Make your own free website on Tripod.com

KABANATA 1 KABANATA 3 

KABANATA II

PAGBUO NG MATATAG NA KOALISYON  

 

Webster Laureñana

Nancy Aenoh A. Cortez

 

            Ayon sa Omnibus Election Code, ang partido ay isang “grupo ng tao na nagtataguyod ng magkatulad na ideolohiya, prinsipyo at plataporma sa pamahalaan.”[1] Nariyan ang mga partidong isinususulong ang iba’t ibang ideolohiya at sa pamamaraan na sa tingin nila ay  makakatugon sa mga isyung panlipunan. Ang kanilang paninindigan sa mga pinagtatalunang paksa ay sari-sari, mula sa liberal na pananaw hanggang sa malaradikal na kaisipan o hindi kaya nagbibigay daan sa pagsasanib ng dalawa o higit pang partido patungkol sa partikular na isyu (e.g. katiwalian, kalikasan, atbp.).  Karamihan sa mga ito ay nagsimula bilang mga pagkilos, na sa paglipas ng panahon ay napagtanto ang pangangailangang makabuo ng partido na magtataguyod ng kani-kanilang ideolohiya sa mas mataas na antas. Magkakaiba man ang mga partidong naitatag, iisa lang ang kanilang hangarin, ang makuha ang pinakamataas na kapangyarihang administratibo sa kapuluan ng Pilipinas, ang panguluhan.  

Ngunit sa kasalukuyan  kung susuriing mabuti, ang sistema  ng partidong pulitikal sa Pilipinas ay masasabing, isa lamang ito pagsasanib pwersa ng mga partido para makasiguro ng panalo sa halalan, na kakikitaan ng palagiang paglipat ng katapatan sa kandidato, hindi sa isyu. Maiisisisi ito sa kawalan ng prinsipyo at pagiging oportunista ng mga pulitiko. Ang halalan dito sa bansa ay pawang labanan  ng mga personalidad at hindi ng ideolohiya o anumang programa ng partido. Hindi kataka-taka kung bakit hindi sila kinikilala ayon sa kanilang mga plataporma.

“ Ang partido pulitikal natin ay hindi na kumakatawan sa kahit ano. Magkaka-iba ang kanilang pangalan, subalit iisa lang sila. At ang mga pulitiko ay walang katapatan sa kanilang partido kundi sa kanilang sarili lamang. Para silang mga paru-paro at bubuyog na palipat-lipat sa mga bulakalak ng hardin.”(Neal Cruz, “Don’t change the Charter, We may Get a Worse One”, PDI, April 23, 2002)  

Matapos bumagsak ang rehimeng Marcos noong 1986, pinairal ng Saligang Batas ng 1987 ang multi-party system kapalit ng dati’y umiiral na two-party system. Kasabay ng paghina ng malalaking partido (KBL, LP at NP), mabilis na lumitaw ang mga bagong partido.[2] Subalit, ang lipunang Pilipino ay hindi handa sa ganitong sistema. Sa kasalukuyan, ang ilang partido pulitikal ay hindi na maitatangi sa ibang partido kung pagbabatayan ang plataporma at ideolohiya nito.

Ang pagkakaroon ng multi-party system ang nagbigay daan sa pagbuo ng mga koalisyon. Yamang binuo ang partido hindi dahil sa plataporma at ideolohiya, madaling nagkaroon ng mga koalisyon. Nagsasanib ang mga partido upang mapalakas ang mga makinakyang pampulitika ng bawat partido. Kinakailangan rin ito para sa pangmalawakang mobilisasyon at karagdagang pinansyal na kakailangan ng partido sa eleksyon. May ilang pagkakataon na binubuo ang isang partido o koalisyon upang gamitin lamang daan ng mga kandidatong tatakbo.[3]

Mariing itinataguyod ni dating Kalihim Heherson Alvarez na “ang mabuting partido pulitikal ay kinakailangang maging behikulo para sa kaunlaran. Kung ang lahat ng ating ginagawa ay pagsasamantala, lagi na lang tayong paurong.”[4]

Sa kabanatang ito, susuriin ang prosesong ng pagbuo sa koalisyong K4 at pamantayang ginamit sa pagpili ng mga kandidato. Aalamin din kung ano ang mga dahilang nakapaloob sa ginawang pagsasanib pwersa. Ito ba ay sa ideolohiya o pangpersonal na motibo lamang? Tatalakayin din kung anu-ano ang mga partidong pambansa ang bumubuo at mga lokal na kaalyado nito

 

Ang Koalisyon

            Ang bagong koalisyon na ipinalit sa People’s Power Coalition (PPC) ng administrasyon ay hindi pangkaraniwan dahil sa pagbubukas nito ng pintuan sa ilang mga taga-oposisyon. Ang hakbang na ito ay itinuturing na bahagi ng itinataguyod ni Pangulong Arroyo upang muling pagkasunduin ang oposisyon at administrasyon, matapos lumipat ang tatlong oposisyon sa kampo ng administrayon. Sinabi pa nga ni Kinatawan Allan Peter Cayetano na ang bagong alyansa ay:“highlight experience, platform, performance, principle and vision” Pinaghambing rin ni Kinatawan Cayetano ang dating koalisyon sa bagong tatag “The EDSA II coalition of PPC was formed for good government, while the 2004 coalition is based on vision and platform.”[5] Napakagandang katangian ito para sa isang koalisyon, sana hindi lang ito sa salita at kasulatan kundi maging sa totoong buhay rin.   

 Ayon kay Kinatawan Prospero Pichay ang bagong tatag na koalisyon na K4 ay binubuo ng pinagsanib na lakas ng tatlong malalaking partido, ang nasa kapangyarihang Lakas-CMD, Liberal Party (LP), ilang kasapi ng Nationalist People’s Coalition (NPC) at ilang kilalang pulitiko. Noong ika-9 lang ng Enero, 2004, pormal na sumama sa koalisyon ang People’s Reform Party (PRP) na pinamumunuan ni Senadora Miriam Defensor-Santiago, matapos pumayag ang huli na maging opisyal na kandidato sa ilalim ng partido ng administrasyon. Ayon kay Kinatawan  Benigno Aquino III, LP Vice President para sa Luzon “…because of the call towards national unity...  The issue was governance and a concrete platform against nothing.  FPJ didn’t present any platform, di ba?” Ito ang sinasabing dahilan kung bakit ibinigay ng Liberal Party ang suporta kay Pangulong Arroyo kaysa kay Fernando Poe Jr.

Nakatakdang magsumite ng kanilang kandidatura ang mga kandidato ng administrasyon na pangungunahan ng Pangulo at ng kanyang kaparehang si Senator Noli de Castro, sa ika-10 ng umaga ng Enero 5, 2004. Ngunit bago ito, magkakaroon muna ng apat na oras na prayer vigil at misa sa Manila Cathedral na susundan naman ng isang rally, kasabay ng pagpapakilala sa bagong koalisyon. [6] 

Matapos maipasa ni PGMA ang kanyang kandidatura, kasama ng 11 senador at Sen. De Castro, isang malaking pamamahayag ng mga pulitiko ang ginanap sa Plaza Roma, harapan ng Manila Catherdal. Sa harap ng halos 5,000 tagasuporta na nakasuot ng pula, dilaw, asul at puting damit, pormal na iniharap ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Koalisyon ng Karapatan at Karanasan sa Kinabukasan (K4) bilang partido na magdadala ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo. Kasabay nito, ipinakilala niya ang kanyang bise-persidente na si Noli de Castro at ang labingisang kandidato sa pagkasenador na sina Richard Gordon (Kalihim ng Turismo), Parouk Hussin (Gobernador ng ARMM), Robert Joworski (Senador), Lito Lapid (Gobernador ng Pampanga), Orlando Mercado (dating Senador at Kalihim ng Tanggulang Pambansa), John Henry Osmeña (Senador), Pia Cayetano (anak ng yumaong Senador Renato Cayetano), Rodolfo Biazon (Senador), Mar Roxas (dating Kalihim ng Department of Trade and Industry), Ramon Revilla ( Chairman ng Videogram Regulatory Board) at Robert Barbers (Senador). [7]

 “I am married to our country” ito ang pahayag na binitawan ng pangulo sa harap ng maraming tao.[8] Hiniling niya sa taong-bayan na suportahan ang kanyang bagong koalisyon upang maitaguyod ang mga pangunahing reporma sa sistemang pulitikal ng bansa, ang pagkakaroon ng isang federal-parliamentary na uri ng pamahalaan. Ito ang dahilan kung bakit lumipat si Senador Osmeña dahil sa suportang ibinigay ng administrayon sa kanyang iminumungkahing baguhin ang Saligang Batas at pagpaptupad ng pederalistang uri ng pamahalaan.  

Sa kabila ng pagkakaroon ng koalisyon, mahalagang kilalanin ang mga partidong bumubuo rito at papaano nagkaisa ang mga nabanggit na partido na dalhin si Pangulong Arroyo sa pampanguluhang halalan. Sisiyasatin din kung may ipinangako ba ang administrasyon sa bawat partido kung sakaling manalo siya sa halalan.

Pagtutuunan din ng pansin ang ilang partidong lokal na nagsulong ng kandidatura ni Pangulong Arroyo sa kani-kanilang probinsya upang palakasin ang makinaryang pampulitika ng K-4. May maikling diskasyon din ng mga partidong tumiwalag tulad ng Partido at naudlot na pagsasanib ng Lakas at KBL sa pambansang halalan.  

 Lakas-CMD

            Maari itong taluntunin noong 1992 nang naitatag ang lapiang Lakas-NUCD-UMDP. Ang Lakas-NUCD-UMDP ay ang pinagsamang partido ng Partido Lakas Tao (Lakas), National Union of Christian Democrats (NUCD) at United Muslim Democrats of the Philippines (UMDP). Sa tatlong nabanggit na partido, ang National Union of Christian Democrats (NUCD) ang pinakaunang naitatag. Nagmula ito sa Christian Social Movement ni Raul Manglapus na itinatag noong 1967 na kinalaunan ay naging kasapi ng Christian Democrats International, na kilala bilang Christian Democratic World na nakabase sa Roma. Habang nasa Estados Unidos, nagplano sina Raul Manglapus at Evelio Javier na bumuo ng oposisyon laban kay Pangulong Marcos; at pormal itong naitatag noong 1984 sa pangunguna nina Evelio Javier at Ramon Tagle. Hangad nito na makapagtatag ng isang lipunang nakabatay sa mahahalagang saligan ng katarungan at mapagkawanggawang Kristyano.[9] Taong 1987, nang narehistro ang NUCD sa Komisyon sa Halalan bilang partido. Sa pareho ring taon, ang NUCD ay nakipag-isa sa United Muslim Democrats of the Philippines (UMDP) na nagbigay daan sa koalisyon ng NUCD-UMDP. Pinagtitibay ng koalisyon na ang lahat ng gawa ng Dakilang Makapangyarihan, si Allah man o si Kristo, ay para sa kabutihan ng tao at na ang tao ay nilalang bilang tagapangasiwa ng pangkalahatang kapakinabangan.  

            Samantalang, ang Partido Lakas ng Tao (Lakas) ay naitatag matapos mabigo si Fidel Ramos na maging kandidato sa pagka-pangulo ng Laban ng Demokratikong Pilipino. Layon ng partido na makapagtatag ng isang lipunang nakabatay sa kapangyarihang ipinagkaloob ng tao at mapanatili ang paggamit ng kaisipan at batas ng walang karahasan. Noong ika-2 ng Enero 1992 ito ay pormal na itinatag, ngunit hindi ito kinilala ng Komisyon sa Halalan bilang partido dahil sa kakulangan ng kasapi sa mga lalawigan at bayan kung kaya napilitan itong umanib sa ibang partido, at natagpuan ito sa NUCD-UMDP.[10] 

Ang bagong tatag na koalisyon ang nagtaguyod sa kandidatura ni Fidel Ramos sa pambansang halalan. Matapos manalo ni Pangulong Fidel V. Ramos, iprinoklama niya ang Lakas-NUCD-UMDP bilang opisyal na partido ng administrasyon. Noong halalang 1998, sumapi ang Kabalikat ng Malayang Pilipino (KAMPI) ni Senadora Gloria Macapagal-Arroyo sa koalisyon/  Ang bagong koalisyon ang nagdala sa kandidatura nina Ispiker Jose de Venecia sa pagkapangulo at Senadora Gloria Macapagal Arroyo bilang pangalawang-pangulo. Subalit, natalo si de Venecia, dahilan upang maging minorya ang Lakas-NUCD-Kampi at pumalit ang partidong LAMMP bilang partido ng administrasyon. Nang mapatalsik si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada at palitan ni Gloria Macapagal- Arroyo sa pagka-pangulo, muling bumalik sa kapangyarihan ang Lakas.

Noong halalang 2001 pansamantalang “binuwag” ang partidong Kampi at ibinalik ang dating pangalang Lakas-NUCD-UMDP. Bilang paghahanda sa halalan, pinangunahan nito ang pagbuo sa isang panibagong koalisyon, ang People’s Power Coalition (PPC). Kasabay nito, binago at pinaikli ang pangalan ng Lakas-NUCD-UMDP, at ginawang Lakas-Christian Muslim Democrat o Lakas CMD.[11] Nagbago man ang pangalan nito ng ilang beses, nakapaloob pa rin ang mga adhikaing isinusulong ng partido tulad ng pagkakaisa ng mga muslim at kristyano. Ang pamunuan at mga kasapi ng partido ay nanatili.

Mayoriya ng mga mambabatas sa Kongreso ay kasapi ng partidong Lakas-CMD. Ang Lakas-CMD, bilang pinakapuno ng koalisyon ang nanguna sa pagtatag dito. Subalit, hindi lahat ng miyembro ang lubusang sumuporta sa kandidatura ni Pangulong Arroyo. May ilang kinatawan ang naglahad ng kanilang suporta sa ibang kandidato sa pagkapangulo.

Tinatayang aabot sa 90 lokal na opisyal, kinabibilangan ng mga mambabatas, gobernador at alkalde ang nagpahayag ng pagsuporta sa kandidato ng oposisyon na si Fernando Poe. Sa pulong na ginanap sa Club Filipino sa San Juan, Metro Manila, napagkasunduan ng ilang lokal na opisyal na mula sa mga partidong bumubuo sa koalisyon (Lakas-Christian Muslim Democrats, Nationalist People's Coalition at Liberal Party) na mas malaki ang pag-asa nilang manalo kung lilipat sila sa oposisyon.

Ang mga mambabatas na nagsidalo sa nasabing pagpupulong ay kinabibilangan nina Alfredo Marañon (Negros Occidental), Francis Escudero (Sorsogon), Jack Duavit (Rizal), Emilio Macias (Negros Oriental), Darlene Custodio-Antonino (Timog Cotabato), Arthur "Dodo" Pinggoy Jr. (Timog Cotabato), Enrico Echeverri (Lungsod ng Caloocan City), Chuck Mathay (Lungsod ng Quezon), Joey Hizon (Manila), Jose Apolinario Lozada[12] (Negros Occidental), Gregorio Ipong (Hilagang Cotabato), Perpetuo Ylagan (Romblon), Jose Solis (Sorsogon) and Harlin Abayon (Hilagang Samar).[13]

Sa kabila ng paglipat ng ilang kasapi ng koalisyong K4 sa oposisyon, may ilan namang kasapi ng partidong Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) ng oposisyon ang maagang nagbigay ng kanilang suporta kay Pangulong Arroyo. Kinabibilangan ito ni Constantino Jaraula, Kinatawan ng Cagayan de Oro[14]

Ang ganitong paglilipat lipat ng partido ng mga kandidato o balimbingan ika nga ay hindi na kaiba tuwing halalan sa Pilipinas. Sa pananaw ni Senador Franklin Drilon ang nangyayari ay “kabaliktaran sa propaganda ng oposisyon, baliktad ang nangyayayri. Nagiging malinaw na mas maraming lokal na mga pinuno ang lulilipat sa K-4 ng administrasyon na may maganda at subok ng plataporma.” [15]

Nationalist People’s Coalition

            Sa pambansang halalan noong 1992, nagsanib pwersa ang Partido ng Masang Pilipino ni Joseph Estrada at Partido Pilipino ni Danding Cojuangco, pinangalanan nila itong Nationalist People’s Coalition  o NPC. Ang NPC ay opisyal na naiproklama noong ika-5 ng Pebrero 1992 sa University of Life Auditorium (ULTRA), na tataguyod sakandidatura nina Danding Cojuanco sa pagkapangulo at Joseph Estrada bilang Pangalawang pangulo.[16]

            Matatandaan na ang NPC ay dating kasapi ng koalisyong Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP) kasama ng Partido ng Masang Pilipino ni dating Pangulong Joseph Estrada at Laban ng Demokratikong Pilipino sa pamumuno ni Senator Edgardo Angara, na binuo noong 1998 bilang nagkakaisang oposisyon at partidong magdadala sa kandidatura ni Joseph Estrada sa pagkapangulo.

