm, in so far as the channels are concerned, (ABC) 5 was probably inclined towards FPJ, (ABS-CBN) 2 and (GMA) 7 in favor of uhm, GMA.  I don’t know where Ping came in.  (NBN) 4, (RPN) 9 and (IBC) 13 are all government channels.  Very brief rundown.  Very brief rundown.  So that maybe an unfair statement to make at this point.[179]

 

            Itinuturing ng oposisyon na tanging ang ABC-5 ang TV channel na naging parehas sa kanila.  Isang pananaw na kinumpirma ng panayam ni Ali Sotto, sa programang Sentro ng ABC-5, kay Susan Roces noong Ika-16 ng Disyembre, 2004, “Alam niyo, sa Channel 5, damang-dama ni FPJ, lalo na nung kampanya ang pagmamahal ninyo.  Everytime na makakita siya ng taga- istasyon ninyo, hindi maaaring hindi niya babanggitin ang kanyang pasasalamat, maraming salamat ulit tungkol doon.”[180]

            Sa gabi ring iyon ng lamay ni FPJ, naglabas ng sama ng loob si Susan Roces sa media sa pamamagitan ni Karen Davila sa TV Patrol World.  Noong una, nagparinig lamang ang biyuda ni FPJ ukol sa pagiging insensitibo ng media, “

You don’t learn being sensitive towards the feelings of others by going to school.  It is the way you live your life everyday.  In one’s prayer, it is not enough to mumble words that are memorized, you have to feel the words that you pray, it is your conversation with God.[181]

 

            Nang tila hindi na makapagtiis, hindi na napigilan ni Bb. Roces ang kanyang damdamin:

Huwag mamaliitin ang talino ng tao.  Pati na sa paghahatid ng balita, at pag nagtampo sila matindi dahil they can see through whatever is being broadcasted.  Alam nila kung pasyal o imparsyal ang paghahatid ng balita.  Maybe I don’t have to go into details, randam niyo iyan, hindi ba?  Kaya siguro, ganun ang pakiramdam nila sa mga nababalitaan nila…  Kung insensitibo ang mga tao sa damdamin ng kapwa tao, ganyan ang nangyayari.  Nawawalan ka ng paggalang, hindi mo na iisipin yung paggalang, hindi mo na iisipin ang kagandahang loob dahil masakit na nawalan ka ng isang minamahal mo tapos insensitibo pa ang pakiramdam mo sa mga nangyayari.[182]

 

            Sa aking obserbasyon sa panayam, ang kakulitan ni Karen Davila ang nagbunsod na diretsuhin ang ABS-CBN:

I really didn’t want to bring this up.  Pero sabi nga nila gusto niyo akong interbyuhin, sabi nga ninyo bakit mailap si FPJ sa press.  Sino pa po ang magpapaabot sa inyo?  Sino pa po ang magpapaintindi sa inyo, lalo na kayo, sa inyong istasyon?  Parang nagtataka kayo, bakit ganyan ang reaksyon.  Kailangan maging sensitibo kayo sa damdamin ng tao.  We can see through, when we watch the news on TV.  They can see what is true and what is fake!  ...You want me to tell you one by one so you might as well know, because I have no access to people who have the authority to say go or don’t show, or show.  During the campaign, you have a TV crew following us, what did you forget?  No people in the rallies of FPJ, tight close-ups!  You didn’t show the crowd!  You didn’t show the crowd that bothered to go there.  When you air the news, everything edited….  I don’t like to speak politics but since we are now here and this is my only opportunity para malaman ninyo, ano ba ang hinanakit ng lahat ng mga taong ito kaya hindi pinapanood ang news ninyo?  …May mga pinagtatakpan kayo, kaya duda kami, tama ba yan?  Totoo ba yan?  And you capitalize on personal hurts!  …Just to come and up the ratings, nananapak kayo!  That’s not very nice.  There are certain things na dapat igalang natin even if we’re in media.  People deserve to know the truth, that is why even if I’m not, for what I am doing right now, nakakasira ng poise na magalit.  Sabi ko ba’t ko kikimkimin ito!  Nasa puso ko.  I promised myself, ilalabas ko ang sama ng loob ko given the opportunity—MASAMA ANG LOOB KO SA INYO CHANNEL 2![183]

 

            Ito naman ang sagot ni Jing Magsaysay ng ABS-CBN:

Lahat sila nagsasabi unfair.  Lahat ng candidate sasabihin sa iyo, “Unfair ka naman, bakit yung kabila mas pinaboran mo.”  Ang pinaka-vocal yung opposition, napaka-unfair daw ng ABS-CBN.  It’s really perception, really perception.  Syempre, may mga principals nasa campaign, di naman nakakanood ng TV yan e, may bubulong sa kanila, uy…pagbalik nun sasabihin, “Kayo naman napaka-unfair…  Mahirap talaga, pag yung puno, if you’re big like ABS-CBN, talagang babatuhin ka.  …sa (ABS-CBN) quick count, parang ganito, parang ganyan.  I handled the quick count myself personally, I was head.  And like I said, we have 35 Thousand student volunteers counting in the precincts from STI…There’s no way na dadayain ng mga estudyante yung  bilang nila sa presinto because they were identified, they have uniforms, they have IDs, they knew what they’re going to do…  So it’s very difficult to happen because if someone says ganito, ganyan, ganyan, perception na yan, e.[184]

