Make your own free website on Tripod.com

KABANATA III

 

ON THE CAMPAIGN TRAIL

 KABANATA 2 KABANATA 4

Jose Angelito Pantaleon Angeles

Gretzhel Saligbon

 

 

            Sa kabanatang ito tatalakayin ang mga plataporma ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ng mga kandidato ng K4 at ng mga partido na bumubuo ng naturang koalisyon, mga kaganapan sa kasagsagan ng kampanya at mga nagastos ng koalisyon sa panahon ng halalan.

“Performance at Plataporma”

            Katapatan, karanasan – sa dalawang salita na ito umiinog ang kampanya ni Pangulong Arroyo.  Sa kabila ng mga kaliwa’t kanang mga batikos at iskandalo na hinarap ng kanyang pangasiwaan sa loob ng tatlong taon bilang Pangulo, ipinagmamalaki naman niya ang kanyang mga nagawa sa maikling panahong nabanggit.

            Bilang isang ekonomista, naging prayoridad ni Pangulong Arroyo ang pagpapaunlad at pagsulong ng kabuhayan ng bansa. Ibinida ni Pangulong Arroyo ang kanyang mga nagawa sa larangang ito: paglikha ng higit sa tatlong milyong trabaho; pag-angat ng dayuhang pamumuhunan sa bansa; paglago ng mga small and medium enterprises (SMEs); mas mabilis na pagbibiyahe ng kalakal sa pagbubukas ng Strong Republic Nautical Highway –na nagpalapit sa magkakalayong mga pulo ng bansa; ang pagbubukas ng Malampaya Natural Gas project na makakabawas ng malaki sa pangangailangan ng bansa sa inaangkat na enerhiya; mataas na ani ng bigas; at pagbaba ng inplasyon.

             Kanya ring ibinida ang mga repormang kanyang ipinatupad upang supilin ang katiwalian sa pamahalaan, sa pamamagitan ng mga lifestyle checks sa matataas na opisyales ng pamahalaan, at sa  kanyang masigasig na kampanya laban sa terorismo, na naipalamas s sa pagkakadakip kay Kumander Robot at pagkakapaslang kay Abu Sabaya, Fathur al-Ghozi at iba pa.

            Hindi gaanong kumbinsido si Kinatawan Edcel Lagman sa pinagmamalaking performance na ito ni Pangulong Arroyo:

 

Kung sa performance di gaano, sapaka’t nakita natin kung gaano bumagsak ang ekonomiya natin at yung peace and order – hindi rin masyadong maganda. Ngunit, compare doon sa kalaban niya… eh, yung kalaban niya walang performance talaga at walang experience. At siya naman ay mayroong experience at merong konting performance. Kaya kung ibabase mo sa performance at experience at lamang talaga si Presidente Gloria Macapagal Arroyo.[1]

 

            Ayon kay Pangulong Arroyo, ang kanyang mga nagawa sa tatlong taon ay “installment” pa lamang at kanyang ipinangako, kapag siya ay nabigyan ng pagkakataong makapanilbihan ng karagdagang anim na  taon bilang Pangulo, ay lalo pa niyang pag-iigiihan ang mga programa na makakapagpaunlad sa bansa. Ito ay kinatigan ng mga partidong bumubuo sa K4 sa kanilang Covenant of Unity:

 

Our country has made a strong start in a short time. The Filipino people have turned the economy around, stabilized the crisis we inherited, and we have made unprecedented gains in national reform and reconciliation.

 

We have made the downpayment for a Strong Republic. We will continue to pay the installments through our leadership and partnership for change.[2]

 

            Sa pagtalakay ng mga plataporma ni Pangulong Arroyo sa pagtakbo ay hinati ito sa tatlong bahagi: 1. Pampulitika; 2. Pangkabuhayan; at 3. Peace and Order

Pampulitika

            Bilang bahagi ng kanyang isinusulong na Matatag na Republika, itinutulak niya ang pagsugpo sa tinagurian niyang “culture of corruption” sa pamahalaan at burukrasya. Upang maisakatuparan ito, minungkahi niya ang kompyuterisasyon ng mga transaksyon sa pamahalaan, pagtataas ng mga sweldo ng mga kawani ng pamahalaan at pag-uusig at pagpapakulong sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan

            Sinang-ayunan din ni Pangulong Arroyo ang pagsusog sa Saligang Batas sa pagpapalit sa presidential na uri ng pamahalaan ng parliamentary-federal na uri ng pamahalaan.[3]

            Ipinangako rin ni Pangulong Arroyo na palalakasin niya ang pananalapi ng bansa at kanyang inaasahan na sa 2010 ay magkakaroon na rin ng balanseng badyet ang bansa. Palalakasin ang pangungulekta ng buwis at babawas-bawasan na rin ang pangungutang ng bansa sa mga dayuhang nagpapautang.

            Magpapatupad din siya ng mga reporma sa Sandatahang Lakas at sa pulisya at susupilin ang mga katiwalian sa dalawang ahensyang nabanggit. Halimbawa nito ay ang pagsasaayos ng sistema ng procurement ng mga kagamitang pang-militar sa AFP. Ipagpapatuloy din  niya ang modernisasyon ng AFP.

Pangkabuhayan

            Nang si Pangulong Arroyo ay tumakbo sa pagka- Pangalawang Pangulo noong 1998, isa sa kanyang mga plataporma ay “pagkain sa bawat mesa.” At sa kanyang pagtakbo sa pampanguluhang halalan sa 2004 ito pa rin ang kanyang pangarap sa bawat pamilyang Pilipino. Upang maisakatuparan ito kailangang sugpuin ang pangunahing suliranin ng bansa, ang kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa kabuhayan.

            Paano niya ito gagawin?

            Sa kanyang The Philippines in 2010: My Vision inilahad ni Pangulong Arroyo ang kanyang mga pangarap at plano upang palakasin ang ekonomiya ng bansa:

1.       Paangatin ang Gross National Product per capita income ng bansa sa $ 2,000 sa 2010. Upang makamit ito, kinakailangan ang tuluy-tuloy na pag-angat na 7% sa GNP ng bansa taun-taon;

2.       Paglikha ng isang milyong trabaho taun-taon sa pamamagitan ng mga proyektong pang-imprastraktura, pagpapaunlad ng telekomunikasyon at pagpapautang sa mga small and medium enterprises;

3.       Pagtutuunan din ng pamahalaan ang pagpapalakas sa sistema ng edukasyon ng bansa upang hubugin ang “intellectual competitiveness” ng mga Pilipino;

4.       Modernisasyon ng agrikultura sa pamamagitan ng pagpapalawig ng mga proyektong irigasyon, paggamit ng hybrid seeds o Gloria rice, at mga proyektong pang-imprastraktura tulad ng farm-to-market roads.

5.       Mabiyayaan ang bawat mahihirap ng serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng Philhealth.

6.       Makapagbigay ng kuryente at tubig sa lahat ng panig ng bansa sa pamamagitan ng mga power-generation projects (sa Cebu-Negros- Panay at sa Timog Mindanao) at mga programang patubig.

7.       Pag-iibayuhin ang pamamahagi ng mga lupa sa mga magsasaka sa pamamagitan ng agrarian reform na ang gugulin ay galing sa perang nakuha ng pamahalaan sa diumano’y mga tagong-yaman ng mga Marcos. Gagamitin naman ng pamahalaan ang nabawing “Coco levy fund” para sa kapakinabangan ng mga magniyoniyog.

8.       Pamamahagi ng higit 150,000 murang pabahay para sa mga maralitang taga-lungsod;

Peace and Order

            Sagabal sa pag-unlad ng Pilipinas ang mataas na insidente ng kriminalidad, ang patuloy na suliranin sa kapayapaan bunga ng pamamayagpag ng kumunistang New People’s Army sa kanayunan at ang sesesyonistang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mindanao, at ang banta ng terorismo ng Abu Sayaff at Jemaah Islamiyah. Hangad ni Pangulong Arroyo na tugunan ang mga suliraning ito upang maisulong niya ang kanyang mga proyekto na magpapaunlad sa bansa.

            Upang matugunan ang lumalalang suliranin sa kriminalidad, ipagpapatuloy ni Pangulong Arroyo ang giyera laban sa ilegal na droga, pagpapasara sa mga shabu laboratories at pagpapakulong sa mga drug lords. Upang maiwasan ang katiwalian sa hanay ng kapulisan, tataasan ni Pangulong Arroyo ang sweldo at benepisyo ng mga pulis.

            Kaansabay naman ng giyera laban sa ilegal na droga ay ang patuloy na giyera laban sa terorismo sa pakikipagtulungan ng ibang bansa tulad ng Estados Unidos, Australya, Malaysia at Indonesya. Susugpuin ang mga galamay ng teroristang grupo ng Al Qaida na nasa bansa- ang Abu Sayaff at ang Jemaah Islamiyah. Tutugunan din ng pamahalaan ang ugat ng terorismo sa bansa, ang kahirapan ng mga kapatid na Muslim sa pamamagitan ng magandang edukasyon, trabaho at kabuhayan.

            Ang mga plataporamang ito ni Pangulong Arroyo ay nakapaloob din sa Covenant of Unity ng mga partidong bumubuo sa K4 at kinatigan naman ng mga kasaping kandidato nito:

We vow to put food on every table, shelter over every family, health and a sound education for every citizen

 

xxx

           

We stand behind a foreign policy to bring in investments to create jobs and improve wages, to build a modern infrastructure and push the frontiers of education, job training and the tools to make people succeed.

 

We will fight for constitutional reforms; we will fight the culture of corruption. We will fight illegal drugs, kidnapping and terrorism. We will fight for clean water and good governance.

 

It will take time and resolve to overcome the strong forces trying to divide us,

 

But K4 stands for resolve, K4 stands for clout, K4 stands for the experience to change the economy, to do the unprecedented changes that will make us more secure, that will strengthen our families, that will stamp out corruption.[4]

 

 

            Ang platapormang ito ng K4 ay walang pinagkaiba sa mga mithiin ng ibang partido o kandidato tulad ng KNP o nina Fernando Poe, Jr., Panfilo Lacson at iba pa ngunit ayon kay Kinatawan Mikey Macapagal Arroyo, anak ni Pangulong Arroyo:

All parties have motherhood statements towards national recovery, national unity, housing, food security, moral recovery, [and] governance. All parties have motherhood statements. Only K4 is really practicing what they preach. You can see naman that we are really reaching out to the people. We are really implementing programs for the poor. It’s not lip service. The others, the hardcore oppositionists, are just attacking the government without giving any of their solutions. But I can safely say that not all opposition are like that, many of those in the opposition have joined the majority, precisely, and they would like to help the government get over this fiscal crisis.[5]

 

            Ang plataporma ni Pangulong Arroyo at ng koalisyon ay tinanggap rin ng mga kandidato sa pagka-senador at pagka-kinatawan ng K4. Edukasyon, kalusugan, kabuhayan, kapayapaan at seguridad ang tema ng kanilang mga plataporma.

            Bagama’t aminadong hindi siya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral dahil sa kahirapan, edukasyon ang naging pangunahing tema ni Senador Manuel “Lito” Lapid sa kanyang plataporma:

Unang-una ay edukasyon. Sinasabi nga ng iba, bakit edukasyon? Ikaw nga hindi nakapag-aral. Eh, yun na yun ang naramdaman ko. Ako nga naranasan ko. Kayo nga hindi niyo naranasan iyan. Gusto kong mag-aral noong araw. Hindi ako nakapag-aral dahil walang libreng ano [edukasyon]. Nag-aaply ako na working student, hindiu rin ako natanggap. Hanggang sa naging stuntman na lang ako.[6]

 

            Personal naman ang dahilan ni Senadora Pilar Juliana S. Cayetano, na lalong kilala sa tawag na Compañera Pia, kung bakit kalusugan ang naging pangunahing tema ng kanyang plataporma:

            My advocacy during the campaign was health. But since I don’t have past political experience, I cannot really talk about my credentials in health, what have I done, except for my personal life. So I shared the story of my loosing a baby as new born, and loosing my father, yung pain nun, and the difficulty of taking care of someone who is sick and related it…We’re given three minutes, so I related it to the people by telling them, kung ako ay nahirapan, inaamin kong maykaya ako, paano pa kaya yung mga kababayan natin na panonoorin pang mamatay ang anak mo dahil lamang sa ubo’t sipon, sa lagnat…Even when I was campaigning, aside from the story I told them, pinatunayan ko yun by telling them na when my son passed away, the way I could comfort myself was in the knowledge that the life of my son had meaning, which means that , because he died, I will do thing for other children so that they would not die, so that they would live.[7]

 

            Naka-angkla naman sa dati nilang posisyon sa pamahalaan ang plataporma nina Senador Manuel Mar Roxas, III (dating kalihim ng Department of Trade and Industry) at Senador Richard Gordon (dating kalihim ng Department of Tourism at dating chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority). Ang pagpapalaganap ng tinagurian niyang palengkenomics nakatuon ang plataporma ni Senador Mar Roxas, na nakilala noong panahon ng kampanya bilang “Mr. Palengke:”

Ang aking plataporma ay nakatuon sa pagpapalaganap ng aking palengkenomics program na naglalayong pangalagaan pareho ang kapakanan ng consumers at mga market vendors- mabigyan ng murang pautang upang huwag silang mabiktima ng loan sharks at 5-6 usurers. Mapasigla at mapaunlad ang ekonomiya sa liblib na mga barangay; at mabigyan ang small and medium enterprises ng pautang sa maliit na interes. Kasama rin sa aking plataporma ang “Marangal na Kabuhayan,” kabuhayan para mga maralitang taga-lungsod; “Presyong Tama,Gamot Pampamilya,” dekalidad na gamot at produktong pangkalusugan sa mas murang halaga; personal computers for public schools, pamamahagi ng computers sa mga public schools sa buong bansa; Adopt a School Program – upang matulungan ang mahihirap na public high schools; at call centers upang mabigyan ng trabaho ang 300,000 kabataan sa loob ng limang taon.[8]

           

            Turismo at Trabaho, dito nakatuon ang plataporma ni Senador Richard “Wow Dick” Gordon:

           

Tourism, jobs…dapat magkaroon ng trabaho ang Pilipino. Magkakaroon ang tao ng dignidad at ang kailangan para magkaroon ka ng dignidad ay dapat may trabaho ka siyempre. Dapat palakasin natin ang mga batis na mag-aakit ng turismo, investments at saka trade. Ayusin natin ang mga infrastructures tulad ng mga airports at mga lugar na nay airport at ship port. Palakasin natin yan para magkaroon ng mga export processing zone sa tabi para kumita o kaya’y Tourism Advisories.[9]

 

           

 Nakatuon naman ang plataporma ni Senador Rodolfo “Pong” G. Biazon sa kanyang limang programang tinataguyod:

My five advocacies at that time were,, until now I am still pushing: is reforming the Armed Forces of the Philippines for the simple reason, I think we should strengthen that institution so that it can truly be an agent for political stability in the Philippines. So I have thirteen bills for the Armed Forces; 2. I am an advocate of cooperativism because I do believe cooperativism is one mechanism to democratize the distribution of our national wealth, the fruit of our labor as a people, and the fruit of our talent as a people, so I was pushing for cooperativism; Third advocacy is housing for the urban poor. I think the reason is obvious. Why there should be an advocacy for the housing of the urban poor? But related to this is my advocacy on the definition of land use in this country because there are five competing needs for land: 1. housing, 2. food production, 3. institutional use (schools, churches, government offices, etc.) 4. for environment protection/preservation…5. job generation, however, I am focusing on shelter- the housing for the urban poor; The fourth advocacy is providing for safety nets four farmers because of the implementation of the G-A-T-T GATT-WTO. We need to provide protection or safety nets for our farmers like post-harvest facilities, need for inputs to production, marketing of the produce, etc. So that they could be competitive with the farmers of other countries as we implement/ join the economic globalization; And my fifth advocacy is family planning, reproductive health.[10]

            Ginamitan naman ng gimik ni Senador Ramon “Bong” Revilla,Jr. ang kanyang plataporma: ang I LOVE YOU advocacies:

Ang tawag namin sa kampanya for recall purposes ng kampanya namin, I LOVE YOU advocacies, ILY para madaling tandaan. I is in the field of local government and Y is in the field of growth empowerment and development. I’ll give you a print-out of this so that we don’t have to discuss it thoroughly , kasi mahaba yan, eh.[11]

 

            At ito ang nilalaman ng print-out ng kanyang plataporma:

Local Government

I personally believe that it is high-time for RA 7160 or the Local Government Code of 1991 to be reviewed and amended to further address the growing concerns of Local Government Units, specifically on the aspects of Barangay Empowerment, and the provision of local Health and Education services.

 

Based on my experience as vice Governor and Governor of Cavite, because of devolution, over 50% of almost every local government budget goes to the provision of health and education services.

 

This goes to the salaries and wages of employees and the purchase of medicines, equipment and educational tools.

 

A study must be made to address these concerns so that LGUs may be able to channel their efforts towards other equally important endeavors.

 

We likewise have a need to further empower our barangays, the most basic unit of government in our country so that they may contribute more in our efforts in peace and order, local development and progress.

 

Youth Empowerment and Development

 

Aside from reviewing the existing curricula, funds must also be appropriated for the hiring of more teachers and the purchase of necessary equipment and improvement of facilities.