            Nang mpatalsik si Estrada sa kpangyarihan kumalas sa koalisyon ng LAMMP ang NPC.at pumanig ito sa administrasyon para paghandaan ang nalalapit na halalan noong Mayo 2001. Kasama ng iba pang partido, binuo nila ang koalisyong People Power Coalition (PPC). Pumapangalawa ang NPC sa may pinakamaraming kinatawan sa Kongreso, sumusunod lamang sa Lakas CMD

Naging malaking hamon sa koalisyon ng Lakas-CMD at NPC ang isinampang kasong administratibo laban kay Chief Justice Hilario Davide Jr. Ang nasabing impeachment complain ay pinasinayaan  ng NPC samantalang pilit na hinaharang naman ito ng mga mambabatas ng Lakas-CMD.

            “Ang pasya kung mananatili o titiwalag sa koalisyon ay nakadepende sa daang gustong tahakin ng partido sa taong 2004. Kung tatakbo si Danding sa pagka-pangulo, walang mabubuong koalisyon sa pagitan ng NPC at Lakas-CMD.” ayon kay Francis Escudero.[17]

Nang magdesisyon si Danding Cojuanco na huwag nang tumakbo sa pagkapangulo, lalong lumaki ang pag-asa na mananatili ang koalisyon. Upang ipakita ang katapatan sa koalisyon, naglunsad na isang caucus ang  partido noong Nobyembre 13, 2003, sa kabila ng pagkakaroon ng lamat sa relasyon dulot ng kaso ni Davide.[18] Napagpasyahan na panatilihin ang koalisyon ng dalawang partido. “May mas malaking bagay na dapat harapin, ang pampanguluhan sa 2004.” ayon kay Ispeker Jose de Venecia.[19] Kakailanganin ng Lakas ang mga lugar na nasa ilalim ng NPC upang masigurado ang boto. Sa 80 gobernador sa bansa, 20 ang kapartido ng NPC, 58 naman sa mababang kapulungan.

People’s Reform Party

Ang People’s Reform Party (PRP) ay nagsimula bilang isang non-government organization (NGO) , ang Movement for Responsible Public Service o MOVERS. Itinatag ito noong 1990 nina Mirriam Defensor-Santiago bilang pangulo, dating Senador Ambrosio Padilla bilang Tagapangulo ng Kapisanan ng mga Direktor, Maribel Ongpin bilang pangalawang pangulo, at Jacinto Gavino at Belen Abreu bilang mga tagapayo. Subalit, bago pa man ito naitatag, nakilala na si Miriam Defensor Santiagobilang isang masigasig na kumakampanya laban sa katiwalian sa pamahalaan. Si Miriam Santiago mismo ang nagpasyang palitan ang MOVERS ng  People’s Reform Party noong ika-18 ng Marso 1991 sa Lungsod ng Quezon. Itinatag ang partido para dalhin ang kanyang kandidatura sa pampanguluhang halalan  noong 1992. Napagtanto niya na ang tanging paraan upang baguhin ang sistema ay pagkakaroon ng katungkulan sa pamahalaan. At ang pinakamabisang paraan ay hindi ang pagiging Hukom o Senador o Ispeker ng Camara de Representatantes bagkus ang maging pangulo ng Pilipinas. Binigyang-diin ni Santiago na “ang talagang suliranin ng Pilipinas bilang umuunlad na estado ay hindi kahirapan bagkus ay  katiwalian. Ang bansa ay hindi tiwali dahil sa ito ay mahirap, sa kabaliktaran, ang bansa ay mahirap dahil sa ito ay tiwali.” [20]

Noong pangasiwaan  ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada, ang kanyang PRP ay nakipag-isa sa Laban ng Masang Pilipino (LAMP), at naging isa siya sa mga tagapayo ng pangulo sa mga isyu patungkol sa legalidad at konstitusyonal. Ayon sa kanya, ang pinakadahilan ng pagsanib sa pangasiwaan  ni Estrada ay ang kampanya rin nito laban sa kaliwalian. Matatandaan rin na isa siya sa labing-isang senador na tumutol sa pagbubukas ng kontrobersyal na pangalawang sobre sa impeachment trial ng Pangulo.

Lubhang napakadaling magpalit ng damit ni Senadora Miriam Santiago, noong ika-9 ng Enero, kumalas si Santiago sa oposisyon at opisyal na sumapi sa koalisyong K4 ang kanyang partido, ang PRP, kasama ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), Liberal Party at ilang kasapi ng NPC. Siya ang ika-12 kandidato  sa pagkasenador sa ng koalisyon ng administrasyon kapalit ni Kalihim Heherson Alvarez. 

Sa ginanap na seremonya sa Anabel Restaurant sa Lungsod ng Quezon, nagpalitan ng halik sina Senadora Santiago at Pangulong Arroyo, sabay nagwika ang Senadora na ang Pangulo ay “truly a woman of destiny”, habang pinupuri niya na walang sinuman ang nakapagpabuti sa bansa sa loob lamang ng talong taon.[21] Ibang-iba ito sa kanyang pinahayag sa medya, tatlong taon na ang nakakaraan, kung saan natutuwa niyang ibinibida na ang magiging manok ng oposisyon sa pampanguluhang halalan ay si Fernando Poe Jr. Ayon pa sa kanya, ang labanan sa pagka-pangulo ay sa pagitan lamang ni “Ang Panday at ang Pandak”

Noong ika-9 ng Enero 2005 nilagdaan” nina Ispiker Jose De Venecia, pangulo ng Lakas-CMD, Senador Franklin Drilon, pangulo ng Liberal Party at ni Esperanza Cabral, pangulo ng PRP ang Covenant of Unity ng K4. Isang kasunduan ng pagtutulungan at pagsuporta sa kandidatura ni Pangulong Arroyo. Inilarawan ng Senadora na hakbanging ito ay “in the words of the poet, that mission is to seek, to fight, and not to yield.”[22] 

Ang pagsapi ni Senadora Santiago sa koalisyon ay nakatanggap ng magkaibang reaksyon mula sa loob at labas ng koalisyon. Ayon kay Kinatawan Rodolfo Albano ng Isabela “the inclusion of an oppositionist like Miriam fulfills the reconciliation.”[23] Bahagi ng tinatawag na “reconciliation” ang pagtanggap at pagsali sa ilang oposisyon para patunayan na wala ng hidwaan at hindi dapat nagkakahati-hati ang mga mambabatas bagkus ay dapat silang magkakaisa. Malaking tulong si Sen. Santiago dahil sa kanyang reputasyon nsa pagiging mahusay na mambabatas. Ayon  sa Pangulo, “Miriam is a good lawyer and people listen to her.” Subalit, hindi maiwasan ang pagtutol ng ilang kasapi ng Lakas-CMD dahil kung bmagbabalik-tanaw sa nakaraan, palagiang binabatikos ng Senadora ang administrayon bago ito napabilang sa administrasyon. Sariwa pa rin sa isipan ng mga tao ang partisipasyong ginawa ng senadora noong EDSA tres kung saan sinanasabing ang senadora ang nag-utos na sugurin ang Malacañang. Mahirap man pero kailangang tanggapin ng mga umaayaw kay Sen. Santiago na kasapi na ito ng administrasyon.  

Binigyang linaw ng Senadora na wala siyang binitawang pangako sa koalisyon na mananatili siya sa administrasyon hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Natatandaan niya na bago ang halalan, personal silang nagka-usap ni Pangulong Arroyo sa bahay nito sa La Vista Subdivision at dito niya nilinaw na tumatakbo siya sa ilalim ng sariling partido.

Sa pagkakaalam ng Senadora, "Hiniling ko na kilalanin ako bilang miyembro ng koalisyon dahil sa aking kakayahan bilang pangulo ng PRP. Sumang-ayon si Gng. Arroyo. Subalit walang akong ipinangako. Kasunduan lang naman iyon tungkol sa kampanya na sasama ako sa kanyang hanay.” [24]Ang mga ganitong pahayag ay indikasyon na hindi malayong mabuwag ang koalisyon. Una, walang malalimang relasyon ang nabuo sa pagitan ng pangulo at senadora, bago at habang nasa koalisyon. Pangalawa, karaniwan na sa mga pulitiko ang pagtawid sa magkabilang panig, mula oposisyon papuntang administrasyon o ang kabaliktaran. At ang panghuli, sa sistema ng ating pulitika, istratehiyang magpapanatili sa partido, tulad ng pagsanib sa ibang partido.   

Liberal Party  

 

            Sa kasaysayan ng mga partido, pumapangalawa ang Liberal Party sa pinakamatagal, sumusunod lamang sa Nacionalista Party. Ang Liberal ay nagsimula bilang isang na pangkat ng Nacionalista noong halalang 1946, kung kaya ang kilala nating Liberal Party sa kasalukuyan ay nag-ugat sa Partido Nacionalista na nabuo noong 1907.[25]

            Noong 1946, tatlong partido ang naglaban-laban sa pampanguluhang halalan: ang Nacionalista – Conservative Wing ni Sergio Osmeña, ang Nacionalista- Liberal Wing ni Manuel Roxas at Partido Modernista ni Hilario Moncado. Nanalo si Roxas sa halalan at napaupo ang 11 senador at 68 kinatawan sa Mababang Kapulungan.[26] Ito ang simula ng pamamayagpag ng Partido Liberal. Mula 1946 hanggang 1972 ang pulitika ay kakikitaan ng dinamikong takbo. Pinagpalit-palitan ng dalawang malakas na partido ang pamumuno ng bansa.

Napanatili at patuloy na naitaguyod nito ang mga adhikain ng liberal sa kabila ng magulong pulitika ng bansa. At ngayon, nahaharap naman ang partido sa isang hamon, ang pagpili ng kandidatong susuportahan sa eleksyon 2004. . Hindi tulad ng ilang partido, ang Partido Liberal ay bukas, may partisipasyon ng miyembro at isinasanguni, sa madaling salita, talagang liberal.

 Naging mahirap ang ginagawang pagpili sa posibleng kandidatong susuportahan ng  kandidato. Lahat ng kandidato sa pagkapangulo ay  humarap sa partido at naglahad ng kanya-kanyang plataporma. Masusing tiningnan ang mga platapormang ng bawat kandidato, sinusuri kung umaayon ito sa mga prinsipyong liberal. Sa ginawang pakikipagharap kay Fernando Poe Jr., walang nakitang kongkretong plataporma ang mga mambabatas ng Partido Liberal. Inilarawan pa nga ni Kinatawan Benigno Aquino, III:

 “…my partymates who were there were looking for more meat to some of the aspirations of Mr. Fernando Poe and they felt medyo lacking yung meat.  Kasi madaling magsabi yung aayusin nating yung ekonomiya, aayusin natin agrikultura, ano ba ang problema?”[27] 

 

Mas nilinaw ni Usec. Gascon ang mga pagpupulong na ginanap sa mga kandidato, kung ano ang hinahanap nila sa isang kandidato at kung ano ang naging puna ng partido sa mga inihaing plataporma ng lahat ng kandidato:

“The leadership was mandated to conduct a series of meetings and there were big meetings and small meetings with all the presidential candidates. I believe the first that they met with was President Arroyo, and then I believe they met with Roco, with FPJ, Lacson, Eddie Villanueva. So all of these presidentiable, between the period of October and early December, sat down to a minimum of seven to as many as thirty of party leaders. There was an exchange of views from different topics under the sun but particularly focusing on the Liberal agenda, what the LP wanted to achieve and how these candidates receptive to those ideas….Now, there were many considerations, in fact, you would say that platform of government of many of these presidentiables were similar to each other. So it was really a question of preference, win ability, and sabihin na natin participation of the party.”[28]

Pinag-aralang mabuti kung sino sa mga kandidato sa pagkapangulo ang pinakamalapit sa kanilang mga programang itinataguyod. At nakita nila ito sa mga plataporma ng pangulo.  Sa huli, ang komite na pinamumunuan ni Senador Drilon ay gumawa ng panukala sa National Executive Council na ibigay ng partido ang suporta kay Pangulong Arroyo. Ipinaliwanag ni Kinatawan Benigno “Noynoy” Aquino, III kung paano nagdesisyon ang Liberal party na suportahan ang panguluhan ni Pangulong Arroyo at sumapi sa koalisyon:

….First of all, most of us here in the house, in the party, when the question of impeachment of Pres. Estrada came about, most of us were in favor of impeaching the president.  That is the pre-text of the context wherein we were supporting GMA, at that point in time.  So after EDSA 2, constitutional succession, kaysa labo-labo.  Tapos, we felt there was a moral imperative on us to help her make a success of her term coz we were also part of the body that brought her into power. So para bang minungkahi namin to, meron kaming obligasyon na maniguradong tama iyong iminungkahi namin.  So dun nagmula yung we were part of the coalition that brought her into power, we maintain that support to her.  Ngayon, until the end of that particular term, edi 2004.  Pagdating ng 2004 naman, parang kinausap naming this four candidates—Ping Lacson, FPJ, Raul Roco, and GMA.  And in this consultations with them, we found the closest to our own policies, our own programs, our own agenda, e si GMA, for various reasons, that’s why the party decided to support her before the 2004 elections.”[29]

Nilinaw din ni Usec. Gascon ang dahilan kung bakit binuo ang isang koalisyon:

            “….ang pagsasama-sama o pagsasanib nitong mga partido sa nakaraang eleksyon sa ilalim ng K4 ay hindi dahil sa iisang ideolohiya kasi iba-iba ng ang ideolohiya namin. Iba ang ideolohiyang Liberal sa ideolohiyang Christian Democratic…. So the reason why these parties came together was primarily for a common objective, which was, as all political is engage in, be in quest for political powers. And the common objective of achieving political power meant under the circumstances of the 2004 political landscape a necessity for them to coalesce together to built, to bring their forces together to mobilize the public around their coalition, as against the opposition coalition...It was one, primarily, a tactical effort to combine forces to achieving victory and to agree to a common program or platform of government because despite of the differences in ideology, we can still come to a common platform of things that need to be done for thedevelopment of the country. Which is what ultimately lead groups to come together..” [30]

 

Ang desisyong suportahan si Pangulong Arroyo, sa katunayan, ay nasa likod na ng isipan ng mga mambabatas ng LP, sa kadahilanang tanging ang pangulo lang ang may direksyon, edukasyon at kakayahang tugunan ang komplikadong suliranin ng bansa.  Minarapat nilang maglunsad ng pagpupulong sa ibang kandidato upang silipin kung mayroong panibagong ideyang maipepresenta ang ilang kandidato. Ngunit, nabigo sila.   “Pinatutunayan nito na mas gusto ng liderato ng LP ang karanasan maging ang plataporma sa pamahalaan kaysa sa personalidad, kasikatan at mga pangako.” Heneral Eli Quinto, Pangkalahatang Director ng LP.