 

            Pagbubunyag ni G. Magsaysay, “Si Susan Roces, in her famous interview with Karen Davila, said that hindi namin kino-coveran yung opposition…  PCIJ study says that we have more minutes for FPJ than anyone else, over Gloria, over Roco, over anyone else.[185]

            Sinabi ni G. Magsaysay na hindi maaaring maging bias ang buong ABS-CBN sapagkat ito ay binubuo ng daan-daang indibidwal na may kanya-kanyang pag-iisip at kanya-kanyang “manok” sa halalan.  Maaring may paboran ang mga nasa itaas subalit hindi nila maaaring iutos, opisyal man o hindi, na paboran sa kanilang mga pagbabalita ang isang partikular na kandidato.  Sa dami raw ng tao sa ABS-CBN, hindi maaaring walang kumanta na sila ay dinidiktahan, at hanggang ngayon ay wala.  Sa katunayan, si Cito Beltran ng ABS-CBN News Channel ay kilalang tagasuporta ni FPJ.

            Tila iba naman ang tonong ikinakanta ng Alyansa ng Pag-asa.  Ayon kay Atty. Yasay:

Oh, the media, very important.  But the media, those, who follow you, follow you… because they’re required by law to do so all objectively. But at the, at the end of the campaign they will start disappearing…  But the media who followed us were very faithful.  I, you know, I loved, I enjoyed very much working with the media people who joined us everywhere we went because they were trying to focus on the issues that we stood for, you know.  And I, I really appreciate them very much.  I would like to…give credit to where credit is due, I fully appreciated the team from ABS-CBN who joined us and from GMA-7 and practically all of those ah…the others hindi na nagpadala.  Now, they did not waste their time.  Other TV stations did not want to join us, “Ayoko sa inyo na taluhan.”  But you know, ABS-CBN and GMA-7, they were with us.  They played a very important role.[186]

 

Mahirap pang patunayan kung tunay ngang may pagkiling sa Pang. Arroyo ang ABS-CBN bilang isang organisasyon noong panahon ng kampanya.  Magandang paliwanag ang ibinigay ni G. Magsaysay ukol sa dami ng taon ng kumpanya at hindi maaaring madiktahan basta-basta. Ngunit maaari ring wala pang nagsasalita mula sa ABS-CBN na diniktahan sila dahil kailangan nilang manatili sa kanilang trabaho.  Ngunit, ayon na rin kay G. Magsaysay, ang lahat ng ito ay persepsyon lamang.

Habang aming kinakapanayam si G. Magsaysay, nakaagaw ng aking pansin ang mga pamaskong kard na nakadikit sa kanyang white board mula sa iba’t ibang mga personalidad.  Ang isa sa mga kard ay may painting ng Pang. Arroyo.  Maaring balewala ito at walang kahulugan, subalit maaari ring “balemeron!” 

 

MGA NAUDLOT NA PAGTUTUOS:  MGA PANANAW

            Makailang beses din na nagtangka ang iba’t ibang mga organisasyon at ang media na pagharapin ang limang kandidato para sa pagkapangulo.  Subalit, laging hindi nakukumpleto ang lahat.  Kahit minsan, hindi dumalo si FPJ at ang Pang. Arroyo sa alinman.  Minsan pa nga, ang isa ay nauwi sa debate ng mga tagapagsalita, at kahit doon hindi nagpadala ng tagapagsalita ang Pang. Arroyo.

            Pananaw ni Kong. Escudero ukol sa mga naudlot na mga pagtutuos: “Uhm, di lang si FPJ ang umatras doon.  Si GMA ang kauna-unahang umatras doon.  In fact, even doon sa substitute presidential debate, naging debate of the spokespersons, wala pa ring pinadala si GMA doon.[187]

            Ayon naman kay Jing Magsaysay, ang pagkabigo ng mga debate ay sumasalamin sa pagkabigo ng media na ibigay ang tamang impormasyon sa mga tao dahil sa kagagawan na rin ng mga kandidato mismo:

Hindi!  Hindi!  Hindi kami naging matagumpay kasi wala kaming makuhang impormasyon sa mga kandidato.  We tried, we tried to do a debate.  We scheduled a debate, dumating si Roco at Bro. Eddie, dalawa lang sila, we left the other seats vacant, this is to show the other candidates…  In fact si Gloria pupunta kung pupunta si FPJ, si FPJ pupunta kung pupunta si Gloria, si Ping pupunta kung pupunta si Gloria.  Til the end ang dumating si Roco lang at si Bro. Eddie, silang dalawa lang yung dumating sa debate.  It could have been an opportunity for the people to learn about their candidates so they can make an informed decision.  So we tried, but we failed.[188]

 

            Ito ang isa pang patunay ang nakaraang halalan ay naging kampanya ng mga personalidad at hindi ng mga isyu.  Ang tila personalang galit ng tatlong pinakamainit na kandidato ang nagpigil na sila ay magharap-harap sa isang matalinong talakayan at tagisan ng mga plataporma.