 

Informal and technicall educational programs for Out of School Youths must also be strengthened;

 

Likewise, a strong comprehensive, and long term Sports Development Program must be institutionalized for the country to regain its niche in global sports.[12]

 

“Campaign Managers”

            Ano nga ba ang campaign manager at ano kanyang kahalagahan sa ikakatagumpay ng kampanya ng isang kandidato. Ayon kay Atty Romulo Macalantal, abugado ni Pangulong Gloria Arroyo at eksperto sa batas panghalalan:

Ang campaign manager, sila ang nag-oorganize nung pinaka-organization ng isang political party o organization ng isang kandidato. It depends kung ang hawak ng campaign manager ay isang political party o independent candidate or per candidate basis lang. Kapag political party, mas malawak ang responsibilidad nung campaign manager kasi aside from the political party responsibilidad din niya yung mga individual candidates ng political party. Ngayun, kung per candidate lamang, medyo mas madali yun sapagka’t ang kanyang gagawin lang is to see it na well- organize ang political plans or political campaign nung isang candidate. Ang trabaho niya ay kumuha ng watchers, kumuha ng mga taong aatend or magse-set-up ng mga meetings  or mga rallies, makikipag-ccordinate doon sa iba’t-ibang leaders ng different areas na sakop ng kanyang kandidato o ng kanyang political parties para on the day or on the night of the political campaign dapat maraming tao at kailangan magaling siyang kumuha ng mga tao. Marami sa ating mga botante ang pag guge nila ng boto ay kung sino ang maraming uma-attend ng political rallies or political campaigns.[13] 

 

            Upang masiguro ang pagdagsa ng mga tao sa mga politically rallies ng K4, isinasama sa mga programa  nito ang mga sikat na artista tulad nina Nora Aunor, Sarah Geronimo, Viva Hot Babes, Rosanna Roces at iba pa. Ayon kay Senador Lito Lapid:

Si Bong, kami yung laging nasa likod ng entablado, tapos kasama ko sa pelikula. Magsasalita muna lahat, pati mayor, pati congressman, pati vice. Minsan mga konsehal. Kami, nanduduon kami… Palagi kaming nagkikita sa likod ng entablado, ayaw naman sumama sa amin na naka-grupong mga kasama naming mga senador, hindi sila napapansin. Yung Viva Hot Babes, yun lang ang napapansin. Kaya minsan, kawawa sila, nadadakma. Umiiyak sila. Ang sabi ko e ‘ kaya nga kayo kinuha para diyan e. E kayo naman nagpapakita ng dibdib, madadakma nga kayo. E pag hindi naman kayo nagpa-sexy, hindi naman kayo kukunin. Kaya nga pinapanood kayo ng tao, di ba?’ Yun lang ang sinasabi ko, Minsan umiiyak[14]

 

            Bagamat magandang taktika ang pag-iimbita ng mga artista para mahikayat ang mga tao na dumalo sa mga political rallies ng  K4, hindi naman ito tanggap ni Senador Gordon:

Talo ka sa mga artista. Kaya nga sabi ko nalulungkot ako, dahil dun talagang kinausap ko sila, mababait naman sila. Sabi ko kung maari lang may rules tayo kung marami ng tao, huwag na kayong dadating habang may nagsasalita dahil nagugulo at kung maari nakatago muna kayo sa likod dahil pagka habang nagsasalita ka, sila ang tinatatawag e. Hindi sila nakikinig, yung tao masyadong mababa na ang… Ang tao gusto nila entertainment more than the issues… I have to keep myself honest that I am not running to be a comedienne or a dancer.[15]

 

            Ang mga political campaign managers ng koalisyon ay sina Kalihim Gabriel Claudio, Presidential Adviser on Political Affairs at  Dondi Limcauco, ang Presidential Adviser on Media and Ecclessiastical Affairs. Si Lupita Kashiwahara naman ang Presidential Campaign Assistant ni Pangulong Arroyo. Si Kalihim Michael T. Defensor ay hinirang naman bilang Presidential Spokesman on Campaign.

“Political Headquarters”

            Mahalaga sa bawat partido ang magkaroon ng isang headquarter parang isang pamilya na nangangailangan ng isang tahanan na masisilungan. Sa headquarters ng partido isinasagawa ang mga mahahalagang istratehiya at desisyon sa ikakatagumpay ng kampanya. Dito rin tinatanggap ang mga kontribusyon at pondo ng partido o mga kandidato. Nasaan nga ba ang headquarters ng koalisyon, ng mga partidong bumubuo rito at ng mga kandidatong kasapi nito.

            Ang national headquarters ng Koalisyon ng Katapatan at Karanasan sa Kinabukasan ay matatagpuan sa ika-3 palapag ng PDAF Bldg sa 407 Sen. Gil Puyat Avenue  Extension, Lungsod Makati at sa  LTA Bldg sa 118 Perea Street, Legaspi Village, Lungsod Makati.

            Ang headquarters ng Liberal Party ay matatagpuan sa JNT Bldg sa Ramon Magsaysay Boulevard sa Sta. Mesa, Maynila. Sa Narsan Bldg naman sa West Fourt Street, West Triangle, Lungsod Quezon matatagpuan ang tanggapan ng People’s Reform Party ni Senadora Miriam Defensor Santiago.

            Si Noli de Castro ay may sarili ring headquarters at ito ay nasa ika-3 palapag ng Quedsa Bldg, sa panulukan ng EDSA at Quezon Avenue sa Lungsod Quezon.

            Maging ang mga senador ng K4 ay may sari-sari ring mga headquarters: tulad nina Mar Roxas (sa P. Tuazon Blvd,  Lungsod Quezon) at Manuel Lapid (ika-3 palapag Marman Bldg, No. 10 Scout Borromeo, Lungsod Quezon)

“Political Advertisements”

            Noog 2001 isinabatas ni Pangulong Arroyo ang Republic Act 9006, na lalong kilala sa tawag na “Fair Elections Act.” Binibigyang-daan ng batas na makapagkampanya ang mga kandidato sa mga radyo’t telebisyon sa pamamagitan ng mga political advertisements. Unang ipinatupad ang batas na ito noong halalang 2001 at epektibo itong nagamit ng mga kandidato ng administrasyon at oposisyon. Halimbawa ng mga political ads na ginamit noong halalan na iyon ay ang “VOT FOR D CHAMMP” ng People Power Coalition, ang pagpapatawa ni Senador Juan Flavier na naglalaro ng basketball sabay sabi ng kanyang islogan na “Let’s DOH it,” ang pagpapakilala ni Senadora Miriam Santiago bilang isang “Kampiyon ng Konstitusyon,” at iba pa.

            Hindi naiiba ang halalang 2004 kung ang pag-uusapan ay ang pabonggahan ng mga political ads. Ngunit gaano ba kahalaga ang political ads sa kampanya? Napakalaki, lalung-lalo na sa pagre-recall ng mga pangalan ng kandidato ng mga botante sa kanilang pagboto. Dahil sa kahalagahan ng political ads sa kampanya, ito ang may pinakamalaking pinagkagastusan ni Pangulong Arroyo nooong nakaraang halalan.

            Ang mga political ads ni Pangulong Arroyo ay may temang pang-showbiz na kinatatampukan ng personaheng tulad nina Boy Abunda, AiAi delas Alas ( kung saan pinakilala niya si Pangulong Arroyo bilang isang huwarang ina), Kris Aquino, Jolina Magdangal, Sarah Geronimo, at iba pa.

            Ang political ads naman ni Pangalawang Pangulong Noli de Castro ay hango naman sa mga footages ng kanyang mga pinagdaanan bilang isang brodkaster at host ng kanyang programa sa telebisyon, ang Magandang Gabi Bayan.

            Sa mga kandidato naman sa pagka-senador, iba-iba naman ang mga gimik at pakulo ng kanilang mga political ads upang mapukaw ang pansin ng mga botante. Namumukod-tangi ang mga political ads nina Senador Mar Roxas at Pia Cayetano dahil ito raw ang dahilan kung bakit sila naging popular noong nakaraang halalan. Napa-cachy raw kasi

            Sa political ads ni Senador Mar Roxas, makikitang siya ay dumadalaw sa isang palengke at kakamustahin ang mga tindero’t mamimili. Sa tagpong ito, may tindero na magsasabi na siya ang apo ni dating Pangulong Manuel Roxas at anak ni Senador Gerry Roxas at mayroon pang tindera sa kanya. At sa pagwawakas ng political ads, ay sasayaw at kakanta sila ng  “Mr. Palengke” sa saliw ng “Mr. Suave” ng Parokya ni Edgar. Ang “Mr. Palengke’ ad ay may bersyon sa iba’t –ibang dialekto, tulad ng Iloko, Kapampangan, Ilonggo at iba pa. Ayon sa panayam ng isa sa mga mananaliksik sa papel na ito kay Senador Lito Lapid: 

Jose Angelito: Mayroon nga po sa Baguio, yung Ilocano version nung [political ads ni] Mar Roxas po.[16]

 

Senador Lapid: Hindi, lahat. Pati yung ano niya, Kapampangan iyon. Kapampangan ang salita dahil (nagsalita siya sa dialektong Kapampangan at kanya itong isinalin sa Tagalog) ‘Huwag kalimutan si Mar Roxas, Senador.’ Kapampangan iyon. [17]

 

            Isa rin sa mga nakakapukaw-pansin na political ads ng K4 noong halalan ay ang kay Senadora Pia Cayetano na ginamit ang kantang “Compa-Compa-Compañera’ na tulad sa campaign jingle na ginamit ng kanyang ama na si dating Senador Renato Cayetano nang siya’y kumandidato noong 1998. Ayon kay Senadora Cayetano:

            Ito ay hango sa kantang “Kumbatsero.” Ang aking patalsatas sa telebisyon ay napanood lamang dalawang buwan bago ang eleksyon. Ipinakita rito ang mga adhikain ko para sa isports, kababaihan at kabataan, Gumawa rin kami ng mga jingle para sa radyo at ito’y isinalin namin sa iba’t ibang wika upang maipatugtog sa mga lokal na istasyon sa mga probinsya.[18]

 

           

 

Maliban sa political ads, isang magandang pagkakataon rin kay Senadora Cayetano ang pagkakapalabas sa Maalala Mo Kaya ng talambuhay ng kanyang ama na si Senador Renato Cayetano, apat na araw bago ang halalan:

Jose Angelito: Excuse me for the word, sinadya po ba talaga na ipalabas yung program na yun before the election or

 

Senadora Cayetano:  No, that’s beyond kasi our control, e.  My dad passed away in June, around August pa lang, shortly pa lang, kasi I remember umiiyak-iyak pa ako ng kausap ako.  Ang una pa ngang kumausap sa amin, yung GMA-7 sa kanilang Magpakailanman.  E yung brother ko nun, I don’t know if he was already connected with GMA sa Star Struck o hindi pa. Gumawa kami ng parang outline script, we talked to them.  Tapos, kasi we are happy to share my dad’s story kasi that was my dad’s dream, he came home to share his story of trust in God and love of country and love of family.  So we were very happy to share it pero parang it kinda fizzled out.  Tapos, at some point in time, this already happened medyo campaign na, ABS naman came into the picture, medyo nag-awkward nga ako pero we wanted to share the story.  So we said, sige but the timing was really up to them kasi wala na kaming say dun e.  And I have no idea na it would be shown that week.  I mean nalaman ko na lang the day before siguro or something.  But my brother actually ended up directing that show which they did in mga….  They did it early on, but then, even when they were timing it, parang, it’s possible that it would have been shown before, of two to three weeks after, so parang hindi rin naming alam. [19]

 

            Inamin ni Senadora Cayetano na malaki ang naitulong ng kanyang mga political ads at ng Maalala Mo Kaya sa kanyang pagkapanalo bilang Senador:

Well, actually, I had a good last week.  People would always ask me, “who’s your PR?”  Ganun, I didn’t have a PR, siguro si God lang yun kasi the truth is, kung sino yung maalala nila the last weekk, or the day before the elections, obviously di ba, yun ang ano.  And people are shocked by my showing in the final count. But if you think about it kasi, I started from twenty-something, every time a survey came out, may improvement, whatever, 24-21-18.  But of course, in the course of 6 weeks parang wow, ang layo parin, 18, 16 yata, and then my last survey, which was that week, that week before, two days before elections, I was tied to number 10 and 11.  If you think about it, if you’ll really analyze, it’s consistent.  And also because my commercial had kicked in, kasi talagang kasama sa schedule, ibuhos yung little funds naming sa commercials towards the end, and then yung TV interviews ko, tuloy-tuloy nga.  But the blessing also was, I realized that week, I was on TV every single day, which was a big thing. [20]

 

            Ipinakilala naman ni Senadora Miriam Defensor Santiago ang kanyang sarili bilang “Superwoman.” Sa political ads na ito ipinakikita ang mga pinagdaanan ng Senadora mula sa pagiging magaling na mag-aaral ng UP, isang walang kinatatakutang Kalihim ng Department of Agrarian Reform at Komisyoner ng Bureau of Immigration, at bilang isang matapang na Senadora. Nakakapukaw-pansin ang political ads ni Senadora Santiago dahil sa paggamit nito ng cartoons na kamukha ng Senadora na nakadamit na superhero at nakaboxing gloves na sinusuntok ang mga salitang kahirapan at katiwalian.

            Gumamit din ng cartoons si Dr. Farouk Hussin sa kanyang political ads, kung saan siya ay pumapagitna sa nagdalalabanang mga sundalo at mga rebeldeng Muslim. May tagpo sa political ads na ito kung saan siya ay tinanong ng isang sugatan kung magkakaroon pa ba ng kapapayapaan sa Mindanao. Positibo naman ang kanyang tugon ay sa pamamagitan ng edukasyon at kabuhayan para sa mga kapatid nating mga Muslim.

            Madrama naman ang mga tagpo sa political ads ni Senador Manuel “Lito” Lapid, ipinapakita rito ang mga footages noong siya’y gobernador pa ng Pampanga na nakakapit sa  isang helicopter upang iligtas ang mga biktima ng rumaragasang lahar sa kanyang lalawigan. At sa huli ng kanyang political ads lilitaw ang mga katagang “Senador mo, Senador ko, Senador ng Masang Pilipino, Lito Lapid para Senador.”

            Sa political ads naman ni Senador Robert Jaworski, makikita rito na ini-endorso siya ng kapwa niya Senador na si Juan Flavier na nagsasabing si Jaworski ay isang magaling na Senador. May bersyon din sa political ads ni Jaworski na may isang coach ng basketball na animo’y nagmamando ng posisyon para sa kanyang manlalaro sa kanyang coaching board.

            Kahalintulad ng kay Jaworski ang political ads ni dating Senador Orlando Mercado, kung saan inendorso siya nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Pangalawang Pangulo Noli de Castro at Senadora Miriam Santiago, na nagsabing kilala raw niya si Senador Mercado dahil kapwa raw silang taga-UP. May iba pang bersyon ang political ads ni Senador Mercado, kung saan pinakikitang siya ay may malasakit sa mga mahihirap at may karamdaman.

            Ibinida naman ni Senador John Henry Osmeña sa kanyang political ads ang batas na kanyang inakda na nag-aalis ng monopolya sa sector ng telekomunikasyon. Ipinaparating sa political ads na dapat tayong magpasalamat kay Senador Johb Osmeña kung bakit tayo may cellphone ngayon. Sa pagtatapos ng kanyang political ads, makikita ang mga estudyante na nagsasabi na: “Thank You, Mr. Senator!” At ang kanyang tugon ay, “You’re Welcome!”

            Gumamit din sina Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., Senador Rodolfo Biazon, Senador Robert Barbers at Richard Gordon ng mga political ads sa kampanya.

Mula Aparri Hanggang Jolo

 

            Matapos ang mahigit sa dalawang buwan na paghahanda, nagsimula na ang pangangampanya para sa halalang 2004 ng iba’t ibang partido noong Pebrero 10, 2004 sa pambansang antas.

Gabi pa lamang ng nakatakdang araw ng pagsisimula ng kampanya, Pebrero 9, 2004, ay sinimulan na ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo ang paghingi sa suporta ng taumbayan sa kanyang kandidatura. Sa talumpating kanyang ibinigay sa harap ng mga mamamayan ng Quirino at Cagayan, na kanyang binigkas sa Ilocano, ay nagpasalamat ang Pangulo sa ipinakitang suporta ng dalawang lalawigan sa kanyang pagtakbo noong 1992, 1995, at 1998 na eleksyon. Gayundin, binanggit ng Pangulo ang mga matagumpay na proyekto ng kanyang administrasyon sa mga nasabing lugar, na kanyang inihambing sa mga nagawa ng administrasyon ng dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada. Ipinangako ng Pangulo na ipagpapatuloy at paiigtingin pa ang mga proyekto sa irigasyon, pagpapagawa ng kalsada, at pagpapatayo ng mga paaralan kung siya ay maluluklok muli bilang Presidente.[21]

Kinabukasan, ang unang araw ng kampanya, Pebrero 10, 2004, tumulak ang Pangulo at ang buong koalisyon sa Laguna, maliban kay Miriam Defensor-Santiago, kandidato sa pagka-senador. Pinili ng koalisyon ang nasabing lalawigan, ayon kay Michael “Mike” Defensor – ang tagapagsalita ng koalisyon, dahil ito ang “highest point” sa Luzon at ang partido ay naglalayong patatagin ang “hawak” nito sa huli.