Ang kahalagahan ng Partido Liberal sa kampanya ni Pangulong Arroyo, ay pinaliwanag ni Ginoong Michael Defensor, opisyal na tagapagsalita ni Gng. Arroyo:

 “ The LP [ would be ] of great value to the president because it is part of the coalition in congress and she wants to continue this alliance through at term.”[31] 

 

Kung kaya’t nagtungo si Pangulong Arroyo sa tahanan ni Senate President Franklin Drilon, Pangulong Partido Liberal, upang iprisenta ang kanyang mga programa at makuha ang kanilang suporta sa kanyang kandidatura 

Ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL)

Kaakibat sa posibleng pagtakbo ni Kinatawan  Imee Marcos sa Senado ay  ang pagsasanib pwersa ng kanyang partido, ang Kilusang Bagong Lipunan o  KBL sa Lakas CMD. Sa isinagawang pagpupulong at konsultasyon ng pamilya Marcos, kasama si Gng. Imelda Marcos, napagdesisyunan na ipagpatuloy ni Imee ang kanyang balak na pagtakbo sa Senado. Sa kabila ng naunang pahayag ni Imee na gusto niyang mapabilang sa Hanay ng KNP, nagdalawang isip siya matapos konsultahin ang kanyang butihing ina. Ayaw ni Ginang Imelda Marcos na mapabilang ang kanyang anak sa hanay ng mga itinuturing niyang “traydor” tulad ni Enrile.[32] Matatandaan na isa si Enrile sa mga nanguna upang patalsikin si dating Pangulong Ferdinand Marcos. Sa bandang huli, ipinasya ni Imee na tumakbo na lang muli sa Kongreso para sa kanyang huling termino dahilan upang maudlot ang posible sanang pagsapi ng KBL sa K4.[33]

Mga Partidong Kumalas sa Administrasyon

May ilang mga partido ang kumalas sa koalisyon dahil sa pagkakasalungat ng mga prinsipyong isinusulong at kandidatong susuportahan. Kumalas ang Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) ni Kalihim  Norberto Gonzales bagama’t sinusuportahan pa rin niya ang Pangulo: "Susuportahan pa rin namin si Presidente Arroyo. Subalit, hindi ang kanyang kapareha (Senador Noli de Castro). Mas malaki ang posibilidad na kay Senator Loren Legarda kami. Kasama ikakampanya rin namin ang walong senador, pito mula sa tiket ni GMA at si Heherson Alvarez.” [34]

Kumalas noong Oktubre  2003  ang partidong Reporma ni dating Kalihim Renato de Villa sa koalisyong PPC. Ayon kay  Gobernador Hermilando Mandanas ng Batangas[35], Pangkalahatang Kalihim, ang partido ay susuporta sa kandidatura ni Roco. Kasamang umalis sa PPC ang Promdi ni Lito Osmeña, na mas maagang  nagpahayag ng pagsasanib sa Aksyon Demokratiko ni Raul Roco. Subalit, ang hakbang na ito ay minaliit lamang ng Malacañang.

Mga Partidong Lokal

            Upang mapatatag ang kampanya at makasiguro ng malaking bilang ng boto, kinakailangang magkaroon ang administrasyon ng mga kaalyadong partidong lokal para mapalakas ang makinarya pampulitikal ng K4.   Tulad ng nasabi ni Usec. Gascon “…sa isang kampanya kailangan kasi meron kang poste sa baba.” May ilang partido na dati nang kaalyado ng Lakas-CMD o hindi kaya kaalyado ng pambansang partido na kasapi sa koalition, ang iba naman ay masusing pinag-aralan muna ang kalalabasan ng posisbleng pagsanib. Babanggitin ng mananaliksik ang ilang partidong lokal na nagbigay ang kanilang suporta sa kandidatuta ng K4, lalo na kay Pangulong Arroyo.

Balane: Nueva Ecija

Malaking suporta ang natanggap ni Pangulong Gloria lalo sa mga lalawigan at bayan kung saan malakas ang mga kaalyado nitong partido. Isa na rito ang Bagong Lakas ng Nueva Ecija (Balane) na dominanteng partido sa Lungsod ng Cabanatuan . Ayon kay Gobernador Tomas Joson III, tagapangulo ng partido handa silang sumuporta sa kandidatura ni Pangulong Gloria sa halalang 2004.

Ang Balane ay itinatag noong 1987 ni Eduardo Joson, yumaong ama ng kasalukuyang gobernador, na nanungkulan bilang gobernador sa probinsya ng Nueva Ecija ng halos 30 taon. Mula pa nang tumakbo si Cojuanco noong 1992 eleksyon kaalyado ng Balane ang NPC, na kung saan ay kaalyado naman ng partido Lakas-Christian Muslim Democrats.[36]   

Nakabatay ang suporta na ito sa magiging  desisyon ng NPC, lalo na ang posibleng sanang pagtakbo ni Eduardo “Danding” Cojuangco. Sa ganitong mga pagkakataon, nakabatay ang ugnayan ng Lakas-CMD atng  local na partido sa NPC. Patunay lang na mahalaga ang NPC sa pagkalap ng botong magpapanalo kay PGMA. Nang nagdesisyon si Cojuangco na huwag tumakbo sa pagka-pangulo, sinuportahan ng partido ang kandidatura ni Pangulong Arroyo.

Lingap Lugod Capampangan

Lingap Lugod, partido pulitika ng Pampanga, ang opisyal na nagdala ng kandidatura ni Senador Manuel “Lito” Lapid noong siya ay tumakbo sa pagkagobernador ng nasabing probinsya. Matagal na itong kaalyado ng Lakas-CMD, noon pang panahon na nasalanta ng lahar ang buong Pampanga. Ipinaliwanag ni Senador Lapid kung papaano siya napabilang sa partidong Lakas-CMD:

 

Wala naman kasi naiintindihan naman niya dahil nangyari na iyan nung kay Erap e. Di ba humiwalay din ako? Puro utang na loob. Dahil nga kay FVR, pinutukan kami ng Pinatubo e. Binigyan kami ng resettlement, Mega Dike, lahat ng kalsada, lahat ng ano. Naibangon yung Pampanga. Nung si Fvr, pinalipat niya ako sa LAKAS, naiwan si Erap. Kaya nung pagtakbo ni Erap sa presidente, hindi kami magkasama. Dahil sa utang na loob bilang gobernador – bilang pagseserbisyo sa bayan. Hiniwalay ko yung personal relation of kaibigan..”

             

Makikitang, may pagdadalawang-isip pa rin siya sa pagiging kasapi ng Lakas-CMD. Kalagayang mahirap labasan para sa isang pulitiko, bagay na pagkahati ng iyong suporta sanhi ng posisyon sa lipunan. Ngunit, dahil sa pagkakapili sa kanya na mapabilang sa hanay ng mga kandidato sa pagkasendor, lalong lumakas ang pag-asa na makukuha ng pangulo ang boto ng mga nakararaming Kapangpangan na humigit kumulang sa dalawang milyon.

Timpuyog Ti Baguio

            Habang nagkakaroon ng kaguluhan sa panig ng oposisyon sanhi ng pagkakaroon ng dalawang kandidato sa iisang posisyon, , sinamantala ng lokal na opisyal ng Lakas-CMD, sa pamumuno ni Kinatawan Mauricio Domogan, ang pagkakataon upang mapalakas ang kandidatura ni Pangulong Arroyo sa Cordillera sa pamamagitan ng Timpuyog Ti Baguio.

              Ang Timpuyog Ti Baguio ay isang sa mga lokal na partido sa Baguio . Isinalaysay ni Rep. Mauricio Domogan kung ano talaga ang Timpuyog Ti Baguio at kahulugan nito:

“…yung Timpuyog Ti Baguio is just a coalition of the local candidates with the, more or less, similar objectives and principles, as well as programs of government which jive with the programs also and party platform of LAKAS.  We call it Timpuyog Ti Baguio as opposed sa aming sariling wika parang it also keeps our purpose in the local politics.Well of course, good governance, performance vis a vis  politics, that is plain and simple the basic principle and aim of Timpuyog Ti Baguio…[37]

           

Maraming proseso at salik ang dapat isaalang-alang ng isang lokal na partido ito bago pumasok sa isang kasunduan na pagbuo ng koalisyon. Ang pagsuporta sa isang kandidato ay kailangang dumaan muna sa proseso kung saan pinagpapasyahan ng partido kung sino ang opisyal na susuportahang kandidato sa pambansang halalalan. Ganito rin daw ang hakbang na ginawa ng Timpuyog Ti Baguio bago tuluyang ikinampanya ang pangulo

“Of course we did conduct our own consultations with our members.  In my case talagang dati naman tayong supporter ni GMA, when she ran for senator, for Vice President, and of course, this latest elections, but it’s not because I’m a die-hard follower of and supporter of the president that automatically, as head of the Timpuyog group, I will dictate na siya ang susuportahan, it’s a process that the group must discuss and consult all its members bago magdecide and I was so happy na unanimous naman yung grupo for us to rally behind the candidacy of the president, the vice president and most of the senatorial…but we started campaigning because of our belief na she can lead really the country for a bitter (better) future so we did campaign hard for the administration ticket.”[38] 

 

 

            Bago buuin ang isang koalisyon, lalo na sa lokal, mahalagang alamin muna ang lawak ng nasasakupan ng partikular na partido. Sadyang napakahalaga ng bilang at suportang natatanggap mula sa mga nasasakupan nito dahil ito ang makapagpapanalo sa isang iniindorsong kandidato. Sa panayam kay Kinatawan Mauricio Domogan, ipinakita niya kung gaano kalakas ang partido sa Baguio :

 Well, you know, I am happy to say na yung support ng aming coalition came from different sectors of society.  We have the senior citizens, you have the middle-aged, kung edad ang pag-uusapan natin, and then the youth….Kung ianalyze mo yung support from the senior citizen, middle-aged and then sa youth so medyo may kasama kami na mahina on certain aspects. Now, on the religious institution, ganun din. While generally, supportive majority ng mga religious sectors have been supportive to us…[39]

 

UGYON

            Upang lalong mapa-igting ang kampanya sa mga probinsya, partikular na sa  Visayas, ipinanukala ni Ignacio “Iggy” Arroyo, Tagapangulo ng Lakas-CMD sa Negros , na isulong ang pagbuo ng koalisyon ng Lakas-CMD at partidong Ugyon. Ang Ugyon ay itinatag nina Senador Franklin Drilon at Gobernador Niel Tupas Sr. Setyembre 2003 pa lang inaayos na nina Iggy” Arroyo, Gobernador Tupas at Arthur Defensor, kinatawan ng ikatlong distrito ng Iloilo ang pagsasanib pwersa. Sinabi ni Gobernador Tupas na kanya munang  kokunsultahin ang lokal na lider bago tuluyang suportahan si Pangulong Gloria o alin mang kandidato. At noong ika-9 ng Oktubre sa ton ding yun, pormal na ipihayag ni Gobernador Tupas na susuportahan ng lahat na kasapi ng partido ang kampanya ni Pangulong Arroyo.[40] 

Ang ginawang pagsanib ng Liberal sa koalisyon ay malaking bentahe. Ang Iloilo ay balwarte ng mga Liberal dahil dito nagmula ang kanilang tagapagtatag na si dating panguong Manuel Roxas. Kahit na nahaharap ang koalisyon sa isang krisis, ang tunggalian sa pagitan nina Oscar Garin, Kinatawan ng unang distrito ng Iloilo (Lakas) at Gobernador Tupas (LP) sa kung sino ang magiging opisyal na kandidato ng K4, siniguro pa rin ng dalawang kandidato na buo pa rin ang suporta nila sa koalisyon.  Sa pagkakataong ito, nakakasiguro ang pangulo ng malaking bilang ng boto kumpara sa alin mang kalabang kandidato.

Sa Cebu, sinuportahan naman si Pangulong Arroyo ng partidong Alayon ni Kinatawan Eduardo Gullas at ng Bando Osmeña-Pundok Kauswagan ni Tomas Osmeña ng Lungsod ng Cebu

Ang Running-Mate

 

   Paano nga napili ang magiging running mate ni Pangulong Arroyo?

 

  Mayroong mangilan-ngilang mga pangalang pinalitaw ang administrasyon na maaring maging running-mate ni Pangulong Arroyo upang pulsuhan ang soloobin ng mga tao. Sa isang pahayag ni G. Defensor, kinilala  niya ang mga pinagpipilian ng  Pangulo na maari niyang maging running-mate sa darating na halalan. Sila ay sina Sen. Robert Barbers, Sen. Noli De Castro, Senate President Franklin Drilon, MMDA Chairman Bayani Fernando, Tourism Sec. Dick Gordon, Trade Sec. Manuel Roxas at Opposition Senator aquiline Pimentel, Jr.

    Si Senador Barbers ay nauna ng nagpahayag ng kanyang interes na tumakbo sa pagka Bise-Presidente ni Pangulong Arroyo. Kumpyansa si Senador Barbers na siya ang mapili siya ng pangulo.

   Ngunit hindi naging madali para kay Pangulong Arroyo na pumili ng kanyang magiging running mate. Ang matagal na pagdedesisyon ng Pangulo  ay ikinainip ni Senador Barbers na nagpahayag ng kanyang posibleng pagsanib sa kampo ni dating Senador Raul Roco “Kung ayaw niya, ayaw ko na rin”[41]

Kanyang pagpapatuloy:

So if the president would not pick me as a running mate inspite of the anonymous endorsement of the party last October, I would’nt insist, it’s so self-serving.“[42]

 

Mistulang pagbabanta ang pahayag na ito ni Senador Barbers. Sa kabilang banda kanyang niliwanag na tapat pa rin siya sa kanyang partido, ang  Lakas-CMD:“As a loyal party man he would remain most committal at this point to preserve unity of the party.”[43]

 

     Tinanggap naman ni Senate President Franklin Drilon ang ideya ng posible niyang pagtakbo sa pagka- pangalawang pangulo at  kanya ring dinagdag na dapat pagbatayan ng  mga partido pulitikal ang kwalipikasyon at hindi sa popularidad lamang ng isang kandidato para sa pagka pangalawang pangulo.[44] Kinalaunan itinanggi na niya na siya’y tatakbo sa pagka-bise presidente.

     Si Kalihim Richard Gordon (Turismo) ay nagpahayag din ng interes sa pagtakbo bilang running mate ni Pangulong Arroyo:

“…si President Arroyo kinausap ko kasi gusto ko sanang tumakbo as your Vice President…”[45]

 

            Dagdag pa niya:

So kinukuha ako noong araw nila Senator Lacson… pero I decided na tatakbo na lang akong senador matagal na kong kinukulit ng mga taong tumakbong Senador.  Yung iba ayaw e…kinausap ko si Archbishop Lawin nang tumawag siya si Presidente Gloria nag-uusap kami ni Archbishop Lawin, tumatakbo akong Vice President.  Si Lacson na lang ang natitirang nagpipilit e, so sabi niya so don na lang yung anuhin mo, don na lang tatakbo na lang kong Vice President ni Lacson.”[46]

 

 

Hindi nagging madali sa naturang Kalihim na magdesisyon kung sa anong posisyon siya tatakbo at sa kung saaang tiket siya sasali.  Nang lumaon, nagpasya na lang din siyang tumakbo sa pagka-Senador sa ilalim ng tiket ng Administrasyon.

     Isa pang pinagpilian na running mate ni Pangulong Arroyo ay ang isa pang Presidentiable na si dating- kalihim ng Departamento ng Edukasyon na si Raul Roco.  Ito ay matapos iminungkahi nina Senador Francis Pangilinan at Rep. Noynoy Aquino ng partido Liberal, ang ‘GMA- Roco team up’.  Ayon kay senador Pangilinan:“ The president said she was open to it”[47]

Sa kabilang banda, pagtanggi naman ang sinagot ni dating- kalihim Raul Roco sa ,mungkahi ng ibang kasapi ng partido Liberal  Sa panayam sa kanya sa DZRH, kanyang ipinahayag:“ That’s politically impossible.”[48]

     Ipinaliwanag ni G. Roco na ang gusto ng taong bayan sa ngayon ay ang pagpapalit ng administrasyon,“ The only question in the people’s minds is where to replace it with.”[49]

     Ikinagalit naman ng ilang kinatawan ng lakas- CMD, tulad nina Exequiel Javier ng Antique, Augusto Syjuco ng Ilo- Ilo, Aurelio Umali ng Nueva Ecija at Wilhelmino Sy- Ararako ng Bulacan, ang nasabing desisyon ni G. Roco, kasabay nito ay ang paghimok kay G. Roco na suriing mabuti ang desisyon pagkat mahina ang posibilidad niyang manalo:

Roco’s rejection has an act of arrogance saying that he should make a ‘reality check’ because he has no chance at all against the President.”[50]

 

     Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nilapitan siya ng mga taga- administrasyon upang tumakbo bilang Bise-Presidente ng pangulo.  Ayon pa kay G. Roco, ilang kinatawan ng Administrasyon ang lumapit sa kanya upang himukin siyang maging ‘running mate’ ni pangulong Arroyo mula pa noong Oktubre.

     Nagpatuloy pa rin ang Administrasyon na himukin si dating-Kalihim Roco na isang- tabi ang kanyang pagtakbo sa pagka- pangulo at bigyang daan si Pang. Arroyo.  Mismong si Executive Secretary Alberto Romulo ang lumapit kay G. Renato de Villa, dating Executive secretary ng pangulo na nagbitiw sa tungkulin para suportahan si G. Roco, ngunit ito’y nabigo nabigo.  Ang patuloy na paghimok ng koalisyon kay G. Roco ay dulot ng paniniwala ng palasyo na hangga’t walang GMA- Roco team- up.  Maari silang parehong matalo sapagkat mahahati lamang ang kanilang boto.[51] 

      Nanawagan din Gng. Teresita Baltazar[52] kay G. Roco na tularan si dating- Bise Presidente Laurel na nagsakripisyo ng kanyang hangad na tumakbo  sa pagkapanalo upang bigyang daan si dating- Pangulong Corazon Aquino sa halalang isnap noong 1986.[53]

Sa pagitan ng mga ‘running mate’ ni Pangulong Arroyo, hindi maikakailang ang pangalan ni Noli de Catro ang pinakamatunog sa lahat.  Nagsisilbing patunay dito ang mga surveys na nagpapakita ng kalamangan ng senador laban sa mga iba pang mga kandidato sa pagkapangulo at ikalawang pangulo. 