 

KONTRA-TUGON NG ADMINISTRASYON:  NAGING MATAGUMPAY NG BA?

Naging matagumpay ba ang K-4 sa kampanya para sa Halalang 2004 kung pag-uusapan ang kanilang pagtugon sa iba’t ibang hamon ng oposisyon?

Tulad ng naunang binanggit ni Kong. Mikey Arroyo, tila sa buong partido ang pagsagot sa bawat isyu laban sa pangulo ay naging pangkalahatang patakaran ng K-4.  Ayon kay Kong. Domogan, “Well, you know, yung hamon ng oposisyon during the campaign, lahat ng mga isyung nilalabas nila, sinasagot naman namin.  .[189]

            Para kay Kong. Mikey Arroyo, naging matagumpay ang kanilang pagtugon sa oposisyon:

Well I feel, I feel, ganun, pero you know, not all the accusations of the opposition are even worth answering e.  None of them can hold ground in court, walang prueba.  I would like to make an appeal to the opposition to accept our hand in reconciliation, for the country.[190]

 

            Nakita rin natin sa buong kabanatang ito na ipinipilit ng Pang. Arroyo at ng K-4 na ang kanilang kampanya ay base sa plataporma at mga isyu, at hindi sa pagsagot at pagbato ng putik sa mga personalidad ng oposisyon.  Ayon kay Kong. Mikey Arroyo, ito ang naging kalakasan ng kanilang kampanya:

All the parties have motherhood statements towards national recovery, national unity, housing, food security, moral recovery, governance.  All the parties have motherhood statements.  Only K4 is really practicing what they preach.  You can see naman that we are really reaching out to the people.  We are really implementing programs for the poor.  It’s not lip service.  The others, the hard core oppositionists, are just attacking the government without giving any of their solutions.[191]

 

            Ayon naman kay Jing Magsaysay, halos lahat naman sila ay puro motherhood statements:

…The last campaign… the platforms were really great and full of motherhood statements, the closest you could get, kasi may mga kandidatong ayaw magsalita tungkol sa mga platforms nila, in fact, si Raul Roco lang yata ang nagsalita tungkol sa platform niya e  di  ba?  Gloria didn’t talk about her platform, FPJ did say something which they said is a platform but they never expanded on their platforms…[192]

 

Tila sumasang-ayon si Kong. Escudero rito at sinabing lahat naman ng partido pare-pareho naman ang sinasabi:

Kailan ba siya (FPJ) nag-declare?  He declared late also.  He had to sit down and …you cannot plan it in two months (the presidency).  He had to set up organizations, set up plans, (you have to organize) people who will support your campaign also.  I’ll throw the question back at you.  Si GMA ano ba ang platform niya?  Do you remember?  May plataporma ba siya? Did she mention a platform during the campaign?  If she says she will continue what she has been doing for the past three years, that’s not a good platform to begin with.  …Elections na walang plataporma... si Ping , ano ba ang plataporma ni Ping?  Do you remember what his platform is?  Or even Roco?  If you look at the political parties, KNP, Lakas, LP, NP, PDP, Bangon – they all speak of the same thing—economic recovery, promote land reform, alleviate the life of the poor, uhm... control the budget deficit—all the same thing.  If you look at them, they’re all the same.  At the end of the day, it boils down to one basic issue.  Who can implement these dreams, these visions, these platforms…[193]

 

            Masasabing hindi nagtagumpay ang administrasyon sa maraming aspeto ng kanilang pagtugon sa oposisyon.  Marami pa rin ang naniniwala kay Sen. Lacson na laganap ang katiwalian sa pamahalaan ng pangulo, na siya ay nangampanya gamit ang mga programa ng pamahalaan at ginamit ang pondo ng bayan sa kampanya.  Nabigo ang administrasyon na itago ang kanilang kaugnayan sa likod ng maraming black propaganda laban sa mga kalaban dahil sa nangungunang dahilan na hawak nila ang mga institusyon.  Nabigo rin ang administrasyon na hindi maapektuhan ng kasikatan ni FPJ at manatili sa mga isyu, nasasalamin ito sa mga pagsayaw ng pangulo ng aerobics sa entablado.

Subalit naging matagumpay ang administrasyon dahil sa dinami-dami ng mga isyu laban sa pangulo, ang kanilang pagsagot, mula sa pinakamataas na mga kandidato hanggang sa pinakamababa, ay namukod-tangi, at mistulang may nakahanda silang sagot.  Nagtugumpay rin sila sa pagkontra sa mga pormal na mga reklamo laban sa kanila sa pamamagitan ng teknikalidad, at sa mga reklamong ito, wala pang pormal na napatutunayan sa husgado.  At lalong nagtagumpay sila sa propagandang may karanasan at plataporma ang pangulo at si FPJ ay wala; nakapagpawala ito ng maraming boto kay FPJ kahit na marami ang may-ayaw sa Pang. Arroyo, at kahit na ang kanyang mga ipinagmamalaking mga pagtatagumpay sa nakalipas na tatlong taon ay hindi naramdaman ng maraming Pilipino.