Tulad ng inaasahan, ang unang araw ng kampanya ay pinangunahan ng talumpati ng Pang. Arroyo ukol sa kanyang mga programa at proyekto sa loob ng tatlong taon bilang pangulo. Tinawag niya ito bilang down payment sa mga mamamayan. Nasa ganitong bahagi ng talumpati ang pangulo nang bumagsak ang isang speaker. Taliwas sa ugali ng Pangulo na madaling mairita, nagawa pa nitong magbiro nang kanyang sinabi, “Ayan, nag-falling down tuloy kasi pinag-uusapan natin yung down payment.” Ang  kandidato naman sa pagka-pangalawang pangulo, si Senador Manuel “Noli” de Castro, ang siyang nagpaliwanag ng ilang mga programa ng Pangulo tulad ng health insurance, ang low-cost housing, ang study now, pay later, at pagpapataas ng kalidad ng mga itatayong imprastraktura. Pagkatapos nito nilibot ng buong koalisyon ang iba’t ibang lalawigan ng Laguna: Nagcarlan, Rizal, San Pablo, Calauan, at Los Baños. Hindi rin nakaligtaan ng koalisyon ang magdaos ng isang thanksgiving mass kung saan dinumog ang misa ng mga tao upang masilayan ang mga kandidato ng K-4. Sa misa ay nakasaksi ang lahat ng isang madamdaming eksena nang isa sa mga taong pumunta upang masulyapan ang mga kandidato ay biglang umiyak at humingi ng tulong sa Pangulo para sa kanyang dalawang anak na may polyo. Dali-dali namang lumapit si Senador Noli de Castro upang aluin at kausapin ang ina ng dalawang bata, at ipinatawag naman ni Pang. Arroyo si Kalihim Corazon Soliman ng Department of Social Welfare and Development upang tulungan ang mag-iina.[22]

Ang unang araw na ito ng kampanya ng K-4 ay paunang sulyap lamang kung papaano tatakbo ang pangangampanya ng koalisyon sa loob ng mahigit 90 araw: ang pagbabanggit ng Pangulo sa kanyang mga naisakatuparang programa at proyekto sa loob ng tatlong taon bilang pinuno ng bansa, ang mga konkretong programa at plataporma ng koalisyon at bawat kandidato nito, ang pakikisalamuuha sa mga ordinaryong tao, ang positibong pagbabago sa ugali ng Pang. Arroyo, at ang organisadong paraan ng pangangampanya. Ang lahat ng mga ito ay ilan lamang sa mga salik kung papaano unti-unting nahuli ng koalisyon ang loob at “kiliti” ng taong-bayan. Tulad ng bumagsak na ispiker, ang kampanya ng K-4 ay gumawa ng malakas na tunog na  “BLAG!!!” sa bawat sulok ng bansa.

 

Ordinaryong Araw ng Pangangampanya

 

  1. Ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Kampanya

 

 

            Bilang nakaluklok na Pangulo at tunatakbong kandidato sa parehong posisyon, hindi naging madali para kay Pang. Arroyo na maging pinuno at kandidato. Kinailangan niyang maging mahigpit sa pagsunod sa kanyang iskedyul.

Sa mga unang araw ng pangangampanya, ang iskedyul ng Pangulo ay “Many of my mornings will be in Manila because I will have to do a lot of this work everyday. So that is what I told them (campaign manager). My campaign schedule will just, maybe go at noon, come back at 9 (p.m.) or early next morning.” Ang pangangampanya sa umaga ay ipinaubaya na lamang kay Senador Noli de Castro. Dagdag din dito, ang Pangulo ay nangampanya lamang sa araw ng Huwebes hanggang Sabado at ang ibang araw ay inuukol niya sa pamamahala ng bansa. Ito ay alinsunod sa kagustuhan ng Pangulo na makita pa rin ng mga mamamayan na ginagampanan niya ang kanyang mga tungkulin. Ang biro nga Pangulo sa mga mamamahayag hinggil sa kanyang iskedyul ay, “At least naman ang irereport niyo yung pamamahala kaysa iyong pangangampanya.”[23]

Bagamat limitado ang panahon sa pangangampanya, sinulit ng Pangulo ang mga araw na siya ay nakakapunta sa iba’t ibang lugar. Ayon kay Richard Gordon, Kalihim ng Kagawaran ng Turismo at tumakbong senador noong halalan sa ilalim ng K-4, “masipag yun, mas marami siyang pinupuntahan kaysa sa akin. Talagang marami siyang, gusto niya siya talagang magkakampanya sa sarili niya tapos magsasama na lang kami sa isang lugar. Nagsasalita lang siya tapos aalis agad para makarami.”[24] Ang pahayag na ito ay sinang-ayunan ng anak ng Pangulo, Juan Miguel “Mikey” Arroyo, tumakbong kinatawan para sa Mababang Kapulungan ng Pampanga noong halalang 2004. Kanyang inilarawan ang ina bilang isang “tireless campaigner.”[25]

Mismong ang mga anak ng Pangulo ay tumulong sa pangangampanya ng kanilang ina. Ayon kay Mikey Arroyo, “The reason why I only campaigned eleven days in my district is because I was in other provinces most of the times campaigning for my mother.[26] Maging ang dalagang anak na si Lourdes Evangeline “Luli” Arroyo, na umiiwas sa magulong mundo ng pulitika, ay tumulong din sa ina. Makailang beses na pumunta si Luli sa Cebu, na sinasabing malaking dahilan ng landslide victory ng Pangulo sa nasabing probinsiya. Hindi rin malilimutan ang ginawang pagtatanggol ng dalaga sa Pangulo nang siya ay magtungo sa Baguio at Pampanga. Ipinakita nito ang katarayan ng ina nang kanyang sinagot ang isyu hinggil sa diumanong paggamit ng Pangulo sa kaban ng bayan. Para sa dalaga, “It was all comedy. Parang, o sige, mag-imbento pa kayo. The opposition says she has done nothing in the past 3 years, but also complains that she uses government projects. Ano ba talaga? Has she really done nothing or are you just annoyed that she has many programs?”[27]

Samantala, ang unang Ginoo naman ay bihirang humarap sa publiko mula nang magsimula ang kampanya dahil diumano ito ay isang “easy target” ng midya, ayon kay Pang. Arroyo.

            Ang nangungunang plano ni Pang. Arroyo sa kampanya ay ang pagdaraos ng mga Pulong Bayan, na matagal nang sinimulan ng kanyang administrasyon. Ito ang nagsilbing lunan upang mailatag ang kanyang mga plataporma sa harap ng mga tao mula sa iba’t ibang sektor. Ito ay inayon sa kagustuhan ng Pangulo sa paniniwalang, “the campaign was inspired by the staunch belief that the will of the people would prevail…That is the direction of this campaign, educating the people to make a choice based on information and thorough understanding and analysis of the President’s program.[28]

Kung minsan naman ang Pang. Arroyo ay gumagamit ng ibang paraan – sabihing may mga gimik din siya upang maaliw ang mga tao ayon sa pahayag ng ilan sa kanyang mga kasamahan. Ayon kay Lito Lapid,

Kung minsan kasi napapasayaw din siya ‘pag halimbawa sina Bayani Agbayani…siyempre nakikisabay na si Noli…Kapag serious, serious siya…Kumakanta sila ni Nora Aunor, kumakanta dahil pinagmumukha silang dalawa ni Nora Aunor.[29]     

 

Gayundin, kung minsan, nagbibitaw rin ang Pangulo ng mga linyang nagpapalabas ng ngiti at halakhak ng mga tao. Tulad na lamang ang kanyang panimulang  pagbati ng kanyang talumpati bago ang Araw ng mga Puso, Pebrero 13, 2004 sa harap ng mga mamamayan ng Dimalayan, Mindoro Oriental, “How do I love thee, Mindoro Oriental, let me count the ways.”[30]

Bahagi rin ng kanyang plano sa pangangampanya ang pagbabanggit sa kanyang mga talumpati ang lahat ng nagawang programa at proyekto ng kanyang administrasyon. Tinawag niya itong down payment o paunang bayad ng kanyang pamahalaan sa mga mamamayan, na kanyang pinaglilingkuran. Kasabay nito ay ang pangakong ipagpapatuloy ang mga nasabing proyekto. Ayon nga sa Pangulo, “Ang aming inaalok sa inyo ay katapatan sa mga tungkulin at karanasan dahil kung gusto natin ay magandang kinabukasan, walang substistute ang karanasan sa paglilingkod.”[31] Minsan tinawag din ito ng Pangulo bilang “tanda ng kanyang pagmamahal” nang siya ay magsalita sa harap ng mga mamamayan ng Bulacan.[32]

Kung minsan, hindi maiiwasan na ikumpara at magparinig ang Pangulo sa administrasyon ng dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada. Ito ay masasalamin sa isang talumpati na kanyang binitiwan sa harap ng ilang artista, “Sorry to say, mas marami pa (ang naitulong ko) kaysa pinunong galing sa showbiz.”[33]

Nakatulong din ng malaki sa kanyang pangangampanya ang pagiging Presidente. Tulad ng nabanggit ni VRB Chairman Revilla,

being an incumbent president you can actually deliver the promises made na. ‘Pag sinabi mo sa entablado, itong may sakit na ‘to pagagalingin ko, mamayang hapon nasa ospital ‘yan, presidente ka e, you hold the government resources in your hands.[34]

 

Ngunit naging ugat din ito ng mga kasong isinampa laban sa kanya. Tulad ng binanggit ni Manuel Punzal, ang acting chair ng Commission on Higher Education o CHED, “When you’re an incumbent, anything you do is seen as electioneering.”[35]

Kung minsan, hindi na mailagay ang pagkakaiba sa pagganap ng kanyang mga tungkuling bilang pinuno at bilang isang kandidato. Sa mga pahayagan naglabasan ang napakaraming ad ukol sa kanyang mga naging programa sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan:  sa Kagawaran ng Turismo, sa Department of Labor and Employment at sa Overseas Workers Welfare Administration, ang Republic Act 9275 o Philippine Water Act, PAG-IBIG, atbp. Masasabing isinabay ni Pang. Arroyo ang kanyang pangangampanya sa kanyang mga gawain bilang pinuno tulad na lamang ang mga inagurasyon ng mga proyektong “Patubig,” inagurasyon ng iba’t ibang imprastruktura, pagbisita sa mga paaralan lalo na dahil ang kampanya ay panahon ng pagkilala sa mga magtatapos, at patuloy na pagbibigay ng mga talumpati hinggil sa iba’t ibang usapin tulad na lamang ang pananatili ng hukbong Pilipino sa Iraq at pag-aasikaso sa pensiyon ng mga beteranong sundalo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Gayundin, patuloy ang iba’t ibang political ad na lumalabas sa mga telebisyon para sa Pangulo. Ang una nga rito ay nagpapakita sa Pangulo na kinakausap ang kanyang anak na si Luli sa harap ng Palasyo ng Malacañang ukol sa kanyang, “hopes, aspirations, her goals, and her determination to carry on, to bring these goals to provisions.” Ang ad na ito ay pinangasiwaan ni Cris Mitchelena, na siya ring gumawa ng Roll on-Roll Off na ad ng Pangulo. Umamin naman ang administrasyon na kumuha ang koalisyon ng mga foreign consultant mula sa Los Angeles, California upang tumulong sa paggawa ng mga campaign ad ng Pangulo. Narinig din ng mga tao ang kanyang political jingle na nasa himig ng awiting “Pito-Pito” ni Willie Revillame.[36]

Gayundin, saan pumunta  ang Pangulo at ang koalisyon, ay kanyang paulit-ulit na binabanggit ang kanyang “Six Promises for the Next Six Years.” Ito ay binubuo ng:

To create 6 million jobs, build 3,000 school buildings and 3 million homes, achieve national self-sufficiency in rice supplies, treble lending to small and medium-size enterprises, and provide health insurance and education for all.”[37]

 

Kanya ring hinamon ang kanyang mga kalaban sa pagka-pangulo na iharap ang kani-kanilang plataporma at huwag lamang manatili sa pagbabanggit ng mga slogan na hindi naman makakapaglinaw sa isipan ng mga botante.

Whoever represents himself as the champion of the masses must be able to show the people how he intends to achieve his goals within the realities of actual governance. It does not matter so much if a candidate is educated or not. What matters is his capability to translate vision into reality.

The opposition is couching its platform in emotional slogans and these are bound to fail in the absence of concrete implementation details. I am not going to waste my time debating slogans. I want to talk about specific programs. And this is not belittling any of my opponents. I just want the people to be enlightened so they can choose wisely. [38]

 

Kapansin-pansin din na hinahanapan ng Pangulo ng ugnayan ang kanyang sarili at ng pook na kanyang mga pinupuntahan. Ang ilang mga halimbawa nito ay ang pagkilala niya sa kanyang sarili bilang tunay na “child of the North,”[39] bilang anak ng isang dating mahirap[40], at apo ng isang mason.[41]

Ang Koalisyon sa Kampanya

 

Karaniwan ang Candidates Management Committee ang nag-aasikaso at nagtatakda ng takbo ng pangangampanya. Ayon nga sa ilang senador, mistula silang robot ng panahon ng kampanya. Ayon sa isa, “Ang responsibilidad lang ng kandidato sa kampanya ay intindihin ang mga isyu na kailangang liwanagin at sagutin, huwag magkasakit, at gumising sa oras.”[42]

Sa programa, binibigyan ang bawat isa ng apat na minuto upang magsalita. Kung kaya hindi maiiwasan na ang ilan sa kanila ay magpatawa na lamang.[43] Ang ilan naman, tulad ni Kalihim Richard Gordon ay hindi sumusunod sa ganitong istilo ng iba. Ayon nga sa kanya, “gusto ko seryoso ‘yung conduct ng eleksyon so I just talked seriously when I was running.”[44]

Ayon naman sa isa pang  senador na tumakbo sa ilalim ng K-4,

Sabi nila, first come, first serve, siya yung unang magsasalita. A, dahil kami ni Bong, dalawang artista, lagi kaming nasa huli. Makikiusap naman itong mga kasama naming kahit na huli silang dumating, mauuna silang magsasalita. Dahil kasi ‘pag nagsalita kami, sinasabi nila…pag kami ang nauna ni Bong, dahil artista kami, mawawala nayung lahat ng manonood, parang hindi sila interesado sa kanila. Sila salita ng salita, kaya kami laging agrabyado sa oras. Pero nagbibigay kami dahil kaya kami kinuha rito bilang kasama sa K-4 e pamparam lang kami, pamparami ng tao…Palagi kaming nagkikita sa likod ng entablado e. Ayaw naman sumama sa amin na naka-grupong mga kasama naming senador.[45]

 

Ito ay umayon sa mga pahayag ni Dick Gordon na pinakiusapan nila ang kanilang mga artistang kasama na magpahuli at magtago muna sa likod ng entablado habang hindi pa nila pagkakataong magsalita.

Ito naman ay sinang-ayunan ni Bong Revilla na nagsabing isa raw sa ikinasama ng kanyang loob sa kampanya. Ngunit kung anuman raw na hindi pagkakaunawaan ay hindi naman pinalalaki.

 

Ang Mga Senador sa Kani-Kanilang Kampanya

Ayon kay Ronaldo Puno, mahalaga ang patidong pulitikal dahil ito ang nangangampanya at humahakot ng boto. Dagdag pa niya, “The one that campaigns and delivers the vote is the candidate’s own network of contacts throughout the country.”[46] Kung gayon, napakahalaga na may isang partidong aaniban ang isang kandidato upang maabot niya maging ang dulong bahagi ng bansa.

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagkakasama-sama ang koalisyon sa pangangampanya. Tulad na lamang ito sa naganap sa K-4. Lahat ng kandidato sa pagka-senador ay kinailangang gumawa ng kani-kanilang indibidwal na kampanya sa tuwing

“walang schedule. Kung wala silang schedule (K-4) dapat lalakad ka ng sarili mo.”[47]

 

Kung minsan naman, ito ay ayon sa desisyon ng isang kandidato. Bagamat mahigpit na nais ng koalisyon na magkakasamang mangampanya tulad ng nasabi ni Kalihim Dick Gordon,

Hindi ka makalakad ng sarili mo dahil may team kayo baka sabihin ay nagsasarili ka. So, sumusunod ka sa schedule tapos yung sasabihin mo limitadong-limitado kaya hirap na hirap.

 

Maaaring gumawa rin siya ng ibang lakad kung mayroon na itong kompromiso sa iba. At, may mga pagkakakataon din namang hinahati mismo ang buong koalisyon upang mas maraming mapuntahang lugar sa pangangampanya.

Isang magandang halimbawa rito ay ang sariling pangangampanya ng dating Gobernador ng Pampanga Manuel “Lito” Lapid. Ayon sa kanya, ang talagang nais niyang habulin noon ay ang pagiging alkalde ng Angeles ngunit dahil sa personal na paglapit at pakiusap ng Pangulo ay pumayag na rin ang una na tumakbo bilang senador.