    Batay mga surveys, bago pa man dineklara ng Administrasyon ang ‘running mate’ ni Pangulong Arroyo maliwanag ang kalamangan ni de Castro.  Ilan sa resulta ng mga surveys na ito ay ang mga suusunod:

     Noong Hunyo 27, 2003, ipinapakita sa survey  ng Social Weather Station (SWS), ang pangunguna ni de Castro sa mga Presidentiables at Vice Presidentiables:

“ On 1st public report of the survey in the presidential race, released on June 27, revealed that Noli de Castro leads slightly with 22%, followed by Raul Roco 19%, FPJ 16%, GMA 15%, Panfilo Lacson 12% and from other names with 4% or less.”[54]

 

    Samantala, sa pagka- pangalawang pangulo, ang resulta ay ang mga sumusunod:

            “The June 27 survey report in the vice presidential race put de Castro on top with 25%, well ahead of Loren Legarda- Leviste 13%.  Juan Flavier 12%, Roco 11%, Gregorio Honasan 9%, Ramon Magsaysay Jr. 8%, Lacson 8%, Franklin Drilon 6%, Aquilino Pimentel 5%."[55]

 

     Batay naman a survey na ipinalabas ng Pulse Asia Inc. noong Disyembre 2, 2003, nangunguna rin si  Noli de Castro sa pagka- bise presidente.  Ito ay batay sa resulta ng pambansang pagsusuri ng Pulse Asia Inc. noong Nobyembre 4- 17, 2003.  Sa survey na ito, nanguna sina Sen. Noli de Castro 37% samantala sumunod naman si Sen. Loren Legarda 27%.[56]

Samantala, pansamantalang nabawi ni Fernando Poe Jr. ang pwesto ni de Castro, na pangungunna sa survey, matapos ideklara ng aktor ang kanyang pagtakbo sa pagka- pangulo.  Batay sa survey:

“ Yes, Fernando Poe Jr… now has a 25% favorable rating based on the (SWS) Social Weather Station survey.  Just a notch ahead of Noli de Castro who had been the consistent leader until FPJ made his big announcement.  Gloria was a far fourth with a 17% share and Ping Lacson at  the Last place with 10%.”[57]

 

     Sa kabilang banda, patuloy namang pinangunahan ni Sen, Noli de Castro ang karera sa pagka- bise presidente:

            “In the Vice President race, de Castro continued to lead, winning 29% support, but senator Loren Legarda gained support winning 23%, while Senator Ramon Magsaysay 11%.”[58]

 

     Batay naman sa pagsusuring ginawa ng SWS noong Nobyembre 8-24, 2003, bago pa magdeklara ang pagtakbo ni FPJ, nagtabla sa unang pwesto sina Sen. Noli de Castro at ang aktor na si FPJ sa karera sa pagkapangulo.  Batay sa survey tabla sina FPJ at Noli samantalang tabla sina Roco, 18% at GMA 17%.  Sinundan ni Lacson 10%.[59]  Pagpapaliwanag naman ni G. Mahar Mangahas;

“FPJ, Noli were statistically tied at first place because the survey had a margin of error of 3%.”[60]

 

Higit pang makapagpapatibay sa matunog na pangalan ni Sen. De Castro ay ang pagsulpot ng grupong Kabayan for President Movement (KPM).  Lalo nitong pinagtibay ang mandato ng senador para sa pambansang Halalan ng 2004 para sa pagka- bise presidente maging sa pagka- presidente.  Ang grupong KPM ay naglalayong makalikom ng talong milyong lagda sa loob ng 10 araw, bago ang simula ng araw ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy.  Sa kabilang banda, ang grupong FPJ for President Movement ay nakalikom naman ng 2 Milyong lagda sa loob ng 10 buwan upang himukin ang aktor na si FPJ na tumakbo sa pagkapangulo.[61]

Ang isang katulad ng KPM isa pang patunay na si Sen. Noli de Castro ay may taglay na popularidad upang masiguro ang mandato sa anumang posisyong naisin niya.  Bukod sa pagsisikap ng grupo na makalikom ng takdang lagda upang himukin si Sen. De Castro na tumakbo sa pagkapangulo, naglabas din sila ng kanilang mga adhikaing inaasahan nilang tutupdin ng minamahal nilang senador.  Ang mga ito ay tinawag nilang ’12 point agenda:”

·         Absolute zero graft and corruption in alllevels of government and abolition of the prok barrel.

·         100 percent efficiency in government service, streamlining the government bureaucracy and a salary increase for career government employees.

·         A comprehensive peace and order program that focuses on the root causes of unrest and discontent, as well as a decisive socio-economic approach to the Mindanao question and a strong response to the problem of illegal drugs. 

·         Pro-people economic policies onindustrialization, animmediate program for the establishment of a national steel industry.  Dect relief for five years and progressive tax collections that collect lower taxes from the poor and raise taxes for the rich and large corporations.

·         A comprehensive and sustainable development program that is conscious of the environment and the realization of a zero waste program nationwide.

·         Enhancement of Filipinoculture to instillnationalism and responsible citizenship in the populace.

·         A larger share of the budget for education.

·         Establishment of a department ofhousing for a comprehensive housing program.

·         Speeding up the implementation of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).  Progressive andsustained agricultural development in terms of allotments and subsidies for the agriculture industry.

·         Creation of a department for overseas Filipino workers. (OFWs).

·         Establishing an extensive tourism industry.

·         Establishing a comprehensive energy development program.[62]

 

 

Samantala, ang posibleng pagtakbo ni Senador De Castro sa pagka-Pangulo ay tinuturing ng Palasyo na paborable para kay Pangulong Arroyo ayon sa ilang opisyal ng Palasyo.[63] Ayon kay Kalihim Defensor: “[With De Castro’s entry] we are confident that it will be a victory for the President.”[64]

Lalong lumaki ang isyu ng pagtakbo ni noli De Castro nang lumabas ang balitang lihim na nagtagpo sina Edgardo Espiritu dating Kalihim ng Pananalapi at Senador Joker Arroyo ng tinaguriang ‘Wednesday Group’  ng Senado.  Sinasabing ang paksa ng kanilang lihim na pagtatagpo sa London ay tungkol sa posibleng pagtakbo ni senador De Castro.[65]  .

Noong  Disyembre 15, 2003, nagsimula na ang opisyal na araw ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy ng mga kandidato sa mula sa pagka-pangulo hanggang sa mga senador ngunit patuloy pa ring nanahimik  ang administrasyon kung sino nga ba ang magiging  runningmate ni Pangulong Arroyo.  Bagama’t maraming ispekulasyon na opisyal ng napili at nakumbinsi ng administrasyon si Senador De Castro na maging runnningmate ng Pangulo, nagpatuloy pa rin sa pagtanggi ang Administrasyon na konkreto at pinal na ang usapan sa pagitan nila at ni  De Castro. Ayon kay Defensor: “For the President [picking] the Vice Presidential Candidate is a continuing process.  It’s still being validated.”[66]

 

Ngunit inamin naman ni.Defensor na datapwa’t nagharap na ng kanyang programa sa administrasyon si Senador barbers, higit na na nakalalamang ang mas popular na si senador De Castro sa posibleng mapipili ni Pangulong Arroyo bilang kanyang katuwang, bagama’t hindi ito kasapi  ng Lakas-CMD ang nasabing Senador.[67]  Nang tanungin naman si G.Defensor kung kailan ilalabas ng pinal na listahan ng mga kandidato ng Administrasyon, kanyang tinugon:“It may be after Christmas.”[68]

Hindi man magawang pinal ang desisyon ng administrasyon  sa magiging runningmate ni Pangulong Arroyo umusad naman ang proseso ng pagpili sa panahon ng Kapaskuhan.  Ito ay matapos kumpirmahin ni Speaker Jose De Venecia, lider ng Lakas-CMD, na higit na pinapaboran si Senador De Castro bilang maging runningmate ng Pangulo ngunit ang pormal na deklarasyon ay magaganap makalipas ang ilan pang mga  araw.  Sa isang pahayag noong Araw ng Pasko, ipinahayag ni de Venecia na:“I think we are now in the final stages of discussion.  We are moving towards a formal status.”[69]

 

Dagdag pa ni speaker De Venecia:“The choices was down to two: Sen. De Castro and Sen.Barbers.”[70]

Lalo pang pinagtibay ng Speaker ang spekulasyon ng publiko na si senador De Castro ang napiling runningmate ng Pangulo nang kanyang sagutin ang katanunang kung ilang porsyento ang posibilidad na si Senador De Castro na ang mapili, at kanyang tinugon:“I would say in excess of 50-50.”[71]

Nagpahayag din ng kumpirmasyon si Defensor sa malaking posibilidad na si senador De Castro na ang napili ng Pangulo na makatuwang sa halalan.  Ngunit patuloy pa ring binigyang-diin ng naturang tagapagsalita ng Pangulo, na walapang pinal na desisyon bago magsara ang taong 2003.  Lalo pa nitong pinanabik ang taong bayan sa inaasahang kumpirmasyon ng Palasyo.  Ayon kay G.Defensor:

“There’s nothing final as of now but my personal analysis is Kabayan [De Castro’s nickname] plays a pivotal role in the Vice presidential race.”[72]

 

Disyembre 29, 2003, pinukaw ni Senador Noli de Castro ang lahat ng ispekulasyon ng taong bayan nang pormal na niyang tanggapin ang alok ng administrasyon matapos ang pagsisikap ng kampo ni Pangulong Arroyo na mahimok siyang tumakbo bilang runningmate ng Pangulo.  Ang kumpirmasyon ni Senador De Castro ay maiksi ngunit tuwiran:

“I am confirming that I have accepted the invitation of Her Excellency President Gloria Maxcapagal-Arroyo, to be her runningmate in the forthcoming national elections in May 2004.”[73]

 

Pagpapaliwang ni senadorDe Castro:

“I Believe that as Vice Presidential Candidate, I would be of service inunifying our nation and helpuplift the lives of our countrymen.”

 

“I am responding to the call of the Filipino people for national unity and meaningful governance.” [74]

 

Tinanggap naman ni Senador Barbers  ang desisyon ng Administrasyon upang masiguro ang pagkakaisa ng partidong Lakas-CMD:

“Today is a very important day for me.  I have finally decided to withdraw my bid for the Vice Presidency of the Lakas-CMD party so that we can give the President a freehand to choose her runningmate for the 2004 elections

 

“There is higher mission form: to preserve the unity of the party and to ensure its victory.  There is a need to [heed] a higher calling to step down from this contention and abandon my objective for a greater mission to God and my country.” .”[75]

 

Sa kabilang banda, ang desisyon ni senador De Castro na tumakbo sa pagka-Bise Presidente ng Administrasyon ay kinasiya ng grupong Kabayan for President Movement (KPM).  Ayon kay G.Isko Catibayan, tagapagsalita ng grupo:

“We believe Sen.De Castro is the country’s next Vice President and he will surely win by a landslide

 

He could have won as President, more so now as Vice President.  It’s all for love of country and service to the Filipino.  His Presidency will be a unifying and inspiring Vice Presidency.” .[76]

 

Bagama’t hindi pinalad na mapili bilang runningmate ng Pangulo, muling tumakbo sa pagka-Senador si Senador Barbers sa ilalaim ngLakas-CMD.

Sa kabilang banda, ikinagulat naman ni MMDA Chairman Bayani Fernando    ang desisyon ng Palasyo:

“I do not expect this, I was confident that my party Lakas-Christian Democrats would pick me.”[77]

 

Bilang tugon sa nagging reaksyon ni MMDA Chairman, pinahayag ni Speker Jose De Venecia sa isang panayam sa telebisyon, na ng partidong Lakas-CMD  si Fernandp sa tumakbo na lamang sa pagka-Senador.  Ito naman ay malugod na tinanggap ni Chairman BayaniFeranando.[78]  Ngunit nang lumaon ay nagpasya na lamang siya na manatili sa pamumunuan  ng MMDA  kung saan higit siyang makatutulong.

Samantala, sa isang hiwalay na panayam, ipinahayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kadahilanan ng kanyang pagpili kay Senador Noli De Castro bilang kanyang runningmate:

“He has touched more lives thatn anyone of us, myself included, by advocating social and criminal justice through the broadcast media.  He draws his broad constituency from the millions of Filipinos who track his sharp investigative journalism and commentary.”[79]

 

 

Marami ang nagtatanong kung bakit nagdesisyong tumakbo si Senador de Castro bilang runningmate ni Pangulong Arroyo.  Sa kabila ng pangunguna niya sa mga surveys ng Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia Inc., minabuti niyang tumakbo sa pagka-Bise Presidente at suportahan ang kandidasya ni Pangulong Arroyo.  

Nagpasimula ng alegasyong malaki ang kapalit na pabor ng Administrasyon sa pagpayag ni Senador De Castro na maging Bise-Presidente ni Pangulong Arroyo.  Sinasabing binigyandaw diumano ito ng halagang 500 Milyon kapalit ng pagbibigay-daan at pagsuporta sa kandidatura ni Pangulong Arroyo.[80]

Mariing pinasubalian naman ito ng tagapagsalita ni Pangulong Arroyo na si G,Ignacio Bunye, at sinabing walang basihan ang naturang paratang.  Kanyang dinagdag:

“In the first place, we don’t have that much money.  Everybody can make this allegation.  This is part of the game.”[81]

 

Ayon naman kay Senador Joker Arroyo, kung surveys lang ang pagbabatayan, malaki ang mandato ni Senador De Castro sa kanyang mga kalaban: sa pagka-Bise Presidente o maging sa pagka-Presidente.[82]   Si senador Joker Arroyo ay kasama ni senador De Castro sa tinaguriang Wednesday group ng Senado.  Ipinaliwanag ni Senador Arroyo kung paano nabuo ang naturang grupo at kanyang sinabi:

“Before we were elected to the Senate, I have a stately knowledge of Noli De Castro, the leading broadcast journalism.  However, five of us newly-elected senators, Manuel Villar, Ralph Recto, Francis Pangilinan De Castro, and myself, found ourselves meeting every Wednesday after sessions to discuss matters of public concern, thus the name Wednesday Club.”[83]

 

Dagdag pa ni senador Arroyo na sa kabila ng pangunguna ng kasamang senador sa mga surveys, sa pagka-Bise Presidente at pagka-presidente, pinili niyang tumakbo sa pagka-Bise Presidente matapos ang ilang buwan ng pagpapasya.  Ipinahayag ni senador Arroyo:

“Noli weighed in both categories.  After a month or two and even as he maintained the top position in both offices in the continuing surveys, he opted to run for vice President.  Asked why he did not seek the Presidency when it was his for the asking, he answered that he was not ready for it.”[84]

 

Binigyang linaw din ni Senador Arroyo na walang nagimpluwensya o namilit kay Senador De Castro upang magpasyang tumakbo sa higit na mataas na posisyon, mula man sa kanilang Wednesday group o mula sa partidong Lakas.[85]  Ipinaliwang ni senador Arroyo:

“That was his decision and probably concurred in by his wife, Arlene.  That decision sums up Moli’s personality.  That after two years in the Senate, he was humble enough to acknowledge that he could not yet lay claim to the Presidency.  In short, one should aspire only for a postion na kaya mo.”[86]

 

Matapos ang ilang buwang pananahimik ni Senador De Castro bago tuluyang magpasyang tumakbong bilang running mate ni Pangulong Arroyo, naging maiksi ngunit tuwiran ang proklamasyon niya sa kanyang pasya.  Dahil maiksi ang mga pahayag ni Senador De Castro, hindi maiiaalis na patuloy na magtanong ang taong bayan kung anong nagtulak sa kanya upang magdesisyon ng ganoon.  Sa isang pahayg, sinagot ni Senador De Castro ang mga katanungan sa isipan ng marami tungkol sa kadahilanan ng pagtanggap niya sa alok ng Administrasyon:

“I know President Arroyo as an efficient and hardworking President.  I feel that we should give her a national mandate on her own and a full term to finish what she has started and follow through her initial accomplishments.”[87]

 

Nanatili namang mapagkumbaba ang popular na Senador sa kabila ng mainit na suporta sa kanya ng taong bayan.  Bilang tugon sa mainit na pagtanggap na ito, kanyang sinabi:

Even as I consistently topped the surveys.  This does not mean that the election for Vice President is already over.  I still continue to reach out to the people and present them my programs so they may be enlightened about my plans should I be elected as Vice President.”[88]

 

Bilang pagsusuma ng mahabang proseso ng pagpiling Administrasyon ng katuwang ni Pangulong Arroyo sa darating na Halalan, si senador Noli De Castro ang lumitaw na opisyal na pasya.  Sa kabila nito,naging maiksi at tuwiran ang proklamasyon at mga pahayag ng naturang Senador at nanatiling mapagkumbaba sa gitna ng mainit na pagsuporta ng taong bayan.  Pinatunayang muli sa pagkakataong ito nan ang popularidad ay mahalagang elemento sa larangan ng pulitika.  Si Senador De Castro rin ay magsisilbing matibay na manipestasyon ng isa sa mga pamantayan ng Administrasyon sa pagpili ng mga kandidato nito.  Ang pamantayan na malinaw na taglay ng Senador ay ang ‘winnability’ na pinatunayan ng resulta ng mga surveys at mainit na pagtanggap ng taong bayan.