 

PAGLALAGOM

Sa maraming aspekto, hindi matagumpay ang mga naging tugon ng administrasyon sa hamon ng oposisyon, sa kabila ng pagiging masigasig ng mga iba’t ibang personalidad sa loob ng kampanya ng K-4 na sagutin ang mga paratang laban sa pangulo.  Naging laganap pa rin ang persepsyon ng mga tao ukol sa katiwalian, paggamit ng pondo ng bayan, at pagsuway sa mga batas panghalalan ng administrasyon. 

Ngunit nagtagumpay naman ang kampo ng administrasyon na pabulaanan sa korte ang mga petisyong isinampa.  Dahil sa teknikalidad, walang napatunayan kahit isa man sa mga kaso.  Nagtagumpay rin sila sa kanilang istratehiyang ipukol kay FPJ ang isyu—ang kanyang kawalang karanasan sa pamahalaan.  Ngunit kahit na ninais ng pangulo na manatili sa isyu, hindi siya nagtagumpay sapagkat, dahil sa hamon ng kasikatan ni FPJ, kailangan niyang tapatan ang bituin ni FPJ sa masa; kinailangan niyang kumanta at sumayaw sa entablado. 

Nagtagumpay rin ang kampanya ng pangulo dahil sa kagagawan na rin ng oposisyon—nanatili silang hati at watak-watak laban sa isang mas malakas na pwersa ng administrasyon.  Dahil dito, mas madaling natugunan ng K-4 ang hamon ng oposisyon.


 

[1] Mula sa Dispatches 2004, year-ender ng ABC-5 News and Public Affairs, ipinalabas noong Ika-31 ng Disyembre, 2004.

[2] Mula sa Dong Puno Live, ABS-CBN 2, Ika-13 ng Mayo, 2004.

[3] Malibang banggitin, nagmula ang mga tala ukol sa mga kandidato at mga partido mula sa Tulay: Chinese-Filipino Digest, Ika-20 ng Abril, 2004, p. 10-13, at sa website ng Philippine Center for Investigative Journalism.

[4] Ipinanganak siya noong Ika-20 ng Agosto, 1939 at nag-drop-out noong ikalawang taon niya sa mataas na paaralan.  Ngunit kahit na ganoon, mataas ang naging respeto ng buong Pilipinas kay FPJ dahil sa kilala siyang may integridad.  Sa marami niyang mga papel sa pelikula, pinakapopular ang kanyang mga papel sa Asedillo, Ang Panday, at Aguila, naging magandang ehemplo siya sa mga mamamayan.  Dahil dito, hinangaan siya ng marami. Sa kasamaang palad, pitong buwan lamang matapos ang halalan – Ika-14 ng Disyembre, 2004, biglaang pumanaw si FPJ, dalawang araw bago ang anibersaryo ng kanilang kasal ni Susan Roces. Ipinagluksa ng maraming tao ang kanyang pagkamatay. Tinatayang tatlong milyon ang pumila sa simbahan upang makita ang kanyang labi at nakipaglibing.

[5] Mula sa Kapuso Mo…Jessica Soho, GMA-7, Ika-19 ng Disyembre, 2004.

[6] Poe, Fernando, Jr., panayam sa BBC World News, Marso ng 2004.

[7] Tubong Cavite at isinilang noong Ika-1 ng Hunyo, 1948, napabilang si Sen. Ping Lacson sa kontrobersyal na Batch 1971 ng mga nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA), at nagtapos rin ng Master’s In Government Management sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila noong 1996.  Noong 1992, naging pinuno siya ng Task Force Habagat ng Presidential Anti-Crime Commission sa ilalim ng noon ay Pangalawang Pangulong Joseph “Erap” Ejercito Estrada.  Kilala siya dahil sa kanyang imaheng tagasugpo ng mga kriminal, at dahil sa mga kontrobersyang kanyang kinasangkutan.  Sa panguluhan ni Pang. Estrada noong 1999, siya ay naging hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP), at nang mapatalsik ang Pang. Estrada, tumakbo siyang senador at nanalo.

[8] Sa aking pamumuno, malayo ang mararating ng boto ninyo.  Ilulunsad ko ang malawakang reporma sa unang araw pa lamang ng aking paglilingkod.  Ang mga tiwali, agad kakasuhan, agad paparusahan.  Ang malawakang kurakot, tatapusin ko ng walang takot!  Papalaguin natin ang yaman ng bansa, madaragdagan ang mga trabaho.  Malinaw ang direksyon, buo ang loob, walang takot.  Bigyang halaga ang boto ninyo, isipin ang kinabukasan.  Suportahan, po ninyo ako at pangako ko panalo ang boto niyo.  Maraming salamat po!