Ako, sumama-sama muna ako sa K-4 dahil wala akong pera dahil hindi ako naghanda, dahil nga bigla akong nahatak sa itaas. E wala akong kilala dahil ako lang ang probinsiyano dito sa mga kasama ko…Humiwalay ako. Namalengke akong mag-isa. Pinuntahan ko ang lahat ng palengke kung saan ako aabutan ng dilim, doon ako natutulog. Minsan, pitong araw ako sa kalsada. Ganyan inikot ko mula dito sa Nueva Ecija hanggang Aparri, Ilocos, pitong araw yun, Zambales, bago makarating ako ulit ng Pampanga. Umiikot ako ng ganun. Tapos nag-south ako. Tapos nag-Visayas ako. Pero kamay lang. Tapos ang dadala ko isang…Pasok ka sa palengke e di “Lito Lapid po,” di ba? “Lito Lapid po para sa Senador” yun lang…Tapos kain kami sa ilalim ng tulay.[48]

 

 

Kailangan din na ang bawat kandidato ay makakuha ng suporta mula sa kahit anong organisasyon na siguradong makakapagbigay ng tulong pinansyal. Tulad na lamang ng Aguman Kapampangan, asosasyon ng mga Kapampangan, na sumuporta kay Lito Lapid at ilang kabataang boluntaryo naman ang tumulong sa kampanya ni Sekretaryo Richard Gordon ng Kagawaran ng Turismo, kandidato sa pagka-senador.

Tulad din ng sa Pangulo, maging ang pamilya ng mga tumakbong Senador ay tumulong sa kani-kanilang pangangampanya. Isang halimbawa nito ay ang anak ni Sekretaryo Gordon, si Marnie, na nagsilbing campaign manager sa ama. Sa bahagi naman ng dating VRB Chairman Ramon “Bong” Revilla, nakatulong ng malaki ang pagkakaroon ng dugong artista ng pamilya nito.

…dahil si Jolo artista, si Brian, si Lani, artista, so sila mismo nakakapagkampanya on their own. In fact, ang isang malaking naitulong, na surprise kaming lahat, was Jolo. Kasi si Jolo…summer, gumagawa ng lakad na sarili. Nagpupunta siya sa palengke, gumagawa ng mga dislogues sa mga NGOs, sa mga people’s organization, humaharap siya, and he handled it very well for a young person. Ibig sabihin, “yung tatay mo artista na namin, ano ang maitutulong niyan sa bayan?” Pinapaliwanag niya…alam po ninyo ang tatay ko ganito na ang nagawa…ganito na po ang pagkakilala sa kanya…pero opinyon niyo po iyan…sana lang po magbago,tulungan niyopo ang tatay ko manalo, para maipakita namin, niya, na mali ang nasa isip ninyo…malaking bagay ang mga anak, malaking bagay.[49]

 

Sa kanya-kanyang pangangampanya ng mga senador ay hindi rin nila nakakaligtaang ikampanya ang Pang. Arroyo at ang iba pang kasamang senador.

Kasi kami, pag ang isang senador, kasama, ka-ticket, sasabihin mo lahat. Unang-una sa President, sa Vice-President, itong mga kasama kong K-4 ganyan, at ang…bubuild-up-in mo siya. Siya’y anak ng Presidente, dati’y anak ng Presidente. Ekonomista siya. Nag-aral siya sa States. Kaklase pa niya si Clinton na naging presidente sa United States. At siya’y may experience: nag-DTI siya, nag-DSWD siya, naging senador siya, naging vice-president siya. Ano pang experince ang kailangan mo, di ba? Educational, mayroon siya. Experience, ayan. Kaya madali siyang ibenta at kilala siya. At incumbent president siya.[50]

 

May mga pagkakataon ding ipinagtatanggol at sinisikap nilang sagutin ang mga isyung ibinabato sa Pangulo. Halimbawa nito ay ang binitiwang pahayag ng anak ng yumaong senador Renato Cayetano, si Pilar Juliana “Compañera Pia,” hinggil sa paggamit diumano ng Pangulo sa pera ng pamahalaan.

Yeah, natanong ako dun, and I said na parang ginagamit for the campaign, and I specifically said, well, I can honestly say na wala kaming natatanggap dahil wala talaga. Ako kasi, I like to talk to the extent na I can vouch for that information, di ba? Kung wala ka namang info dun, kahit kakampi mo yun, di mo naman itatapon sa wolves, pero you speak of what you are aware of.[51]

 

            Kung minsan naman nananatili na lamang na tahimik sa mga isyu. Kadalasan ang sinasabi na lamang nila ay, “GMA is the best person for the job.”[52]

 

 

Talaan Blg. 1

Kalendaryo ng Pangangampanya ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo/ K-4

 

Pebrero 9, 2004, Lunes

Bumisita si Pang. Arroyo sa Quirino at Cagayan. Pinasinayaan ang pag-uumpisa ng Cagayan Regional Athletic Meet.

Pebrero 10, 2004, Martes

Ang unang araw ng kampanya ay sinimulan ng koalisyon sa Laguna. Tumungo sa mga bayan ng Lusianna, Nagcarlan, Rizal, San Pablo, Calauan, Bay, at Los Baños. Sila ay nagdaos din ng isang thanksgiving mass at isang programa sa Mt. Makiling.

Pebrero 11, 2004, Miyerkules

Tumungo ang Pangulo sa Ika-20 Anibersaryong Independent Baptist Missions ofr Asians (IBMA) sa Tarlac Christian School sa siyudad ng Tarlac at sa ilang mga pampublikong pamilihan. Gayundin, binisita ang mga mag-aaral ng San Ramon Elementary School sa Dinalupihan. Nakibahagi rin sa pagdiriwang ng Our Lady of Lourdes Day sa Sacrifice Valley, Hermosa.

Pebrero 12, 2004, Huwebes

Binisita ng Pangulo ang ilang bayan sa Rizal: mula sa Binangonan ay tumungo sa Fair Trade Commercial Center sa Cainta, bagamat di imbitado ay nakibahagi sa isang kasalan, nagdaos ng Pulong Bayan sa Morong, siniyasat sng nsgdudugtong na daan sa Marikina at Infanta, binista ang Looc Elementary School sa Cardona at pamilihan sa Angono. Sa huli, nagsagawa ng inspeksiyon sa isang shabu laboratory sa Meycauayan, Bulacan.

Pebrero 13, 2004, Biyernes

Hinarap ang mga mamamayan ng Dinamalayan, Mindoro Oriental sa gym ng Immaculate Heart of Mary. Nagsagawa ng isang motorcade sa Bongabong, bansu, Gloria, at Dinamalayan at isang press conference sa Calapan. Tumungo sa Villamor Airbase upang kilalanin ang 17th most wanted kidnapper.

Pebrero 14, 2004, Sabado

Nagtungo ang Pang. Arroyo sa homecoming ng Philippine Military Academy. Pagkatapos ng tanghalian, tumulak sa Atok, Benguet upang siyasatin ang mga proyekto ng administrasyon at La Trinidad. Sa huli, umikot sa iba’t ibang pamilihan.

Pebrero 16, 2004, Enero

Nakipag-usap sa ilang kababaihan sa Manila Hotel.

Pebrero 18, 2004, Miyerkules

Nagtungo ang Pangulo sa head office ng Iglesia Ni Kristo sa Diliman, Quezon City bago tumulak sa pagpapasinaya ng kanyang protektong “Patubig” sa IBP Kalayaan Road.

Pebrero 19, 2004, Huwebes

Nagdaos ng isang press conference sa Pulitlan, Bulacan kung saan kanyang pinakilala ang Gloria(uri ng palay) sa Brgy. Kaingin, Malolos. Bumisita rin sa San Miguel National High School. Nagsagawa ng isang motorcade sa San Ildefonso, San Rafael, Baliuag, Pulitlan.

Pebrero 20, 2004, Biyernes

Naglabas ng mga sertipiko ng title reservation sa Batasan Hills na bahagi ng “Squatter-free” na programa ng Pangulo. Nang hapon, siya ay nagtungo sa Zambales: sa motorcade mula Iba hanggang Subic ay bumisita siya sa mga pamilihan, plasa, paaralan, at town hall. Pinasinayaan din ang pagbubukas ng Jesus Magsaysay High School sa Subic.

Pebrero 21, 2004, Sabado

Mula umaga ay umikot na ang Pangulo sa mga bayan ng Infanta, Sta. Cruz, Alaminos, Dagupan, Lingayen, Burgos, Dasol, Asingan, Manoag, Binalonan, San Manuel, Rosales, at San Agustin. aSa Manoag ay dumalo sa isang misa sa Shrine of Our Lady of Manaoag, at sa Binalonan ay dumalo naman ang Pangulo sa isang pista.

Pebrero 22, 2004, Linggo

 Ang buong koalisyon ay tumungo sa Pangasinan at nagdaos ng programa sa Pag-asa gymnasium kasama ng ilang artista.

Pebrero 24, 2004, Martes

Si Pang. Arroyo, kasama si Alkalde Feliciano Belmonte ng lungsod Quezon, ay naglunsad ng isa pang proyektong “Patubig.”

Pebrero 25, 2004, Miyerkules

Siniyasat ng Pangulo ang mga bahay na igagawad ng Gawad Kalinga sa Baseco, Tondo, Manila. Gayundin, binisita niya ang Smkey Mountain Development and Reclamation Site.

Pebrero 28, 2004, Sabado

Isa sa kanyang mga bantay ay muntik ng masagasaan habang sila ay patungo sa Ipil, Zamboanga, at Sibugay.

Marso 6, 2004, Sabado

 Nagbigay ng isang talumpati ang Pangulo sa Mindanao Coopearive Conference sa Cagayan de Oro. Ito ay kaalinsabay ng paglunsad ng GMA sa Kooperatiba sa Mindanao.

Marso 31, 2004, Miyerkules

Nagbigay ang Pang. Arroyo ng talumpati sa University of Batangas, Batangas State University, at Lyceum of Batangas.

Abril 1, 2004, Huwebes

Nagbigay ng talumpati ang Pang. Arroyo sa 5 paaralan: Novaliches High School, Fort Bonifacio High School, Pasay City East High School, Balara High School, at Southeat Asian College.

Abril 3, 2004, Sabado

Sumama ang Pangulo sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng pagka-pari ni Archbishop Jaime Cardinal Sin, na siyang nagdaos ng isang misa sa Manila Cathedral.

Abril 4, 2004, Linggo

Nagtungo ang koalisyon sa pagtitipon ng El Shaddai sa Araw ng Palaspas na idinaos sa Amvel Business Park sa lungsod ng Parañaque.

Abril 5, 2004, Lunes

Kaarawan ng Pangulo. Nagtungo ang Pangulo at K-4 sa isang misa sa San Agustin Church sa Lubao, Pampanga. Pagkatapos ng tanghalian ay pumunta naman sa istasyon ng Net 25, istasyon ng Iglesia Ni Kristo, para sa isang panayam.

Abril 6, 2004, Martes

Bumisita ang Pangulo sa Capas National Shrine upang gunitain ang Death March. Pagkatapos ay nagbigay ng talumpati sa mga paaralan: Benigno Aquino Natioinal High School, Bagong Silang High School sa Caloocan, at Binangonan High School sa Rizal. Nagdaos din siya ng isang Pulong Bayan sa Taytay.

Abril 7, 2004, Miyerkules

Nagtungo ang Pangulo sa Mt. Samat upang gunitain ang Araw ng Kagitingan. Nagbigay siya ng talumpati sa halos 2,000 veterans at nangakong pipilitin ng pamahalaan na makuha ang pension benefits ng mga ito.

Abril 8, 2004, Huwebes

Nagtungo si Pang. Arroyo at ang kanyang pamilya sa Baguio. Sila ay nakitang nanood sa SM City Baguio ng pelikulang “The Passion of the Christ.”

Abril 13, 2004, Martes

Hindi nakibahagi ang Pangulo sa debate na inorganisa ng COMELEC at PPCRV.

Abril14, 2004, Miyerkules

Nakipag-usap ang Pangulo sa mga negosyante sa “Presidential Candidates Series” ng Makati Business Club sa Hotel Intercontinental, Makati.

Abril 15, 2004, Huwebes

Nagtungo ang Pangulo sa isang press conference  sa Lucena, Quezon.

Abril 16, 2004, Biyernes

Tumungo ang Pangulo sa Guiguinto Bulacan upang dumalo sa Araw ng Parangal para sa mga barangay health workers para sa pagsasagawa ng Ligtas Tigdas 2004 Elimination Campaign. Gayundin, dumalo siya sa ika-113 anibersaryo ng Philippine Bar Association sa Peninsula Manila, Makati.

Abril 17, 2004, Sabado

Dumalo sa First National Congress ng Laymen of the Iglesia Filipina Indepediente sa PICC. Tumungo rin naman siya sa Pangasinan upang makinahagi sa ika-82 pagtatapos sa University of Pangasinan at inilunsad  ang Hunger-Free Philippines Program. Matapos nito ay lumipad siya papuntang Cebu upang dumalo sa ika-50 anibersaryo ng Association of Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines.

Abril 18, 2004, Linggo

Dumalo sa isang  press conference sa Farmer’s Training Center sa Hilagang Samar at pinasinayaan ang terminal building ng Balicuatro Wharfage and Terminal Corporation. Sa hapon ay tumulak siya sa Sorsogon upang dumalo sa groundbreaking rites ng city hall.

Abril 22, 2004, Huwebes

Nagbigay ng isang panayam ang Pangulo sa ika-25 National Conference of Employers sa Westin Philippine Plaza.

Abril 23, 2004, Biyernes

Ang Pangulo ay nagkaroon ng isang Pulong Bayan sa San Quintin, kasama ang Barangay Health Workers Congress, sa Lingayen, Pangasinan bago tumungo sa Bacolod.

Abril 24, 2004, Sabado

Nagbigay ng talumpati sa ika-88 anibersaryo ng Grand Lodge of Free Masons sa Limketkai Atrium, Vcagayan de Oro. Mula rito ay tumungo ang Pangulo sa Tagoloan, Misamis Oriental upang pasinayaan ang mga pasilidad ng Mindanao Container Terminal at bisitahin ang Pacific Acticated Carbon, Inc.

Abril 25, 2004, Linggo

Ginulat ng lahat ng mag-duet ang Superstar Nora Aunor at Pang. Arroyo ng kantang “Together Again” sa konsiyerto ng una na naganap sa Araneta Coliseum.

Abril 27, 2004, Martes

Nagtungo ang Pangulo sa Cebu.

Mayo 3, 2004, Lunes

Ang Pang. Arroyo, kasama ang dating Pangulo Corazon Aquino, Kris Aquino, at Boy Abunda, ay sama-samang humiling ng isang mapayapa at malinis na halalan sa pagtitipon ng “Praying Mothers” sa Miriam College sa lungsod Quezon.

Mayo 4, 2004, Martes

Nagbigay ng talumpati ang Pangulo sa pagtatapos ng mga mag-aaral ng AMA Computer University sa Araneta Coliseum.

Mayo 6, 2004, Huwebes

Mula Tarlac, nagtungo ang Pang. Arroyo sa Tondo, sumonod ay sa Boracay bago tuluyang tumigil sa mga bayan ng Pangasinan at Tarlac .

Mayo 7, 2004, Biyernes

Tumungo ang Pangulo sa Cebu upang pangunahan ang “a caravan for unity.”

Mayo 8, 2004, Sabado

Hindi natuloy ang miting de avance ng koalisyon sa Bulacan dahil sa banta sa seguridad at sa buhay ni Pang. Arroyo. Sa halip dumalo na lamang ang Pangulo ng mga proclamation rally sa Metro Manila.

Mayo 9, 2004, Linggo

Ang limang kandidato sa pagka-pangulo ay dumalo sa “unity mass” na plinano ng dating Pangulo Corazon Aquino sa San Agustin Church, Intramuros, Manila.

 

Mga Kalakasan sa Kampanya

 

Nang nasa huling linggo na ng Abril, hindi maikakaila ng mga surbey na lumalabas na dalawang kandidato na lamang ang talagang naglalaban sa pampanguluhang halalan: si Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, na ang tanging inaalok sa tao ay ang kanyang karanasan sa pamamahala, at  si Fernando “FPJ” Poe Jr. na ang inaalok naman sa tao ay ang kanyang puso.

Naging maigting ang labanan ng kani-kanilang mga partido. Ilang kaso rin ang isinampa laban sa Pangulo hinggil sa paggamit diumano ng pera ng bayan. Samantalang, muntik nang hindi maging kandidato si FPJ nang kuwestiyunin ang kanyang nasyonalidad. Ngunit ang parehong kandidato ay nakarating sa dulo ng daan bilang magkaribal, magkatunggali.

Anu-ano nga ba ang kalakasan sa kampanya ng Pangulo? Ng kanyang koalisyon, kung kaya naging “mabenta” ito sa mga tao?

Ugnayan sa Lokal na Pamahalaan at mga Kandidato

Ang grupo na bumubuo sa kampanya (campaign staff) ay bumuo ng kanilang ugnyan sa mga probinsya, bayan, at barangay. Ayon kay Ronaldo Puno, mayroon silang ugnayan sa halos 42,000 barangay sa buong bansa noong nakaraang halalan. Ang lahat ng mga ito ay kinailangan  nilang personal na lapitan at kumbinsihin na suportahan ang koalisyon. Mahalaga ring panatilihin ang komunikasyon sa mga ito habang nagaganap ang kampanya upang masigurado ang suporta mula rito.

“You need the names of the 42,000 barangay captains and their councilmen, that’s eight per barangay. You need the telephone numbers of 1,565 mayors, of all 200 plus congressmen. I have cell phone numbers in every town now and find out what’s happening there. We have the names of all these people.”[53]

 

Gayundin, nagsasagawa rin sila ng surbey sa loob ng campaign staff kung sino sa mga opisyales na ito ang mananatiling tapat sa pagsuporta sa Pangulo.