Ang Senatorial Slate

 

            Oktubre 2003 -.  Nagpahayag sina Atty. Pia Cayetano-Sebastian at .Ramon Bong Revilla,Jr. ng kanilang hangaring sundan ang tapak ng kanilang mga ama sa Senado[89]  Si Atty.Cayetano ay anak ng yumaong Senador Renato “Compañero” Cayetano at si Bong.Revilla ay anak naman ni Senador Ramon Revilla, Sr.  Ayon kay Senador Juan Flavier, si Bong Revilla  ay isa sa mga apat na sigurado ng mapapabilang sa senatorial slate ng Lakas.[90]

            Buwan ng Nobyembre 2003, sumali sa kampo ni dating-Kalihim Raul Roco (Edukasyon), si Senador Rodolfo Biazon.  kumalas si Senador Biazon sa kanyang sa Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) sa kadahilanang higit na sinusuportahan nito ang mga popular na kandidato.[91]  Sinasabi rin na ang pagkalas ni Senador Biazon ay bunga ng awayan sa loob ng Oposisyon.[92] Ayon kay Senador Biazon hinggil sa kanyang pagkalas sa LDP, at kalaunan ang pagbitiw niya ng kanyang suporta kay Roco pabor kay Pangulong Arroyo:

            I thought that the standard bearer of the LDP, the primary standard bearer at that time when I left would not make a for one who I thought could solve the problems of the country.

            The reason I left Senator Roco’s or secretary roco’s aggrupation of many representativesfrom diferrent party… I didn’t join any of the three major parties – PROMDI, Reporma, and Aksyon Demokratiko. So I joined him as an independent…However, I thought there was some problems within that aggrupation in the sense that decisions were made undemocratically. Decisions that would affect all the candidates. Second, the support tomy five advocacies, I could not find it very clearly. So I left and joined the Liberal party.[93]

 

            Sa unang lingo ng Disyembre 2003, nagbitiw sa tungkulin bilang Kalihim ng Department of Trade and Industry si Manuel “Mar” Roxas II upang tumakbo sa pagka-Senador.  Sa kanyang sulat ng pagbibitiw kay Pangulong Arroyo, ipinahayag niya ang kanyang interes na tumakbo sa Mayo 2004 sa ilalim ng koalisyon ng administrasyon:“I look forward to continue serving the country with you as I join your team in seeking the people’s mandate in 2004.”[94]

 

            Sa pagpasok ng taong 2004, higit na mainit ang mga kaganapang pampulitika sa bansa nang magsimula na ang lipatan ng partido ng mga kandidato upang sumapi sa partido ng administrasyon.

            Sinimulan ni dating senadorOrlando Mercado ang serye ng paglilipat ng partido.  Kung ating matatandaan si dating-Kalihim Mercado ay isa sa mga dating masugid na taga-suporta ni dating-Pangulong Joseph Estrada na tumalikod sa huli sa kasagsagan ng EDSA Dos at muling sumapi sa koalisyon ni Pangulong Estrada noong halalang 2001 matapos nitong magbitiw sa Gabinete ni Pangulong Arroyo.

            Sa panayam sa telepono ng INQUIRER, ipinaliwanag ni dating-Kalihim Mercado ang kadahilanan ng pagsali niya sa tiket ng administrasyon:“President Macapagal will ensure continuity and we need such continuity.”[95]

            Enero 2, 2003, hinayag ng administrasyon ang unang anim nitong kandidato sa pagka-Senador. Sila ay sina: Senador Robert Barbers, Senador Robert Jaworski, Kalihim Roberto Pagdanganan, dating Kalihim Manuel Roxas II, Videogram Regulatory Board Chairman.Ramon Revilla,Jr, at si Atty.Pia Cayetano.

            Samantala, apat na miyembro ng Gabinete ni Pangulong Arroyo ay hindi napasama sa listahan sapagkat nagpasya silang manatili na lamang sa  sangay ng tagapagpaganap (executive).  Sila ay sina: Kalihim Richard Gordon (Turismo), Chairman Bayani Fernando (MMDA), Kalihim Jose Lina (Interior), at ang pinuno ng Anti-Kidnapping na Kalihim Angelo Reyes.  Pahayag ni Defensor:

Chair Fernando and Sec.Gordon declined to run as senators becausethey feel that they could best serve in an executive position.  Reyes and Lina also would rather keep their positions.”[96]

Si.Ramon “Bong” Revilla ay inaanak ni Fernando Poe, Jr., ang mahigpit na kalaban ni Pangulong Arroyo sa pagka-pangulo, ay nanilbihan bilang Bise Gobernador at Gobernador ng Cavite at itinalaga ni Pangulong Arroyo bilang pinuno ng Videogram Regulatory Board o VRB.   Kasama rin sa kampo ni G.Poe si Senador Jinggoy Estrada, na matalik niyang kaibigan bago sila nagkasamaan ng loob matapos talikuran nito si Estrada sa kasagsagan ng Edsa Dos

Paano at sinu-sino po ba ang kumumbinse sa inyo na tumakbo sa pagka Senador noong nakaraang halalan? Ayon sa kanya:

Ah…it was, more or less basically my personal decision ah..although siyempre largely contributory…yung  pag-convince sa akin ng father ko, who was an outgoing Senator at that time. Ah..of course..kinunsulta kon rin ang  pamilya ko at saka mga ilang taong malapit sa akin…kung tatakbo nga ako o hindi. Nilapitan din ako ni Pangulong Arroyo na, kung puwede…tumakbo din ako sa ilalim ng K4 para matulungan namin ang Administrasyon, doon sa field na pinaniwalaan nila na may kakayahan si Senator Revilla na tumulong.”[97]

 

            Anong fields ang kanyang tinutukoy?

“ah, basically its in the field of arts at saka ang anti-piracy plus of course, yung experience ko in local government, kasi..ah I was a vice governor in 1995-1998 tapos..yun governor from 1998-2001 and from 2002 to the end of 2003 was Chairman of the VRB.”[98]

 

            Mayroon bang ipinangakong pabor ang administrasyon kapalit ng kanyang pagtakbo?

“Well..none that I know..wala naman, actually, kahit yung tulong pinansiyal sa pangangampanya wala eh…”

 

            Nahirapan  ba siya sa pagpapasiya sa kanyang pagsapi sa koalisyon na pinamumunuan ni PGMA, gayong malapit siya at ninong pa niya si  Ginoong Fernando Poe Jr. at  kaibigan naman niya si Jinggoy Estrada na taga-oposisyon?

“ah…kailangan kasi I-deligate natin yung political ideology, political ideas tsaka yung personal relationship..kasi yun ang nakikita kong pinakamalaking problema sa pulitika sa Pilipinas..na yung sistema eh..porque kaibigan mo ay kailangan kaalyado mo siya sa paniniwala ay isasakripisyo mo yung pinaninindigan mo..well..porque kaibigan mo siya. I, upon entering politics in 1995 was a member of LAKAS-NUCD up to this date I am a member of LAKAS-NUCD. Hindi ako umalis ng LAKAS-NUCD hanggang ngayon na ako’y matibay na member o kasapi ng partidong LAKAS-CMD na ngayon bakit ako nag-miyembro sa LAKAS eh puwede naman sa ibang partido dahil sa naniniwala ng mga Muslim at Kristiyano, ang mas liberal na pananaw mga programang pangkaunlaran. So dito ako nanindigan. In fact, ah..siyempre hiindi mo maisasantabi yung relasyong personal ko kay Jinggoy at ni Fernando Poe Jr.. kaya nung nagdesisyon siya na kakandidato, kina-usap niya ko si  FPJ at sinabi ko kay FPJ, ninong ko kasi yun “nong tatakbo akong Senador, pero hindi ako makakasama sa partido niyo dahil ang partido ko ay LAKAS and FPJ being the understanding and gentleman..”ok walang problema, naiintindihan kita at naniniwala ako sa paninindigan mo, ituloy mo, and ultimately kung tama ang ginagawa mo makikita naman ng tao na tama naman yung ginagawa mo” yun ang kuwento dun.”[99]

 

            Ano naman ang kanyang relasyon kay Senador JinggoyEstrada noong panahon ng kampanya:

“Actually, it was a very touching issue..dahil yun doon din sa nangyari nung EDSA Dos..ah..in fact blessing in disguise pa nga yung kampanya, in a sense, as part as my personal relationship with Jinggoy is concerned. Kasi mula noong 2000 up to the end of 2003, even at the beginning of the campaign, hindi kami nag-usap ni Jinggoy..dahil masama ang loob ni Jinggoy..at siyempre si Senator Revilla naman, ay hindi namin siya puwedeng mag apologize na mali yung ginawa niya, dahil sa paniniwala niya tama yung ginawa niya, so it was a case of no one compromising to another na akong sinaktan mo mo ako kaibigan kita tinalikuran mo ako, si Senator Revilla naman “pasensiya na , mahal kita hanggang ngayon pero yung ginawa ko tama. Wala akong magagawa para sa bayan yun, hindi para sa sarili ko. Nung kampanya I remember yung pagkakataon talaga, birthday ni Daboy yun eh, ni Rudy Fernandez. Birthday ni Daboy yun. Tapos inimbitahan si ako. So at the end of our daily campaign nagpunta ako dun sa birthday ni Daboy and Jinggoy was there. Tapos doon na, nang nagkaharap kami, eh nangibabaw talaga ang pagkakaibigan. Ngayon, naging matalik kaming magkaibigan ulit. In fact, we accepted each other’s differences as far as politics is concerned. Dahil oposisyonista si Jinggoy, tapos nasa mayorya naman ako. Pero despite that, nagkakausap kami, nagkakabiruan, lumalabas, magkasama at napag-uusapan nga kung paano nila mapapatupad yung mga naii-invision naming na mga policies na kailangan ipatupad at least at both level..napag-usapan naming kung ano ang pro’s ang con’s ng isang panukala. Para pagsinalang sa floor, na thresh out na.”[100]

 

            Ang pagsali sa pulitika ni Senadora Pia Cayetano, ay isang hindi inaasahang pangyayari sapagkat ayon sa kanya wala naman talaga siyang hilig sa pulitika.  Isinalaysay ni senadora Cayetano ang mga pangyayari na nagtulak sa kanyang tumakbo sa pagka-senador noong 2004:

“Well, I think medyo kakaiba yung sa sitwasyon ko sa ibang candidates kasi first of all, wala ako talagang plan.  Most candidates really have a long term plan, either they’re re-electionists or they came from a political background.  Ako, talaga walang plan.  The opportunity to run arose because my father passed away, and of course, it’s a long story, but I have to think deep and hard about it kasi hindi ako mahilig sa politics.  So, with that wala ngang preparations.  I am a lawyer by profession but I, not really being comfortable with politics, di naman ako sanay nagsasalita sa public.  It was very difficult for me because basically I have to explain to people why I was running and I have to tell them the inspiration of all these was my father, who had just passed away, and also my son.  So it was emotionally very draining for me.”[101]  

 

 

 

Mula naman sa kilalang angkan si dating-Kalihim Manuel “Mar” Roxas (DTI).  Siya ay apo ni dating Pangulong  Manuel Roxas at anak naman ni dating Senador Gerardo Roxas.  Naging kasapi siya sa Gabinete nina dating Pangulong Estrada at Pangulong Arroyo.  Nagbitiw siya sa Gabinete noong Disyembre 2003 upang tumakbo sa pagka-senador. Ayon sa kanya ang mga kababayan daw niya sa Capiz ang mga negosyante ang nagtulak sa kanya para tumakbo:

“Ang aking mga kababayan sa Capiz.  Mga mangangalakal at negosyante na nagtiwala at sumusuporta sa akin noong ako ay Secretary, Department of Trade and Industry (DTI).  Mga nin-governmental organizations (NGOs), cause-oriented groups, trade associations, market vendors associations, civic clubs, farmers at fishermen’s groups.”[102]

 

 

 

            Hindi nagtagal nagpasya na rin na na tumakbo sa pagka-Senador si Kalihim Richard “Dick” Gordon  Nauna ng nagpahayag ng interes na tumakbo sa pagka-Bise Presidente ang naturang Kalihim ngunit si Senador Noli De Castro ang napili ng Palasyo. Ayon sa kanya:

“Gusto nila mananalo ka syempre yung pwede kang manalo sapagkat dahil kailangan nila ng tulong sa Legislatura at tsaka syempre gusto nila hindi ka negative para hindi makakabawas sa kanila.  Gusto nila presentable ka sa tao syempre kasama yon sa imahe ng tao, minsan ang tao alam na nila kung sinong iboboto kaya hindi sila na-e-entertain na.”[103]

 

            Nang tanungin si Senador Gordon kung paano pinili ang mga kandidato ng koalisyon at kung mayroon bang national convention na isinagawa sa pagpili ng mga kandidato.  Mababakas  sa kanyang mukha ang hindi pagsangayon sa prosesong ginawa ng koalisyon:

“Wala e.  Mahina ang political party dito e.  Yan ang dapat ayusin natin sa ating lipunan.  Ang political party dapat may convention.  Dapat may pinipili alinsunod sa iyong plataporma, ang nasyonal.”[104]

 

            Sinubukan naming usisain ang reaksyon niya sa mga kaganapan sa pagpili ng kandidato ng Administrasyon noong nakaraang halalan subalit naging mailapang naturang Senador sa kanyang pagsagot.  Siya’y aming tinanong kung mayroon siyang kilalang nais na maksasali sa tiket ng Administrasyon na hindi pinalad na makasali, at naging maiksi ang kanyang tugon:“Marami.”[105]

Ngunit ayaw niyang banggitin kung sinu-sino ang mga ito:“Ayaw ko ng sabihin pangalan nila.”[106]

Enero 3, 2003, matapos lumitaw ang mga pangalan nina Kalihim Mercado, Bong Revilla,Jr., Senador Barbers, Atty. Pia Cayetano, Kalihim Gordon, Senador Jaworski, Gobernador Lapid ng Pampanga, Kalihim  Pagdanganan, at Mar Roxas, pinangalanan ng koalisyon ang ika-sampu nitong kandidato sa pagka-Senador.  Siya ay si Gobernador Parouk Hussin ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) upang maging katawanin ang mga Muslim sa ating bansa.  Kinumpirma ni Ispiker Jose De Venecia, Pangulo ng partidong Lakas-CMD, na 99% ang kasiguraduhang makakabilang si Gobernador Hussin sa 12 kandidato.  Dagdag pa ng Speaker, si Hussin ay ang pinaka-prestiyosong lider ng Muslim.  Siya pinuno ng Moro National Liberation Front at kinatawan sa Organization of Islamic Conference.[107]

Naging bulong-bulungan din sa panahong ito ang posibleng pagsapi nina Senador John Osmena mula sa Oposisiyon at Senador Rodolfo Biazon mula naman sa kampo ni dating-Kalihim Raul Roco.