 

[9] Anak ng Naga at isinilang noong Ika-26 ng Oktubre, 1941, siya ay nagtapos ng pag-aabogasya noong 1964 sa Kolehiyo ng San Beda.  Naging kilalang abogado at napabilang pa sa istap ni Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.  Matapos ang EDSA, naging kinatawan ng Camarines Sur sa mababang kapulungan at noong Dekada 90, isang magaling na senador, at binansagang “honorary woman” dahil sa kanyang mga batas para sa kababaihan.  Tumakbo sa pagkapangulo noong 1998 ngunit nasawi kay Pang. Estrada.  Ang huling posisyong kanyang tinanganan ay ang pagiging Kalihim ng Edukasyon nang maupo si Pang. Arroyo matapos ang EDSA 2, subalit nagbitiw sa gabinete at kumalas mula sa pangulo nang masangkot ito sa isang kontrobersya. 

[10] Tubong Bulacan, at isinilang noong Ika-6 ng Oktubre, 1946, siya ay naging aktibista at nabilanggo pa ng dalawang beses noong panahon ng Batas Militar.  Siya ay nagtapos ng B.S. Commerce, major in economics sa ngayon ay Polytechnic University of the Philippines noong 1970, at nagturo pa sa kolehiyong iyon.  Ayon, sa kanya, tinawag siya ng Panginoon upang magturo ng Biblia.  Ngayon, siya ang pinuno ng Jesus Is Lord (JIL) Church Worldwide, Inc. na may dalawang milyong kasapi at tagapangulo ng ZOE Broadcasting Network.

[11] Mga paraphernaliang panghalalan ni Bro. Eddie Villanueva.  Ang mananaliksik na si Michael Chua ay nangampanya para kay Bro. Eddie noong Halalang 2004.

[12] Villanueva, Eddie C.  Kung Paano Babangon Si Pilipinas Nating Mahal:  A Primer On My Platform Of Government, p. 1.

[13] Arroyo, Kong. Juan Miguel “Mikey” Macapagal, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[14] Ibid.

[15] Cayetano, Sen. Pilar Juliana “Comapañera Pia,” panayam, Ika-7 ng Disyembre, 2004.

[16] Domogan, Kong. Mauricio, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[17] Abalos, Tagapangulo ng COMELEC Benjamin “Ben,” panayam, Ika-8 ng Nobyembre, 2004.

[18] Melchor G. Chavez and Asusasyon ng Komentarista at Anaunser ng Pilipinas (AKAP), Inc. vs Gloria Macapagal-Arroyo. SPA No. 04-027, January 30, 2004.

[19] Certificate of Candidacy For Presidency of President Gloria Macapagal-Arroyo, Ika-5 ng Enero, 2004.

[20] Sec. 41. Officers Authorized to Administer Oath. — The following officers have general authority to administer oaths: President; Vice-President; Members and Secretaries of both Houses of the Congress; Members of the Judiciary; Secretaries of Departments; provincial governors and lieutenant-governors; city mayors; municipal mayors; bureau directors; regional directors; clerks of courts; registrars of deeds; other civilian officers in the public service of the government of the Philippines whose appointments are vested in the President and are subject to confirmation by the Commission on Appointments; all other constitutional officers; and notaries public.

 

[21] In Re: Petition to Disqualify President Gloria Macapagal Arroyo. Atty. Oliver O. Lozano, Petitioner. SPA No. 04-225, Ika-30 ng Marso, 2004.

[22] Tubeza, Philip C., Michael Lim Ubac at Gil C. Cabacungan, Jr., “Maynilad Document Obtained By PDI Reveals ‘Sweetheart Deal,’” Philippine Daily Inquirer, Ika-26 ng Marso, 2004, p. A1, A21.

[23] Pablo, Carlito at Christine Gaylican, “Loren Slams Bailout of Lopez Water Firm,” Philippine Daily Inquirer, Ika-23 ng Marso, 2004, p. A1, A8.

[24] Nicanor B. Gatmaytan and Olivia G. Coo vs. Gloria Macapagal-Arroyo, SPA No. 04-231, Ika-31 ng Marso, 2004.

[25] Memorandum from the Chairman To Presidents and Heads of Higher Education Institutions, Ched Regional Office Directors; Subject:  Message of Her Excellency Gloria Macapagal-Arroyo for the Graduating Students, Ika-16 ng Marso, 2004.

[26] Ito ay nagsasaad na, “Ang sino mang pinuno o kawani ng Serbisyo Sibil ay hindi dapat lumahok, nang tuwiran o di-tuwiran, sa alin mang pangangampanya sa halalan o sa iba pang pampartidong gawain sa pulitika.”

 

[27] Agripino C. Baybay III vs. Gloria Macapagal-Arroyo, SPA No. 04-220, Ika-24 ng Marso, 2004.

[28] Ibid.

[29] Laureta, Linda B., Open Letter to the PhilHealth EXECOM.

[30] Mariano R. Santiago vs. Gloria Macapagal-Arroyo, SPA No. 04-221, Ika-25 ng Marso, 2004.

[31] Rosales, Kong. Loreta Ann “Etta,” panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[32] Angara, Sen. Edgardo “Edong,” panayam ng mga pangkat ng mananaliksik para sa kampo ng KNP sa klaseng Kasaysayan 199.2, Ika-7 ng Disyembre, 2004, kung saan isinama ang mananaliksik na si Michael Chua.

[33] Tordesillas, Ellen, “Rafanan’s Sin,” Malaya, Ika-24 ng Marso, 2004.