At that time, we had surveys, assessment of how local officials stood on the election, every mayor, every municipal councilman, every barangay councilman. We would rank them as strongly against or strongly for our candidate. We had a file of 400,000 people which we were updating every week. So we had a good count of how many barangay captains were with us, how many councilmen. These were assessments by our people in the formula.”[54]

 

Sa ganitong kaso, sa malawak at solidong pundasyon ng kampanya ng Pangulo at ng K-4 sa lokal na pamahalaan, malaking kasiguruhan na magkaroon ng mas malapit na ugnayan ang Pangulo sa mga botante. Isa nga ito sa ipinagmamalaki ni Prospero Pichay, kinatawan ng Surigao del Sur sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, sa kanyang winikang may “grassroots” si Pang. Arroyo hanggang sa kaliit-liitang barangay sa bansa na pinaniniwalaan niyang magdadala ng tagumpay rito sa Mayo 10. Gayundin, ayon kay Kinatawan Vincent Garcia, “the local contest from governor down to couuncilor was beng dominated by the administration coalition’s bet.”[55]

Nang magsimula ang kampanya para sa lokal na pamahalaan noong Marso 25, 2004, kinilala ito bilang isa sa mahalagang salik upang magtagumpay sa halalang 2004. Ang koalisyon ay matutulungan sa pangangampanya hanggang sa maliliit na barangay sa tulong ng mga kandidato ng LAKAS-CMD, Nationalist People’s Coalition, Partido Liberal, at Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas, at iba pang lokal na partido.

Ayon sa mga kasapi ng mga nasabing grupo: mula sa LAKAS-CMD, sina Mauricio Domogan ng Baguio, Isidro Real ng Zamboanga del Sur, at Antonio Cuenco ng Cebu; at, mula sa NPC, si Kinatawan Benasing Macarambon ng Lanao del Sur, ang ugnayan ng koalisyon sa mga lokal na partido ang maghahatid ng tagumpay sa koalisyon.

Sa isang panayam na ibinigay ni Kinatawan Mauricio Domogan ay kanyang sinabi na pinili nilang suportahan ang K-4 at ang Pang. Arroyo, ng kanilang lokal na partido Timpuyog Ti Baguio, dahil “because our belief na she can lead rally the country for a better future.”[56]

Gayundin, sa tulong ng malawak na sakop ng isang lokal na partido ay narating ng koalisyon ang iba’t ibang sektor. Isang magandang halimbawa nga nito ay ang pagkakaroon ng kasapi ng Timpuyog Ti Baguio mula sa iba’t ibang sektor: kabataan, senior citizen, mga institusyong panrelihiyon, at manggagawa upang magkaroon ng wastong pamamalakad sa pamahalaan at labanan ang “gold, goons, guns” sa pulitika.

Bagamat walang natatanggap na direkta at malaking salapi mula sa K-4 (na halos ginugol sa bayad sa mga pollwatchers), maigting pa rin ang inilunsad ng Timpuyog Ti Baguio sa kampanya ni Pang. Arroyo. Ayon kay Kinatawan Domogan,

In my case, because it so happened that yung kalaban natin at that time parang hindi masyadong serious fight against me so I ahd even gone outside of my territorial jurisdiction to campaign for the administration at that time. So the province of Benguet, Mt. Province, areas of Baguio City, pinuntahan natin just to campaign for the president.”[57]

 

Ngunit hindi lahat ng miyembro ng mga ka-alyadong partido ng K-4 ay patuloy ang naging pagsuporta sa koalisyon. Isa sa mga malaking balita noon ay ang depeksyon na naganap noong unang linggo ng Abril. Ito ay nagmula sa mga pinuno ng National People’s Coalition, na miyembro rin ng Lakas-Christian Muslim democrats. Ayon sa kanila, sila ay nagpasyang umalis sa panig ni Pang. Arroyo dahil sila ay itinuturing bilang mga “second class citizens” sa loob ng koalisyon.

Ngunit ito ay sinasabing hindi nakaapekto sa koalisyon dahil marami sa mga lokal na kandidato ay patuloy na nagpahayag ng kanilang suporta sa Pangulo. Ito ang ilan sa mga kanila:

Kinatawan Joseph “Ace” Durano, Nerissa Soon-Ruiz, at Simeon Kintanar – Cebu

Jess Falcon – Surigao del Sur

Gener Tulagan at Conrad Estella – Pangasinan

Tomas Dumpit – La Union

Perpetuo Ilagan – Romblon

Alipio Badelles at Benasing Macarambon – Lanao del Sur

Douglas Cagas – Davao del Sur

Roseller Barinaga – Zamboanga del Norte

Rimpy Bondoc – Pampanga

Georgia Aggabao at Faustino Dy III – Isabela

JJ Romualdo – Camiguin

Vince Garcia – Davao

Felix William Fuentebella – Camarines Sur

Ed Veloso – Leyte

Marcelino Libanan – Silangang Samar

Jesli Lapuz – Tarlac

Gerardo Espina – Biliran

Cynthia Layus at Boboy Nepomuceno – Cagayan

Joseph Santiago – Catanduanes[58]

 

 

Black Propaganda Vs. Karanasan, Plataporma, at Programa

Sinasabing hindi natinag ang determinasyon ng Pangulo na maglingkod sa bansa sa kabila ng sampung kaso na isinampa laban sa kanya. Ang ilan sa mga ito ay tungkol sa diumanong paggamit niya ng pera ng bayan para sa kanyang kampanya at hindi pagtupad sa kanyang pangako noong Disyembre 30, 2002 na hindi na tatakbo. Ang lahat ng mga ito ay sinagot ng Pangulo na hindi nangangailangang gumamit ng mga “black propaganda” sa kanyang mga kalaban.

Patuloy na nanindigan ang Pangulo na hindi kailanman gumamit ang kanyang partido ng pera mula sa bayan. Ayon kay Corazon Soliman, “The President, although she is a candidate, is still the President of the country. We cannot stop governing and we cannot stop delivering the services that government should deliver to the people. That is not campaigning, that is governing.”[59] Dinagdagan pa ito ng pahayag ng Pangulo na hindi niya hahayaan ang oposuiyon na pigilan siya sa paglilingkod sa bayan; mas nanaisin pa niyang makulong kaysa huminto sa paglilingkod.[60] Gayundin, patuloy pa rin siya sa kanyang panunungkulan, bagamat nahirapan din sa pag-aayos ng kanyang iskedyul. Ayon kay Pang. Arroyo, “Hindi naman tumitigil ang pagtakbo ng gobyerno porke’t ako po ay kandidato. In fact, mas ginagawa ko ay pamamahala kaysa pangangampanya.”[61]

Sa halip na ubusin ang panahon sa “pambabato ng putik” sa kanyang mga kalaban, pinili ng Pangulo na mangampanya gamit ang kanyang karanasan at plataporma. Ito ay tinawag niyang “to campaign on a high moral ground.” Ngunit paminsan-minsan ay nagagawa rin niyang magparinig sa kanyang mga kalaban, sa himig na pabiro, tulad ng “I admire actors, it is the inexperienced that’s the problem[62] at ang paglalarawan niya kay FPJ bilang isang “inexperienced actor who is still reliant on advisers to make important decisions.”[63] Maganda rin ang ginawa niyang paglalarawan sa kanilang mga partido, ang K-4 bilang bahagi ng “administration that has engaged in a civilized, decent, and platform-based campaign,” at ang Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino bilang “opposition that has largely spewed negativism, mudslinging, harangues, and threats.”[64]

Bagkus ang kampanya ni Pang. Arroyo ay naka-sentro sa pagpapakilala sa kanyang sarili bilang nag-iisang kandidato na taglay ang mga karanasang pamunuan ang bansa. Gayundin, sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga Pulong Bayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ay ipinarating niya ang kanyang mga pangako sakaling siya ay mabigyan ng anim pang taon upang mamahala: tatlong milyong trabaho bawat taon, pagpapautang sa mga maliliit na negosyo, pagpapatayo ng 3,000 paaralan, pagbaba ng presyo ng gamot, at pagdadala ng serbisyo ng tubig at elektrisidad sa kanayunan.[65]

Artista

Marahil upang tapatan ang nangungunang kalaban, na isang artista, ginamit din ng koalisyon ang industriya ng pelikula at telebisyon upang maabot ang mga tao. Ito ay kapansin-pansin sa pagsama kina Lito Lapid at Ramon “Bong” Revilla sa mga kandidatong senador ng koalisyon. Ang dalawa ay aminado na sila ay nilapitan ng Pangulo upang hikayating sumama sa partido, bagamat si Lapid ay wala talagang planong tumakbo bilang senador at si Revilla naman ay hindi pa sigurado kung saang partido nais sumanib. (Si Revilla ay matagal ng kasapi ng LAKAS-NUCD.)

Marami sa mga artista, partikular ang nasa pamamahala ng VIVA, ay nangako ng pagsuporta sa Pangulo bilang ganti sa mga nagawa at mga plano pa nito sa ikagagaling ng industriya ng pelikula at showbiz.

Sa mga kampanya, madalas na kasama ng koalisyon ang VIVA Hotbabes (na inaabangan ng mga tao), Bayani Agbayani, at Ai-Ai delas Alas Ogie Diaz, at Giselle Sanchez. Ayon pa nga kay kandidatong Lito Lapid,

Ang iba naman ay nagkaroon ng kani-kanilang komersyal upang ipakita ang kanilang pagsuporta at upang kumbinsihin ang mga manonood na suportahan din ang pangulo. Ilan sa mga ito ay sin Boy Abunda, Kris Aquino, Erik Santos, at Sarah Geronimo (bagamat wala pa siya sa hustong gulang upang bumoto).

May mga ilan din namang kinilalang nasa panig ng Pang. Arroyo nang sila ay pumunta sa pagdiriwang ng kaarawan na hinanda at ginanap sa bahay ni Ispiker Joe de Venecia. Ilan sa mga bisita ay sina Elizabeth Oropesa, Cherie Gil, Assunta de Rossi, Cesar Montano, Albert Martinez, Elizabeth Ramsey, Daisy Romuladez, Smokey Manaloto, Anita Muhlach, Dawn Zulueta, Angelica Jones, Sunshine Cruz, Mikee Cojuanngco, Al Tantay, Bobby Andrews, Raymond Bagatsing, Jean Saburit, at Elvie Gonzalez.[66]

Ngunit, wala ng hihigit pa sa malaking naitulong ng nag-iisang “Superstar” Nora Aunor sa kampanya ng Pangulo. Kinatuwaan na ng Pangulo na tawagin si Nora na “my kakambal” dahil sa pagiging magkamukha nila. Mula pa lamang noong kumandidato si Pang. Arroyo sa pagka-pangalawang pangulo noong 1998, si Nora Aunor na ang kanyang “chief ‘artista’ endorser.”

Sa ginanap na konsyerto ng Superstar noong Abril 25, 2004 sa Araneta Coliseum, ginulat ang lahat ng manonood nang kumanta ang dalawa sa iisang mikropono ng “Together Again,” ang popular na awitin ng tambalang Gay (Nora Aunor) at Pip (Tirso Cruz III). Hindi magkamayaw ang tuwa at galak ng mga Noranians sa hindi inaasahang bilang na ito. Ayon sa isang malapit na kaibigan ng Pangulo, “Pinagpraktisan niya talaga ‘yan.”[67]

Biyaheng Gloria

 

Ang Biyaheng Gloria o National People’s Caravan, na pinamamahalaan ng grupong PRO-GLORIA (Progressive Organization for Genuine Leadership, Outstanding reforms, and Intelligent Action)[68], ay naglunsad ng paligsahang “GMA look-alike” upang makuha ang boto ng mga tao sa C, D, E ng lipunan, na hindi gaano malapit sa Pangulo.Ang tema ng programang ito ay “Caravan kay Gloria: Isang Taya sa Kinabukasan.” Ito ay inilunsad noong Marso 27, 2004 sa Tuguegarao. Ang caravan ay umikot sa iba’t ibang sulok ng bansa: lungsod ng Quezon, Valenzuela, Laguna, Bulacan, Legazpi, Cebu, Cagayan de Oro, Batanes, Tawi-Tawi upang humanap ng mga kamukha ng Pangulo. [69]

Ngunit hindi lamang ang pagkakahawig sa Pangulo ang susi sa tagumpay sa kompetisyon. Ayon kay Robert Bastillo,ang tagapagsalita ng PRO-GLORIA, “There is a need to look for someone who talks like (the masses) and thinks like them, but who actually talks about the qualities, accomplishments, and agenda of the President.”[70]

Bukod pa rito, ang PRO-GLORIA ay nangalap ng lagda ng mga taong sumusuporta sa Pangulo. Ayon sa grupo, nakakalap sila ng halos 13.5 milyong lagda para sa pangulo bago ang May 10, 2004. [71]

Ano ang reaksyon ng Pangulo sa paligsahan? Ayon kay Bustillo, “She’s happy about it, and that’s a sign she’s willing to be one of the C, D, and E classes. Besides, whether she likes it or not, people ape her so we might as well transform that into a positive thing for her.”[72]

“PA-POGI” ni GLORIA

Mula sa mataray, masungit, at madaling mag-init na ulo, malaki ang pinagbago ng ugali ni Pang. Arroyo noong panahon ng kampanya. Bukod pa rito, nagbigay rin ng atensyon ang Pangulo sa kanyang panlabas na kaanyuan.

Madalas na itong nakikipagbiruan sa mga mamamahayag at bagamat nagtatapon ng ilang pambabatikos sa kanyang mga kalaban, pinanatili ng Pangulo ang kanyang ngiti at positibong pag-uugali kahit may bumagsak na isipiker sa unang araw ng kanyang kampanya, kahit muntik nang malaglag ang suot niyang patadyong sa kanyang kampanya sa Marawi, at naaksidente ang isa sa Presidential Security Group.[73]

Ang Pangulo rin ay nagbigay ng tagubilin, sa mga mamamahayag sa tuwing idinaraos ang Pulong Bayan, kung saang anggulo at paano siya kukuhaan ng kamera upang magmukhang kagalang-galang na Presidente.[74]

Pati ang kanyang mga kasuotan na nakikita ng tao sa tuwing sila ay nagdaraos ng mga Pulong Bayan ay kanyang binigyang pansin. Ang kadalasang naging kasuotan o kaanyuan ng Pangulo nang kampanya, ayon kay Joanne Zapanta-Andrada, ay “safari-stylr, wrinkle-free clothes, colorful and convenient pantsuits and blouses.” Dagdag pa rito ay “Ms. Macapagal has ‘modified’ her clock-watching by wearing a necklace-watch, a fashion accessory that she can look at without appearing impolite to her audience.”[75]

Ang kaayuang ito ay kadalasang nakakakuha ng atensyon ng mga tao sa kahit saan man at nakatulong sa Presidente upang maging komportable, na siyang nagbigay sa kanya ng maaliwalas na “aura.” Ang kaanyuan ding ito ang tumulak sa mga taga-Bacoor na mabulaslas, “Si presidente, ang ganda ng suot.”[76]

Papel ng Surbey, Simbahan, at Ilang Organisasyon sa K4

 

Mga Organisasyon. Ang mga samahang ito ay tumulong sa kampanya ng Pangulo upang makarating ang kanyang mga programa at proyekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

PRO-GLORIA: ang samahang naglunsad ng “GMA look-alike contest” na bahagi ng kanilang kampanya upang magkaroon ng “hawak” ang Pangulo sa mga taong nasa C, D, at E ng lipunan. Ang samahan ay binubuo ng iba’t iba pang grupo: Bigkis Pinoy, Lakas Pinoy, Kaibigan ni Gloria, Kalipi, Aguman, Kaisambayan, Kaibigan ng OCWs, Akbay Pinoy, Pinoy Overseas Partylist, Team Gloria (Youth), National Confederation of Tricycle Drivers and Operators’ Associations of the Philippines, E-Gloria, Liga ng Magniniyog, Aggrupation and Alliance of Farmers and Fisherfolks, Kagabay ni Gloria (Women), United Filipino Organizations, and the Muslim Peace and Order Council.[77]

 

KAGABAY NI GLORIA: binuo ng mga samahan ng kababaihan na naglayong mangalap ng pondo para sa kampanya ng Pangulo at koalisyon; at, nagsikap na kunin ang suporta ng mga kababaihan sa rural at nagdarahop na mga komunidad. Binuo ito ng GLO o Gloria’s Ladies Organization at KAGABAY o Kababaihan Para Kay Gloria at sa Bayan.[78]

Ang mga sumusunod ay ang mga grupo o organisasyon na nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, bago pa man ang May 10, 2004.

 

Mga Organisasyon sa Paggawa:  Ito ay binubuo ng mga grupo sa paggawa sa Negros Accidental, na naglabas ng isang manipesto ng kanilang pagsuporta sa Pangulo. Ayon sa kanila, ito ay dahil sa malaki ang naitulong ng mga programa ni Pang. Arroyo sa interes at proteksyon ng mga manggagawa na umaasa sa industriya ng asukal. Ito ay binubuo ng:

United Sugar Farmers Organization and Allied Services- Trade Union Congress of the Philippines (TUCP)

National Congress of Unions in the Sugar Industry of the Philippines (Nacusip-TUCP)

Workers Amalgamated Union of the Philippines

Trade Union of Filipino Workers

Congress of Independent Organization Associated Labor Union

Philippine Agricultural, Commercial, and Industrial Workers’ Union (Paciwu)-TUCP

Fraternal Labor Organization (ALU)

Paciwu Riverside Medical Center

Association of Negros Coop, Incorporated

Negros Occidental Sugar Workers Foundation, Inc

G.V. and Sons Worker Union

Nacusip Hacienda Calbaryo

Nacusip Hacienda Dalinson

Paciwu Orient Marine Fishing Resources Inc.