“Over the Bakod”

Ikinadismaya ng ilang kasapi ng koalisyon ang pagpasok sa kanilang hanay ng ilang taga-oposisyon lalo’t  mga kapanalig pa ito ng pinatalsik na Pangulong Estrada.Una na rito si Senador John Henry  Osmeña, na nakilala sa tawag na Balato king noong panahon ng impeachment trial ni Pangulong Estrada dahil sa pagtanggap nito ng isang milyong balato manalo ang huli sa paglalaro ng sugal.  Ang dahilan ng  paglipat ni Osmeña sa administrasyon  ay ang pagsuporta raw diumano ni  Pangulong Arroyo sa isinusulong niyang panukala na palitan na ang Saligang Batas at magtatag ng isang  pederalismo sa bansa.  Sa kanyang liham kay Pangulong Arroyo, tinanggap ni Senador Osmeña ang alok ng una na sumapi siya sa senatorial slate ng administrasyon: 

“With your support, therefore, having a popular mandate we will push through with the establishment of a frderal syatem.  Unshackle the south from the suffocating confines of our tomorrows.”[108]

 

            Sa kabilang banda, may ilan pang dahilan kung bakit iniwan raw  ni Senador Osmeña ang Oposisyon at umanib sa Administrasyon.  Isa na rito ang pagkabigo di umano ng naturang Senador na makumbinsi ang kampo ni FPJ na gawing  opisyal na kandidato sa pagka-Gobernador ng Cebu ang kanyang anak.  Isa pang sinasabing dahilan Osmeña ay ang hindi raw pagkakasundo ng naturang Senador at ng isa pang kandidato ng Oposisyon na si dating-Senador Ernesto Herrera.  Si Herrera, ay ang dating pinuno ng Trade Union Congress of the Philippines – isang malaking labor movement sa bansa, ay malapit sa angkan ni Democrito Mendoza[109] na kalaban ni Senador Osmeña.  Sinasabing minarapat ni FPJ na huwag ng makialam sa usaping ito.[110]

Kumpleto na sana ang 12 kandidato ng Administrasyon ngunit umatras si Robert Pagdanganan.  Ayon sa dating-Kalihim ng Agrarian Reform, nagpasya ang kanyang pamilya na huwag na lamang siyang tumakbo sa pagka-Senador sapagkat tatakbo rin sa pagka-gobernador ng Bulacan ang kanyang anak na si Raymond.  Dagdag pa niya, manantili na lamang siya sa kanyang Departamento ngunit  patuloy pa rin niyang  susuportahan ang kandidatura ni Pangulong Arroyo.[111]

“I also decided not to run because we don’t have enough funds if I also join the senatorial race because my son is running in Bulacan.  So it’s not really practical for me to run.”[112]

 

Bukod pa sa usapin sa pamilya, isa pang dahilan na ibinigay ni Pagdanganan ay ang higit sa popularidad ng iba pang kandidato sa pagka-Senador ng Administrasyon:

“We also have a good chance of winning based on surveys and support from a lot of groups, including religious sectors.  But how can we fight the likes of Bong Revilla, Lito Lapid and Senator Jaworski who are very popular.”[113]

 

            Si Pagdanganan ay maka-dalawang ulit nang tumakbo sa pagka-senador ngunit nabigo. Ang una niyang pagsabak ay noong 1998, kung saan na-dag-dag bawas daw siya pabor kay Senadora Teresita Aquino-Oreta, at sinundan ito noong 2001 sa ilalim ng PPC.

Noong ika-4 ng Enero 2004  inilabas na ng Malacañang ang kumpletong listahan ng mga kandidato nito sa pagka-senador kalakip  ang mga kadahilanan kung bakit sila napili.. Sila ay ang mga sumusunod:

            “Sen.Robert Barbers for peace and order and Mindanao; Sen.Robert Jaworski as pro-life and pro-nature; Mar Roxas for industry and investment; Tourism secretary Richard Gordon for tourism; Pampanga Gov.Lito lapid for his handling the lahar devastation in Central Luzon; Ramon “Bong” Revilla for having ‘proven effective in fighting piraacy’; Pia Cayetano as a young urban professional, mother and lawyer; Orlando Mercado as a ‘true statesman who faded away from politics but is nevertheless needed for the future’; Sen.Rodolfo Biazonm a pro-poor, housing advocate who also pushed for agricultural safety net; Sen.John Osmeña for energy and telecommunications; ARMM Gov.Parouk Hussin to represent the Muslims; and former senator Miriam Santiago as a ‘constitutionalist and one of the vital links toward for true  reconciliation’.[114]

 

            Sinasabing ang ika-12 puwesto sa listahan ng administration ay naka-reserba kay  Sen. Miriam Defensor-Santiago ngunit pa nakakapagdesisyon ang naturang Senadora kung sasapi ba ito sa koalisyon sapagkat mayroong alok ang kampo  ni Sen. Lacson na maging runningmate siya nito.[115] Ayon sa isang opisyal ng Malacanang tinawagan ni Pangulong Arroyo sa telepono noong Enero 02, 2004 ang Senadora upang himukin na sumali sa kanyang tiket.[116]

            Ngunit paano nga ba napapasok ng administrasyon si Sen. Miriam Defensor Santiago? Ang pagpasok umano ni dating Sen. Santiago sa administrasyon ay bunga ng pakikipag-ugnayan mismo ng kanyang mga kamag-anak. Nakipag-ugnayan si Kalihim Michael Defensor, pamangkin ng Senadora,  kay Gen. Benjamin Defensor, dating AFP Chief of Staff, na kumbinsihin ang kanyang kapatid na si  Sen. Santiago na makipagtulungan na sa administrasyon.[117]

Enero 8, 2004- pormal nang iniwan ni Senadora Miriam Defensor Santiago sa Oposisyon tinanggap na maging  ika-12 kandidato na  kukumpleto sa senatorial slate ng  K-4.  Ang isa sa mga pinakamahigpit na  kritiko ni Pangulong Arroyo ay isa ng pinakamalapit na kapanalig nito.  Sa isang panayam sa telepono ng TIMES, sinabi ng Senadora:“I confirm I’ve decided to run as Senator under the Administration.”[118]

            Opisyal na iprinoklama ni Kalihi Michael Defensor si Senadora Santiago bilang ika-12 kandidato ng K-4:

Santiago was chosen because of her ‘winnability’, integrity and track record despite her political differences with the Administration.”[119]

 

            Dagdag pa ni G.Defensor:

“But [our differences] are only political in terms of principles and ideals, we believe that Senator Dantiago will be an asset to this Administration.”[120]

 

            Naniniwala rin siya  na ang pagpasok ni Senadora Santiago sa K-4 ay simula ng paghilom at pagkakaisa ng iba’t ibang partido pulitikal sa bansa:

“Our understanding [is] that Senator Santiago would be part of the reconciliation process  we feel that in the coming governance of the President, Santiago will play a key role in terms of legislation.”[121]

 

            May ilang bagay na sinuri si dating-Senador Santiago bago tuluyang nagpasya na sumapi sa Administrasyon.  Isa na rito ay ang personal at pulitikal na relasyon niya kay dating-Pangulong Joseph Estrada.[122]

            Dahil sa  malapit na relasyon niya sa  dating Pangulo, pinuntuhan niya ito at kinunsulta tungkol sa posibleng paglilipat-partido niya.  Napagkasunduan nila dating- na hihimukin ng dating Pangulon na pagkasunduin  sina Senador Lacson at FPJ upang pagkaisahin ang Oposisyon.  Ngunit wala na siyang narinig mula sa dating-Pangulo tungkol  sa posibleng pagkaakisa ng Oposisyon kung kaya’t nagpasya si Senadora  Santiago na tuluyan ng talikuran ang Oposisyon ngunit kanyang binibigyang-diin na ang desisyon niyang ito ay hindi nanganaghulugan na rin niya si  dating-Pangulong Estrada:

“If there  was even a remote possibility that the [Opposition] party would unite, I would have remained/  The more time passes, the more things are said, these would not help the party and could not only exacerbate division.”[123]

 

            Dagdag pa ng naturang dating-Senador:

“I want him [Estrada] to stop fighting for me, [because] it could hurt his personal friendship with Poe.  It is therefore, incumbent upon me to make the move for him to stop taking up my cause.”[124]

 

            Nagpahayag naman ng kalungkutan  si dating-Pangulong Esrtrasa sa desisyong ito ng Senadora.  Ayon kay Atty. Rufus Rodriguez, tagapagsalita ng Partido ng Masang Pilipino, nais ipahatid ng dating- Pangulo ang kanyang kalungkutan, at sinabing:“It’s regrettable that she is moving to the Administration party.”[125]

Ayon naman sa Administrasyon, ang katapatan ni Senadora Santiago sa dating Pangulo ay hindi na mahalaga:

We feel that on a character assessment, you give respect to people who will show or who have exemplified loyalty not only to Erap but in many situations.”[126]

 

            Isa pang bagay na sinuri ni Senadora Dantiago sa kanyang paglipat-partido, ay ang kanyang pamilya.  Nauna nang nabanggit na ang ugnayan ni G.Michael Defensor, pamngkin ng naturang Senador at tagapagsalita ni Pangulong Arroyo; at ang kapatid ni sating-Senador Santiago na si Heneral Benjamin Defensor, isa ring taga-suporta ni Pangulong Arroyo ang humimok sa kanya upang sumali sa Administrasyon:

At a minor personal level this comes as a relief to me because it is very difficult to belong to a family that has different political affiliations.”[127]

 

            Ngunit hindi naman maiiwasan na isipin ng ilan na may kapalit ang pagtakbo ni Senadora Santiago sa administrasyon. Tinanggi ito ni Defensor at sinabing:

There’s no quid pro but … even looking at the person [Gen.Defensor] he’s very much qualified to help in any capacity.”[128]

 

            Ito’y bilang tugon sa sa alegasyon ng posibleng maitalaga sa posisyon sa pamahalaan ang mga kamag-anak ng dating senador bilang pambayad utang na loob[129] ni Pangulong Arroyo.

            Pabiro naming sinabi ni Senadora Santiago na higit na madali na makipag-ugnayan sa Pangulo sapagkat sila ay parehong nakatira sa La Vista : “My place is just walking distance from GMA’s house.  I always pass there when I am jogging.[130]        

Sa Press Confrerence na pinatawag ni Senadora Santiago upang kanya ng pormal na ihayag ang kanyang desisyon na pagsapi sa K-4 kasabay ng paglalagda ng  tatlong partidong pulitikal: Lakas-CMD, Partido Liberal at ang People’s Reform Party (PRP)[131]  sa Covenant of Unity,  sinabi ng Senadora na:

“…I will request the camp of Presidente Macapagal-Arroyo to hold a press conference which will be attended by all my relatives, who are already in Administration aprty (Lakas-CMD), including my nephew Michael Defensor, my brother Benjamin Defensor, my first cousin Rep.Arthur Defensor, and my husband’s first cousin Rep.Jose Yap.”[132]

 

            Enero 9, 2004, pinakita ni Senadora Santiago at Pangulong Arroyo ang maganda at mainit na  turingan nila sa isa’t-isa  nang sila’y magyakap at magbeso-beso.  Isang patunay sa sa pulitika: there is no permanent friends in politics but permanent interests

            Kung dati’y puro maanghang na salita ang pasaring ng Senadora kay Pangulong Arroyo.  Isa na rito ang pagkwestiyon niya sa legalidad ng pagkakaluklok ng Pangulo sa kapangyarihan:

I never really issued any major opposition statement against her [Ms.Arroyo] and her policies except that of the constitutionality of her government.”[133]

 

Ito’y kanyang tugon sa mga katanungan na kung ang pagpasok niya sa Administrasyon ay nanganaghulugan ng tuwiran niyang pagtanggap sa legalidad ng Administrasyon ni Pangulong Arroyo na kanyang tahasang kinundina noong Edsa III.

            Ayon pa sa Senadora, bagama’t hindi siya naniniwala na naayon sa Saligang Batas  ang Administrasyon ni PAngulong Arroyo, hindi an ito mahalaga sapagkat ang termino ni dating-Pangulong Joseph Estrada ay matatapos na rin naman sa pagpasok ng Mayo 10, 2004.[134]

Samantala sa nasabing kaganapan, ipinarating ng senador sa mga bago niyang ka-alyado:“This is a unique period in the Philippine Political History.  You are witnessing History unfold before your eyes.”[135]

 

Ayon sa Senadora, may dalawang katanungan siyang pinag-aralan hanggang sa magdesisyon  siyang tanggapin ang alok ng Administrasyon.  Ang unang katanungan ay tungkol sa Ekonomiya ng bansa: kung bakit hindi ito kasing unlad ng inaasahan?  Paliwang naman ni dating-Senador Santiago :

“But the proper question, I submit is: could anyone have done better in the light of the development in the global or international economy?  I submit the answer is No, no one could have done better than the President in the last three years.”[136]

 

Ang ikalawa naming katanungan ay: kung ang sambayanan ba ay boboto para sa matatag na Republika at Ekonomiya o para lamang sa ngalan ng popularidad:? 

“I presume every Filipino will want to exercise his freedom of conscience on this issue.  But as for me, I chose the side of political stability and, therefore, I chose to ally myself with a leader, President MAcapagal-Arroyo.”[137]

 

Ito’y malinaw na manipestatsyon ng pag-kwestyon ng Senadora sa abilidad ng standard-bearer ng Oposisyon na si FPJ.  Matapos ang kanyang pagpapaliwanag sa kadhilanan ng kanyang paglipat sa Administrasyon nag-iwan siya ng kataga:

“In the words of the poet, that mission is to seek, to fight, and not to yield.  Filipinos of the Republic, come to the Administration alliance.  Let us seek, we are fighting, we will never yield.”[138]

 

            Matapos ang pahayag ng Senadora, nilapitan siya ni Pangulong Arroyo at kinamayan, nagbeso-beso at winika ni Pangulong Arroyo ang mga simpleng katagang:“Miriam, thank you, thank you”[139]

Ipinahayag pa ni Pangulong Arroyo ang dahilan kung bakit gusto niyang mapasali si Senadora Santiago sa kanyang koalisyon sa kabila na ang huli ay kapanalig ni dating Pangulong Estrada:

Miriam is a good lawyer and the people listens to her.  [Her] issue with me is not my governance but that I am a de facto and not de jure [President].  Now that is for 2001-2004, not for 2004 going onward.[140]

Sadya namang sa bawat desisyon, mayroong sasang-ayon at mayroon ding susubali.  Ang desisyon ng Administrasyon na paboran ang pagpasok ng mga taga-Oposisyon sa K-4 ay ikinagalit ng ilan sa loob mismo ng administrasyon.

            Nagpahayag ng matinding emosyon si Kalihim Heherson Alvarez, taga-pagsalita ng Lakas-CMD, tungkol sa pagkakatanggal ng kanyang pangalan sa listahan ng mga kandidato sa pagka-Senador ng K-4.  Ito ay matapos na pormal ng ideklara ng administrasyon ang 11 nitong kandidato at sinasabing ang ika-12 puwesto ay inireserba para kay dating-Senador MiriamDefenor- Santiago .   Noong Enero 5, 2003, nag-sumite ng Certificate of Candidacy si Alvarez bilang Independent sa pamamagitan ng kanyang anak na si Hexilon.  Mariing kinundena ni G. Alvarez ang pagbibigay-priyoridad ng Pangulo sa mga kandidato mula sa oposisyon na kapanalig ni dating-Pangulong Joseph Estrada. Ayon pa sa kanya ito binale-wala raw ng  Pangulo ang mga  ipinaglaban nito sa Edsa II:

Drafting Estrada supporters for the administration line up has exceedingly compromised what the people had fought for in Edsa 2.[141]

 

Paliwanag pa ni G.Alvarez sa isang panayam sa telepono ng INQUIRER:

“I was hoping we could carry the spirit of Edsa II.  Now it would look to the people like we have lost our balls or bearings.”[142]

 

Hindi naman itinago ni G.Alvarez ang sama ng loob nito sa administrasyon at tahasang ipinahayag:

I’m very much in pain.  It will be difficult for me to be the spokesperson of a ticket where you cannot manifest the spirit of Edsa II.