[34] Estrada, Sen. José “Jinggoy,” panayam, Ika-26 ng Enero, 2005.

[35] Borra, Komisyonado ng COMELEC Resurreccion, panayam, Ika-26 ng Oktubre, 2004.

[36] Abalos, panayam, Ika-8 ng Nobyembre, 2004.

[37] Garcillano, Komisyonado ng COMELEC Virgilio, panayam, Ika-24 ng Nobyembre, 2004.

[38] Drilon, Pangulo ng Senado Franklin, Press Conference, Ika-18 ng Marso, 2004.

[39] Ibid.

[40] Ibid.

[41] Cayetano, panayam, Ika-7 ng Disyembre, 2004.

[42] Revilla, Sen. Ramon “Bong,” Jr., panayam, Ika-22 ng Nobyembre, 2004.

[43] Aquino, Kong. Benigno “Noynoy,” III, panayam, Ika-8 ng Disyembre, 2004.

[44] Ibid.

[45] Domogan, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[46] Arroyo, Mikey, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[47] Ibid.

[48] Rosales, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[49] Republic Act No. 9006:  An Act To Enhance The Holding Of Free, Orderly, Honest, Peaceful and Credible Elections Through Fair Election Practices.

[50] Ibid.

[51] COMELEC Resolution No. 6520:  Rules and Regulations Implementing Republic Act No. 9006, Otherwise Known As The “Fair Election Act”, In Relation To The May 10, 2004 Elections and Subsequent Elections, Ika-6 ng Enero, 2004

[52] Jose Vicente B. Salazar vs. Gloria Macapagal-Arroyo, SPA No. 04-198 (COMELEC), Ika-15 ng Marso, 2004.

[53] Estrada, Jinggoy, panayam, Ika-26 ng Enero, 2005.

[54] Drilon, Press Conference, Ika-18 ng Marso, 2004.

[55] Ibid.

[56] Arroyo, Mikey, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[57] Drilon, Press Conference, Ika-18 ng Marso, 2004.

[58] Garcillano, panayam, Ika-24 ng Nobyembre, 2004.

[59] Magsaysay, Jing, panayam ng mga pangkat ng mananaliksik para sa papel ng media sa Halalang 2004 sa klaseng Kasaysayan 199.2, Ika-5 ng Enero, 2005, kung saan isinama ang mananaliksik na si Michael Chua.

[60] Mula sa Real Stories Kasama Si Loren, Hosted by Loren Legarda, ABC-5, ipinalabas madaling-araw ng libing ni FPJ, Ika-22 ng Disyembre, 2004.

[61] Mula sa Dispatches 2004, year.

[62] Estrada, Jinggoy, panayam, Ika-26 ng Enero, 2005.

[63] Mula sa Limang Kandidato, Isang Palasyo, dokumentaryo ng ABS-CBN, Mayo 2004.

[64] Lacson, Sen. Panfilo Morena, Incledible Hulk Chapter One, talumpati sa senado noong Ika-18 ng Agosto, 2003.

[65] Lacson, Sen. Panfilo Morena, LDP Nomination Speech, Ika-4 ng Disyembre, 2003.

[66] Aquino, Kong. Agapito “Butz,” panayam, Ika-8 ng Disyembre, 2004.

[67] “'I am Jose Pidal,' Arroyo brother tells senators,” Philippine Daily Inquirer, Ika-8 ng Setyembre 2003.

[68] Aquino, Butz, panayam, Ika-8 ng Disyembre, 2004.

[69] Aquino, Butz, panayam, Ika-8 ng Disyembre, 2004.

[70] Lacson, Sen. Panfilo Morena, Incledible Hulk Chapter Three:  Huwag Matakot, Stop Kurakot, talumpati sa senado noong Ika-14 ng Oktubre, 2003.

[71] Angara, panayam ng, Ika-7 ng Disyembre, 2004.

[72] Mula sa 2004 Year-ender, ABS-CBN News Channel, Ika-31 ng Disyembre, 2004.

[73] Arroyo, Mikey, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[74] Mula sa Limang Kandidato, Isang Palasyo.

[75] Mula sa Kapuso Mo…Jessica Soho.

[76] Ibid.

[77] Petition for Disqualification of Presidential Candidate Ronald Allan Kelley Poe, also known as Fernando Poe, Jr., SPA No. 04-003, Ika-9 ng Enero, 2004

[78] Papers Show FPJ’s Parents Alien:  National Archives Director, Philippine News Service, Ika-21 ng Enero, 2004.

[79] Pagkatao ni Fernando Poe Sr., problema ni FPJ, Ika-23 ng Enero, 2004.  Online.  Internet.  Available URL:  http://news.balita.ph/html/public_html/article.php?story=20040123220818546

[80] 7 kasong kriminal isasampa vs Manapat, Ika-6 ng Pebrero, 2004.  Online.  Internet.  Available URL:  http://news.balita.ph/html/public_html/article.php?story=20040206164724513.

[81] Lacson, Sen. Panfilo Morena, panayam ng mga pangkat ng mananaliksik para sa kampo ng KNP at ni Lacson sa klaseng Kasaysayan 199.2, Ika-25 ng Enero, 2005.  Maraming salamat sa mga kaibigang hindi nagdamot ng transkripsyon ng nasabing panayam.