CIO-ALU CCBPI Sales Force Union[79]

 

Grupo ng mga Artista: Dahil sa naitulong ng Pangulo sa industriya ng pelikula, telebisyon, at radyo: pagbaba ng amusement tax, pagbibigay ng subsidyo sa mga kalahok ng Metro Manila Film Festival, at ang mahigpit na pakikipaglaban sa mga “pirata” sa pangunguna ng Video Regulatory Board na pinamunuan ni Bong Revilla. Ang mga grupo na sumuporta ay: Film Academy of the Philippines na pinamumunuan ni Leo Martinez at Film Development Council sa pamumuno ni Laurice Guillen.[80]

 

Grupo ng mga Drayber at Transport Groups: Sila ay nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa Pang. Arroyo dahil sa nakita nilang pagbibigay-atensyon ng huli sa kanilang kalagayan at interes. Ito ay sa kabila ng mga naging strike ukol sa pagtataas ng presyo ng langis at pamasahe. Ang mga ito ay:

Philippine Confederation of Driver’s Association-Alliance of Concerned Transport Operators (PCPO-ACTO)

Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap)

Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines

Makati Jeepney Operators and Drivers Association

Pasang Masda

Integrated Metro Manila Bus Operators Association (IMMBOA)

National Transportation Workers Union[81]

 

PARTY-LIST. May ilang party-list na nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa ilang kandidato ng K-4.

 

BAYAN MUNA. Ayon sa mga surbey na naganap, ang party-list na ito ang nangunguna noong halalang 2004. Ayon kay Kinatawan Satur Ocampo, pinili nila ang mga senador dahil sa “for vowing to actively defend Bayan Muna’s mandate to serve the people against the harassment of ultrarightist groups…’individual’ credentials and track records rather than for their respective parties that had ‘no clear platforms.’” Ang mga senador na kanilang sinuportahan ay sina Mar Roxas, Lito Lapid, Ramon Revilla, Jr., at Pia Cayetano.[82]

 

GABRIELA. Pinili nilang suportahan ang ilang senador ng K-4 sa dahilang sila ay sumang-ayon sa adhikaing “fight all forms of discrimination, violence, exploitation, abuse against women and children…higher wages and security of tenure for workers.” Ang mga senador na kanilang ikinampanya ay sina Pia Cayetano, Mar Roxas, at Dick Gordon.[83]

Simbahan at Ibang Religious Groups

 

Catholic Bishops Conference of the Philippines: Walang sinuportahang kandidato ang Simabahang Katoliko nang eleksyong 2004. Ngunit nanawagan ito sa mga tao na pumili ng kandidato na may karanasan upang hindi pa lalong ilagay ang Pilipinas sa alanganing kalagayan. Mula sa inilabas na liham mula sa CBCP, tinawagan nito ang lahat na maging matalino sa pagboto at piliin ang mga kandidato na may kaalaman upang pamahalaan ang bansa.[84]

 

Iglesia Ni Kristo: Pebrero pa lamang ay niligawan na ng koalisyon ang INC, partikular ang pinuno nitong si Eraño Manalo, nang dumaan sa opisina nito sa lungsod ng Quezon bago tumuloy ang Pangulo sa inagurasyon ng kanyang proyektong “Patubig” sa IBP Kalayaan Road.[85] Ang grupo ni Manalo ay kilala sa kanilang bloc voting tuwing eleksyon. Ito ay naaayon sa aral ng kanilang grupo ukol sa “unity in the flock.” Sinasabing isa sa malaking salik kung bakit nanalo noong halalang 1998 si dating Pangulong Joseph Estrada ay ang pagsuporta ng nasabing grupo sa kanyang kandidatura.

Noong Mayo 2, 2004, ibinalita ng dating Pangulo na nagdesisyon na ang grupo na suportahan si Pang. Arroyo, na nalaman niya kay Col. Filemon Cuevas. Ngunit ito ay hindi kinumpirma ng nasabing grupo. Ayon naman kay Mike Defensor, hindi possible ang ipinahayag ng dating pangulo dahil, basa sa kanyang karanasan, ipinaalam lamang sa kanya ang pagsuporta ng INC ilang araw na lang ang eleksyon.[86] Ngunit nakuha rin ng Pangulo ang suporta ng nasabing grupo nang siya ay tawagan mismo ni Eraño Manalo upang ipaalam na siya at si Sen. Noli de Castro ay suportado ng grupo; ngunit, wala naman itong binanggit ukol sa mga kandidato sa pagka-senador ng koalisyon[87]

 

            Ayon sa isang panayam sa isang aktibong miyembro ng INC, hindi totoong may sinuportahan ang grupo na kandidato noon. Ngunit inamin nitong nagaganap nga ang bloc voting sa kanilang simbahan; at, ito naman ay ayon sa kung sino sa mga kandidato ang magsisilbi sa interes ng kanilang paniniwala. Gayundin, isinaalang-alang din nila ang aral sa Bibliya na ang lalaki ang itinalaga ng Panginoon upang mamuno sa tahanan.[88]

            Ngunit ito ay iba sa inihayag ni Isaias Samson, ang external affairs officer ng grupo, na walang nilalabag na aral ang kanilang naging pagsuporta kay Pang. Arroyo. Ayon nga sa kanya, “No, it will not violate anything. That only pertains to women as religious leaders and church matters. No doctrine would be violated.”

 

EL SHADDAI: Tulad din ng Iglesia ni Kristo, kilala rin ang grupong ito sa bloc voting. Noong 1998 eleksyon ay sinuprtahan nito ang kandidatura ni dating Pangulong Estrada. Ngunit noong Abril 2004 ay ipinahayag ni Bro. Mike Velarde, ang pinuno, na wala pa siyang susuportahang kandidato dahil ang mga ito ay hindi pumapasa sa kanyang mga pamantayan, “competence, proven track record and sincerity in leading the country.”[89]

            Ngunit nang bumisita ang koalisyon sa kanilang serbisyo noong Linggo ng Palaspas, ayon kay Mike Defensor, ay sinabihan ni Bro. Mike ang Pangulo ng, “Steady ka lang. Kaya ‘yan.”[90]

            Ilang araw bago ang eleksyon, Mayo 2, 2004 nilabas na ng El Shaddai ang mga kandidato sa pagka-senador na kanilang susuportahan:

Richard “Dick” Gordon                                     Robert Barbers

Orlando “Orly” Mercado                                   Kit Tatad

John Osmeña                                                       Jinggoy Estrada

Ramon “Bong” Revilla                                       Juan Ponce Enrile

Manuel “Mar” Roxas                                         Alfredo Lim

Manuel “Lito” Lapid

     

Ang isa pang posisyon ay maaaring ibigay kina Robert Jaworski, Miriam Defensor-Santiago, Salvador Escudero, o Boots Anson-Roa.[91]

      Inihayag din ng grupo ang kanilang pagsuporta kay Pang. Arroyo limang araw bago ang halalan; ngunit ito ay hindi nito binanggit kung susuportahan din nito si Sen. Noli de Castro. Ayon sa tagapagsalita ng grupo na si Mel Robles, pinili ni Mike Velarde ang Pangulo matapos nitong ipaliwanag sa harap ng mga kasapi ng El Shaddai ang kanyang plataporma, partikular ang ukol sa populasyon, korapsyon, charter change, at pagkakasundo ng lahat – na ninanais din ng grupo para sa bansa.[92]

      Ayon sa panayam sa isang miyembro ng grupo, walang sinuportahan ang kanilang grupo na kandidato sa pagka-Presidente. Sila ay hinikayat lamang na bumoto at tiyaking ito ay ayon sa konsensiya.[93]

 

Ang Dating Daan: Ang grupong ito ay pinamumunuan ni Bro. Elisiano Soriano na tulad din ng El Shaddai ay naka-base ang mga aral sa Bibliya.

            Ayon sa isang panayam sa isang miyembro ng grupo, sila ay hindi rin pinilit na sumuporta sa isang kandidato. Ito raw ay labag sa kanilang paniniwala sa “free will” o sariling kagustuhan ng isang tao. Ngunit sila ay binilinan lamang na piliin ang kandidato na sa tingin nila ay susunod sa turo ng Bibliya.[94]

 

Maluwalhating Pilipinas: Ang nasabing grupo ay binubuo ng mga Protestanteng bishop, pastor, pari, at ilang lider na Muslim. Nang mga unang araw ng kampanya ay nagpahayag ito ng pagsuporta sa kandidatura ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, kandidato sa pagka-pangulo, ngunit noong Abril 2004 ay binawi nito ang pahayag at sinabing ang Pang. Arroyo na ang kanilang susuportahan. Ito ay sa dahilang, ayon kay Bishop Ephraim Perez, dating spiritual adviser ni Pang. Estrada, hindi sila sang-ayon sa agresibong programa ng pagpaplano ng pamilya na bahagi ng plataporma ng kandidato Gayundin, nakadagdag ang unti-unting pagbaba ng popularidad ng senador sa pag-atras ng grupo.[95]

 

Mga Muslim: Ang Bangsamoro Supreme Council of Ulama (BSCU) ay naglabas ng isang fatwa (kautusan) noong Abril 25, 2004 sa lahat ng komunidad ng Muslim na huwag suportahan at iboto si Pang. Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa persekusyon sa mga Muslim na ginawa ng huli. Bukod pa sa persekusyon, hindi naaayon sa aral ng Islam na hayaang mamahala ang isang babae.[96]

Ngunit ito naman ay pinasubalian ni Amoran Andoga, pangulo ng Filipino Muslim Alliance (FMA), dahil ang nasabing fatwa ay hindi nagsasalamin ng totoong damdamin ng mga Pilipinong-Muslim. Dagdag pa rito, ang Ummah Party, isa pang religious group na kasapi ng People’s Patriotic Movement, ay naglabas ng isang pahayag na pinapasubalian din ang awtentisidad ng fatwa. [97]

Ayon pa sa FMA, kung tutuusin maraming nagawa ang Pangulo na nagsilbi sa interes ng mga Pilipinong-Muslim. Isa na rito ay ang pagdedeklara ng Eid Il Fitre na hindi pa nagawa ng kahit sinong naging pangulo ng bansa.

 

Surbey

Sa Pilipinas, dalawang organisasyon ang popular sa pagsasagawa ng surbey tungkol sa anumang usapin na kailangang bigyan ng atensyon. Ang dalawang ito ay ang Pulse Asia at Social Weather Station.Ano ang mga resulta ng surbey noong halalang 2004? Paano sila nakaapekto sa naging takbo ng halalan noong 2004? Totoo nga bang maaari itong maimpluwensiyahan ng sinuman upang ikondisyon ang isipan ng atao bago pa man maganap ang halalan?

 

Pulse Asia

Ang proyekto nito na “Ulat ng Bayan” ay naglalayong malaman sa pinakamabilis, pinakasistematiko, at pinaka-regular na paraan ang kalagayang sosyo-ekonomiko at pananaw sa pulitika ng mga mamamayan; ang mga datos na makukuha ay maaaring magamit ng mga opisyal sa pamamahala ng epektibo. Isa ito sa mga nangibabaw na surbey noong nakaraang eleksyon.

            Paano nila isinagawa ang surbey? Upang malaman kung sinu-sino ang mga napipisil na kandidato ay pumili sila ng mga halos 1,200 na respondents na may edad 18 pataas na taga-Luzon, Visayas, Mindanao, at National Capital Region (NCR). Namigay sila ng mga questionnaire kung saan isusulat ng mga tao kung sino ang kanilang planong botohin sa eleksyon, may pinamigay na listahan ng mga kandidato.

            Ano ang mga resulta, ayon sa unang surbey na naganap noong Enero 23 – Pebrero 8, 2004 at Pebrero 16-20, 2004, lamang si Pang. Arroyo na may 31.9% kay Fernando poe Jr. na may 31.7%. Ang maliit na kalamangan ay maaaring sa dahilang nag-uumpisa pa lamang ang kampanya at ang mga tao ay wala pang ideya kung sino ang nais nilang botohin. Gayundin, ang mga kandidato sa pagka-senador ng K-4 ay pasok sa 17 kandidato na inaasahang papasok sa 12 upuan sa Senado.

            Nang dumating ang ikalawang surbey, ginanap noong Marso 27 hanggang Abril 7, 2004, ay lumamang na ng 35% ang Pang. Arroyo sa kanyang mahigpit na katunggali, si FPJ (34% - 31%. Kapansin-pansin sa mga datos na lumaki ang bilang ng mga taong nais bumoto sa Pangulo sa Metro Manila at Visayas. Samantalang si FPJ ay bumaba sa Metro Manila, ngunit humakot pa ng tiwala sa Mindanao. Gayundin, si Senador Noli de Castro ay lamang sa kanyang katunggali na si Senadora Loren Legarda (49% - 35); sa kabila ng bumababang porsyento ng mga taong pabor sa kanya sa Metro Manila at Visayas.

            Ngunit nang sumapit ang Abril 26-29, 2004, ay lalong lumaki ang lamang ng Pangulo kay Poe na umabot na ng 6 na porsyento (37% - 31%). Lamang pa rin ang katambal ng Pangulo, na si de Castro, bagamat malaki ang itinaas ng porsyento ng mga taong pabor sa kanya sa Luzon at Mindanao. Samantala, ang huling surbey ay nagpakita na pantay lamang ang maaaring maging bilang ng senador mula sa dalawang partido.

Social Weather Station

Ito ay itinatag noong Agostio 1985 bilang isang pribadong institusyon na may layong magsaliksik hinggil sa mga paksang na may kinalaman sa pamumuhay ng mga tao. Ang pananaliksik na ito ay sa paraan ng pagsasagawa ng mga surbey, na tinatawag na Social Weather Survey.

Ayon naman sa SWS, sa mga unang araw ng kampanya ay may kalamangan si FPJ kay Pang. Arroyo (37.5% - 28.7%). Sa mga lugar na nasa bandang hilaga tulad ng Ilocos at Cordillera ay malaki ang lamang ni “The King”, kasama na rin ang Metro Manila at Mindanao. Ngunit ang Pangulo ay patuloy na sinusuportahan ng mga taga-Visayas at ng mga mamamayan mula sa A, B, at C na uri. Sa surbey para sa pangalawang pangulo ay halos hindi nagkakalayo ang sina Senador Noli de Castro at Senadora Loren Legarda. Sa mga senador, ayon sa surbey, nahati ang mga tao mula sa pitong kumakandidato sa pagka-senador mula sa K-4 (Revilla, Osmeña, Roxas, Biazon, Lapid, Barbers, at Santiago) at limang kandidato mula sa KNP (Pimentel, Lim, Enrile, Maceda, at Estrada.

Nang sumapit ang Marso, lumamang naman si Pang. Arroyo kay Fernando Poe Jr.(32% - 31.4%) Gayundin, patuloy na lumalaki ang lamang ni Sen. De Castro kay Zsen. Legarda (50%-36%). Magpapatuloy ang ganitong resulta ng mga surbey (maliban lamang sa subey na isinagawa noong Marso 11-19, 2004) kung saan unti-unting umuungos ang Pang. Arroyo kay Poe at si Sen. De Castro ay patuloy na lumalayo sa kanyang kalabang si Sen. Legarda.

Ngunit sa huling surbey na isinagawa ng SWS noong Mayo 1-4, 2004 ay lumamang ng 7% ang Pangulo sa kanyang kalaban (37%-30%). Samantalang, bagamat bumaba, ay malaki pa rin ang lamang ni Sen. De Castro kay Sen. Legarda (43%-39%). Samantalang, ang dating 6-6 na pagkakahati ng mga senador mula sa mga partidong K-4 at KNP ay naging 8-4.

Sa naging magandang resulta ng surbey na isinagawa ng SWS at Pulse Asia, naging magaan para sa Pangulo ang pangangampanya. Ayon nga sa kanya, “Kaya mas lalo pang ipaubaya ko, at iyon ang ginagawa ko, ang kampanya sa K-4, sa aking mga kasamahan, mas lalo pang inilalagay ko ang aking atensyon sa pamamahala.”[98]

Mga Huling Araw ng Kampanya

Nang sumapit ang huling linggo ng kampanya ay mas lalong pinaigting ang pangangampanya ng Pangulo at ng koalisyon sa iba’t ibang dako ng bansa. Mula Mayo 4 hanggang Mayo 7 ay isinagawa ng Pangulo ang Ro-Ro (roll-on, roll-off) na biyahe na nagsimula mula Davao hanggang Batangas.[99]

Ayon sa kanyang mga camapaign manager, ang tanging naging plano ng koalisyon ay kung papaano mapapanatili ang mga boto ng mga taong nangakong susuportahan ang koalisyon. Gayundin, ang huling linggo ay ang linggo ng pagpapalaganap ng adhikain ng Pangulo tungo sa isang nagkakaisang bansa. Ayon pa nga sa Pangulo, “We are taking no voter for granted and we will strive to shake hands with everyone we met.”[100]

Presidential Debate.