 

I’m not crying for blood, but I’m crying for a fair trial

“She’s showing lack of vision, there’s too much pragmatism that threatens the development of the party.  Marami siyang maling desisyon (She has made many wrong decisions)” [143]

 

Ayon pa kay G.Alvarez, kinukumpormiso daw ng partidong Lakas ang mga prinsipyo nito.  Kanyang sinabi:

They’re doing all sorts of things in the party.  They’ve put in candidates from different jungles.  Tell me is that right?”[144]

 

Samantala kanyang pinagdiinan na hindi niya iko-kompromiso ang kanyang prinsipyo taliwas sa ginagawa ng kanyang partidong kinabibilangan.  Kanyang pinaliwanag:

I have been at the forefront of the struggle since martial law.  I fought to have ill-gotten money given to land reform.  I authored the impeachment charges against a corrupt president.[145]

 

Matapos namang tahasang ipahayag ni G.Alvarez ang kanyang mga saloobin, inalok naman ng administrasyon ang naturang tagapagsalita ng Lakas-CMD ng puwesto sa Departamento ng turismo na iniwan ni Senador  Richard “Dick” Gordon.  Paliwanang ni Speaker De Venecia:

“Alvarez, who is also the Cabinet officer in charge of overseas Filipino communities, could make a good tourism secretary.”[146]

 

Ayon pa kay Speaker de Venecia,  na hindi ninais ng administrasyon na mawala si Alvarez sa kabila ng pagpili nila kay dating-Senador Santiago .  Ipinahayag ni Speaker de Venecia:“We don’t want to lose a dynamic spokesperson.”[147]

            Nagpahayag naman ng kalungkutan si dating Kalihim.Hernando “Nani” Perez, Secretary-general ng partidong Lakas sa posibleng pagtalikod ni G.Alvarez sa partido at kanyang sinabi:

“I haven’t confirmed this information yet, but if it’s sure, I am very sorry to hear that I hope he will reconsider.”[148]

            Ipinaliwanag din naman ni G.Perez kay G.Alvarez na batay sa mga resulta ng survey ng Pulse Asia Inc. at SocialWeather Station, mababa ang posibilidad na siya’y manalo.  Ngunit tugon namn ni G.Alvarez:

When principles are involved, the surveys become irrelevant.  Besides, I was elected comfortably in national elections.”

 

Samantala, sinubukan din namang tignan ni G.Alvarez ang iba nitong maaring tunguhin.  Isa na rito ang pakikipag-usap sa kampo ni dating-Kalihim Raul Roco.  Ayon sa kanya: “I’m not yet joining Roco but…I’mlooking at our common affinity.’[149]Dagdag pa ni G.Alvarez:

“I found out that I have sympathies for his position, particularly his uncompromising position on graft and corruption.  Let’s just say I’m opening up talks with Roco.”[150]

 

Nang tanungin naman si G.Alvarez ukol sa alok ng administrasyon na manatili sa Kabinete ng Pangulong Arroyo, kanyang tinugon:

“I’m still in a deep dilemma.  But hope springs eternal in an activist heart.”[151]

 

Dagdag pa niya:

“If all we do is political opportunism, lagi na lang tayong paurong (we will always be retrogressing).”[152]

 

            Enero, 12, 2004, tuluyan nang tinalikuran ni G.Alvarez ang kanyang partidong Lakas-CMD at tinanggihan ang alok ng administrasyon na puwesto sa Gabinete ni Pangulong Arroyo.  Kanyang matibay na ipinahayag:

 

“I, therefore, relinquish my position as spokesman of the party.  With due respect to the president, I also decline the Cabinet position that has been offered to me, either as tourism secretary or the powerful office of anti-drug czar.”[153]

 

Ipinaliwanag naman ni G.Alvarez ang kanyang dahilan sa pagtalikod sa administrasyon.  Ayon sa kanya:

I could not speak for some candidates whose pronouncements and public postures contradict the ideals we had held high andfought for in the impeachment that led to Edsa II.”[154]

 

Dagdag pa niya:

I am deeply concerned with the identity crisis that is currently gripping Lakas-CMD as a result of the entry of certain personalities in its senatorial slate.”[155]

 

            Ayon kay Alvarez, maraming miyembro ng partido ang nadismaya sa naging pasya ng administrasyon. Tulad na lamang ni Rep.Jacinto Paras ng Negros Oriental, na hinimok ang Pangulo na alalahaning maigi ang naging papel ni Alvarez sa pagkakaluklok niya sa Malacanang sapagkat si Alvarez mismo ang siyang nagpasinaya sa Impeachment ni dating-Pangulong Estrada.  Ayon kay Rep.Paras:

Alvarez is right.  It was Alvarez who started it. [He] should be credited with starting the impeachment of Estrada which resulted in the installation of GMA.”[156]

 

           

 

Sa kabilang banda, may ilan ring nagnanais na mapalitan na si G.Alvarez bilang tagapagsalita ng partidong Lakas-CMD.  Ayon sa isang dokumento mula sa Malacanang naitala na ilang mga opisyal ng Palasyo ang nagnanais na siya’y mapalitan na:

His acts and comments show that he is no longer the professional party spokesperson but his own.  He should be replaced by Lakas immediately.”[157]

 

            Ilang grupo din ng mga kinatawan ng Lakas ang nagtanggol sa desisyon ni Pangulong Arroyo.  Ilan sa kanila ay sina:  prospero Nograles, Prospero Pichay, Allan Peter Cayetano, Monico Puentevella at Augusto Syjuco.  Sila ay nagpahayag na kailangang magsakripisyo ni G.Alvarez para sa higit naikabubuti ng ating bansa.[158]

            Narito ang ilan sa kanilang indibidwal na pahayag:

            Ayon kay Rep.Nograles:

“Sony is a friend from street parliament days.  But obviously his personal ambition has blurred his vision.  His sour grapes are not good for our country.”[159]

 

            Ipinahayag naman ni Rep.Pichay:

As party spokesperson, Alvarez should exemplify real statesmanship by respecting the coalition’s choice of its senatorial slate.”[160]

 

Ayon namn kay KalihimMichael Defensor, tagapagsalita ni Pangulong Arroyo sa pulitika at usapin sa kampanya, na simple ang naging tugon ni Pangulong Arroyo, hayaan na lamang si Alvarez sapagkat naiintindihan niya ang saloobin niya.  Paliwanag ni G.Defensor:

The President understands the situation of Senator Alvarez.  She understands that the senator is in pain and we hope to patch things as soon as possible.”[161]

 

Samantala, bago pa man pormal na iproklama  ng administrasyon ang pagpasok ni Senadora Miriam Defensor-Santiago sa administrasyon, binasag ng Pangulo ang kanyang katahimikan tungkol sa mga pasaring ni.Alvarez:

I understand his feelings but what is important to me is platform not individuals.”[162]

 

Bukod sa walang pigil na pagpapasaring ni G.Alvarez sa pasya ni Pangulong Arroyo na ipasok sa senatorial slate si  Senadora Santigo sa tiket ng administrasyon may ilan ding kasapi ng partidong Lakas-CMD ang tahasang kumundina sa nasabing desisyon.  Isa na rito si Kinatawan .Jacinto Paras ng Negros Oriental:

A lot of congressmen and leaders, most of them identified with FVR called me up saying they will leave Lakas if Miriam, and not Alvarez, would make it.  Miriam been critical of FVR and GMA.  Now she wants to be with us.  She is criticizing Loren Legarda as a political opportunist but Miriam is worse.  She is the real political opportunist.”[163]

 

Kung mayroong pag-alma sa loob ng administrasyon, nagpakita rin ng pagka-dismaya ang Oposisyon sa naturang desisyon ng Senadora.  Matapos pasaringan ni dating-Senador Santiago si Fernando Poe Jr, kandidato sa pagka-Pangulo ng KNP, na kulang ito sa kaalaman at kakayahang maglingkod sa bayan, binuweltahan ito ng dating kasama sa oposisyon na si dating Senador Ernesto Maceda:

“So much water has passed under the bridge.  It is very difficult at this time to reconcile Miriam with the opposition.”[164]

 

            Kung may tumututol sa pagpasok ni Senadora Santiago sa K4, mayroon namang mga natuwa kabilang na rito sina Kinatawan Willie Villarama ng Bulacan at Rodolfo Albano ng Isabela. Ayon kay Villarama:

She shoots right.  She hits the bull’s eye with her colorful language that can be understood by both PhD and grade school graduates.  Her credibility is also legend.”[165]

 

 Pahayag naman ni Albano :

 

The inclusion of an oppositionist like Miriam fulfills the reconciliation theme of the coalition.  Miriam has many followers and can contribute to the coalition’s ause.  Her candidacy is backed by experience and a clear nationalist conscience.”[166]

 

            Sa isang panayam ng TIMES kay Senador Osmena, isa rin sa mga taga-oposisyong sumapi sa administrasyon, tahasang sinabi ng senador na laos na si G.Alvarez:

“It’s high time Alvarez accepted the truth that can nolonger win.  Hindi siya dapat mahiya na tanggapin ang katotohanan na laos na siya (He should not feel ashamed to accept the truth that he is washed up).”[167]

 

Dagdag pa ni Senador Osmena:

“[Alvarez] is like a Coca-Cola bottle that has been left open the whole night: he no longer has the fizzle or the spirit.  It is better for him to retire at this stage, or help in the campaigning.  If his bet wins, his services might be tapped.”[168]

 

            Bilang tugon sa mga pasaring ni Senador, isinalarawan ni Alvarez ang una sa isang ‘jumping frog, a loser and a certified trapo’[169]Ayon pa sa kanya:

He likened me into a Coca-Cola bottle which has already lost its spirit? Well, at least I have not yet lost in a national election, unlike him who hardly made it to the Senate.”[170]

 

Dagdag pa ni G.Alvarez:

In the history of politics, he is themost ‘trapo’ because he always changes his party affiliation.  He is like a jumping frog, kokak ng kokak at lundag ng lundag (croaking and croaking, and jumping and jumping).”[171]

 

            Ang mga ganitong pasaringan at palitan ng masasakit na salita ay hindi na rin bago sa larangan ng pulitika sa bansa.  Sa isang banda ito’y nakakainis sapagkat ang mga lider ng bansa ay dapat na kumikilos ng maayos at umasal ng desente, ngunit kapansin-pansing nakalilimot ang ilan sa responsibilidad nilang ito.  Sa kabilang banda, nakatatawa ang ganitong mga tagpo na nagmistulang isang sitcom sa telebisyon kung saan ang bawat isa’y naglalaitan.  Isang mahalagang kaganapan ito sapagkat ipinapakita na tunay ngang krusyal ang pagpili ng kandidato sapagkat siguradong may magdidiwang at may aaray sa anumang desisyong bibitawan ng bawat partido. Ipinapakita rin kung gaano kalalim ang sugat na maaring iwanan ng iba’t ibang pananaw at paninindigan sa larangan ng pulitika.

Samantala, ang desisyon ni Senador Rodolfo Biazon ay nagpainit din ng mga kaganapan kahit hindi pa nagsisimula ang kampanya.  Ang desisyon ng naturang senador na tumalon ng bakod patungo sa administrasyon ay ikinasama ng loob ng mga kasapi ng Alyansa ng Pag-asa ni dating Kalihim Roco.  Hindi naman napigilang magbigay ng reaksyon ni Herminio Aquino, runningmate ni dating-Kalihim Raul Roco. Ayon kay Aquino:

“I don’t know how people will look at Sen.Rodolfo Biazon after he joined the administration ticket.” [172]

 

            Paliwanag pa ni Aquino na kailangan nilang magpatuloy sa kanilang pangangampanya at huwag magpa-apekto  sa desisyon ni Senador Biazon:

It’s unfortunate, but they have to respect Biazon’s decision and move on.  What can we do? That’s his personal choice.”[173]

 

            Sinalaysay din ni G.Aquino na tinawagan siya ng naturang Senador at humingi ng permiso na siya’y makasali sa Partido Liberal.  Kanyang pagsasalaysay:“He said he’ll join the LP and then later on he’ll follow the party line.”[174]

            Kinundina ni G.Aquino ang lagay ng partido pulitikal  sa bansa na  patungo sa landasin ng tradisyunal na mundo ng pulitika: 

What’s happening now is that the national political arena has degenerated into a local political [contest]…the same traditional politics that we’re up against and which our people are sick and tired of.”[175]

 

            Kinumpirma naman mismo ng standard-bearer ng partidong Alyansa sa Pagasa na si Dating-Kalihim Raul Roco (Edukasyon),  ang paghingi ni Senador Biazon ng permiso sa kanya na maendorso siya ng ibang mga partido.  Sa sariling palatuntunan sa DZRH ng dating Kalihim naganap ang kumpirmasyon.  Tinugon naman niya ito ng pagsang-ayon sa kondisyong hindi magmumukang isinantabi ni Senador Biazon ang kampo niya.[176]

            Ayon naman sa ilang balita, tinagurian namang ‘oportunista’ ni Dating-Kalihim Raul Roco (Edukasyon), si Senador Biazon matapos nitong talikuran ang partidong Alyansa ng Pagasa.

            Tinugon naman ito ni senador Biazon at sinabing hindi naman mahalaga sa kanya kung tagurian siyang ‘balimbing’[177] sapagkat ito’y tunay ng bahagi ng Pulitika sa ating bansa.  Kanyang pagpapaliwanag:

Tell me of any politician in this country who has not changed party affiliation one time or another in the past.  I don’t think this is an issue.” [178]

           
            Ang paglilipat-partido ng mga kandidato ay hindi lamang dahil sa kanilang kagustuhan na manalo o para sa kanilang personal na interes. Ayon sa isang Senador[179] na dating taga-oposiyon na sumapi sa koalisyon ni Pangulong Arroyo noong nakaraang halalan, kaya raw niya nilisan ang partido na kanya dating kinaaniban dahil hindi niya matanggap ang standard bearer nito na Fernando Poe, Jr. Sa kanyang paglalahad, nakasama raw niya sina Senador Angara at Fernando Poe, Jr. sa isang paggawad ng parangal, at nang lumiban pansamantala sa kanilang tatlo si Senador Angara ay kinausap niya si FPj kung ito ba’y desidido ng tumakbo. Tumayo sa nakilalang porma si FPJ at nagkamot ng ulong sinabing “Pinipilit lang nila ako, eh…” At nang tanungin ng naturang senador kung ano ang masasabi ni FPJ sa GATT  WTO ay nanahimik ito at walang maisagot. Makalipas ang tatlong araw, tinawagan daw niya si Senador Angara na hindi matatangap ang standard bearer nito dahil wala itong kakayahang pamunuan ang bansa.

Ngayong napili na ang mga kandidato na bubuo sa slate ng  Koalisyon, atin namang tignan sa susunod na kabanata ang mga kaganapan sa kanilang kampanya, ang kanilang ugnayan sa isa’t-isa at ang mga pakulo at gimik na kanilang ginawa upang makuha nila ang boto ng mga tao.


 

[1]           Tancangco, Luzviminda. The Electoral System and Political Parties in the Phlippines. Singapore : Oxford University Press, pp.87.

 

[2]           Dejillas, Leopoldo J. Role of Political Parties in Government and Society. Manila :

Konrad Adenaeuer Foundation, 1995. pp 45-46

 

[3]           Lande, Carl Herman. The Philippine Political Party System. Lawrence , Kansas : International Studies, University of Kansas , 1967. p. 25.

 

[4]           Cynthia Balana“Lakas Spokesman vents ire on GMA.” Philippine Daily Inquirer. 7 Enero 2004. tomo19 bilang 30 A1 at A15

 

[5]           Esplanada, Jerry at Javellana, Juliet Labog-.” Good-bye FPJ, hello GMA’ for Mirriam.” Philippine Daily Inquirer. 9 Enero 2004. tomo 19 bilang 32 A1 and A8

 

[6] ”Miriam may join GMA” Philippine Daily Inquirer. 5 Enero 2004. tomo 19 bilang 28 A1 at A8

 

[7]  “GMA unveils K4 Coalition with show of force.” Philippine Daily Inquirer. 6 Enero 2004. tomo 19 bilang 29 A1 at A14

 

[9] Rommel C. Banlaoi at Clarita Carlos. Political Parties in the Philippines -from 1900 to the present. Manila : Konrad Adenaeuer Foundation, 1996. p.183.

 

[10] Carlos, Clarita R. Dynamics of Political Parties in the Philippines . Makati : Konrad Adenaeuer Foundation, 1997.

[11] Ang pagbabago ng pangalan ay kinatigan ng Komisyon sa Halalan sa bisa ng resolyong pinalabas nito noong ika-3 ng Enero 2004. (SPP 02-008)

[12] Si Apolinario Lozada ay ang dating pinakamataas na opisyal ng Lakas CMD sa Visayas.