[82] “Palace:  Hands Off On Manapat-Mike Ties, Malaya, Ika-4 ng Pebrero, 2004, p. 1.

[83] Macapagal-Arroyo.  Pang. Gloria, Pahayag sa Press, Ika-11 ng Enero, 2004.

[84] Palace says gov't may help, but won't intervene in disqualification case against FPJ, pahayag mula sa palasyo, Ika-13 ng Enero, 2004.

[85]Truthful observations on the fake birth certificate of FPJ so as not to fool the Filipinos.” Binayarang ad sa dyaryo, Enero 2004.

[86] “Comelec probes anti-FPJ advertisement,” Sun Star, Ika-21 ng Enero, 2004.

[87] Danao, Efren L. “Paper battle over Poe.  Sotto: ‘Manapat faked documents,’” Manila Times, Ika-20 ng Enero, 2004.

[88] Patino, Ferdinand, “Fornier: ‘They are genuine,’” Manila Times, Ika-20 ng Enero, 2004.

[89] Cruz, Neil H., “Some questions on FPJ citizenship issue,” Philippine Daily Inquirer, Ika-26 ng Enero, 2004.

[90] “SC: Poe qualified to run”, Philippine Daily Inquirer, Ika-4 ng Marso, 2004.

[91] De Quiros, Conrado, “Filipino,” Philippine Daily Inquirer, Ika-15 ng Enero, 2004.

[92] De Quiros, Conrado, “Letter and Spirit,” Philippine Daily Inquirer, Ika-22 ng Enero, 2004.

[93] De Quiros, Conrado, “Irony Upon Irony,” Philippine Daily Inquirer, Ika-24 ng Pebrero, 2004.

[94] Mula sa Kapuso Mo…Jessica Soho.

[95] Roces, Susan, panayam ni Mel Tiangco sa 24-Oras, GMA-5, Ika-16 ng Pebrero, 2004.

[96] Estrada, Pang. Joseph “Erap” Ejercito, eulogy para kay FPJ, Ika-21 ng Disyembre, 2004.

[97] Lacson, panayam, Ika-25 ng Enero, 2005.

[98] Mula sa Dong Puno Live.

[99] Estrada, Erap, eulogy para kay FPJ.

[100] Liberal Party Statement, “Fight for competence, experience, and continuity! Reject the politics of entertainment!,” The Liberal, Pebrero hanggang Abril, 2004, p. 1.

[101] Mula sa Dispatches 2004.

[102] “The Liberals Meet The King,” Newsbreak, Ika-2 ng Pebrero, 2004, p. 37.

[103] Aquino, Noynoy, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[104] Aquino, Noynoy, panayam, Ika-8 ng Disyembre, 2004.

[105] Rosales, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[106] “John, Oh John O.,” Newsbreak, Ika-2 ng Pebrero, 2004, p. 37.

[107] Gordon, Sen. Richard “Dick,” panayam, Ika-26 ng Enero, 2005.

[108] Domogan, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[109] Arroyo, Mikey, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[110] Mula sa BBC World News, Marso ng 2004.

[111] Estrada, Erap, eulogy para kay FPJ.

[112] Estrada, Jinggoy, panayam, Ika-26 ng Enero, 2005.

[113] Mula sa Espina-Varona, Inday, “An Emigma To The Last,” Philippine Graphic, Ika-27 ng Disyembre, 2004, p. 27.

[114] Ibid, p. 27.

[115] Escudero, Kong. Francis “Cheese,” panayam ng mga pangkat ng mananaliksik para sa kampo ng KNP sa klaseng Kasaysayan 199.2, Ika-12 ng Enero, 2005, kung saan isinama ang mananaliksik na si Michael Chua.

[116] Mula sa Espina-Varona, Inday, p. 27.

[117] Lamangan, Joel, Tula ng Pamamaalam Kay FPJ.  Necrological Service Para Kay FPJ, Ika-21 ng Disyembre 2004.

[118] Ibid.

[119] Mula sa Limang Kandidato, Isang Palasyo.

[120] Macapagal-Arroyo, Pang. Gloria, Press Conference, Malacañang, Ika-11 ng Mayo, 2004.

[121] Mula sa Limang Kandidato, Isang Palasyo.

[122] S Magazine Special Commemorative Issue, Pebrero 2005, p. 71.

[123] Yasay, Perfecto, panayam ng mga pangkat ng mananaliksik para sa kampo ni Lacson sa klaseng Kasaysayan 199.2, Ika-3 ng Pebrero, 2005.  Maraming salamat sa mga kaibigang hindi nagdamot ng transkripsyon ng nasabing panayam.

[124] Ayon sa tiyuhin ni Michael Charleston B. Chua na si Charlemagne John Chua, siya at ang kanyang pinsang si Giselle Derecho ang nag-imbento ng popular na birong ito sa text.

[125] Lacson, Sen. Panfilo Morena, panayam ni Max Soliven sa Impact, ABS-CBN News Channel, 2004.

[126] Aquino, Butz, panayam, Ika-8 ng Disyembre, 2004.