            Tulad ng mga nakaraang halalan, nilayon na magkaroon ng isang Presidential Debate  kung saan mailalatag ng mga kandidato sa pagka-pangulo ang kanilang mga programa at plataporma sa mga mamamayan. Ito ay sana nabigyang katuparan sa pangunguna ng COMELEC at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV); ngunit, dahil sa ilang kadahilanan ay hindi ito natuloy.

            Pebrero pa lamang ay naging isang malaking usapin ito para sa mga kandidato. Abril 13, 2004 ang itinakdang araw ng debate na magaganap sa Westin Philippine Plaza. Maging ang Pang. Arroyo ay nagbigay ng kanyang suhestiyon upang maging maayos at epektibo ang nasabing debate: hatiin ang debate sa tatlong bahagi kung saan ilalatag ng bawat kandidato ang kanilang mga programa sa ekonomiya, pulitika, at sosyal na kondisyon ng bansa. Ayon pa sa kanya, “each candidate can be given a brief time to speak, ask few questions to each pther and make short rebuttal statements. They can answer questions from media panel.”[101] Pumayag din ang Pangulo sa hamon ng ibang kandidato na ganapin ito sa slum area upang mapatunayan na siya rin ay tinatanggap ng mga tao mula sa ibabang sector ng lipunan at gumamit ng wikang Tagalog.

            Ngunit nagsimulang lumabo ang kaganapan ng isang debate nang magpahayag ang kampo ni Fernando Poe Jr. na ang debate ay “will only promote antagonism and decisiveness among the people…It would be unproductive since this would only provide candidates forum for braggadacio.”[102] Bilang reaksyon sa pahayag na ito ay sinabi naman ng Pangulo, sa isang press conference sa Marawi, na siya ay lalahok lamang kung si Poe ay pupunta. Ito naman ay sinundan ng pahayag ng isa pang kandidato sa pagka-pangulo, Senador Panfilo “Ping” Lacson, na ginagamit lamang daw ng Pangulo ang planong hindi pagpunta ng Poe upang makaiwas si Pang. Arroyo na sagutin ang mga isyu at black propaganda na ibinabato sa kanya.

            Hanggang sumapit ang Abril ay wala pang linaw kung matutuloy ang debate. Ang Pang. Arroyo, na patuloy umaasa, ay nanawagan pa sa Comedy King Dolphy Quizon na kumbinsihin ang kaibigang si Poe na sumama sa debate, na kanyang binanggit sa isang panayam sa kanya nina Boy Abunda at Kris Aquino sa “The Buzz.”[103]

            Sumapit ang Abril 13, 2004 at ang inaasahang debate sa pagitan ng mga kandidato sa pagka-pangulo upang pag-usapan ang ilang usapin ay naging isang talakayan tungkol sa voter’s education, bagamat ang mga kalahok ay nag-usap din hinggil sa mga isyu.

            Apat sa limang kandidato ay nagpadala ng kani-kanilang mga kinatawan. Mula sa kampo ni Poe ay pumunta si Kinatawan Francis Escudero; mula kay Senador Panfilo Lacson ay ang kanyang tagapagsalita, si Angelito Banayo; mula kay Bro. Eddie Villanueva ay ang dating kalihim ng Socio-Economic Planning Cielito Habito; at, mula kay Raul Roco ay ang kanyang kandidato sa pagka-pangalawang pangulo, si Herminio Aquino. Walang kinatawan si Pang. Arroyo nang gabing iyon.

            Ang nasabing forum ay nagsimula nang 6:30 hanggang 9:30 ng gabi. Ito ay napanood ng live sa ABC 5 at narinig sa Radyo Veritas at RMN Network. Bago pa man ang nakatakdang araw ay umurong ang COMELEC sa pag-oorganisa nito dahil wala namang kandidato ang kumumpirma na pupunta. Ayon kay Antonio Ventura, pangulo ng PPCRV, ang debate ay ang “the most organized and the most planned event of its kind, but was also the most rejected.”[104]

            Hindi lamang ito ang debate na hindi nagtagumpay dahil sa hindi pagpunta ng mga kalahok. Ang debate na ginanap noong Marso 2004 na itinaguyod ng Pulse Asia Inc., Philippine Political Science Association (PPSA), at Philippine Legislators’ Committee on Population and Development Foundation, Inc. (PLCPD), at ABS-CBN ay hindi rin dinaluhan nina Pang. Arroyo, Lacson, at Poe.

            Wala namang ibinigay na pahayag ang Pangulo kung bakit hindi man lang nito nagawang magpadala ng kinatawan sa debate. Marahil ang dahilan ay makikita sa sinabi ng tagapagsalita ng K-4, Mike defensor, na “she does not have to participate in a debate since she has been explaining her programs in her camapaign.”[105]

 

Ang Miting de Avance

            Bagamat inihayag ng Malacañang na sapat na ang ginawa ni Pang. Arroyo upang mailatag at maipaliwanag ang kanyang mga plataporma at programa, nagtakda pa rin ang koalisyon ng isang malawakang rally na magsisilbing miting de avance nito. Ito ay itinakda na gaganapin sa Bulacan ng Mayo 8, 2004. Ngunit hindi ito naganap sa dahilang maraming natanggap ang Presidente, at ang koalisyon, ng banta sa kanilang buhay. Gayundin umugong ang balita tungkol sa Oplan Aklas Bayan, na diumano ay tumatawag ng isang malawakang protesta na lalahukan ng mga sibilyan at sundalo na siyang mangunguna sa pag-atake sa anumang pagtitipong pampulitikal.  Sa ganitong sitwasyon ay minabuti na lamang ni Pang. Arroyo na pumunta sa maliliit na rally ng mga lokal na kandidato, na kaalyado ng koalisyon, upang doon na lang gawin ang kanyang huling panawagan sa suporta ng mga mamamayan. Upang masiguro ang kaligtasan ng Pangulo at ng koalisyon hindi ipinaalam ng Palasyo kung saan-saang eksaktong lugar tutungo ang Pangulo.[106]

            Mayo 8, 2004, ang nakatakdang araw ng miting de avance ng koalisyon ngunit hindi na itinuloy dahil sa maraming banta sa kaligtasan ng mga kandidato at ng mga taong magsisipagdalo. Sa halip, ang Pang. Arroyo ay dumalo sa pagtitipon ng grupong El Shaddai, na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ng Pangulo ilang araw bago ang halalan, sa Luneta.a Upang pasubalian ang mga usapin sa hindi pagsasagawa ng isang malaking miting de avance, ang Pangulo ay nanindigan na naihayag na niya ang kanyang mga plataporma at programa sa mamamayan sa tatlong buwan.

            Ang araw bago ang halalan, Mayo 10, 2004, ay isang napakagandang pangyayari dahil nagkasama-sama ang mga kandidato sa isang misa. Ang naturang misa ay plinano ng dating Pangulong Corazon Aquino; naganap sa Simabahan ng San Agustin. Ang limang kandidato ay sumang-ayon na magkaisa sa isang malinis at mapayapang eleksyon. Gayundin, ang bawat isa ay nangakong makikipagtulungan sa sinumang mananalo bilang Pangulo upang mapaunlad ang bayan.

            Bago ang misa, ang limang kandidato ay binasa ang Presidential Candidate’s Prayer na isang pagkatok sa konsensiya ng mga ito na mismong silang mga kandidato ay magkasundo pagkatapos ng halalan.[107]

 

Mga Kontribusyong Natanggap

            Sa Updated Sworn Statement of Contributions and Expenditures na isinumite ni Antonio T. Villar, Ingat-Yaman ng Lakas CMD/Koalisyon ng Katapatan at Karansan sa Kinabukasan (K4), tumanggap ang kanilang koalisyon ng Php 180,746,831 halaga ng kontribusyon mula ika-8 ng Pebrero hanggang ika-10 ng Mayo 2004.

            Si Pancho Villaraza, na lalong kilala sa tawag na “The Firm” ang may pinakamalaking kontribusyon na ibinigay sa koalisyon – 30 milyong piso.

Talaan Blg. 2

Mga Kontribusyon sa Koalisyon

Ang nagbigay ng Kontribusyon

Kontribusyon

Halaga

Pancho Villaraza

Salapi

30,000,000.00

Loans- Antonio Vilar (Metrobank)

Salapi

30,000,000.00

Catalino Tan

Salapi

20,000,000.00

Jose Perez

Salapi

20,000,000.00

Jose Antonio

Salapi

20,000,000.00

Antonio T. Vilar

Salapi

10,000,000.00

Alfredo Ramos

Salapi

10,000,000.00

Francisco Dizon[108]

Salapi

10,000,000.00

Pedro O. Tan

Salapi

10,000,000.00

Raymond M. Moreno

Salapi

10,000,000.00

Alejandra Clemente

Salapi

10,000,000.00

Phillip dela Serna Tuazon

Salapi

10,000,000.00

Aloysius R. Santos

Salapi

10,000,000.00

Ramon Mojica

Salapi

10,000,000.00

Vicente M. Bayot

Salapi

10,000,000.00

Felix Ang

Salapi

10,000,000.00

Raoul R. Angangco [109]

Salapi

8,000,000.00

Benito Araneta

Salapi

7,000,000.00

Grand C Graphics

Campaign materials

5,000,000.00

3 Kings Printing

Salapi

5,000,000.00

Aqualee Marine Exports Corp.

Salapi

5,000,000.00

Manuel Sto. Domingo

Salapi

5,000,000.00

Reynaldo David

Salapi

5,000,000.00

Julita Lorenzo Villareal

 Salapi

5,000,000.00

Rodolfo de Leon

Salapi

5,000,000.00

Rufino Group of Companies

Sample ballot paper

5,000,000.00

Ramon Jacinto [110]

Salapi

5,000,000.00

Pablito Enano

Salapi

3,000,000.00

Paulino Soo, Jr.

Salapi

3,000,000.00

Eng. Homer Alumisin

Salapi

2,500,000.00

Jose Mantolino

Salapi

2,500,000.00

Luis Manahis

Salapi

2,000,000.00

Manuel N. Tordecillas

Salapi

2,000,000.00

Ramon B. Arnaiz

Salapi

2,000,000.00

Ebenezer Cordova

Salapi

2,000,000.00

Vicente Perez

Salapi

1,000,000.00

Antonio Pelayo

Salapi

1,000,000.00

Carolina Tutuc Matsuda

Salapi

1,000,000.00

Conchita Delfino

Salapi

1,000,000.00

Gabriel A.S. Valdes

Salapi

500,000.00

Amalia Gomez

Salapi

500,000.00

Atty. Dolores Agbayani

Salapi

500,000.00

Manuel Sermonia

Salapi

250,000.00

Angeline Quimson

Salapi

250,000.00

Peter Binamira

Salapi

250,000.00

Ma. Alita Mercado

Salapi

200,000.00

Iba pang mga Donasyon

Tubig, caps, atbp.

1,035,566.00

Kabuuan

 

Php 326,485,566.00

Pinagkunan: Updated Sworn Statement of Contribution and Expenditures, K4

 

            Halos kalahati o 47% (Php 152,613,397.54) ng kabuuang kontribusyon na natanggap ng Lakas CMD/ K4 ay napunta para sa kampanya ni Pangulong Arroyo.[111] Samantala, ang natitira ay napunta naman sa mga gastusin ng koalisyon na nagkakahala ng Php.180,746,831.33. Kung susuriin ang mga halagang nabanggit, lalabas na ang kabuuang kontribusyong natanggap ng K4 ay hindi lamang Php 326,485,566.00 bagkus ito ay Php 333,360,228.87 o may pagkakaiba ng higit sa 6.8 milyong piso. Pinaliwanag naman ang bagay na ito ng Updated Sworn Statement of Contribution and Expenditures, K4, ang higit na 6.8 milyong pisong nabanggit ay napunta sa Accounts payable ng partido o mga utang ng partido sa mga suplayer nito ng mga ginamit sa kampanya.

            Ayon naman sa Statement of Election Contributions and Expenditures ni Pangalawang Pangulo Noli de Castro, tumanggap siya ng higit sa 12 milyong pisong kontribusyon (Talaan Blg. 2)

 

Talaan Blg. 3


Mga Kontribusyon sa Kampanya ni Pangalwang Pangulong Noli de Castro

 

Mga nagbigay ng kontribusyon

Kontribusyon

Halaga

Alex Chua

Campaign materials

Php 5,915,696.40

ABS Bitter Herbs

T-shirts/3,226 boxes of charagen cap

1,680,740.00

Jonathan Go

Freight

300,000.00

Michael Sicat

OD Poster

1,000,000.00

Gilbert Garcia

3u Vehicles, Aircon Bus, Food

768,000.00

Jerry Acuzar

Leaflet, Postering

1,313,500.00

Erwin Choa

Plastic Fans

312,000.00

Jose See

Cococloth

400,000.00

Solomon Chen

Toothbrush and Comb

200,000.00

Josefina Chua

Mineral Water

402,816.00

Kabuuan

 

Php. 12,292,752.40

Pinagkunan: Statement of Election Contributions and Expenditures ni Noli de Castro[112]

 

            Ipinapakita naman ng sumusunod na talaan ang halaga ng kontribusyon na natanggap ng mga Senador ng K4.

 

Talaan Blg. 4

 

Kontribusyong Natanggap ng Mga Senador ng K4

Senador

Halaga ng Kontribusyon

Defensor Santiago, Miriam[113]

41,700,000.00

Revilla, Ramon “Bong” B., Jr. [114]

3,695,471.70

Roxas, Manuel Mar

52,000,000.00

Biazon, Rodolfo G.

27,932,064.10[115]

Gordon, Richard J.

60,400,000.00

Lapid, Manuel M.

3,000,000.00

Cayetano, Pilar Juliana S.

20,500,000.00

Pinagkunan; Statement of Election Contributions and Expenditures of respective Senators.[116]

 

            Maliban sa mga kontribusyong natanggap, nagpaluwal din ang mga kandidato ng sarili nilang pera para sa kampanya. Kapansin-pansin naman sa Updated Sworn Statement of Contributions and Expenditures ni Pangulong Arroyo na umasa lamang ito sa mga kontribusyon ng partido at mga kaibigan para sa kanyang kampanya.

 

Mga Gugol sa Kampanya

            Kaakibat na sa isang kampanya ang malaking gastos upang masiguro ang ikakatagumpay nito sa halalan. At ito na nga ang nangyari sa kampanya ng koalisyong K4 noong nakaraang halalan. Sa panahon ng halalan, gumugol ng mahigit sa 180 milyong piso ang koalisyon para sa mga political ads, campaign materials, transportasyon, mga sweldo ar allowances, watchers, at iba pa (Talaan Blg. 4) 

Talaan Blg. 5

 

Mga Ginugol sa Kampanya ng Koalisyon

 

Mga Pinagkagastusan

Halaga ng Ginastos

Airtime and ads

Php 39,000,000.00

Watchers and Party Legal Expenses

86,572,990.00

Contribution to National Candidates

36,000,000.00

Campaign materials and Printing

6,831,501.00

Salaries, Fees and Allowances

4,193,716.03

Transportation and Air Travel

2,697,480.33

Hotel and Production Costs

1,549,988.50

Representation Expenses

1,743,821.59

Office Equipment

528,474.60

Office Supplies and Repairs

375,175.94

Donation, Utilities, Miscellaneous Expenses

1,253,683.34

Kabuuang Gastos (di kasama ang ginastos sa kampanya ng Pangulo)

Php 180,746,831.33

Pinagkunan: Schedule of Expenditures, Updated Sworn Statement of Election Contribution and Expenditures.

 

            Gumugol naman si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng halagang Php 152,613,397.54 sa kanyang kampanya na nagmula naman sa mga kontribusyong tinanggap ng koalisyon. Samakatuwid, kung pagsasamahin ang halaga na ginugol ng partido at ng kay Pangulong Arroyo, aabot sa Php 333, 360,338.87 ang kabuuang ginastos ng koalisyon sa panahon ng kampanya (Pebrero 10-Mayo 9, 2004).

            Si Noli de Castro naman ay gumugol ng Php 89,654,776.74 sa kampanya, mahigit 59 milyon dito ay nagmula sa kanyang personal na pondo.[117]

            Sa mga senador, si Senador Manuel Mar Roxas ang may pinakamalaking ginugol sa kanyang kampanya at si Senador Manuel Lito Lapid ang pinakamaliit. (Talaan Blg. 5)

Talaan Blg. 5

Halaga naGinugol ng Mga Senador ng K4 noong Halalang 2004

 

Senador

Halaga na Ginugol sa Kampanya

Roxas, Manuel Mar

Php. 94,730,976

Gordon, Richard J.

60,966,186.15

Defensor-Santiago, Miriam

41,700,000.00

Biazon, Rodolfo

30,429,950.15

Revilla, Ramon “Bong” B., Jr.

29,147,897.30

Cayetano, Pilar Juliana S.

22,903.312.37

Lapid, Manuel M.