[13] Carla P. Gomez at Balana, Cynthia D.” 90 local bets bolt K4 for Poe’s side.” Philippine Daily Inquirer. 30 Marso 2004. tomo 19 bilang113 A1 at A14

[14] Jerry Esplanada.”Erap ally defects to GMA.” Philippine Daily Inquirer. 16 Enero 2004.

tomo19 bilang 99 A15

 

[15]            Carla Gomez.“Lakas solon sees members leaving party to join Poe” Philippine

Daily Inquirer. 5 Disyembre tomo18 bilang 341 A3

 

[16]          Carlos, Clarita R. Dynamics of Political Parties in the Philippines . Makati : Konrad Adenaeuer Foundation, 1997. pp.126-127

 

[17] Go, Miriam Grace A. “Allies For Now.” Newsbreak. 8 Disyembre 2003. p 8

 

[18]          Balana, Cynthia D. “Gloria is our bet, says NPC lawmakers.” Philippine Daily Inquirer.  30 Nobyembre 2003. tomo 18 bilang 355 A6

 

[19]          Tubeza, Philip C. at Pablo, Carlito.”’Covenant’ may make, break political fate of

Macapagal.”Philippine Daily Inquirer. 8 Nobyembre 2003 tomo18 bilang 333 A8.

 

[20] Carlos, Clarita R. Dynamics of Political Parties in the Philippines . Makati : Konrad Adenaeuer Foundation, 1997. pp. 180-183

 

[21]            Javellana, Juliet Labog-. “GMA Mirriam seal union with kisses.” Philippine Daily Inquirer. 10 Enero 2004. tomo 19 bilang 33 A1 and A4

 

[22] Ibid. A1

[23] Ibid. A4

[24]             Jerry Esplanada,.”Declares her Independence .” Philippine Daily Inquirer. 25 Hulyo 2004.

tomo19 bilang 220 A3

 

[25]          Carlos, Clarita R. Dynamics of Political Parties in the Philippines . Makati : Konrad Adenaeuer Foundation, 1997. p 79

 

[26] Ibid. p80

[27] Panayam kay Ginoong Benigno “Noynoy” Aquino III, Kinatawan ng Tarlac at

Secretary General ng Partido Liberal, Kapulungan ng mga Kinatawan, Batasan Complex, Lungsod Quezon Ika-14 ng Pebrero, 2005

 

[28] Panayam kay Usec. Jose Luis Martin Gascon, Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng

Edukasyon, Kultura at Isports at Kasapi ng Partido Liberal, Dep Ed Complex,

Meralco Avenue , Lungsod Pasig ika-18 ng Pebrero, 2005.

 

[29] Panayam kay Ginoong Benigno “Noynoy” Aquino III, Kinatawan ng Tarlac at

Secretary General ng Partido Liberal, Kapulungan ng mga Kinatawan, Batasan Complex, Lungsod Quezon Ika-14 ng Pebrero, 2005

 

[30]             Panayam kay Usec. Jose Luis Martin Gascon, Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports at Kasapi ng Partido Liberal, Dep Ed Complex,Meralco Avenue, Lungsod Pasig ika-18 ng Pebrero, 2005.

 

[31] Ibid.

[32] Castro, Isagani De Jr. “KNP Plays Catch Up.” Newsbreak. 2 Pebrero 2004. p 12

[33] Pazzibugan, Dona, Balana, Cynthia at Marfil Martin. “Offers for Biazon”Philippine

Daily Inquirer. 24 Nobyembre 2003 tomo18 bilang 329 A6

 

[34] Jerry Esplanada.”K4 ally PDSP bolts administration coalition.” Philippine Daily Inquirer. 18 Enero 2004. tomo 19 bilang 41 A6

[35] Si Mandanas ay tumakbo sa pagka-Kinatawan at nanalo sa halalang 2004 sa ilalim ng Liberal Party, na isa sa mga partidong bumubuo sa K4

[36]          Roque, Anselmo.” Ecija gov., BALANE party backing Macapagal.” Philippine Daily Inquirer. 23 Nobyembre 2003. tomo18 bilang 348 A18

 

[37]             Panayam kay Rep. Mauricio Domogan, Kinatawan ng Lungsod Ng Baguio at

at Pinuno ng Timpuyog Ti Baguio, Kapulungan ng mga Kinatawan, Batasan Complex, Lungsod Quezon ika-14 ng Pebrero, 2005.

 

[38] Ibid

[39] Ibid

[40]          Burgos, Nestor Jr. at Gomez, Carla.” Iloilo, Bacolod parties back Macapagal in 2004.” Philippine Daily Inquirer. 27 Nobyembre 2003. tomo 18 bilang 352. A19

 

[41] Michael Lim Ubac, “Impatient Barbers Threaten To Bolt Lakas For Roco Camp” Philippine Daily Inquirer, December 21, 2003, p.A4.

[42] Ibid.

[43] Ibid.

[44] Tarra Quismundo and Raj Padilla, “Barbers Think He’s VP Pick, Drilon May Run”Philippine Daily Inquirer, December 1, 2003, p.A3.

[44] Ibid.

[45] interview withSenador Richard “Dick” Gordon, 26 January 2005.

[46] Ibid.

[47] Christine Avendaño and Carlito Pablo, Jr., “Team-up With Roco, Possible Says Gloria”Philippine Daily Inquirer, December 8, 2003, p. A2.          

[48] Ibid.

[49] Ibid.

[50] Dona Pazzibugan, “Roco Says No To Team Up With GMA”Philippine Daily Inquirer, December 9, 2003, p.A2.

[51] Dona Pazzibugan and Michael Lim Ubac, “Palace Woos Roco Anew: Romulo Met With De Villa On Monday” Philippine Daily Inquirer, December 10, 2003, p.A9.

[52] Isa ring opisyal ng Palasyo na appointee ng Pangulong Arroyo.

[53] Armand Nomuc and Dona Pazzibuagn, “Do A Laurel, GMA Ally Urges Roco”Philippine Daily Inquirer, December 19, 2003, p.A10.

 

[55] Ibid.

[56] Dona Pazzibugan, “Noli, Loren Lead Race For Veep Poll Shows”Philippine Daily Inquirer, December 2, 2003, p.A7.

[57] www.sws.org.ph

[58] Ibid.

[59] Dona Pazzibygan and Gil Cabacungan, Jr., “FPJ, Noli Neck And Neck”

Philippine Daily Inquirer, December 4, 2003, p.A4.

[60] Op. cit.

[61] Norman Bordadora, “Noli For President Group To Gather 3M Signatures.”Philippine Daily Inquirer, December 5, 2003, p.A20.

 

[62] http:/www.philstar.com.ph?News200312130411.htm

[63] Ibid.

[64] Ibid.

[65] Michael Lim Ubac and Norman Bordadora, “De Castro Bid Tackled In Secret London Meet”Philippine Daily Inquirer, December 13, 2003, p.A21.

 

 

[66] Ibid.

[67] Juliet Labog-Javellana, “Palace Keeps Mum On GMA’s Runningmate”Philippine Daily Inquirer, December 23, 2003, p.A2.

[68] Op. cit.

[69] Juliet Labog-Javellana, “Noli Has edge As GMA’s Veep”Philippine Daily Inquirer, December 27, 2003, p.A2.

[70] Ibid.

[71] Ibid.

[72] Juliet Labog-Javellana, “Parties Playing Waiting Game With Final Tickets”Philippine Daily Inquirer, December 28, 2003, p.A3.

[73] Christine Avendaño, “Noli Agrees To Be GMA Runningmate”Philippine Daily Inquirer, December 30, 2003, p.A3.

[74] Ibid.

[75] Ibid.

[76] Carlito Pablo, Jr., et.al., “It’s ABS-CBN vs. ABS- CBN In Vice Presidential Race” Philippine Daily Inquirer, December 31, 2003, p.A8.

[77] Christine Avendaño, “Noli Agrees To Be GMA Runningmate” Philippine Daily Inquirer, December 30, 2003, p.A3.

[78] Ibid.

[79] Carlito Pablo, Jr., et.al., “It’s ABS-CBN vs. ABS- CBN In Vice Presidential Race”Philippine Daily Inquirer, December 31, 2003, p.A8.

[80] Gil Cabacungan, Jr., et.al., “Palace Hails De Castro For Big Sacrifice”Philippine Daily Inquirer, December 31, 2003, p.A8.

[81] Ibid.

[82] www.philstar.com

[83] Ibid.

[84] Ibid.

[85] Ibid.

[86] Ibid.

[87] Ibid.

[88] Ibid.

[89]  www.inq7.net/brk/2003/0ct/02.htm

[90] Ibid.

[91] www.philstar.com/philstar/article=146784

[92] Efren Danao, “Biazon Junks Roco, John O Desrts FPJ”           Manila Times, January 5, 2003. (Nakalap mula sa opisyal na website ng pahayagan, www.manilatimes.com)

[93] Interview with Senator Rodolfo Biazon, 23 February 2005.

[94] “Roxas Quits Post To Run For Senate To Enjoy Son” Philippine Daily Inquirer, December 11, 2003. p.A8.

[95] Carlito Pablo, p.A4.

[96] Maila Ager, “1st 6 Lakas senate Bets Revealed”

Manila Times, January 3, 2004. (Nakalap sa opisyal na website ng pahayahan, www.manilatimes.com)

[97] Interview withRamon “Bong” Revilla, Jr., 22 November 2004.

[98] Ibid.

[99] Ibid.

[100] Ibid.

[101] Interview with Senator Pilar Juliana S. Cayetano, 87 December 2004.

[102] Interview with Senator Manuel Mar Roxas, III, 25 January 2005

[103] Interview with Senator Richard Gordon, 25 January 2005

[104] Ibid.

[105] Ibid..

[106] Ibid

[107] Michael Lim Ubac at Juliet Javellana, “Lakas Still Has To Fill Up Senate Slate”Philippine Daily Inquirer, January 4, 2004. p.A4.

[108] Efren Danao, “Biazon Junks Roco, John O Desrts FPJ”Manila Times, January 5, 2003. (Nakalap mula sa opisyal na website ng pahayagan, www.manilatimes.com)

[109] Si G.Democrito Mendoza ay matagal na namuno sa TUCP.

[110] “John, Oh John O”Newsbreak, Fenruary 2, 2004, p.37.

[111] Juliet Labog-Javellana, “Miriam May Join GMA: GMA Senate Slate Ticket Of Reconciliation”Philippine Daily Inquirer, January 5, 2004, p.A8.

[112] Ma.Theresa torres, “2 Lakas VIPs Elbowed Out By Outsiders”Manila Times, January 6, 2004. (Nakalap mula sa opisyal na website ng pahayagan, www.manilatimes.com)

[113] Ibid

[114] Juliet Labog-Javellana, “Miriam May Join GMA: GMA Senate Slate Ticket Of Reconciliation”Philippine Daily Inquirer, January 5, 2004, p.A8.

[115] Ibid

[116] Ibid

[117] Ibid

[118] Maila Ager and Cheryl Arcibal, “Miriam Embraces GMA: Santiago Entry Could Trigger Exodus Of Lakas Members” Manila Times,  January 9, 2003.  (Nakalap mula sa oisyal na website ng pahayagan, www.manilatimes.com)

[119] Ibid

[120] Ibid

[121] Jerry Espalanada and Juliet Labog-Javellana, “GFPJ, Hello Gma For Miriam” Philippine Daily Inquirer, January 9, 2004, p.A8.

[122] Matatandang isa si dating-Senador Miriam Santiago sa mgahindi bumitiw sa pagsuporta kay datin-PAngulong Estrada sa kabila ng pagtalikud ng maraming ka-alyado at taga-suporta ng dating apngulo noong Edsa II.

[123]  Maila Ager and Cheryl Arcibal, “Miriam Embraces GMA: Santiago Entry Could Trigger Exodus Of Lakas  Members” Manila Times,  January 9, 2003.  (Nakalap mula sa oisyal na website ng pahayagan, www.manilatimes.com)

[124] Ibid

[125] Ibid

[126] Jerry Espalanada and Juliet Labog-Javellana, “GFPJ, Hello Gma For Miriam”Philippine Daily Inquirer, January 9, 2004, p.A8

[127] Ibid

[128] Ibid

[129] favor reciprocated

[130] Ang La Vista ay isang subdibisyon sa Lungsod ng Quezon para sa mga nakararangya sa lipunan.

[131] Ang pagkakabuo ng alyansa ng mga ito ay anuna ng nabanggit.  Ang mga pipirma bilang katawan ng 3 nasabing partido ay ang mga sumusunod:  Apeaker Jose De Veneci, Jr., Presidente ng Lakas-CMD; President ng Senado Franklin Drilon, President eng Partido Liberal, at Gng.Elsie Carvajal, President eng PRP.

[132] Jerry Espalanada and Juliet Labog-Javellana, “GFPJ, Hello Gma For Miriam”Philippine Daily Inquirer, January 9, 2004, p.A8.

[133] Maila Ager and Cheryl Arcibal, “Miriam Embraces GMA: Santiago Entry Could Trigger Exodus Of Lakas  Members” Manila Times,  January 9, 2003.  (Nakalap mula sa oisyal na website ng pahayagan, www.manilatimes.com)    

[134] Ibid

[135] Ibid

[136] Juliet LAbog-Javellana, “GMA, Miriam Seal Union With Kisses”Philippine Daily Inquirer, January 10, 2004, p.A4.

[137] Ibid

[138] Ibid

[139] Ibid

[140] Ibid

                [141] Ma. Theresa Torres, “2 Lakas Vips Elbowed Out By Outsiders”Manila Times, January 6, 2004. (Nakalap mula sa opisyal na website ng pahayagang Manila Times, www.manilatimes.com)

[142] Juliet Labog-Javellana, “Miriam May Join GMA”Philippine Daily Inquirer, January 5, 2004, p.A8.

[143] Ibid

[144] Cynthia Balana, “Lakas Spokesman vents Ire On GMA”Philippine Daily Inquirer, January 7, 2004, p.A15.

[145] Ibid

[146] Ibid

[147] Ibid

[148] Maila Ager, “Alvarez To Quit As Lakas Spokesman”Manila Times, January 10, 2004. (Nakalap mula sa opisyal na website ng pahayagang Manila Times, www.manilatimes.com)

[149] Ibid

[150] Ibid

[151] Ibid

[152] Ibid

[153] Juliet Labog-Javellana, “Alvarez Resigns As Lakas Mouthpiece”Philippine Daily Inquirer, January 13, 2004, p.A2.

[154] Ibid

[155] Ibid

[156] Cynthia Balana, ‘Solon Reminds GMA That She Owes Alvarez”Philippine Daily Inquirer, January 8, 2004, p.A1.

[157] Ibid

[158] Ibid

[159] Ibid

[160] Ibid

[161] Ibid

[162] Jerry Esplanada at Juliet Labog-Javellana, “Goodbye FPJ, Hello GMA For Miriam”Philippine Daily Inquirer, January 9, 2004, p.A8.

[163] Cynthia Balana, ‘Solon Reminds GMA That She Owes Alvarez”

Philippine Daily Inquirer, January 8, 2004, p.A4.

[164] Maila Ager, “Miriam Embraces GMA:  Santiago Entry Could Trigger Exodus Of Lakas Members”Manila Times, January 9, 2004. (Nakalap mula sa opisyal na website ng pahayagang Manila Times, www.manilatimes.com)

[165] Juliet Labog-Javellana, “GMA, Miriam Seal Union With Kisses”

Philippine Daily Inquirer, January 10, 2004, p.A1.

[166] Juliet Labog-Javellana, “GMA, Miriam Seal Union With Kisses”

Philippine Daily Inquirer, January 10, 2004, pp.A1-A4.

[167] Sammy Martin, “John O Advises Alvarez: Face The Truth, You’re Laos” Manila Times, January 9, 2004.  (Nakalap mula sa opisyal na website ng pahayagang Manila Times, www.manilatimes.com)

[168] Ibid

[169] Maila Ager, “Alvarez Says He Dreads Kiss From ‘Loser Frog’, John O”Manila Times, January 10, 2004. (Nakalap mula sa opisyal na website ng pahayagang Manila Times, www.manilatimes.com). Ang trapo ay tumutukoy sa mga tradisyonal na pulitiko.

[170] Ibid

[171] Ibid

[172] Patricia Esteves, “Aquino Scores Biazon For Joining GMA Ticket”

Manila Times, January 6, 2004. (Nakalap mula sa opisyal na website ng pahayagang Manila Times, www.manilatimes.com).

[173] Ibid

[174] Ibid

[175] Ibid

[176] Ibid

[177] Ang Balimbing ay isang prutas na parehoang itsura sa lahat ng anggulo.  Ito’y sumisimbolo sa pulitiko na naglilipat on nagpapalit ng partido.

[178] Sammy Martin, “John O Advises Alvarez: Face The Truth, You’re Laos”

Manila Times, January 9, 2004.  (Nakalap mula sa opisyal na website ng pahayagang Manila Times, www.manilatimes.com)

[179] Nakiusap ang naturang Senador na aming nakapanayam na huwag banggitin ang kanyang pangalan.