[127] “Lacson To Face Murder Trial,” BizNews Asia, Ika-6-20 ng Oktubre, 2003, p. 20-21.

[128] Ibid, p. 20-21.

[129] Aquino, Butz, panayam, Ika-8 ng Disyembre, 2004.

[130] Lacson, panayam, Ika-25 ng Enero, 2005.

[131] Yasay, panayam, Ika-3 ng Pebrero, 2005.

[132] Ibid.

[133] Ibid.

[134] Ibid.

[135] Mula sa Kapuso Mo…Jessica Soho.

[136] Macapagal-Arroyo, Pang. Gloria, Talumpati Para sa Ika-106 na Taon ng Kamatayan ni Gat José Rizal (Supreme Sacrifice Speech), Ika-30 ng Disyembre 2002.

[137] Macapagal-Arroyo, Pang. Gloria, Talumpati Sa Cenior Citizens Congress/ Multisectora  Program (Pormal na Deklarasyon ng Pagtakbo), Ika-4 ng Oktubre, 2003.

[138] Ong, James P., “No Retreat, No Surrender,” Starstudio, Enero 2004, p. 48.

[139] Mula sa Kapuso Mo…Jessica Soho.

[140] De Castro, Isagani, Jr., “Fernando Poe Jr.: Unqualified or Underestimated?” Newsbreak, Ika-5 ng Enero, 2005.

[141] Angara, panayam, Ika-7 ng Disyembre, 2004.

[142] Escudero, panayam, Ika-12 ng Enero, 2005.

[143] Aquino, Butz, panayam, Ika-8 ng Disyembre, 2004.

[144] De Castro, Isagani, Jr.

[145] Lacson, panayam, Ika-25 ng Enero, 2005.

[146] Ibid.

[147] Angara, panayam, Ika-7 ng Disyembre, 2004.

[148] Aquino, Butz, panayam, Ika-8 ng Disyembre, 2004.

[149] Ibid.

[150] Lacson, panayam, Ika-25 ng Enero, 2005.

[151] Angara, panayam, Ika-7 ng Disyembre, 2004.

[152] Dispatches 2004.

[153] Angara, panayam, Ika-7 ng Disyembre, 2004.

[154] Escudero, panayam, Ika-12 ng Enero, 2005.

[155] Lacson, panayam, Ika-25 ng Enero, 2005.

[156] Angara, panayam, Ika-7 ng Disyembre, 2004.

[157] Ibid.

[158] Aquino, Butz, panayam, Ika-8 ng Disyembre, 2004.

[159] Angara, panayam, Ika-7 ng Disyembre, 2004.

[160] Lacson, panayam, Ika-25 ng Enero, 2005

[161] Aquino, Noynoy, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[162] Gordon, panayam, Ika-26 ng Enero, 2005.

[163] Domogan, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[164] Rosales, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[165] Arroyo, Mikey, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[166] Patinio, Ferdinand G.,  Maricel V. Cruz, at Maila Ager, “Poll appointee linked to fraud,” Manila Times, Ika-12 ng Pebrero, 2004.  

[167] Barcelona, panayam, Ika-8 ng Nobyembre, 2004.

[168] Garcillano, panayam, Ika-24 ng Nobyembre, 2004.

[169] Ibid.

[170] Arroyo, Mikey, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[171] Abalos, panayam, Ika-8 ng Nobyembre, 2004.

[172] Barcelona, panayam, Ika-8 ng Nobyembre, 2004.

[173] Borra, panayam, Ika-26 ng Oktubre, 2004

[174] Garcillano, panayam, Ika-24 ng Nobyembre, 2004.

[175] Barcelona, panayam, Ika-8 ng Nobyembre, 2004.

[176] Domogan, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[177] Estrada, Erap, eulogy para kay FPJ.

[178] Escudero, panayam, Ika-12 ng Enero, 2005.

[179] Ibid.

[180] Roces, Susan, panayam ni Ali Sotto sa Sentro, ABC-5, Ika-16 ng Pebrero, 2004.

[181] Roces, Susan, panayam ni Karen Davila sa TV Patrol World, ABS-CBN 2, Ika-16 ng Pebrero, 2004.

[182] Ibid.

[183] Ibid.

[184] Magsaysay, Jing, panayam, Ika-5 ng Enero, 2005.

[185] Ibid.

[186] Yasay, panayam, Ika-3 ng Pebrero, 2005.

[187] Escudero, panayam, Ika-12 ng Enero, 2005.

[188] Magsaysay, Jing, panayam, Ika-5 ng Enero, 2005.

[189] Domogan, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[190] Arroyo, Mikey, panayam, Ika-14 ng Pebrero, 2005.

[191] Ibid.

[192] Magsaysay, Jing, panayam, Ika-5 ng Enero, 2005.

[193] Escudero, panayam, Ika-12 ng Enero, 2005.

[194]Inaalay kay Florenda Asuncion Pangilinan, ang pinakamagandang biyaya sa aking ng Panginoon, bilang pagdiriwang sa ating limampu’t anim na buwang pagsinta, Ika-27 ng Pebrero, 2005.