8,000,000.00

Pinagkunan: Statement of Election contributions and Expenditures of selected K4 Senators

           

Makikita sa mga Statement of Contributions and Expenditures ng mga piling Senador ng K4 na sa political ads napunta ang pinakamalaking bahagi ng kanilang ginugol sa kampanya. Si Senador Manuel Mar Roxas, halimbawa, ay gumugol ng humigit sa 69 milyong piso, o 73% ng kabuuang halaga ng kanyang ginugol sa kampanya, para sa kanyang mga political ads. Hinaing nga ni Senador Lapid, ang senador na may pinakamaliit na badyet sa kampanya, tungkol sa malaking gastos sa mga political ads:

Magkano yung isang spot? Fifteen seconds, 75,000[pesos], 15 seconds. Pag [naka] 30 seconds ka, 150,000[pesos]. Gaano karami yung kay Mar Roxas? kay Dick Gordon? Pia? Jamby? Ayan! Sa sampung beses na lalabas sa lahat ng istasyon, 1.5 billion a day. E hindi lang ganun. Isang istasyon pa lang iyun. E kung mag- channel 7 [GMA-7]ka? Channel 13[IBC-13]? Channel 5 [ABC]?Eh buong istasyon sila. E ako,dalawang istasyon lang naman ako. Puros singit lang sa buong maghapon, 15 seconds lang yung sa akin. Eat Bulaga! Singit kami, Duon sa kabila, Magandang Tanghali Bayan, yun lang 15 seconds, tapos na. Maghapon na, nakatanga ka na, wala ka ng makikita.[118]

 

            Ito rin ang hinaing ni Senador Rodolfo Biazon:

Do you know how much was one political advertisement thirty (30) seconds spot in the main or primary channels and in primetime/ Undiscounted, 250,000 [pesos], 30 seconds, one 30 seconds. So if you hear a politician in one channel ano, 10 times a day. How much is he spending a day? 1.8 million [pesos] in one channel! How about the other channels? How about the print? How about the radio? Do you how much is the radio? 45,000 [pesos]! Per 30 seconds. One thirty seconds yun. And how many radio stations do we have? So I said, kung matalo ko,matalo! I don’t have the money. So gumalaw ng kaunti yung supporters ko. I don’t know how much they really spent to it. But very few yung akin.[119]

 

           

Sa Adverstising Contract sa pagitan ng ABS-CBN Channel 2 at ng K4 at Image Dimension, advertising outfit ng koalisyon, pinapakita na gumugol ang koalisyon ng Php 1,463,610.60 para lamang sa labimdalawang tigla-labinglimang segundong political ads sa programang Star Circle Quest noong Mayo 8, 2004. [120] Kung susuriin, gumugol ang koalisyon ng higit-kumulang Php120,000 sa bawat political ads na ipinalabas sa naturang programa sa telebisyon.

            Maliban sa political ads, gumugol din ang mga kandidato sa pagpapagawa ng mga election paraphernalias (tulad ng poster, tarpaulins, streamers, sample ballot, kalendaryo, atbp.), transportasyon, pagkain at inumin, mga kagamitan sa kanilang mga headquarters at mga sweldo ng kanilang mga empleyado.

            Ang mga plataporma, mga gimik at pakulo sa kampanya, at ang malaking ginugol ng koalisyon sa kampanya ay tatapatan naman ng oposisyon sa kanilang paghahangad na makuha ang kapangyarihan ng pamahalaan sa pamamagitan ng balota. Tatalakayin sa susunod na kabanata ang mga hamon na hinarap ng koalisyon mula sa mga kalaban nito at ang kanilang mga naging tugon dito.

 


 

[1] Interview with Congressman Edcel Lagman, House of Representatives, Batasan Complex, Quezon City,  15 February 2005.

[2] Covenant of Unity Under the K4 Coalition.

[3] Ang pagpapalit ng presidential form of government ng parliamentary-federal ay nauna nang minungkahi ni Senador Aquilino Pimentel at napabalitang ito ay kinatigan din ni KNP Presidential Candidate Fernando Poe, Jr.

[4] Covenant of Unity Under the K4 Coalition.

[5] Interview with Congressman Mikey Macapagal Arroyo, 14 February 2005.

[6] Interview with Senator Manuel “Lito” Lapid, 8 December 2004.

[7] Interview with Senator Pilar Juliana S. Cayetano, 7 December 2004.

[8] Interview with Senator Manuel Mar Roxas, III, 25 January 2005.

[9] Interview with Senator Richard Gordon, 26 January 2005.

[10] Interview with Senator Rodolfo G. Biazon, 23 February 2005

[11] Interview with Senator Ramon Revilla, Jr., 22 November 2004

[12] Print-out platform of senator Ramon Revilla, Jr.

[13] Interview with Atty. Romulo Macalintal, 26 February 2005

[14] Interview with Senator Manuel Lapid, 8 December 2004.

[15]  Interview with Senator Richard Gordon, 26 January 2005

[16] Noong Mayo 2-3, 2004 ang mananaliksik ay nasa Lungsod ng Baguio at narinig niya ang bersyong Iloko ng “Mr. Palengke” ads ni Senador Mar Roxas sa radyo

[17] Interview with Senator Manuel Lapid, 8 December 2004

[18] Interview with Senator Pilar Juliana S. Cayetano, 7 December 2004

[19] Ibid.

[20] Ibid.

[21] Regina Bengco, “In Governance’s name, GMA gets a head-start,” Malaya XXII (Pebrero 10, 2004), p. 1.

[22] Regina Bengco at Jocelyn Montemayor, “GMA opens campaign with a bang literally,” Malaya, XXII (Pebrero 11, 2004), p. 1.

[23] Jocelyn Montemayor, “AMs to work, PMs to woo is GMA sked,” Malaya, XXIII (Pebrero 18, 2004), p.1.

[24] Interview with Senator Richard J. Gordon, 26 February 2005.

[25] Interview with Representative Mikey Macapagal Arroyo, 14 February 2005.

[26] Interview with Representative Mickey Macapagal Arroyo, 14 February 2005.

[27] “Hard work, glitz, image reloaded, GMA now on winning streak,” Philippine Daily Inquirer, 19 (May 3, 2004), p.A22.

[28] “Hard work, glitz, image reloaded, GMA now on winning streak,” p. A22.

[29] Interview with Senator Manuel Lapid, 8 December 2004.

[30] Joan Dairo at Victor Reyes, “PMA homecoming awaits Lacson, Gloria,” Malaya, XXII (Pebrero 14, 2004), p.1.

[31] Jocelyn Montemayor, “Gloria works pro-Erap provinces,” Malaya, XXII (Pebrero 13, 2004), p.1.

[32] Regina Bengco, “Love and gifts, according to Gloria,” Malaya, XXIII (Abril 17, 2004), p.1.

[33] “GMA opens campaign with a bang literally,” Malaya, XXII (Pebrero 11, 2004), p. 1.

[34] Interview with Representative Mikey Macapagal Arroyo, 14 February 2005.

[35] Dona Pazzibugan, “After graduation messages came GMA student awards,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Marso 31, 2004), p.A10.

[36]  “They’re off and running, aspirants scramble for position,” Malaya, XXII (Pebrero 10, 2004), p. 1.

[37] Anthony Spaeth, “Is She The One?,” TIME, 163 (May 19, 2004), p. 24.

[38] Jocelyn Montemayor, “Gloria to rivals: Present platforms,” Malaya, XXIII (Pebrero 24, 2004), p.1.

[39] Ayon sa Pangulo, ito ay dahil ang kanyang ina na si Evangelina Macaraeg ay mula sa Binangonan, Pangasinan at ama, si dating Pangulo Diosdado Macapagal ay mula sa Pampanga.

[40] Ang tinutukoy rito ni Pang. Arroyo ay ang ama na si dating Pangulo Diosdado Macapagal na ayon sa kanya ay muntik ng hindi makapagtapos sa pag-aaral. Inihayag din niya na wala man lang magarang kasuotan ang kanyang ama nang ito ay magtapos. Ngunit dahil sa tulong ng isang benefactor ay naging abogado at pulitiko ang kanyang ama.

[41] Ito ay inihayag ng Pangulo sa 88th Annual Communications of the Grand Lodge of Free Masons. Ayon sa kanya, ang kanyang lolo na si Juan Macaraeg ay isang mason, ayon sa aklat ng mga Free Mason.

[42] Interview with Senator Ramon B. Revilla,Jr., 22 November 2004.

[43] Hindi lamang pagpapatawa ang “gimik” na ginawa ng mga senador. May ilang nakisabay na rin sa pagsasayaw ni Pang. Arroyo tulad nina dating Senador Robert Jaworski, Senador Noli de Castro, dating Sekretaryo ng DTI Manuel Roxas, Pia Cayetano, Farouk Hussin, Robert Barbers, John Osmeña, Rodolfo Biazon, at Miriam defensor-Santiago. (Jocelyn Montemayor, “Gloria:Slums as Venue OK with me,” Malaya, XXIII (Pebrero 23, 2004), p.1.)

[44] Panayam kay Richard Gordon.

[45] Panayam kay Manuel Lapid.

[46] Coronel, Sheila. ‘Who Wants to be a President?” (Hunyo 2004), p. 8-16.

[47] Interview with Senator Richard J. Gordon, 26 January 2005.

[48] Interview with Senator Manuel Lapid, 8 December 2004.

[49] Interview with Senator Ramon Revilla, 22 November 2004.

[50] Interview with  Senator Manuel Lapid, 8 December 2004.

[51] Interview with Senator Pilar Juliana Cayetano, 7 December 2004.

[52] Interview with Senator Richard Gordon, 26 January 2005.

[53] Coronel, Who wants to be a President?, p. 15-16.

[54] Ibid. p. 16.

[55] Cynthia Balana, “Allies say GMA will regain lead,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Abril 2, 2004), p. A6.

[56] Panayam kay Kinatawan Mauricio Domogan.

[57] Panayam kay Kinatawan Mauricio Domogan.

[58] “More NPC back to GMA,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Abril 14, 2004), p. A5.

[59] “Hard work, glitz, image reloaded, GMA now on winning streak,” p. A22.

[60] Carlito Pablo, “GMA ‘walking billboards’ costing gov’t P30m a day, says Enrile,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Abril 8, 2004), p.A3.

[61] Regina Bengco at Jocelyn Montemayor, “Gloria claims ‘pull’ with Japan emperor,” Malaya, XXIII (Pebrero 20, 2004), p. 6.

[62] Juliet Labog-Javellana, “GMA says she likes actors, but not FPJ,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Abril 16, 2004) , p. A3.

[63] “GMA says she likes actors, but not FPJ,” p. A3.

[64] Juliet Labog Javellana et al., “Gloria says she wants unity talk to succeed,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Abril 18, 2004), p. A2.

[65] “Gloria Arroyo: Choice of the Elite,” The Daily Tribune, 5 (Mayo 3, 2004), p. 3.

[66] Maurice Arcahe, “Glorious ‘asalto’ for Gloria,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Abril 23, 2004), p. G1.

[67] Hard work,glitz, image reloaded, GMA now on winning streak,” p. A22.

[68] Ang Pro-Gloria ay binubuo ng mga sumusunod na organisasyon: Bigkis Pinoy, Lakas Pinoy, Kaibigan ni Gloria, Kalipi (Kabataang Liberal ng Pilipinas), Kaisambayan, Kaibigan ng OFWs, Team Gloria, National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines, E-Gloria, Liga ng Magniniyog, Kagabay ni Gloria, United Filipino Organizations, Muslim Peace and Order Council at Pinoy Overseas Partylist.

 

[69] Yolanda Fuentes, “Campaigners hold GMA look-alike tilt,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Abril 20, 2004), p. A1, A8.

[70] “Campaigners hold GMA look-alike tilt,” p. A8.

[71] Tonette Orejas, “Biyaheng Gloria groups vow 13.5 m votes,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Mayo 4, 2004), p. A16.

[72] “Campaigners hold GMA look-alike tilt,” p. A8.

[73] Regina Bengco, “Bad luck hounds GMA campaign,” Malaya, XXIII (Pebrero 29, 2004), p. 1, 6.

[74] “Hard work, glitz, image reloaded, GMA now on winning streak,” p. A22.

[75] Ibid.

[76] Ibid.

[77] Ferdie Maglalang, “Arroyo urges local bets to adhere to law,” Philippine Daily Inquirer (Marso 26, 2004), p. 6.

[78]Rina Jimenez David, “A Women’s Agenda for GMA,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Abril 6, 2004), p. A11.

[79] Carla Gomez, “16 Negros Sugar Industry Labor Groups back GMA,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Marso 23, 2004), p. A20.

[80] “GMA to create 1 million jobs in showbiz,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Abril 28, 2004), p. C2.

[81] Tina Santos, “Made to feel important, six transport heads go for GMA,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Mayo 5, 2004), p. 23.

[82] Volt Contreras, “Bayan Muna endorses 9 Senate bets,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Abril 21, 2004), p. A9.

[83] “Gabriela endorses 9 for Senators,” Malaya, XXIII (Abril 23, 2004), p. 6.

[84] Carla Gomez, “Voters told: Experience counts most,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Abril24, 2004), p. A9.

[85] Regina Bengco, “INC Chief ‘snubs’ Gloria,” Malaya, XXII (Pebrero 19, 2004), p. 1.

[86] Juliet Labog-Javellana et al., “Iglesia going for Gloria,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Mayo 2, 2004), p. A4.

[87] Jocelyn Montemayor at regina Bengco, “INC, El Shaddai endorse Gloria,” Malaya, XXIII (Mayo 7, 2004), p. 1.

[88] Panaayam kay Harold Nogas, kasapi ng Iglesia ni Kristo.

[89] “But El Shaddai denies leaning against GMA,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Abril 12, 2004), p. A1.

[90] Gil Cabacungan Jr., “GMA camp not yet giving up on El Shaddai,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Abril 13, 2004), p. A2.

[91] (larawan) “El Shaddai’s Candidates,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Marso 3, 2004), p.A1.

[92] “INC, El Shaddai endorse Gloria,”p. 1.

[93] Panayam kay Nancy Lobos.

[94] Panayam kay Yudy Paulo Bragas.

[95] Philip Tubeza at Norman Bordadora, “Religious groups desert Ping; to deliver 1m votes to GMA,” Philippine Daily Inquirer, 19 ( Abril 6, 2004), p. A3.

[96] Jeffrey Tupaz, “Muslims ordered not to vote for GMA,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Abril 26, 2004), p. A1.

[97] “Muslims question fatwa vs. GMA,” Philippine Daily Inquirer, 19 (Abril 27, 2004), p. A1.

[98] Regina Bengco, “It’s 8-4 for K-4 in senatorial race survey,” Malaya, XXIII (Pebrero 27, 2004), p. 1.

[99] “KNP: Negative ads show KNP desperation.” Malaya, XXIII (Mayo 2, 2004), p.1.

[100] Regina Bengco, “GMA handlers say game plan is to top Erap votes,” Malaya,XXIII (Mayo 5, 2004), p.1.

 

[101] “Gloria: No Personal attacks, please,” Malaya, XXII (Pebrero 25, 2004), p. 1.

[102] Jocelyn Montemayor, “Gloria: Without Poe, debate is useless,” Malaya, XXIII (Pebrero 27, 2004), p. 1.

[103] Ang “The Buzz” ay isang showbiz program na tumatalakay sa mga balita at isyung hinaharap ng mga artista sa Pilipinas. Ito ay mapapanood sa Channel 2, ABS-CBN, 5-7 ng gabi, tuwing Linggo.

[104] Rhoel Fernandez, “Debate makes do with stand-ins,” Malaya, XXIII (Pebrero 14, 2004), p 6.

[105] Jocelyn Montemayor, “Gloria: Slums as venue OK with me,” Malaya, XXIII(Pebrero 23, 2004), p.1.

[106] Ang binanggit lamang ay iikot ang Pang. Arroyo sa mga lugar sa Metro Manila at Gitnang Luzon.

[107] Ang nilalaman nito ay: “Let no one dare substitute with one’s own the voice of the people that is also yours. Give me the humility to accept the true outcome, whether it goes for or against me, so that defeat be glorified by grace, and victory be tempered with modesty, for victory is not mine to take but Yours alone to give. Remembering the words of the Wise Man that the race is not always to the swift nor the battle to the strong, but only as You in your infinite wisdom decide.

[108] Si Francisco Dizon ang may-ari ng Dizon Farms sa Davao

[109] Ang kanyang tanggapan ay matatagpuan sa gusaling pagmamay-ari ng Unang Ginoo.

[110] Si Ramon Jacinto ay nakilala bilang isang mang-aawit sa banda. Siya ang may-ari ng DZRB o Radyo Bandido- isang istasyon ng radyo na maka-administrasyon. Malapit din siya kay Pangulong Arroyo at kay dating Pangulong Ramos.

[111] Updated Sworn Statement of Contribution and Expenditures, K4

[112] See the Appendices for more details.

[113] Ayon sa kanyang Statement of Election Contributions and Expenditures, ang kontribsyon na kanyang tinanggap ay nanggaling sa Friends of Miriam na pinamumunuan ni Gng. Marilou Jiao.

[114] Ayon sa Statement of election Contributions and Expenditures ni Senador Revilla, tanging ang partido Lakas CMD lamang ang nagbigay ng kontribusyon sa kanyang kampanya.

[115] Sa kabuuang Php 27,932,064.10 na kontribusyong natanggap ni Senador Biazon, 6,982,064.10 nito ay galing sa Liberal Party at K4.

[116] For more details, See the Appendices.

[117] For more details, see the Appendices

[118] Interview with Senator Manuel Lapid. 8 December 2004

[119] Interview with Senator Rodolfo Biazon, 23 February 2005

[120] Ang kopya ng kontrata sa pagitan ng ABS-CBN at K4 ay nasa Apendise.